ang blog na ito ay mula sa panulat ng isang mangyan galing ng oriental mindoro
Saturday, 30 August 2008
The Babel Tooth
Have you been to Babel?
Have you seen Babel?
Sidebar: On English lexicon, the word “babel” has been defined as “a confused noise; a scene or place of noisy confusion”. So a flea market or a Divisoria-type of market can be considered as a “babel”. On the bible, well we all know that tower on the plains of Shinar. And for the movie-buffs, it’s the 2006 flicks of Brad Pitt, Kate Blanchett, and of course who can forget Rinko Kikuchi (the Japanese deaf chick)!
Before we build ourselves our own Babel of thought-bricks, let see first what really is this “Babel”? I was on grade school when I first heard Babel. It was on our Religion class with Madam Fely (Lyzius’ mom) that also introduces us to Jonah who has been swallowed by the big fish, to Samson and the deceitful Delilah (told you, man are simply man… and women seems to take advantage of that weakness), and of course the tale of the Great Flood, complete with soundtrack…
Bumuhos ang ulan at bumaha
Bumuhos ang ulan at bumaha
Noe! Noe! Pasakay naman!
Ang sabi ni Noe, “Hindi puede!”
Ang arko’y sarado na…
Ulan, ulan, umaalon-alon
Ulan, ulan, umaalon-alon
Ang arko’y palutang-lutang
Balik sa Babel.
Back on those days, it was really easy to communicate with other people. People can sit and talk about plans, have a healthy discussions or simply debates on the issues that affect the whole community. People from the east, west, southern and northern hemisphere can meet at the middle and just talk. On those days, the term “language barrier” is not yet part of the lexicon. Humanity back then speaks of the same tongue. Though its not mention what language they are speaking on those days, but it was clear that they have one language. “Now, the whole world had one language and a common speech.” (Genesis 11:1)
Babel was a name of the tower built by Noah’s descendants on the plain of Shinar in Babylon, an ancient city, known to us now as Iraq. The Tower of Babel was constructed so as to reach and maybe touch the heavens, to quote “Come, let us build ourselves a city, with a tower that reaches to the heavens, so that we may make a name for ourselves and not be scattered over the face of the whole earth.” (Genesis 11:3).
Unfortunately, it seems that that idea is not as too pleasing to their creator, “If as one people speaking the same language they have begun to do this, then nothing they plan to do will be impossible to them. Come, let us go down and confuse their language so they will not understand each other.” And from that moment, Tagalog, Visaya, Ilocano, Mekeni, Panggalatok, Waray, French, Japanese, Chinese, Arabic, Urdo, Hindi, Latin, German, Greek, Aramaic, English, Spanish, Italian and I can go on for hours and hours for the list of the world languages.
Sidebar: There are at least than 6,800 languages (and counting, still) unevenly distributed around the globe, not to mention those languages that has been long considered “dead”. Out of that 6,800 there are no less than 50 languages that are commonly used in our modern world.
So I guess it’s quite logical and biblical, that by nature, human beings are not created to understand each other at ease, each should exert an effort to understand each other. Just wondering, how easily would it be to achieve the so called “World Peace”, if we’re speaking on the same tongue; like it or not, same language is the common denominator for a two person to understand and unite peacefully.
Napunta sa babel ang usapang ito dahil sa pagkikita namin ng bago kong dentista. Nasa bakasyon ‘yong dati kong dentista, so no choice ako, kundi maglipat, magkatapat lang naman ang clinic nila eh.
Medyo, optimistic ako sa dentista ko bago ko pa sya ma-meet, kasi babae, though di ko pa alam kung anong nationality, ang sigurado ko lang eh hindi Pilipino. ‘Yong kasing Egyptian dentist ko before eh lalaki, at medyo walang paki-alam kung maihi ka sa pantalon sa sobrang sakit. Para bang kung lalake dapat mataas ‘yong tolerance mo sa sakit. So this time, babae ‘to, so syempre kahit naman siguro papaano eh me dental serive ‘to with TLC, hindi tomato, lettuce, and cheese, kundi tender, love, and care service.
Pagpasok ko ng clinic, mukhang ok naman. Naka-head scarf si doktora.
Doctora: Shismo? (name?)
Me: Mangyan
Hanap nya ‘yong file ko, tapos itinuro na nya ‘yong upuan, at sa mga turuang ‘yon nag-umpisa ang pasthan naming senyasan at tanguan lang. Sana nga pede sanang i-drawing nalang para magkaintindihan kami.
Ilang saglit pa nga eh nag-umpisa na ang kanyang “drilling” work. Sabi nya lang para pangangahin ako eh, “Aahhh”, sabay tingin sa loob ng bibig ko. May sinasabi sya, siguro Arabic ‘yon pero di ko maintindihan. Buti nalang at pumasok ‘yong Pilipinong dental assistant nya.
Dental Assistant: Kabayan, ano ba raw ang gagawin sa ipin mo?
Me: Ano pa eh ‘di ‘yong sira? Isa lang naman ang obsyut na obsyut na may sira eh, e’di ‘yon.
Buti nalang talaga at dumating si kabayan, kasi baka maulit na naman ‘yong nangyari noong huling punta ko ng dentista; akalain mo ba namang sa halip na ‘yong sirang ipen ang i-root canal nya eh ‘yong katabing ipen ang trinabaho. Kaya pala during the process eh sinasabi nyan buti raw hindi pa sumasakit (natural kasi maayos pa ‘yong ipen na dini-drill nya). After the procedure, doon ko nalang nalaman na nandoon pa rin ‘yong sirang ipen, at ‘yong katabing ipen na na-root canal. Haaayy…
Balik ulit kay doctora.
So, nag-umpisa nang ang drilling. Si kabayan nilagay lang sa bibig ko ‘yong tubong sumisip-sip ng tubig tas umalis na rin, so kami nalang ulit ni doctora ang naiwan. Siguro tumagal ng mga lima hanggang pitong minuto ‘yong pag-di-drill nya sa ipen ko. Medyo nanibago ako, kasi on the process of drilling di nya man lang ako pina mumug ng tubig, whereas sa ibang dentista naman eh halos maya-maya ang mumug.
At nang pamumugin na nya ako, itinuro nya lang ‘yong katabing lavatory, tingin naman ako, ahhh.. doon ko na lang ulit naintindihan na kailangan ko na palang mag-mumug.
Pasok ulit si kabayan, naghahalo ng simentong itatapal sa ipen ko. Ilang saglit pa nga at pinalitadahan na ang ipen ko, at sa bandang huli eh meron na naman syang sini-senyas sa akin.
Me: (ano?)
Ahhh.. kagat daw pala.
Ilang minuto pa ang lumipas, natapos rin sa wakas..
Hanggang sa lumabas ako ng hospital eh kagat-kagat ko pa rin ‘yong bulak. Wala naman kasing sinenyas na tanggalin ko na eh, eh masunurin ako.. he he he..
Hhhaaayy… kung iisa nga lang siguro ang wika ng mga tao eh di sana naging maiga-igaya ang aking karanasan sa mga dentista dito. Madali sana kaming nagkakaintindihan.
Ganoonpaman, eh kailangan nga raw ng extra effort para magkaintindihan.
Tuesday, 26 August 2008
Ang Huling Birit ni YXX
Sa pagpapatuloy...
Last night Rike, Aregon, Treb, Slev and I hanged out over a box of pizza and some cola. Kwentuhan, kumustahan, at marami pang kwentuhan. What caught my attention was this “videoke” story of Aregon. A videoke showdown that terminates and sent Mr. YXX back to the Philippines.
Just a background. Mr. YXX is an orphan, living alone with his siblings. He is the family’s bread winner, and in search for a “greener pasture”, he’s here in Jeddah. He’s working on a big hypermarket here, don’t know exactly what his job is.
Anyways, Mr. YXX loves to “sing”, don’t know if he also “sings” in the Philippines, but here it seems that “singing” will make him a superstar, or not.
Change gear…
Ayon sa kwento ni Aregon1, di ko nalang rin nalinaw kong ito ba ay noong isang araw pa, o noong makalawa o noong isang linggo pa, basta sa kasalukuyan ay na-sesante na si G. YXX dahil nga sa kanyang masuyo at banayad2 na “pag-awit”.
Sa trabaho, maayos naman si G. YXX, bibong-bibo nga eh. Sya ‘yong huwarang manggagawa, ang patuloy na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo, pinatutunayan ang galing ng mga Pilipino. Sya ‘yong sa unang tingin eh ‘di mo kakikitaan ng hilig sa “pag-kanta”.
Di gaya ng sa ‘Pinas, ang mga shopping centre dito eh bukas ng 9:00 hanggang 13:00 lang, at sarado sa pagitan ng 13:01 hanggang 15:59, at muling magbubukas ng 16:00 (pagkatapos ng “pang-hapong panalangin”), bukas na ito hanggang mga 02:00 na ulit ng madaling araw (magsasara pa ulit pala sa mga bandang 18:00 at 20:30 para sa “pang-gabing panalagin” o salah).
Mag-iika-sampu na siguro ng gabi, nasa trabaho pa rin si G. YXX, abalang-abala, naghahanda na kasi ang halos lahat ng mga shopping centre dito para sa pagpasok ng Holy Month of Ramadan.
Habang abalang-abala nga sa trabaho, hindi naman nakalampas sa kanyang mga paningin ang pagpasok sa loob ng hypermarket ng isang Arabong, sabihin nalang nating mahilig ring maki-jamming sa “videoke”.
Si Arab-oke, lakad dito, lakad doon, parang wala namang bibilhin. Siguro stroll-stroll lang, nagpapalamig.
Si G. YXX, trabaho dito, sulyap doon, trabaho doon, sulyap dito… pasulyap-sulyap at pilit sinisipat si Arab-oke.
Sidebar: “Videoke” or “Karaoke”, came from Japanese word “kara” means “empty” + “oke” shortening of õkesutora or orchestra.
Ilang minuto pa nga ang nakaraan ay nagtama mga mata ni G. YXX at Arab-oke. Malagkit na titigan. May kislap, may awit. Kapwa nila mga mata’y nangungusap, may sinabi, may ibinubulong4….
Mata ni G. YXX: Hal thahib al ghina?
Mata ni Arab-oke: Naam, khatir-an.
Mata ni G. YXX: Ana aidum aheb al ghina, hal yam kinina al ghina maan.
Mata ni Arab-oke: Hassan-nah!
Mata ni G. YXX: Hal anta mustaid?
Mata ni Arab-oke: Naam, jehis ma-aghani jadidah!
Mata ni G. YXX: Jamel, ahader al microphone sauwahi bisout aali.
Mata ni Arab-oke: Ok, abda!
At tumuloy na nga si Arab-oke sa loob ng "videoke booth"…naghihintay kay G. YXX. Samantalang si G. YXX naman ay tuliro, excited ga, kaya naman kapagdaka’y iniwan ang kanyang trabaho at agad na ring tumalilis sa videoke booth, hinihilot-hilot ang lalamunan… vocalization? Siguro… ‘Di na alintana ang panganib na dulot ng gagawin. Wala syang paki sa sasabihin nila, basta ang alam lang nya sa mga oras na ‘yon, “kakanta ako!”.
Sa loob ng videoke booth, nag-aabang na nga si Arab-oke, nakahanda na ang kanyang fully-loaded-with-fresh-hits-magic-sing-microphone. Kaya naman si G. YXX ay wala nang inaksayang panahon, agad na singungaban ang mikropono at “kumanta”.
Sa labas ng videoke booth, tanging ang mga second voice at adlib lang ni Arab-oke ang maririnig.
Arab-oke: Suraaa…. Yalllaaaa…. Khuwaisss….Oohhhh…surraa 3
Samantalang impit naman ang “pag-awit” ni G. YXX, parang bang humming lang…
G. YXX: Hhhhmmmmm… hhhmmmm…
Arab-oke: igeee.. igeee…
At makalipas ang ilang pasada sa verse 1, verse 2, refrain, chorus, bridge, chorus…natapos na rin ang “jamming”.
Napagod si Arab-oke sa kaa-adlib at second voice… nanlalata… si G. YXX, may ngiti sa labi, at binabalik-balikan pa chorus..
At sabay na lumabas ng “videoke booth” ang dalawa. Sa labas medyo pinagtitinginan sila ng mga tao. Mga titig na may pagdududa sa ginawa nila sa loob ng “videoke booth”. Mga mapang-husgang mata. Mga matang nanlilibak.
Si Arab-oke, lumabas ng hypermarket, parang wala lang…samantalang si G. YXX ay balik sa trabaho ngunit pilit iniiwasan ang mga mapang-husgang mata sa paligid nya.
Kinabukasan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakarating sa pamunuan ng pamilihan ang nangyaring “videoke jamming”. Dahil nga sa bawal ang ganitong uri ng jamming sa lugar na ito, at sa “mamimili” pa, tanggal sa trabaho si G. YXX.
Nakakalungkot isipin, paano na ang pamilya ni G. YXX, sya pa naman ang tanging tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, ang inaasahan. At sa ilang minutong “videoke jamming” lang, lahat ‘yon ay nawala…
Sisante na si G. YXX. Uuwi na sya ng Pinas. Lumabas sya ng silid ng manager dala-dala ang “Termination Paper”… at sa kanyang paglabas, muli ay nasulyapan nya ang “videoke booth”….
Sana si G. YXX na ang huling bibirit dito….
1 Kwentuhan lang ‘to, di ‘to tsismis dahil totoo ‘to at napag-kukuwentuhan lang para na rin sa ating dagdag na kaalaman at maging aral sa atin.
2 Ginamit ang mga panglarawang ito para lang maging “masabaw” ang aking post.
Saturday, 23 August 2008
Unwritten Laws of Public / Common Restroom
As old as the creation of mankind is, law already exist. The first law given to a man can be found on Genesis, where the Creator “commanded” His creations, “…but you must not eat from the tree of knowledge of good and evil…” (Gen. 2:17).
“O Adam dwell with your wife in the Garden and enjoy as you wish but approach not this tree…” (Qur’an’s Al Araf [The Heights] 7:19).
And we know the rest of the story.
It is also understood that if there is a governing law, there’s always a penalty waiting for anyone breaking it. And on the case of the first man, “…for when you eat of it you will surely die.” (Gen. 2:17); “…or you run into harm and transgression.” (Qur’an’s Al Araf [The Heights] 7:19).
May warning na ‘yan ha, and yet sabi nga “tao lang eh”… they fell in to Satan’s trap…tsk, tsk, tsk, medyo may kakulitan rin ang tao ‘no. Ang kulit-kulit.
On the Bible, it was clearly written that Eve was the first one to fall on Satan’s deception, and because of Eve’s charm, Adam too took a bite. “…she took some and ate it. She also gave some to her husband who was with her, and he ate it.” (Gen. 3:6) (Sexism aside, girls talaga oh, tukso kayo!), in Qur’an in the other hand it is not clearly stated who fell first, “…so by deceit, he (Satan) brought them to their fall: when they tasted the tree their shame became manifest to them…” (Qur’an Al Araf [The Heights] 7:22).
As they said and taught us, laws are there to have balance and harmony among all the creations, living and non-living things. To have peace and discourage conflicts, but that’s on the perfect world, ‘cause as you can observed on the planet we’re living now, there are thousands or even millions of laws has been written and yet World Peace is still a dream. Just a “beauty-pageant-must-have-on-Q&A-answer”, in fairness, aside from a greener earth and world poverty, World Peace is still on top of that list.
Boring na ‘no? This should not be like this way, medyo naaliw lang ako.. he he he..
Anyways, if there’s written law, somehow on the world we’re living today there’s also those laws that are “UNWRITTEN”. Those that are generally accepted and understood, even though not formally recorded on scrolls of papyrus. ‘Yon lang talaga ang balak kong tumbukin – The Unwritten Laws. Ano ba ‘tong mga laws na ‘to? Pede rin siguro ‘tong Common Sense Laws. Halimbawa? Ok
Unwritten Laws of Public / Common Restroom
I always have this experience on public restroom. On the cubicle, ‘yon bang when someone new walks in, syempre tahimik ang paligid and you know that someone also needs a cubicle. It is very common to hear that “fake-cough” and “very-obvious-sniffing” and the “husky clearing of throat”. Or else that someone inside the cubicle really have to create some sound just for his presence to be know to the newbie... lagi ko ‘tong ginagawa, ewan ko lang kahit pede ko namang sabihing “Me tao po”…di ko lang rin alam kung meron bang time limit ng paggamit sa mga common restroom or you can simply take your time. Syempre naman, paki-flush at mag-hugas ng kamay pagkatapos.. Kelangan pa bang i-memorize ‘yon?? He he he
Sabi naman ni Genaro, nag-iingay daw ang isang tao sa loob ng cubicle to cover-up the “plop” sound when the “tubol” fell to the water. Having said that, it is also considered an unwritten law inside the cubicle to poop as quite as possible, kumbaga though alam ng mga tao sa labas ang nangyayari sa loob, pero sa sobrang tahimik parang wala lang, para bang naupo ka lang. Excuse siguro dito ‘yong mga me-LBM, kasi the “fffrrrtttt” and farts are beyond pooper’s control na.
Isa pa, sa urinals naman, unlike crossing the street, it is very awkward to take a look left and right when you pee. Though your eyes don’t have any restriction to roam 360° inside the restroom, basta dyahe ‘yon and a big “no-no”. you can look up the ceiling or take a look down, but never south-east and south-west. Simply put “Mind your own thing”…. este “business” pala.
E ‘yong kwentuhan while you pee? Siguro depende kung gaano ba talaga ka-importante ‘yong topic na kailangan pang dalhin sa loob ng palikuran. But still, sa akin lang ha, it should not be encourage. Kasi nawawala ‘yong concentration ko to pee when I’m having a conversation and at the same time nadi-destruct rin ‘yong iba.
Hhmm.. ‘yon lang.. kala mo seryos ‘yong umpisa ‘no, he he he…
Thursday, 21 August 2008
Ahas
Takot ka ba sa ahas?
Bakit ka takot?
Ako? Oo takot ako sa ahas.
Literally. Figuratively.
Di lang ‘yon, though sabi ni Ma’am Magsino, teacher ko sa Biology, na ginatungan pa ni Kuya Kim, na taliwas sa likas na kaisipan ng tao sa mga ahas na ‘to, eh hindi lahat eh makamandag. Ganon??!!
Oo, raw. Meron din daw mga ahas na wala namang kamandag, kumbaga eh panakot lang. Pero sa pangkalahatan, lahat sila eh makamandag at nakakatakot.
Buti ba
Kaya nakakatakot.
Tuso nga raw ang ahas.
Figuratively, hindi rin maganda ang parating ng ahas. Offensive ngang tawagin mong ahas ang isang tao. Basta iba ang dating. Pangit sa pandinig. Naka-ugat na kasi sa pangalang “AHAS” ang pagiging tuso at mapanlinlang – hindi mapagkakatiwalaan.
Diba nga malimit nating marinig ang mga linyang “AHAS ka!” sa mga pagkakataong nakakaroon ng sulutan.
Medyo masalimoot ang mga ganyang sitwasyon, parang nakaka-stress pag-usapan. Di pa ako handa pag-usapan ang “AHASAN”, siguro sa mga susunod na panahon na lang. Instead of taking it figurative, eh let’s talk “AHAS” literally nalang, oki.
Pero, sa takot man tao o hindi sa mga “AHAS” na ‘to, eh hindi puwedeng mawala sila. Lagi lang silang nandyan. Kahalubilo ng mga taong takot sa ahas. Naka-abang ng matutuklaw, ng malilingkis.
Naalala ko lang noong minsan, ‘yong katulong a.k.a. kasambahay noong kapitbahay namin eh nagsisigaw. E’di lahat naglabasan. Basta bigla na lang nagkagulo. Syempre, dahil likas ang pagiging “curious” ko (fancy way of saying na tsismoso ako.. he he he) sa mga bagay-bagay sa paligid, eh naki-tingin na rin ako.
Noong una kaya pala nag-iingay si Inday kasi hindi gumagana ‘yong washing machine nila, eh tambak pa namana ang labahin, siguradong masasabon ni misis kung hindi matatapos. Kasi nga desperado si Inday na matapos ang kanyang labahin sa araw na ‘yon kaya naman nagsiyasat sya kung bakit hindi gumagana ang washahing machine, samantalang maayos naman ito noong huli nyang laba. Nang hindi malaman ang gagawin, tinawagan si Kaloy.
Inday: Hiloow? Luy, musta man?
Kaloy: Oki lang, gi mingaw ka na ko?
Inday: Ay dili man uy! (pero kinikilig ha). Iniwi, Tabangi ko nga maayo akong washing machine.
Kaloy: Oki. Munganha ko, basta mag-andam ka og merienda ha.
Inday: Uu ba.
Side bar: Though wala pang matibay na ibidins, bali-balita na rin pala sa buong
Padating ni Kaloy sa bahay, medyo nagkatitigan pa sila ni Inday, tas tiningnan na kung ako ang sira ng washing machine.
Tingin dito, tingin doon.
Kaloy: Ay sus ‘Day! Kay naay kobra sa sulud!!!
Inday : Eeeeeeeee !!!!
Dumating ang Barangay at kinuha ang sawa, di ko lang alam kung saan ito dinala pagkatapos, basta ang alam ko lang noong araw na iyon e nakumpirma ng buong
Sa awa naman ni Bathala eh wala namang natuklaw o nalingkis ang sawang ito.
Balik memory lanes ulit, tungkol sa mga nalingkis at “nilulun” ng sawa.
Ilang taon na rin ang nakararaan, andito na rin ata ako noon sa Saudi. Basta nabalita lang ‘yon sa TV Patrol, then na-i-feature pa ito ni Kabayan sa Magandang Gabi Bayan.
Sa isang tribo ng Mangyan sa
Subalit ilang araw na ang nakalipas eh wala pa ring mangyan na nagbabalik, at doon ay nag-alala na ang kanyang pamilya. Kaya naman ang buong tribo ang naging abala sa paghahanap ng nawawalang ka-tribo.
Hanggan sa dako pa roon, eh isang malaking sawa ang kanilang nakita. Busog na busog ito at dahil sa labis na kabusugan eh dahan-dahan lang ang kanyang pag-gapang. Bundat na bundat ang tiyan nito, para bang lumunok ng isang malaking bagay. Hindi na
Kaya naman hindi na nag-atubili ang buong tribo at kanilang pinatay ang sawa at biniyak ang tiyan nito.
At doon nagimbal sila sa kanilang namalas. Ang nawawalang mangyan ay nakita na. Patay sa loob ng tiyan ng ahas!
Ilang buwan rin naging usap-usapan ang kwentong ito, hindi lang sa kabundukan at mga karatig tribo, kundi pati na rin sa kapatagan, eh nakarating nga kay Kabayan eh.
‘Yon ang mga nakakatakot na kwentong ahas…pero meron rin namang mga nakaka-addict na ahas.
‘Kaw ba nilalaro mo ba ahas mo?
Objection! Leading!
Oki, re-phrase ko tanong ko.
Naglalaro ka ba ng AHAS?
Ako naging addict rin ako sa paglalaro ng ahas. ‘Yon bang Snake sa mga Nokia mobile phones. Aminin mo na, naging addict ka rin. he he he
Naalala ko ulit, noong bago palang sa balana ang mga mobile phones. Malakas sa mercado noon ang Nokia at bukod sa “ASTIG KA” kung Nokia ang mobile mo, eh isa rin sa mga bentahe ng Nokia eh ‘yong Snake. Tsaka ewan ko ba that time, medyo dyahe kung ang mobile phone mo eh Alcatel na kulay orange ang backlight.
Wala akong mobile phone noon, kasi walang pambili. Makapaglaro lang ako nang Snake, eh nanghiram pa ako kay Guiller na mobile. Mga alas-tres ng hapon ko hiniram ‘yong Nokia 3310 nya, laro na agad ako. Magdamag siguro akong naglaro. Sa hindi ko na matandaan kadahilanan eh namatay ‘yong mobile.
So re-start. Eh nagtanong ngayon ng PIN.
Try ko ang 1 2 3 4 ,
Try ko 1 2 3 4 5 6
Try ko birthday ni Guiller 2 0 0 2 7 8, wala pa rin.
Medyo inis na ako, kaya lagay ng lagay nalang ako ng numbers. Eh ‘yon pala may limit ‘yon, tas nanghingi na sa akin ng PUK.
Anak ng PUK o!!!
Hanggang sa tinigilan ko na rin. Kasi baka masira ko pa.
Kinabukasan eh, naibalik ko naman kay Guiller ‘yong mobile asking for PUK. Na sa totoo lang that time ni wala man lang akong ka-idea-idea kung ano ba ‘tong PIN o PUK na ‘to, mangyan talaga, sensya na.
Ok naman, di naman nagalit si Guiller.
Ngayon, eto na. Kaya nauwi sa kwentong ahas ang post ko today, kasi nga na-missed ko na ‘yong snake sa Nokia. Dahil sa Sony Ericsson convert ako, matagal na rin akong walang Nokia. Kaya eto nang masumpong ng Nokia, eh kahit mamanhid na ang aking mga daliri sa kalalaro ng Snake, ok lang…and also, just want to brag my best score so far.. he he he..
‘Kaw, anong highest score mo sa Snake?
Wednesday, 13 August 2008
Still No Luck for Team Philippines: Tanamor Yield to Manyo
Still no luck for the Philippine Team today. Harry Tanamor, the only contender of the Team Philippines for the XXIX Olypiad has lost to Ghanna's Plange Manyo for the Men's Light Fly (48 kg.).
The fight ended at the score of 6:3 in favor of Manyo. Manyo will now be forwarded to another qualifying round facing Brazil's Paulo Carvalho.
Haaayy..ganoonpaman, atleast lumaban pa rin ang Pinoy, 'yon nga lang, sa bawat laban may panalo at may natatalo, ang nakakalungkot eh Pinoy 'yong natalo.
Mr. Harry Tanamor, maraming salamat.
Siguro di sa boxing, sa Biernes ulit sa diving naman...
Go TEAM PHILIPPINES!!!
Pinoy Boxer sa Beijing Olympics - TONIGHT!
Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi na ng siyam na medalya, ngunit walang ginto - tanging pilak at tanso. Ang dalawang medalyang pilak ay pawang sa larangan ng Boxing (noong 1964 at 1996); samantala nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong medalya sa Olimpyada noong 1928 sa Amsterdam sa larangan Swimming (Teofilo Yldefonzo) at tanso pa rin.
Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi ng dalawang medalya (tanso) para sa "athletics", lima sa "boxing" (dalawang pilak at tatlong tanso), at dalawa naman sa "swimming" (tanso).
Ngayong gabi ay muling makikipagtunggali ang ating pambato sa boxing, si Harry Tanamor.
Mga kabayan, patuloy nating suporthan ang ating mga kababayan sa olimpyada. Manood tayo mamaya ha. Elimination palang ata 'to, but still dito ang umpisa para maka-pasok sya sa quarterfinals at makapag-uwi ng medalya sa finals, na sana naman eh ginto na. Though malaki ang kumpyansa nating makasungkit ng medalya sa boxing, pero nakakalungkot na tanging si Harry lamang ang ating kalahok. Ganoonpaman, dasal nalang tayo na sana eh makapasok si Harry sa finals.
Mabuhay ka Harry, yakang-yaka mo yan, 'kaw pa... GO TEAM PHILIPPINES!!!!
Monday, 11 August 2008
Si Kabayan, Pasaway
Enhenyero, doktor, nars, dentista, hardenero, kasam-bahay, arketekto, care giver, karpetero, taga-halo ng simento, kusinero, barbero, kahit ano pang trabaho, yakang-yaka nating mga Pinoy yan. Yamang-Tao nga siguro ang pinaka-malaking kontribusyon ng Pilipinas sa mundong ito.Sabi nga eh, kahit saang lupalop ka man magpunta eh siguradong merong Pilipino.
Di ko alam kong paano ko ‘to isasalin sa wikang Tagalog to convey these thoughts, kaya manghihiram muna ako ng wika.
As far as my experience working abroad is concerned, I guess we Filipinos are equipped with a high tolerance on the environment we’re into. We can easily adapt to the culture of our host country, the way of living, the way of life, the languages – even the way the nationals talks. Not to mention, that Pinoys are more of a law abider people when on other country than in the Philippines. And with the charisma we have (i don’t know if this is innate), the hardworking and talents we can easily get the trust of our employers.
That’s the brighter side and what about the other side? Above are just the few adjectives on how we Global-Pinoys has been known abroad. The good adjectives (I hope) will over-shadow the bad ones. Though we try to be good, but still there are some that are “pasaway”. Those ones that take the stinking bacon wrapped on the Philippine flag. How I wish that they are not Filipinos. I hate them, because every time they do their “not-so-good-stuff” they’re carrying the name of all the Filipinos – and it’s really sad that their fetid ways outshines the good ones.
Why am I having this? Because in the past few weeks there’s always Filipinos on the broadsheet, and not for good stuff…
On Arabian Business
55 arrests after suspected 'gay party'
by Amy Glass on Thursday, 31 July 2008
PARTY BUSTED: At least 55 people have been arrested following a bust at an alleged homosexual party in Saudi Arabia.
At least 55 people have been arrested following a police bust at an alleged homosexual party in eastern Saudi Arabia.
According to police, drugs and alcohol were found at the farm near Qatif, while two young men were allegedly found wearing women’s makeup and dancing on stage.Many of those arrested were Filipinos and Pakistanis, Saudi daily Arab News reported on Thursday.
A spokesperson for the Philippine Embassy’s labor attaché told the newspaper that some Filipinos have been arrested in that area and "we are trying to help them".Waqar Ahmed, community welfare attaché at the Pakistan Embassy, told Arab News he had no knowledge about any arrests so far. "Our workers are normally not involved in such kinds of activities. There is a possibility that some Pakistanis may be working or serving food in the party and then got arrested."
And that was last week, this morning on Arabnews.
15 held on bootlegging, gay prostitution charges
M. Ghazanfar Ali Khan I Arab News
RIYADH: Two Filipino workers were arrested on suspicion of engaging in homosexual prostitution and 13 other Filipinos were detained on charges of liquor trading and consumption in two separate raids here on Saturday.
Roussel R. Reyes, vice consul and third secretary who heads the Assistance to Nationals’ Section at the local Philippine Embassy in Riyadh, confirmed the report of the arrests on the alcohol charge, but not the charges involving homosexuality.
“A consular team of the Philippine Embassy will proceed on an assistance mission and visit the local prisons on Aug. 12 to find out the conditions of our workers, and probably we will know about the accusation of sodomy by that time.”
The two men suspected of homosexual acts were in the Kingdom illegally and were making a living selling alcohol and engaging in gay prostitution, police said. Members of the Kingdom’s religious police are investigating contacts found on the men’s mobile phones.
Gay rights are not recognized in the Middle East countries and the publication of any material promoting them is banned. Last month, 55 people were arrested at an alleged “gay party” in the Eastern Province city of Qatif. News reports said drugs and alcohol were found at the gathering, and two men were dressed as women.
— With input by Rudy Estimo Jr.
‘Yon lang.. ala na ako masabi….Kabayan naman eh, sabi na kasi ANG BAWAL, BAWAL.
Sunday, 10 August 2008
otso-otso-otso
At hindi lang mga buntis ang apektado, pati ang mga magsing-irog na gustong patunayan sa madla at sa kapirasong papel ang kanilang pag-iibigan, kaya naman bumaha ng kasalan. Kabi-kabila ang kasalan. Maging ang mga lokal na munisipyo ay nag-abala talaga para sa “mass-wedding” para sa mga nagsasamang hindi pa kasal.
Ito di ko kumpirmado, haka-haka ko lang ‘to, kasi pati nga ata nga pagbubukas ng Olimpiyada ay apektado ng 08-08-08 na ‘to. Hindi lang basta opisyal na nagbukas ang Olimpiyada sa Tsina noong Biyernes, kundi eh itinaon talaga ito sa ganap na ika walo at walo ng gabi. Diba puro otso.
Sa ganitong sestema, malamang noong nakaraang taon eh medyo ganito rin ang naging senaryo ng sumapit ang ika-pitong araw ng Hulyo taong 2007, at siguradong namang maraming nabahala at pihadong minalas noong ika-anim na araw ng Hunyo 2006, kasi nga diba sa hindi pa rin maipaliwanag na kadahilanan eh lagi na lamang may nakakabit na sumpa as numerong 666. At isa pa uling siguro, ewan lang kung bumaha ng sardinas (ka sarap!) noong ika-limang araw ng Mayo taong 2005.
Meron nga bang swerte at malas? Ewan lang din, but i’m not a big fan of this. Tao mismo ang gumuguhit ng sarili nyang kapalaran. Kung swerte man o malas, eh nasa kanya na ‘yon, nasa kanya ga ‘yong timon ng buhay nya…
Saturday, 2 August 2008
Tinamaan ng Ano!!!
Kung nakaintindihan tayo sa ano, este sa nakasulat sa itaas, sigurado isa ka rin sa mga Batang Ano.
Ewan ko lang, pero karaniwan nang naririnig ang mga ganitong linya sa usapang Pinoy. Hindi ko lang sigurado kung sa mga Pinoy nga lang ba merong ganitong “ANO” sa pakikitalamitam. Na hindi naman sa pag-aano, he he he.. pero hindi nga, ‘di ko lubos maisip kong paano sila nagkakaintindihan. Code ba ‘to? O simpleng katamaran lang na bigkasin ‘yong ano… ‘yong buong salita.
Sa site, me kasama ako doon na ang hilig um-ano, gumamit ng ano. ‘Yong sample sa itaas sigurado maiintidihan nya ‘yan. Minsan nga naitanong ko sa kanya kung bakit laging may “ANO” sa usapan.
Mangyan: Anong meron sa ano?
Mr. Ano: Understood na naman ‘yon. Basta ang mahalaga eh nagkaka-intindihan kayo!
Mangyan: Hindi ka naman galit nya?
Mr. Ano: Hindi naman, ang ano lang kasi sa’yo eh, pati ba naman ‘yong ano ko eh pagdi-diskitahan mo pa!
Mangyan: Ano raw? ‘Yan ka na naman puro ka naman ano! Sa totoo lang wala akong naintindihan kundi puro “ANO” lang.
Siguro nga tama naman ‘yong paliwanag nya na kung kakilala mo ‘yong kausap mo, o kaya naman eh regular na kaututang dila kayo eh pamihadong magkaka-intindihan din kayo. Sabi nga eh ‘yon bang buka pa lang nga bibig mo kahit walang sound eh alam na agad ‘nong kausap mo kung ano ang pinag-uusapan nyo.
Isa pa siguro, kasi dalawa lang kayong nagkakaintindihan, eh mas iwas tsismis, kasi sigurado ‘yong mga tsimosa / tsimoso sa paligid nyo eh maguguluhan. Parang syang Da Vinci Code, astig…
Mangyan: (medyo nangungulit na), ano ba ‘yan, tinatamad ka lang banggitin ‘yong buong salita, kaya bilang panghalip eh gagamitan mo ng “ANO”?
Mr. Ano: Ang kulit mo naman eh! Understood na ‘yon!!!
Mangyan: (makulit talaga) eh paano nga kung hindi pa understood, ha paano ‘yon?
Mr. Ano: E’di sabay turo, o kaya naman eh ano nalang.
Mangyan: Anak ka ng ANO o!!!
Mr. Ano: ‘Di uulitin nalang..
Mangyan: Ibig sabihin uulitin mo nalang ‘yong buong pangungusap at papalitan mo ‘yon “ANO” ng tamang salita?
Mr. Ano: Ganoon na nga para magkaintindihan.
Ano raw??? Eh bakit ba naman kasi kailangang gamitan ng “ANO” na kung sa bandang huli naman pala eh puede naman palang ayusin.
‘Di ko lang alam kung natakot sa’kin si Mr. Ano, kasi sa tuwing kausap nya ako eh medyo nabawasan na ‘yong mga “ANO“ nya.
Sabi nga, ”sa hinaba-haba man daw ng ano, eh sa ano rin ang tuloy”, kaya naman sa tuwing kausap ko ngayon si Mr. Ano... ala na ring ano, di ko alam kung kung sa akin lang, kasi sigurado sisitahin ko na naman ’yong “ANO“ nya.
Pede naman pala eh... pero sabi ko nga, baka naman mala-Da Vinci Code ’to.
O ano na? Sige na ano na ako, bago pa ako ma-ano dito.