Kilala mo ba si Hagrid?
Kung hindi mo sya kilala, eh kailangan mong magbasa ng libro... he he he..
Joke lang.
Kung hindi mo sya kilala, siguro naman kilala mo si Goliath?
Kung hindi mo pa rin sya kilala, siguro wala ka lang time para magbasa.
Eh si Bonnel Balingit o si Benjie Paras, kilala mo?
Kung hindi pa rin, siguro NBA ang pinapanood mo... 'yon nga lang ako naman ang walang kamuang-muang sa NBA, maliban nalang kay Michael Jordan.
Oki, kung di mo pa rin kilala 'to, aahh.... siguro naman narinig mo na ang Guinness World Record.
At kung alam mo ang Guinness, siguro naman sa mga sandaling ito ay alam mo si Leonid Stadnyx? Diba s'ya 'yong pinaka matangkad na nabubuhay na tao ngayon sa buong mundo. May taas na walong talampakan at mahigit limang pulgada.
Dagdag kaalaman: Ayon sa Guinness, meron daw tumor sa Pituitary Gland itong si Pareng Leonid. Kaya naman walang humpay sa paglalabas ang kanyang Pituitary Gland ng sangkap na pampalaki. Kaya nga ayan, sya ay lumaki.
Ngayon, kung hindi mo pa rin kilala ang mga nabanggit na tao sa itaas, aba'y wag namang ganoon... magbasa-basa naman paminsan-minsan.. he he he..
Suma-total.. lahat ay mga higante. Mga may lahing kapre. Siguro alam mo na kung saan pupunta ang usapang ito. Kung hindi pa, ako alam ko na, basa ka lang..
Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ako ng isang liham galing kay Mustafa, kasama ko dito sa trabaho - tungkol sa mga higante. Ang haba ng ano ko 'no... ng intro ko.. sa higante lang din naman pala mauuwi.
Hindi ko nalang matandaan, pero noon atang highschool ay napag-aralan namin na noong mga unang panahon ay meron talagang mga higante. Hindi ko nga matandaan kong napatunay ba ito. Ang natatandaan ko lang ay ang argumentong maaaring hindi ito totoo dahil sa dinami-dami ng mga butong nahuhukay ng mga sayantipiko, eh wala namang nahuhukay na buto ng isang higante. Ang alam ko lang may daynasor, may mga higanteng elepante, at mga naglalakihang buto ng balyena, pero higanteng tao.. wala.
Dati 'yon, hanggang noong isang linggo nga'ng matanggap ko ang liham na ito galing kay Mustafa... Kalakip nito ang isang larawan... larawang maaaring bumura sa manipis na guhit ng katotohanan at guni-guni..
"Recently gas exploration is going in the desert of south east region of Saudi Arabia.
This desert region is called Empty Quarter means in Arabic "Rab-Ul-Khaalee"; this body has been found by ARAMCO exploration team.
Which proves that what Allah said in Quran that before, the peope of AAAD nation, and HOOOD nation. They were so tall, wide, and very powerful that they were able to pull out big tress just with the one hand.
But what happen after when they become cruel and anti of Allah, Allah sub han o Taala destroyed them.
Saudi military took over this whole area. And no body is allowed to go in this area except Saudi ARAMCO personnels.
Saudi governmnet kept it very sectet but some military helicopters took pictures from air.
Pass this On... "
Sabagay maging sa bibliya rin ay nabanggit ang tungkol sa mga higanteng ito. Kung nagbabasa ka ng bibliya, nabanggit ito sa aklat ng Genesis 6:4.
"There were giants in the earth in those days...."
Sa aklat ng Bilang 13:33 "And there we saw the giants, the sons of Anak, which come of the giants..."
Sa aklat ng Deuteronomyo 2:11 "Which also were accounted giants, as the Anakims..."
Maging sa ikalawang aklat ni Samuel 21:22 "These four were born to the giant in Gath...."
Ikaw na lang ang bahala kung totoo man ito o hindi, totoong kuha o pinoto-shop na ang larawan... 'kaw na ang bahala.. basta ang pakiramdam ko ngayon, parang ang liit-liit ko..
6 comments:
hehehe! ano kaya ang kinakain ng mga higanteng yan para naman matry ko at baka may pag asa pa akong tumangkad? hehe!
@ifoundme
he he he.. siguro ang classic pa ring star margarine... at diba habang may buhay merong pag-asa.. hintay-hintay lang siguro...pero wag namang ganoon kalaki.. dambuhala na 'yon! lolz
ano kaya kung ang isang team ng basketball ay ganyan ka tatangkad?? may gusto pa kayang lumaban sa kanila?? hehe
nabanggit mo yung "son of anak" malamang ang pangalan nun ay "apo"..
joke!joke!joke! acheche!
kilala mo ba si carlo sharma ng dlsu dati? ang tangkad nun 7 footer ata... parang ganun.... crush ko yun pero nung nagpapicture kami, mukha akong barbeque stick sa tabi nya. LOL! di bale.... animalistic ang dating kaya type na type ko. hehehe!
teka, makabili nga ng star margarine... kahit kasing tangkad lang ako ni james yap okay na. hehehe! di ba kumakain din sya nun?
yung tallest person na yun hanggang talampakan nya lng ako...wahaha
napadaan lang po....
Post a Comment