Pati ‘yong sinasabing ngang working environment, eh nabago na rin. Pati ‘yong working habit ko, kahit papaano eh medyo na-ngangapa pa.
Ano-ano ang mga pagbabago? Sige nga isa-isahin natin.
ANG PALIGID
Sa Engineering, simple lang ang paligid. Vinyl ang sahig, maraming malalaking lamesa at sa malaking lamesa na ‘yon eh nakalatag ang santambak na drawings. Marami ring lapis at lead ng lapis, nagkalat ang mga pambura at mga highlighter. At mawawala ba naman ang ruler, syempre sangkaterba rin ang ruler; iba-iba pang klase at hugis, kung me ruler, aba alangan namang mawala pa ang calculator – kalat rin. Ang copier, plotter, at bunbon ng mga papel eh ‘di rin mawawala sa paligid.
Bukod sa mga kalat na ‘to, eh nagkalat din ang mga tao at parang abalang-abala ang lahat – ‘yong ipong hindi mo makausap. Tas ang daming palakad-lakad sa paligid, lakad dito, lakad doon. ‘Yong iba abala sa mga drawings, may nagbabasa, may nagsusukat, may nagplo-plot, meron din namang nagtsa-tsai lang o kaya kape. Sa madaling salita, parang palengke.. he he he… hindi naman ganoon, ‘ngalang kasama kasi sa engineering ang project execution kaya ang daming tao sa paligid.
Sa Administration Wing, simpleng-elegante ang paligid dito. Carpeted ang sahig, tapos merong mga halaman sa mga sulok. Tas ‘yon nga ‘yong mga walls namin eh salamin, kaya naman pare-parehas kaming nagkakapangitaan. Sa kinauupuan ko, kita ko kung ano man ang ginagawa ng aming Marketing Manager at Contracts Manager sa harapan ko, tas sa kaliwa ko naman eh ang Administration Manager, tas sa bandang unahan pa eh ang Project Control Manager naman. At kung ‘kala mo eh tapos na ang litanya ng mga managers na ‘yan, aba may pahabol pa; kasi sa kanan ko naman ang General Manager namin.
At kung sa Engineering eh santambak ang mga taong palakad-lakad, dito Admin eh ‚yong teaboy lang palakad-lakad para mag-refill ng kape o tsaa. Di lang ‘yon, sobrang tahimik ng paligid, na sabi ko nga before eh ultimo pag-tipa ko sa aking keyboard eh naririnig sa may main entrance. Opisina sya, pero parang walang nag-oopisina kasi nga tahimik ang lahat. May kanya-kanyang ring pinag-kakaabalahan pero di lang palakad-lakad.
Sa ngayon eh lima lang kaming nag-oopisina dito sa buong palapag, kasama na ‘yong teaboy; naka-bakasyon kasi ‘yong General Manager at ‘yong Marketing Manager.
PANANAMIT
Sa Engineering, nakakapasok ako ng naka-polo shirt lang at maong. Kung minsan pedeng naka-rubber shoes, pero dapat kadalasan eh safety shoes kasi pumupunta kami ng site project. Kung nasa me meeting eh nagpo-polo naman ako, pero naka-maong pa rin.
Sa Admin., eto ang malaking pinagbago. Kasi i have to wear long sleeve with all the tie and stuff. Syempre di na rin puede ang maong, kasi I have to wear slacks, at alangan naman ang rubber shoes sa slacks, kaya kailangan kong ‘yong “balat” na sapatos. Kaya nga eto, medyo stress ‘yong mga paa ko, kasi naninibago sa sapatos. At para mabawasan ang stress sa paa ko, eh kailangan ko pang mag-iba ng lakad; lakad na fit sa “balat”.
Total makeover talaga!
Eto ang kuha ko kanina..
Dito naman upo ang mga bisita... diba, parang may bibisita talaga s'kin..
Dito pwesto ko..