Tuesday, 21 April 2015

Ang Lalaki At Ang Okra



Berde?
Oo.

Gulay?
Oo.

Nasa pakbet?
Oo.

Masarap?
Hhhmm…pede.

Madulas?
OO!

Alam na…

Nagsisimula sa letter “O”?
OO!!

Opo?

Photo Credit: http://catalog.wlimg.com
Alam ko naman na hindi “OPO” ang sagot mo…feeling ko OKRA.

Siguro, kung papipiliin ako kung OKRA or UPO, ang pipiliin ko ay UPO. Bakit? Kasi masarap ang upo i-gisa sa sardinas. Masarap ding sabawan ‘yong may kasamang miswa. At higit sa lahat – pampabait raw ang upo….sabi ng mga matatanda noon, eh ang isang batang pinoy daw para bumait at maging magalang eh kailangan kumain ng maraming upo…para sa Pinoy Patented na PO at OPO. Sa kasalukuyang panahon, parang ngkakaubusan na ng upo sa Pinas.

Sa post na ito eh hindi naman ang upo ang bida, segwey laang ‘yong upo…ang totoong usapin ay ang OKRA o mas kilala bilang Abelmoschus esculentus Moench.


Sa totoo laang, nitong mga bagong panahon ko na laang nalaman na ang englis pala ng okra ay “Lady Finger”…at dahil nga “lady finger” ay maaaring “biscuit” ang lumabas na iyong query sa Google tungkol dito. Parang ‘yong San Pedro laang na sortidos kina Atlas noon. Dahil nga hindi naman ako mahilig kumain ng okra kaya wala naman akong interest na alamin kung ako ang englis nito, isa pa hindi rin naman gamitin ang salitang okra sa pang-araw araw na pamumuhay malibang ikaw ay may taniman ng okra (How’s your lady finger farm?) o kung ikaw ay nagluluto ng pakbet (When do I have to put these lady fingers?). Siguro ang tawag na “Lady Finger” sa okra ay may kinalaman sa dulot nitong epekto sa lahi ni Adan.

Dahil sa nga sa naging parte na ng buhay ng tao ang computer, at kasama doon ang Google (ang sarap siguro gumawa ng term paper noon kung may Google) at kasama pa ang Facebook at iba pang social media sites. At dahil sa Facebook, Twitter, Instagram (ilan laang ang mga ito) eh nagkaroon rin ng bagong kalipunan ng tao – ang mga Netizen.

Salamat na rin sa teknolohiyang ito dahil mabilis ang pagpapalaganap ng inpormasyon, mas madali ang pagpapalitan ng kaalaman, at higit sa lahat eh mabilis maging viral ang mga kapapanabik ng bidyo.

Bago ako lumayo, balikan natin ang OKRA.

Sa Facebook ko laang rin nabasa na masustansya rin naman daw talaga ang okra. Bukod sa pamimilit sa akin noon na kailangan kong kumain ng okra kasi nga raw masustansya ito, pero hindi ko masikmura ang dulas nito sa lalamunan. Basta laang kinikilabutan ako sa tuwing lulunkukin ko ang okra. Lasang gulay rin naman. Pero madulas laang talaga. Parang naga-pada-us-us laang sa lalamunan ko. So, ‘yong dulas ng okra ang hindi ko kaya. Though, I don’t have anything against about the “madulas” thing (because sometimes it….), so it’s the DULAS-OKRA.

Dahil nga sa sustansyang dulot ng okra sa katawan ng tao, eh nagkalat ang mga tungkol dito sa FB. Andyan ‘yong mabisa ito sa mga may Diabetes (ibabad overnight ang okra sa isang pitsel ng tubig at inumin ang pinagbabaran), nakakatulong raw ito sa mag-regulate or magpababa ng blood glucose level ng isang diabetic.

Mabisa ring antibacterial at antioxidant ang okra.

Sabi rinng mga matatanda eh mabisa rin ang okra sa:

  • Nanunuyong lalamunan (siguro nga dahil madulas ito)
  • Pananakit ng lalamunan dahil sa labis na pag-ubo
  • Mainam rin raw ang dahon at bunga nito para sa nahihirapang umihi dahil sa tulo.
  • Maari ring panapal sa sugat ang dahon ng okra.
  • Laking ginhawa rin ang dulot ng katas ng okra sa pananakit ng tiyan dahil sa pagtatae.
  • Pwede rin panapal ang dahon ng okra mga namamagang parte ng katawan.
  • Kung gusto pagpawisan – magsangag ng buto ng okra.
  • Mabisa rin sa lagnat, pananakit ng ulo at rayuma ang katas ng okra.
  • Hindi makatae? Kumain ng okra.
  • Mabisa rin raw eto sa taghiyawat, hence nakakapagpakinis ng balat (parang ‘di ko yata alam ‘to???)

Ilan laang ang mga nabanggit sa pakinabang na makukuha sa okra. And because we’re living on a world where good and evil exists, ang okra pala ay hindi rin pala para sa lahat – oo ikaw ‘yon Adan.

Bagaman masustansya at mainam kainin maging ng bata o ng mga babaeng nagdadalantao ang okra, may babala para sa mga lalaki. Ayon sa isang pag-aaral (though not that conclusive yet as the it requires more studies and experiments), hindi rin pala kainaman ang okra para sa lalaki. Although, lahat ng mga nabanggit kong pakinabang ng okra sa tao eh kapaki-pakinabang rin sa lalaki, subalit meron itong kabig. As in malaking kabig. Nakakatunaw ng pagkalalaki. Literal. Atrophy. Hindi ko alam kung anong wika ang gagamitin ko sa mga susunod na talata. Kung englis eh mas “medical” pakinggan, subalit kung susubukan ko sa wikang tagalog, maaaring hindi kagandahang pakinggan sa iba. Ganunpaman, dahil sa blog ko ‘to, at wala naman ako sa senate inquiry para mag-englis eh tatagalugin ko na laang.

So, ang tanong: ANO ANG KABIG NG OKRA SA PAGKALALAKI NI ADAN?
 
Photo Credit: http://i3.mirror.co.uk
Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of Phytology noong 2009, dahil sa methanol na taglay ng katas ng okra, gumagaan ang timbang ng bayag ng isang lalaki. Suportado ito ng iba pang mga pag-aaral at mahabang pag-o-obserba kung saan kapansin-pansin ang pagkakaroon ng “testicular atrophy” o sa ganang akin laang eh – pagliit ng bayag. Kapansin-pansin rin ang paggaan ng “prostate gland” ng lalaki. Ito’y ayon sa kasalukuyang pag-aaral pa laang at maaaring hindi pa “conclusive”, pero maaring maapektuhan rin nito ang kakayahang magka-anak ng isang lalaki.


Buti na laang pala UPO ang pinili ko, buti hindi ako mahilig sa okra.….i’m just saying…. Kaw, mahilig ka ba sa okra?

1 comment:

Anonymous said...

[Shurangama Sutra]
[The Diamond Sutra]
[The Heart Sutra]

[correct cognition and views]
[know well]
[right view, correct view]
[correctly mindful and accurately knowing]
[entering into the abodes with correct awareness]

Ksitigarbha
Amitābha

"Bhaiṣajyaguru
The Twelve Vows of the Medicine Buddha upon attaining Enlightenment, according to the Medicine Buddha Sutra are:
To illuminate countless realms with his radiance, enabling anyone to become a Buddha just like him.
To awaken the minds of sentient beings through his light of lapis lazuli.
To provide the sentient beings with whatever material needs they require.
To correct heretical views and inspire beings toward the path of the Bodhisattva.
To help beings follow the Moral Precepts, even if they failed before.
To heal beings born with deformities, illness or other physical sufferings.
To help relieve the destitute and the sick.
To help women who wish to be reborn as men achieve their desired rebirth.
To help heal mental afflictions and delusions.
To help the oppressed be free from suffering.
To relieve those who suffer from terrible hunger and thirst.
To help clothe those who are destitute and suffering from cold and mosquitoes."