Wednesday, 12 March 2008

Nagtanong si Mark... Nagtanong si Siddiqui

Is it a sin being a bachelor?

Ngayong umaga kasi, halos ganito ang tanong na bumulaga sa inbox ko. Are you ready to be a father? (tanong ito ni Engr. Mark, semi-first name basis lang ang pagkakakilala namin, kasi minsan ay nahingan ko na rin sya ng input para sa isang sanaysay - 'yong kwento siguro sa ibang post nalang.) Actually para wala namang dating 'yong tanong. Hindi ko nga binasa 'yong kabuuan ng sulat.

Hanggang sa nang bumaba ako sa kitchen namin para gumawa ng kape. Nasa kitchen 'yong teaboy namin, medyo naglilinis pa at si Siddiqui - CAD operator namin. Habang inihahanda ko ang aking kape, walang ano-ano ay nag-umpisang magsalita si Siddiqui, tanungin ba naman ako:

Siddiqui: Are you married?

Me: Nope (on my very casual tone)
Siddiqui: You're not? Why?
Me: Why not? Was there a problem? (still on my casual tone, pero medyo nabawasan na - 50% nalang)
Siddiqui: I mean you should be. When are you going to get married, when you're old? You're not getting any younger everyday.... (medyo sarcastic 'yong tono nya dito - na para bang nagkakasala ako sa ginagawa kong araw-araw na pagiging bachelor)
Me: What do you want? (somewhere between 15 to 20% of my not so casual tone - yet it's still casual)

Wala ng sumagot at narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pintuan... umalis na pala sya.

Habang papaakyat ako sa aking office, kahit ayaw kong i-interteyn 'yong tanong nya - pabalik-balik pa rin sa utak ko. At pag-upo ko sa aking upuan, naka-flash pa rin sa monitor ko ang tanong ni Engr. Mark: Are you ready to be a father - UX!

Sige na nga basahin ko na kung anong nilalaman ng sulat na ito.

Ok naman.. ano nga eh, dagdag kaalaman sa mga taong gustong mag-asawa at magkaroon ng anak. Pero andoon pa rin ang tanong: Handa na ba ako? o Kailangan ko ba talagang maghanda?

Habang sinusulat ko ito, sumagot si Engr. Mark:

Ungas kahit free yan walang magpapa-register.....

Ito siguro ang isa sa mga tanong na hindi ko kayang sagutin sa ngayon.

But here's a thought:

Kung bata ang isang lalaki, pagsapit mo ng pitong taon eto ang karaniwang tanong:

Tuli ka na ba?

Kung, ang sagot ng bata ay hindi, maghanda na supot na bata sa pangungutya ng mga batang tuli.

At natuli na nga, pagdating naman nga batang ito sa edad na kinse hanggang disiotso, eto na ang tanong:
May syuta ka na?

At kung ang sagot ay wala pa, at sa tingin ng nagtatanong ay wala namang ibang dahilan kung bakit wala kang syuta:

Bakla ka ba?

Para bang sa edad na ‘yon ay wala kang ibang dapat gagawin maliban sa ikaw ay maghanap ng syusyutain.and you hear the rest of the story.

Pagsapit ng disinuebe, pataas eto na ulit ang bagong tanong:

'Tol, virgin ka pa ba?

Para sa mga babae, ang sagot na "Oo, virgin pa ako." ay isang karangalan, pero sa lalaki kung ang sagot ay "Oo, virgin pa ako." sampal 'to sa mukha. Para bang hindi kumpleto ang pagiging lalaki mo. Bakla nga siguro....

Makalipas ang lima o walong taon, eto na ang tanong:

May asawa ka na?

Ok, sige na nga pagbigyan na natin itong nagtatanong: NAG-ASAWA NGA. Kala mo tapos na ang tanungan, mali ka doon, meron pa.

May anak ka na?

At muli andoon na naman ang katotohanan na kung ang sagot ay WALA, there's something wrong with you. Wag naman sanang baog.

Tapos na ba? Hindi pa... kasi kung ang sagot ay "OO, MERON"...

Kelan mo susundan?... Anak ng ewan o.. walang katapusang tanungan 'to...

Kailangan ba talaga nating sumagot sa bawat tanong? Kailangan ba nating sumunod sa pamantayang ito na hindi natin alam kung sinong Ponsio Pilato ang nagtakda.... maanong isakripisyo natin ang ating sariling kaligayahan...

Masaya ba tayong sumagot sa mga tanong na ito? Ako hindi… tae nilang may tattoo!!!

1 comment:

Lyzius said...

nyahahaha... social standards sucks!