Wednesday, 30 July 2008

Ang Bagong Ungkutan ng Mangyan

Sa paglipat ko nga dito sa bago kung opisina eh bukod sa pagbabago ng aking kapaligiran, at pagbabago na rin ng mga taong nakapaligid sa akin (ung mga kapit-silid ko ba), eh medyo malaking pakikibagay rin ang kailangang gawin ng mangyan..

Pati ‘yong sinasabing ngang working environment, eh nabago na rin. Pati ‘yong working habit ko, kahit papaano eh medyo na-ngangapa pa.

Ano-ano ang mga pagbabago? Sige nga isa-isahin natin.

ANG PALIGID

Sa Engineering, simple lang ang paligid. Vinyl ang sahig, maraming malalaking lamesa at sa malaking lamesa na ‘yon eh nakalatag ang santambak na drawings. Marami ring lapis at lead ng lapis, nagkalat ang mga pambura at mga highlighter. At mawawala ba naman ang ruler, syempre sangkaterba rin ang ruler; iba-iba pang klase at hugis, kung me ruler, aba alangan namang mawala pa ang calculator – kalat rin. Ang copier, plotter, at bunbon ng mga papel eh ‘di rin mawawala sa paligid.

Bukod sa mga kalat na ‘to, eh nagkalat din ang mga tao at parang abalang-abala ang lahat – ‘yong ipong hindi mo makausap. Tas ang daming palakad-lakad sa paligid, lakad dito, lakad doon. ‘Yong iba abala sa mga drawings, may nagbabasa, may nagsusukat, may nagplo-plot, meron din namang nagtsa-tsai lang o kaya kape. Sa madaling salita, parang palengke.. he he he… hindi naman ganoon, ‘ngalang kasama kasi sa engineering ang project execution kaya ang daming tao sa paligid.

Sa Administration Wing, simpleng-elegante ang paligid dito. Carpeted ang sahig, tapos merong mga halaman sa mga sulok. Tas ‘yon nga ‘yong mga walls namin eh salamin, kaya naman pare-parehas kaming nagkakapangitaan. Sa kinauupuan ko, kita ko kung ano man ang ginagawa ng aming Marketing Manager at Contracts Manager sa harapan ko, tas sa kaliwa ko naman eh ang Administration Manager, tas sa bandang unahan pa eh ang Project Control Manager naman. At kung ‘kala mo eh tapos na ang litanya ng mga managers na ‘yan, aba may pahabol pa; kasi sa kanan ko naman ang General Manager namin.

At kung sa Engineering eh santambak ang mga taong palakad-lakad, dito Admin eh ‚yong teaboy lang palakad-lakad para mag-refill ng kape o tsaa. Di lang ‘yon, sobrang tahimik ng paligid, na sabi ko nga before eh ultimo pag-tipa ko sa aking keyboard eh naririnig sa may main entrance. Opisina sya, pero parang walang nag-oopisina kasi nga tahimik ang lahat. May kanya-kanyang ring pinag-kakaabalahan pero di lang palakad-lakad.

Sa ngayon eh lima lang kaming nag-oopisina dito sa buong palapag, kasama na ‘yong teaboy; naka-bakasyon kasi ‘yong General Manager at ‘yong Marketing Manager.

PANANAMIT

Sa Engineering, nakakapasok ako ng naka-polo shirt lang at maong. Kung minsan pedeng naka-rubber shoes, pero dapat kadalasan eh safety shoes kasi pumupunta kami ng site project. Kung nasa me meeting eh nagpo-polo naman ako, pero naka-maong pa rin.

Sa Admin., eto ang malaking pinagbago. Kasi i have to wear long sleeve with all the tie and stuff. Syempre di na rin puede ang maong, kasi I have to wear slacks, at alangan naman ang rubber shoes sa slacks, kaya kailangan kong ‘yong “balat” na sapatos. Kaya nga eto, medyo stress ‘yong mga paa ko, kasi naninibago sa sapatos. At para mabawasan ang stress sa paa ko, eh kailangan ko pang mag-iba ng lakad; lakad na fit sa “balat”.

Total makeover talaga!

Eto ang kuha ko kanina..

'Yon upuaan ko, dyan ako sa sulok.

Dito naman upo ang mga bisita... diba, parang may bibisita talaga s'kin..
Dito pwesto ko..



Saturday, 26 July 2008

Lipat Opis

Naglipat opisina ako… mula sa engineering, dito ako ngayon sa administration wing… ang pinaka-away ko pa naman sana sa lahat…

Bakit ayaw?

Aba ikaw na ang mag-opisina nang nasa kanan ang General Manager, sa kaliwa ang Administration Manager, sa tapat ang Marketing at Contract Manager, at lahat ng wall eh salamin...kaya naman para ako ngayong tumutulay sa alambreng may numero.

First day ko pa lang dito sa bagong opis, pero parang iba na ang aura, para bang mas lamang ‘yong “Ibalik nyo na ako sa Engineering!!!”…

Maganda naman ‘yong opis. Kumbaga, kahit papaano ngayon eh I have my own wall now… I have walls!!!.. damn glass walls… ang hindi lang salamin eh ang pintuan. Ok na rin sana, saan ka pa, meron na akong free-internet connection, at ang kape at tsaa eh bottom-less, pede pa mag-request ng cappuccino, and I have my own reception room..pede na ako tumanggap ng bisita nang hindi na tatambay sa lobby.. he he he…

Ok na sana ‘no, kung hindi lang sana medyo asiwa sa mga mudir (managers) sa paligid ko… at ako lang na Pilipino dito sa floor… at sa sobrang tahimik ng paligid, eh bawat tipa ng mga daliri ko sa keyboard eh umaalingaw-ngaw sa buong floor…

Ganoonpaman, unang araw pa lang naman… siguro masasanay rin sa mga susunod na panahon...

Wish me luck!

Saturday, 19 July 2008

Sampaguita Walad

Sa pagpapatuloy ng aking seryeng Manlalaro sa Kalsada, ipinakikilala si Sampaguita Walad.


Kung akala nyo eh sa mga kalsada lang ng Maynila merong mga nagtitinda ng Sampaguita, mali ka dun… kasi maging dito sa Jeddah eh meron na ring mangilan-ngilang mga kabataang lalakeng nagtitinda ng Sampaguita.

Bakit lalake?

Kasi hindi babae.. he he he… Sabi ko nga sa mga nakaraang post ko, eh ang Saudi ang mundo ng kalalakihan. Ang mga babae dito eh nasa bahay lang.

Or siguro, kung magtitinda man ng tinuhog na sampaguita ang isang babae dito, eh dapat kasama nya ang kanyang asawa, o kapatid na lalaki, o ang kanyang ama, o kahit sinong lalaki na kanyang kapamilya.

Kasi nga bawal lumabas ang mga babae dito ng nag-iisa, dapat kasama nya ang kanyang asawa, o sinuman sa kanyang pamilya. Para na nga rin siguro sa kadahilanang pangsiguridad kaya hindi na rin pinalalabas ng bahay mag-isa ang mga babae, kung ‘yong mga lalaki nga dito eh na-gagahasa pa eh, ano pa kaya ‘yong mga babae.

Balik kay Sampaguita Walad, hindi ko lang alam kung anong lahi nya. Pero sa hilatsa ng mukha eh parang Pana o Pako ito.

Sa totoo lang humahanga ako sa kanila. Nagpupumilit kumita sa legal na kapamaraanan. Di rin alintana ang init ng araw, at pag-sinabing mainit dito, eh mainit talaga!

Sa pagkaka-alam ko eh, 3 sampu ang tuhog ng sampaguita dito.

Saan nanggagaling ang sampaguita ? ‘Yan ang tanong na hindi ko pa alam ang sagot.

Monday, 14 July 2008

Tambyolo ng Buhangin

Kahapon ko pa sana post 'to. Eh hindi nangyari, kaya ngayon nalang. Galing ako ng site project namin kahapon. Shoaiba Steam Power Plant.
Ipapasa ko lang Method Statement ko para sa aming Summer Performance Test.

Ano raw?

Summer Performance Test for HVAC equipment. Blah...blah...blah... sa totoo lang natapos ko 'yong hinihinging Method Statement nd consultant for this performance test nang wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba ang gagawin nila..

Di lang to sa summer ha, base doon sa ipinasa kong Method Statement, meron pa rin Winter Performance Test, sometime between December or January next year.

Sa anumang kapamaraanan (anyways), nagpunta ako ng site kahapon, para makipagkita sa mga konsultant ng project namin para nga matuldukan na 'tong performance testing na 'to. Na sabi ko nga eh wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba 'tong pag-uusapan namin. Mabuti nalang at Pilipino 'yong consultant, si Sir Bayani, at kahit naman papaano eh umaalalay sa akin doon sa meeting.

Sa awa naman ng Diyos eh natapos rin 'yong meeting na may napagkasunduan kami.

Kaya ngayong umaga, naihanda ko na ang final draft ng aming HVAC Summer Performance Test, incorporating all the remarks and comments of consultants. Hintay ko nalang 'yong bosing ko to sign for the submittal letter.

Kahapon, sa aking muling pagdalaw sa site, ibang-iba na ang site. Konti na ang mga tao, at halos wala na rin 'yong mga opisina. Nagpaalala tuloy sa aking na mahigit limang buwan na pala akong nakatambay ngayon dito sa headoffice namin.

Nakaka-miss din 'yong site. 'Yong working environment, malayong-malayo sa buhay dito sa opisina. Ok naman dito sa opis, malamig nga eh, 'yon nga lang parang iba kung nasa site ka. Though mainit at talagang disyerto ang nasa paligid eh iba 'yong working condition o siguro 'yong working etiquette ng mga tao.

Just info lang. Sa site kasi, kahit parang nasa United Nations ka, dahil sa dami ng iba't-ibang lahing nakakahalubilo mo eh, purely professional ang trabaho, as in trabaho.

Dito sa opis, mabibilang mo kung ilang lahi merong nagtatrabaho, and yet very unprofessional at the way na nag-tatrabaho sila eh may halong politika. Like 'yong Pana at Pako (ang alam ko eh mortal na magkaaway ang dalawang 'to). Though 'di ka naman kasali sa away nila, apektado pa rin trabaho mo...kaya ayon..


Anyways, na miss ko rin pala sa site 'yong araw-araw nalang na sandstorm. As is bumabagyo ng buhangin ang paligid.

At kahapon nga sa aking pagdalaw muli sa site, eh di naman ako nabigo, kasi pag-uwi namin eh inabot kami ng sandstorm sa kalasada.

Hirap tuloy magmaneho. Kailangan dahan dahan. Kasi halos di na maaninag 'yong kasalubong o kasunod mo.

Ang takbo lang namin siguro eh mga labing walong milya lang kada oras. Iwas aksidente na rin. Kasi sobra kapal ng buhangin.

Kaya naman 'yong dating isa at kalahating oras na byahe namin mula Jeddah hanggang site, eh inabot na mahigit tatlong oras.


At kawawa naman 'yong sasakyan namin, kasi sigurado sira ang pintura. Kasi nga napalaban sa sandstorm. Para kang nasa tambyolo ng buhangin. Ang kapal ang buhangin, samahan mo pa ng alikabok. Kinailangan pa tuloy punasan ng grasa 'yong hood ng sasakyan para kahit naman papaano eh di masira 'yong pintura.

Pero doon lang 'yon sa gitna ng disyerto, kasi pagdating naman namin ng Jeddah eh parang wala lang. Kaming dalawa lang noong kasama ko ang puno ng buhangin.

Sunday, 13 July 2008

Mafi Shoukol

Sa aking pagpasok araw-araw, bukod sa kabi-kabilang hukayan, at syempre kung may naghuhukay ng kalsada eh meron ring masakit-sa-tumbong na traffic jam, kapansin-pansin rin ang dami ng mga tao sa gilid ng kalsada. Hindi ko lang masabi kung may mga pinagkaka-abalahan, o kaya naman eh nag-aagahan, o simpleng tambay.

Tambay? Walang piho.. kasi nasa Saudi eh. Ang mga tao pumupunta ng Saudi para magtrabaho, pwede rin sigurong tumambay…but doesn’t make sense… ganoonpaman, eh gusto nilang tumambay eh, ano magagawa ko.

Karamihan o karaniwan mong makikitang nakatambay (“tambay” na lang muna ang gagamitan kong salita) sa mga gilid-gilid ng kalsada ng Jeddah, Bawadi District – Siteen Road, kung saan madalas akong dumadaan patungong trabaho, eh mga Pana (Indiano – ang “Pana” ay hango sa Indian Pana kakana-kana!), mga Pako (Pakistan national), Baladiya (don’t want to be a bigot here, pero ‘yon talaga ang tawag sa mga Bangali (native of Bangladesh) dito, kasi usually janitorial jobs o baladiya type ang trabaho ng mga Bangali dito), kaya doon hinango ang palayaw nila. Meron ding mga Itim o kung tawagin dito eh Takruni; galing ng Africa, Utopia to be exact, pero meron ding itim na galing ng Sudan.

Ang Tanong: Ano ang ginagawa nila umagang-umaga sa gilid ng kalsada?

Ang Sagot: Sila raw ‘yong mga “Pick-up Boys”.

Opo, Pick-up Boys. Sila ‘yong mga nationals o ‘yong mga Expats sa Saudi na walang permanenteng trabaho.

‘Yong iba nga mga wala pang papel, kaya naman suki na ng mga Jawazat (mga pulis na nanghuhuli ng mga expat na walang kaukulang dokumento) ang ilan sa kanila.

Bakit Pick-up Boys?

Kasi, tuwing umaga ang gawain lang nila ay mag-abang sa tabing kalsada. Mag-abang ng mga taong pi-pick-up sa kanila para sa arawang trabaho.

Take note, ‘di lang sa umaga ‘to. Nag-aabang sila hanggang gabi, doon lang sa tabing kalsada.

Nakakalungkot. Buti na nga lang kahit naman papaano eh wala pa akong nakikitang mga Pilipinong Pick-up Boys dito, Pick-up Girls lang (sa ibang entry na lang siguro ‘yon). ‘Yon ang pagkakaalam ko ha, kasi sabi rin nila may ilang Pilipino rin ang nakatambay ngayon sa ilalim ng mga tulay dito, mga Pilipinong tumakas sa kanilang mga amo.

Sapalaran lang talaga ang pag-aabroad. Sabi nga ng ilan eh “Swertehan lang”.