Nakakasilaw!!!!!! Aaaaahhhhhhhhhh!!!!
Para akong mabubulag. Sa sobrang liwanag ay halos magdilim ang aking paligid… unti-unting nagdidilim ang paligid, hanggang sa aking napagtanto kung ano ba ang nakakasilaw na bagay na ito…
Syet! Araw pala!!! Araw pala ang natitigan ko. Anak talaga ng araw o!
Habang nagaadyas ang aking mga mata, mula na naman sa kung saan ay may narinig akong kakaibang tunog. Pramis totoo na ‘to. Hindi ko lang maipaliwang kong ano ‘yong tunog kasi nga diba kakaiba ‘yong tunog.
Hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog. Lingon sa kaliwa. Lingon sa kanan. Umikot ng umikot at humanap ng iba. At mula as kung saan, dis is et na talaga.
Aaaaahhhhh… kablag!
Mula sa kawalan ay isang nilalang ang bumagsak. Para gang inihulog galing sa langit. Elyen kaya ito ? Mukha namang tao, in pernis ha. At talaga namang nakapayong talaga – kulay itim. Swabe naman ang pagbagsak, kahit medyo may “kablag!” na sound paglapat sa lupa – halata na may kabigatan ang isang ito. Konti na lang siguro yayanig na ang paligid. Pag-lapag sa lupa, wala lang.. parang walang nangyaring naglakad papalayo sa gitna ng disyerto.
Akala ko tapos na ang aparisyon, hindi pa pala. Parang sumayaw ang araw. Patay-sindi. Para gang sa Agoo noon. Noong kasagsagan ng “aparisyon” daw eh nagsasayaw din ang araw, at maraming diboto ang talaga namang dumadayo para lang makasaksi ng nasabing “aparisyon”. At matapos ang ilang mahabang taon, ang batang lalaki noon na kung saan ay naging taga-pamagitan sa “aparisyon”, ay dalagang-dalaga na ngayon. Bakit naging dalaga ang batang lalaki… wag mo nang itanong, kasama ‘yon sa mga himala. Balik sa sarili kong aparisyon.
Ka-blag!!!!! As in malakas ang pagpagsak. Naka-payong paring itim. ‘Yon nga lang halatang mas mabigat ang isang ito kesa doon sa unang bumagsak kanina. Nayanig kasi ang paligid sa kanyang pagbagsak. As in yanig, muntik na nga akong matumba eh. Pagbagsak, talaga namang malaki at malakas na ka-blag!!! Nadistort nga ang kulay ng paligid eh dahil sa lakas ng impak. Pero dyaporms na dyaporms naman ang bagsak. Parang na awt-op-balans, pero banayad na banayad naman ang bagsak. Katulad rin ng nauna kanina, lumakad lang din papalayo sa gitna ng disyerto na parang wala lang…
Akala ko tapos na ang lahat, pero may humabol pa pala.
Biglang kembot!
Keym from nowhere na isinuka ng heaven knows. Negritang payong rin ang kanyang parakyutechee at kering keri nya ang malandi ngunit kahinhinan ang kanyang arrival. Talaga namang echusera ang beautiful pes ng lola mo. Super feeling-diva paglanding at talaga namang mahinhin pa sa extra virgin coconut oil. Buti nalang at hindi na-fall-laloo ang lola mo, kundi super crayola to the max ang drama. 'Yon nga kering-keri naman ang arrival-galore, at keber lang sya - wala nang kung anik-anik na chuvaness. Hhhmmmmpp...
Kembot ulit.
Pagbagsak sa lupa, katulad rin ng dalawang nauna, matikas at barakong-barako naman itong lumakad papalayo sa gitna ng disyerto.
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Pero wala nang dumating. Tahimik na muli ang paligid. Tumigil na sa pagsayaw ang araw. At naramdaman ko na rin na matagal na pala akong nakababad sa gitna ng araw at ilang oras pa ay malutong pa sa balat ng litson ang aking balugang balat.
Sumilong ako sa lilum. At naiwan sa akin ang katanungang:
Kembot ulit.
Pagbagsak sa lupa, katulad rin ng dalawang nauna, matikas at barakong-barako naman itong lumakad papalayo sa gitna ng disyerto.
Naghintay pa ako ng ilang minuto. Pero wala nang dumating. Tahimik na muli ang paligid. Tumigil na sa pagsayaw ang araw. At naramdaman ko na rin na matagal na pala akong nakababad sa gitna ng araw at ilang oras pa ay malutong pa sa balat ng litson ang aking balugang balat.
Sumilong ako sa lilum. At naiwan sa akin ang katanungang:
SINO SILA?
SILA BA AY MGA PULIS PANGKALAWAKAN?
May karugtong….
1 comment:
as in talagang naka ngiti yung mga men in black umbrella-rella!
Post a Comment