I'm traveling on a bus. Puno ang bus. May mag-ina sa
liguran ko, at nakamanuso sa puting lampin ang kanyang sanggol.
Lumampas na kami ng Tiguisan, kasi lumampas na kami sa
bahay nila Dumay.
Pag lampas namin ng Tiguisan eh biglang nag-pull-over sa
kaliwa 'yong bus. At bumaba na 'yong driver. Kaming mga pasahero parang ok
laang sa mga nangyari, parang hindi nagmamadaling umuwi, parang tanggap namin
ang pag-baba ng driver.
Isang pasahero ang nagyaya sa'kin na samahan namin ‘yong
driver. Maglalamay pala 'yong driver sa isang kamag-anak sa lugar na 'yon kaya
huminto ‘yong bus doon.
Time check: Siguro malapit na mag-gabi noon or takipsilim
na.
Pagdating namin sa lamay, ako, 'yong isang pasahero at ung
anak nya at syempre ung driver.
Isang guro ang pinaglalamayan. Namatay raw sa aksidente. Malungkot 'yong lamay (as if may masayang lamay), kasi parang kami laang ang naglalamay plus ung 3 pa nilang kamag-anak na dinatnan namin doon.
Photo grabbed online |
May instance na may inabot ako sa kabila na kailangan
kong mag-crossover sa ibabaw ng ataul. At dahil sa hindi naman ako talaga ako fan
ng silip-kabaong eh pinilit kung iwasan tingnan ang namatay na guro sa loob ng
ataul. Pero hindi talaga maiwasan, but at least to my relief eh hindi ko nakita
ung mukha nya. Suot nya ung suot na berdeng pang-ibabang saya ni Sen. NancyBinay no'ng huling SONA.
Sa kwentuhan sa lamay eh dalaga pa ang guro, bordering na pagiging matandang dalaga. Mabait daw at responsable ang guro. Namatay ang guro dahil sa aksidente. Nahulog sya mula sa isang mula sa silyang tinuntungan nya habang inaayos ang pundidong bumbilya ng silid aralan.
Doon na rin kami nag-hapunan sa lamay. May isang mahabang
dulang at doon ay sama-sama kaming dumulog.
Matapos ang hapunan at nag-paalam na kami at 'yong driver
namin kasi nga ba-byahe pa kami.
Pagbalik namin sa bus, 'yong ibang pasahero na naiwan eh
nag-camping na laang sa paligid ng bus. Feeling ko matagal kami sa lamay kasi
parang matagal na rin sila nag-camping kasi makalat ‘yong paligid at parang
camping ng boyscout ang pakiramdam at maraming nagkalat na papel sa paligid
parang Central School laang tuwing panahon ng eleksyon.
So byahe na ulit, going south.
Sa loob ng bus eh aligaga ang mga pasahero. Alam kasi
namin na may bagyo. At bali-balita na malakas ang bagyong ito. During those
times eh delikado ang mag-byahe pauwi sa Bongabong ng naka-bus.
Sa lakas ng ulan nag-a-ampiyas sa loob ng bus, pero tuloy
pa rin ang byahe. Kaming mga pasahero sa loob eh kanya kanya nang hanap ng
silupin para ibalot ang mahahalagang bagay at para hindi mabasa ng ulan, ako ibinalot
ko ang telepono ko, 'yong isang ina sa aking likuran ang kanyang sanggol.
Sa byahe ng panahon na 'yon isa sa mga kinatatakutan ay
ang pagtawid ng bus sa tulay kung may bagyo.
At eto na nga ang unang tulay na tatawirin ng aming bus
from Tiguisan.
Kinakabahan ang lahat. Ramdam na ramdam ang takot at
pangamba sa mukha ng mga pasahero. Ang sabi ng driver, "O, eto na 'to!"
Sa lakas ng hangin eh talaga namang dumadag-is ang aming
bus makatawid laang. Malakas ang hangin. At lahat ay may pag-aalala at takot sa
mukha.
Tumatawid na ang bus namin.
1 metro - kaya pa.
5 metro - kaya pa, pero nasa gitna na kami from far right
lane ng tulay.1 metro bago makatawid ng tulay, nasa kaliwang bahagi na ng tulay ang bus namin. Parang hanging bridge ang tulay (pede ba dumaan ang bus sa hanging bridge?).
Sa awa ng Diyos naka-tawid naman kami.
Lahat at nakahinga.
Pero hindi pa tapos ang kaba.
At
nag-aabang na naman sa hindi kalayuan ang isa pang tulay.
Photo Credit: Mr. Vishal-raj |
Eto na ang sumunod na tulay.
Naka-pasok na ng ilang metro ang nguso ng bus.
Huminto na.
Hindi na maka-takbo pa.
Putol ang tulay.
Kaya baba ang lahat ng mga pasahero.
Sa dulo ng putol na tulay eh mahigit 5 metro pa ang dapat
tawirin. May kalaliman ang dapat tawirin. Mabato, animo'y ilog na natuyuan ng
tubig. Sa kanan ay nagdawag ang matataas na luntiang kawayan. Makapal. Parang
wallpaper na nga sa dakong iyon.
Ang alam ko habang nasa bus kami bago makarating sa tulay
na'to eh ibinalot ko na rin ang aking telepono sa silopen para hindi mabasa,
pero sa mga susunod na tagpo nang mala-tele-serye kaganapang ito eh naging
kagamit-gamit eto. Bigla ko naisipang kunan ng larawan ang pangalan ng tulay,
hindi pa 'man tapos eh may pangalan na.
Biglang naisipan ng driver ng bus na saliksikin kung ano
ang meron sa kawayanan. Habang papunta sya sa kawayanan eh dagli'y naging
malinaw sa amin na ang lugar na 'yon ay lugar ng mga rebelde na hindi malinaw
kung ano ang ipinaglalaban. Basta nakakatakot na mga rebelde. Handang kumatay
ng tao.
Maya-maya (hindi ito isda) pa'y sabay-sabay kaming
napalingong nanlalaki ang mga mata at bahagyang naka-buka ang mga bibig sa gawi
ng kawayanan. May narinig kaming kaluskos. At positive kami, sa driver 'yon.
Hindi nga kami nagkamali - sa loob ng kawayanan at sumigaw sya,
"TUMAKBO
NA KAYO!".
At sa mga sandaling 'yon eh positive kami na kinakatay na
sya ng mga rebelde.
Take note, at ang lahat ng mga ito ay nangyayari nang
naka-record sa telepono ko (wait nyo laang ‘yong nakunan ng phone sa huling
bahagi).
Syempre "TAKBO" daw, kaya nagpulasan kami.
'Yong iba eh nag-suot sa ilalim ng tulay, ang iba eh doon sa kawayanan
nag-punta, habang ako na very flexible at talagang pang-long jump / high jump
ang talon eh bibong-bibong sa kaliwa nagpunta.
Lundag-takbo ang ginawa ko. Parang wheat field 'yong
tinatakbuhan ko. Sa tuwing lumulundag ako eh natatanaw ko ang mga rebelde. May
mga cranes, may construction at abalang-abala ang mga rebelde. Kinakabahan ako
pero lundag at takbo ako. Pramis, malutang ako that day.
Tumigil laang ako sa aking pag-takbo at pag-talon ng nasa
Bongabong na ako.
Linggo nga pala, may simba eh.
Habang dumadaan ako sa tapat ng Saint Joseph Parish eh
nakita ko 'yong nanay at tatay ni Didoy, holding hands at magsisimba. Ang
nakikitang kong naglalakad papuntang simbahan eh si Didoy at si Bless, pero
kumbinsido ako na mga magulang nila ‘yon.
Pag-lampas kina Tria, doon sa kanto nina Enriquez eh
nakasalubong ko si tita Guy at si Daddy Doc, akay-akay si Yaj at sisimba rin.
Syempre bumati ko sina tita Guy at Daddy Doc, at nakipag-laro sa'kin si Jye.
Sabi ni Tita Guy, "buti sumasama sa'yo si Jye, samantalang kay Robi
hindi"... On cue, biglang nasa likod ko si Robi.
Sa mga sandaling ‘yon ay na-realized ko na nananaginip
laang ako. Pero hanap ko agad ang telepono ko, malay mo may recording talaga.
Home
Touch IDPhotos
Vidoes – Walang laman
Recently Added – wala talaga.
No comments:
Post a Comment