Post ko lang ‘tong larawang ‘to, kasi kahapon muntik na akong mahuli ng pulis sa pagkuha ng larawang ‘to. ‘Di ko alam kung ano ang problema nung may-ari ng tindahan bakit ayaw nyang pakunan ng larawan ‘tong tinitinda nila. Pasimple na nga ang pagkuha ko (kunyari may kausap lang ako sa mobile pero pini-pichuran ko na), nahuli pa rin.
Marami pa syang sinabi, ‘yong iba hindi ko na maintindihan. Ang naintindihan ko lang eh:
“Kalas sadik, mamnu hada! Mamnu!” (Stop my friend, it’s not allowed! Not allowed!)
Ano bang meron sa larawang ito.
Sa pagkakaalam ko eh ganito sila kung mag-saing ng bigas.
Hindi na ko na nakunan ‘yong finished product na kanin, kasi nga medyo natakot na rin akong mag-pi-picture, baka nga tumawag ng pulis. Sa ibang pagkakataon nalang siguro.
‘Yon lang ‘yon. Ganoonpaman, syempre bilang respeto sa host-country… ang bawal, bawal. Mag-iingat na lang siguro sa susunod.
10 comments:
hala ka.. bakit ganyan yan?nakatikim ka na?..parang di ko feel..
dhezza, kulang lang sa halo 'yan, tsaka di pa kasi kumukulo, wala pa rin 'yong bigas dyan... he he he.... uu nakatikim na ako, medyo oily lang pero masarap...di sya advisable sa mga nag-da-diet...
nakow konting ingat lng sa piktyur piktyur dyan,,,i remember my friend when we were in dubai beach kinunan nya sarili nya ng picture from his celfun at tempong dumaan naman tong mag asawa na lokal galit na galit kala sila pinipiktyuran...kakabwisit
hahaha... astig ng mga mata ng may-ari. baka may sekretong recipe sya or ingredient. hehehe...
buti na lang masarap.
ang kulet kulet mo ME. buti ndi ka napapulis?
at dahil jan luluhod ka sa asin para parusa sau sa kakulitan mo hahahaha
ang wierd naman nun, ang damot ng tindera, parang picture lang!
pero bakit ganun sila mag saing ng bigas... ano lasa nun? masarap ba?
d. islander, uu nga ganun sila, takot sila sa camera, feeling lagi nila kung may nag-click na camera sa paligid sila na ang pinikchuran....ang medyo nakakatako eh kung pag-click eh me biglang sumigaw na babae, patay ka na - siguradong kukuyugin ka ng mga locals na "gentlemen" daw...
dong, siguro nga baka sa secret ingredients ng kanin nila, kasama ang pawis ng nagluluto, at take note kung gaano kalinis ang lutuan...
'poy, actually muntik-muntik na palaging mapulis. noong bawal pa ang mobile with camera dito, though may mabibili sa black market, minsan eh na-sam-sam na rin ang mobile ko, but at the end naman nakuha ko rin. iodized salt ba luluhuran?? he he he
pipita, wierd talaga - super wierd... pagnandito ka, matatanong mo ang sarili mo kung nasa earth ka pa ba? anyways, ito ang kultura nila dito at ako nakiki-hitch lang, ako na lang ang dapat makibaagay...ingat-ingat nalang..
damot naman nila...pikrure lang e..baka naman sila ang gustong magpapicture!!
ingat ingat lang doc love!=)
baka ayaw kasi hindi sya kasama dun sa pic. LOL! next time ihalo ang may ari dun sa niluluto para kasama sya sa picture
doc, ganun talaga sila dito, kala mo eh may mawawalang kung ano pagnapichuran.. anyways, doble ingat nalang siguro, kasi nga bansa nila 'to... ako na lang makibagay..
ifm, uu nga no, baka nga gusto nya kasama sya sa pichure.. he he he... kahit hindi na sya ihalo sa kanin, ok na 'yong katas at pawis nya, malasa na 'yon...eeewwww... bon appetit!
Post a Comment