Eh blogger na natanggal sa trabaho? Pamilyar ka rin?
Kaninang umaga, napalaaliwalas ng paligid. Magandang umaga, bagong umaga. Mukhang ok naman nagsimula ang lahat. Naka-dalawang kape na nga ako at isang berdeng tsaa bago pa mag-tanghalian.
Nakagawa na rin ako ng isang entri sa blog ko kanina, tungkol ba sa nakakagigil na POEA at OWWA.
Dumating ang alas-onse ng umaga. Nag-ring ang telepono ko.
Riiinnnnnggggg.... Riiinnnnnggggg.......
Me: Hello!
Ang kalihim pala ng isa sa mga amo dito.
Kalihim: Hello, me, my boss wants to talk to you. Hold the line i'll transfer you.
Me: Oki.
nagbalik sa linya ang kalihim.
Kalihim: Me, just come to his office, he wants to talk to you.
Me. Tell him I'm busy here, I also have some work to do here. (biro lang 'yon)
Kalihim: He's angry!
Me: What?
At hindi na nya ako nasagot kasi ibinaba na nya ang telepono.
So, punta nga ako sa office ng amo nya.
Nasa silid ng amo nya ang isa pang kalihim. Nang makita ako ng amo ni Kalihim 1, sinenyasan lang nya ako na pumasok sa loob ng silid. Pagpasok ko nga lumabas na si Kalihim 2.
At nag-umpisa na nag sisira ng napaganda kong umaga.
Amo: What is this???!!! (galit talaga, as in...)
Pagtingin ko sa itinuturo nya.... aahhh... 'yon pala 'yon. Isa pala sa mga entri ko sa post ko na Whattanem!!! ang nakita nya. Basta isa doon. Nagbabasa rin ba sya ng blog ko??? Hindi naman siguro, kasi kung nagbabasa sya, sigurado sa mga oras na ito eh wala na akong trabaho. Akswali, pinadalhan ko 'yong kalihim nya ng kopya ng blog ko, para nga itama kong ano man ang dapat itama. Isa kasi sa mga larawan sa blog entri ko na Whattanem!!! eh galing mismo sa harapan ng aming opisina.
Ipinadala ko sa kalihim nya ang larawang iyon para ipaalam nya sa amo nya ang mali para gumawa ng aksyon para maitama. Eh ang estupido at kalahating kalihim na 'to, sa halip na ipaalam sa amo nya ang "napansin" ko, e ikinalat sa local network namin ang larawan - naging katawa-tawa ang aming kompanya.
Kaya ako pinatawag ng amo nya.
Syempre paliwanag naman ako ng side. (mahaba ang paliwanagan, in short na-ayos rin ang lahat, at nangako na lamang akong kung may mapupuna pa ulit ako ay dumiretso nalang ako sa kanya - sa amo ni Kalihim 1.)
Haaayyy... kinabahan ako don ah.. akala ko mawawalan na ako ng trabaho. Akala ko masesesante na ako.
But the thought is, i'm just trying to correct what is wrong. Pero hindi ganoon ang pagkakaintindi nila, feeling nila pinalalaki ko lang ang isang napakaliit na bagay. For info lang: 15 years na yatang nakatayo ang maling karatulang iyon sa tapat ng aming opisina - sa tagal ng panahong 'yon ay wala man lang nakapuna na mali pala ang karatula. At kanina rin, sa galit ni amo, ipinbuldows ang karatula...
Paalam karatula.... muntik mo na akong alisan ng trabaho ah...
No comments:
Post a Comment