Wednesday, 30 July 2008

Ang Bagong Ungkutan ng Mangyan

Sa paglipat ko nga dito sa bago kung opisina eh bukod sa pagbabago ng aking kapaligiran, at pagbabago na rin ng mga taong nakapaligid sa akin (ung mga kapit-silid ko ba), eh medyo malaking pakikibagay rin ang kailangang gawin ng mangyan..

Pati ‘yong sinasabing ngang working environment, eh nabago na rin. Pati ‘yong working habit ko, kahit papaano eh medyo na-ngangapa pa.

Ano-ano ang mga pagbabago? Sige nga isa-isahin natin.

ANG PALIGID

Sa Engineering, simple lang ang paligid. Vinyl ang sahig, maraming malalaking lamesa at sa malaking lamesa na ‘yon eh nakalatag ang santambak na drawings. Marami ring lapis at lead ng lapis, nagkalat ang mga pambura at mga highlighter. At mawawala ba naman ang ruler, syempre sangkaterba rin ang ruler; iba-iba pang klase at hugis, kung me ruler, aba alangan namang mawala pa ang calculator – kalat rin. Ang copier, plotter, at bunbon ng mga papel eh ‘di rin mawawala sa paligid.

Bukod sa mga kalat na ‘to, eh nagkalat din ang mga tao at parang abalang-abala ang lahat – ‘yong ipong hindi mo makausap. Tas ang daming palakad-lakad sa paligid, lakad dito, lakad doon. ‘Yong iba abala sa mga drawings, may nagbabasa, may nagsusukat, may nagplo-plot, meron din namang nagtsa-tsai lang o kaya kape. Sa madaling salita, parang palengke.. he he he… hindi naman ganoon, ‘ngalang kasama kasi sa engineering ang project execution kaya ang daming tao sa paligid.

Sa Administration Wing, simpleng-elegante ang paligid dito. Carpeted ang sahig, tapos merong mga halaman sa mga sulok. Tas ‘yon nga ‘yong mga walls namin eh salamin, kaya naman pare-parehas kaming nagkakapangitaan. Sa kinauupuan ko, kita ko kung ano man ang ginagawa ng aming Marketing Manager at Contracts Manager sa harapan ko, tas sa kaliwa ko naman eh ang Administration Manager, tas sa bandang unahan pa eh ang Project Control Manager naman. At kung ‘kala mo eh tapos na ang litanya ng mga managers na ‘yan, aba may pahabol pa; kasi sa kanan ko naman ang General Manager namin.

At kung sa Engineering eh santambak ang mga taong palakad-lakad, dito Admin eh ‚yong teaboy lang palakad-lakad para mag-refill ng kape o tsaa. Di lang ‘yon, sobrang tahimik ng paligid, na sabi ko nga before eh ultimo pag-tipa ko sa aking keyboard eh naririnig sa may main entrance. Opisina sya, pero parang walang nag-oopisina kasi nga tahimik ang lahat. May kanya-kanyang ring pinag-kakaabalahan pero di lang palakad-lakad.

Sa ngayon eh lima lang kaming nag-oopisina dito sa buong palapag, kasama na ‘yong teaboy; naka-bakasyon kasi ‘yong General Manager at ‘yong Marketing Manager.

PANANAMIT

Sa Engineering, nakakapasok ako ng naka-polo shirt lang at maong. Kung minsan pedeng naka-rubber shoes, pero dapat kadalasan eh safety shoes kasi pumupunta kami ng site project. Kung nasa me meeting eh nagpo-polo naman ako, pero naka-maong pa rin.

Sa Admin., eto ang malaking pinagbago. Kasi i have to wear long sleeve with all the tie and stuff. Syempre di na rin puede ang maong, kasi I have to wear slacks, at alangan naman ang rubber shoes sa slacks, kaya kailangan kong ‘yong “balat” na sapatos. Kaya nga eto, medyo stress ‘yong mga paa ko, kasi naninibago sa sapatos. At para mabawasan ang stress sa paa ko, eh kailangan ko pang mag-iba ng lakad; lakad na fit sa “balat”.

Total makeover talaga!

Eto ang kuha ko kanina..

'Yon upuaan ko, dyan ako sa sulok.

Dito naman upo ang mga bisita... diba, parang may bibisita talaga s'kin..
Dito pwesto ko..



8 comments:

Rio said...

yey! ako ang unang nakabisita sa iyong malapalasyong opisina..ang ganda naman ng iyong silid mangyan..pang mayaman..hehehe.at ang porma mo..cannot be reach na!!..
hmmm...sympre hindi na ata tama na mangyan lang ang itawag ko sau...simula sa araw na ito...ikaw na si.. boss mangyan!!..hehe..
boss mangyan, pakape ka naman!

raymer said...

NAKUPO!e di para ka nyang sasagala lagi..o di kaya, bulak na lang sa ilong, malapit ka na sa heaven..wow..ibang iba ka na ngayon..magpakain ka naman pag-uwi natin..biruin mo yun (di na nga pala biro), mangyang natutong gumamit na balat na sapatos..HINDI KA KAYA ITAKWIL NG MGA KATRIBU NATIN SA MINDORO?magiging kakatwa na ang dating mo nyan,,baka di ka na rin marunong gumawa ng alak na mula sa tuba, gatas na kondensada at saka beer?

madbong said...

dapat pala pa jabee ka din hehe congrats ha. ayus yang total make-over na pananamit, pang bossing na

ifoundme said...

promoted ka nga!!!!! chicken joy! chicken joy!! pero mangyan, wala ka man lang katabi dyan na pwedeng makulit??? sana may picture din ng total make over ni mangyan

kingdaddyrich said...

naknam! ayos ah.! mukhang eleganteng elegante. at may sariling opisina. wa.

pangarap ko yan. sana magkatotoo.

the donG said...

ayos! pang bossing ang pwesto ah!

Kasi i have to wear long sleeve with all the tie and stuff. >>>> pero malamang sarap ding maglakad ng nakaganyan.

mixglorioso said...

Aba aba aba! hahaha! pangmalakasan ka na pare! hahaha! at talagang detalyado pa ang iyong pagkakasabi ng mga pagbabago mo... Iba ka boss! :) salamat nga pala sa pagbisita mo sakin... kahit na minsan eh hindi ko naibabalik sa inyo yung pabor. Lam mo naman tayo... gusto ring mag coat and tie... haha! IDOL!

me said...

doc, pede na ako tanggap bisita, di na pakalat-kalat sa lobby..he he he.. maganda lang 'yong paligid, pero nakakalungkot...wala akong maka-usap...oo ba kape lang pala eh..

raymer, ay sinabi mo pa para nga laging sasagala eh... kahirap maglakad!!! itatakwil, di naman siguro, nakabahag pa naman ako pag-uwi eh.. he he he... akalain mo 'yon at alam na alam mo pa rin 'yong buhid-cocktail na 'yan.. lolz...

madbong, feeling bossing lang... pero mahirap kung ganito ang suot, mabanas... mas ok pa 'yong dati na shirt n jeans lang kasado na..

nakitana, di ako promoted (sana nga he he he), lipat lang ako ng opis... 'yong full pic ng total make-over sa mga susunod nlang, di ko pa kayang dalhin 'yong tie eh...he he he

kdr, libre naman mangarap eh, at kung lalakaran natin 'yong mga pinapangarap natin, eh sigurado ang katuparan nito (medyo malalim..lolz)... dati na naman me may opis eh, medyo maayos nga lang ngayon...

dong, feeling bosing lang, maranasan naman kahit minsan... mahirap ilakad ha.. mabanas, lalo na 'yong balat na sapatos.. sanayan lang siguro..

mix, aba aba aba... he he he... ala 'to, lipat lang ako ng bagong lugar...hintayin ko pag kaw na naka-coat ' tie...