Saturday, 26 July 2008

Lipat Opis

Naglipat opisina ako… mula sa engineering, dito ako ngayon sa administration wing… ang pinaka-away ko pa naman sana sa lahat…

Bakit ayaw?

Aba ikaw na ang mag-opisina nang nasa kanan ang General Manager, sa kaliwa ang Administration Manager, sa tapat ang Marketing at Contract Manager, at lahat ng wall eh salamin...kaya naman para ako ngayong tumutulay sa alambreng may numero.

First day ko pa lang dito sa bagong opis, pero parang iba na ang aura, para bang mas lamang ‘yong “Ibalik nyo na ako sa Engineering!!!”…

Maganda naman ‘yong opis. Kumbaga, kahit papaano ngayon eh I have my own wall now… I have walls!!!.. damn glass walls… ang hindi lang salamin eh ang pintuan. Ok na rin sana, saan ka pa, meron na akong free-internet connection, at ang kape at tsaa eh bottom-less, pede pa mag-request ng cappuccino, and I have my own reception room..pede na ako tumanggap ng bisita nang hindi na tatambay sa lobby.. he he he…

Ok na sana ‘no, kung hindi lang sana medyo asiwa sa mga mudir (managers) sa paligid ko… at ako lang na Pilipino dito sa floor… at sa sobrang tahimik ng paligid, eh bawat tipa ng mga daliri ko sa keyboard eh umaalingaw-ngaw sa buong floor…

Ganoonpaman, unang araw pa lang naman… siguro masasanay rin sa mga susunod na panahon...

Wish me luck!

10 comments:

ramer said...

di ko napansin ang petsa.."MANAGERS' ROOM?" WOW..big-atin ka na..ibig sabihin, kaisa ka na nila..di ka na makakangungulangot nyan hehehe..moneyger na moneyger na talaga dating mo..ibang iba ka na dude!

raymer said...

sa kalaunan, di na ako magtataka kung kahit ang mga lathalain mo ay ipapatype mo na sa personal executive assisstant mo..lupit..saka ang mga lathalain mo na ay tungkol sa management..standout ka jan kasi ikaw lang pinoy!hayooh!mabuhay..hehe

pipita said...

wow! astig ka pala!! go mangyan!congrats! kaya mo yan... iwagayway mo ang bandila ng mindoro! gow!!!mabuhay ka mangyan..

Rio said...

mangyan, congrats sa bago mong silid!!=)

me said...

raymer, lumipat lang ga ako ng opis, ganun pa rin naman sahod... he he he..manager? feeling lang..

pipita, maraming salamat..

rio, salamat rin po sa pagbati.

Richard the Adventurer said...

Nice naman....

Umaangat si Kuya!

the donG said...

naranasan ko na rin yan. pero tama ka sanayan lang unless talagang badtrip ang mga kasama mo dyan.

ifoundme said...

teka.. na promote ka no?? no? no??? waaaahhhh!!!! congrats!!!! manlibre ka ng jollibeee!!!!!!

PoPoY said...

o huwaw. UPGRADED ka na me. congratumalations! asteeg ka talaga. cge bisita ako sau jan sa Friday ha? hahhahaha

me said...

richard, di naman angat 'yon, lipat lang ako ng puesto..

dong, uu nga medyo asiwa pa ngayon kasi nga parang wala lagi sa mood makipagusap 'tong mga kasama ko dito..

ifm, di 'to promotion.. lipat lang ako opis.. he he he.. pero Jabee lang pala eh, ano tara-lets!

poy, upgraded ba, di naman reloaded lang.. he he he.. sige ha hintay kita sa Friday...har har har