Iba-ibang klase ng puno.
Merong punong mainam gawing muwebles, meron ring mainam na haligi sa bahay o kaya eh gawing bakod.
Meron ring gamit sa pang-gagamot, tulad ng puno ng Ligas. Though hindi magandang tambayan ang puno ng Ligas, kasi nga makati ang punong ito. ‘Di ko lang alam kung bakit nga naman nagdudulot ng kati ang punong ito, at pagsinabing makati, eh makati talaga, kailangang kamutin at namamantal talaga. At hindi pa sapat ang basta kamutin mo lang, kasi sabi-sabi ng matatanda eh kailangang sumayaw sa puno ng Ligas para mawala ang pangangati (pramis nagawa ko na yan minsan, at epektib naman).
Ligas, ligas, puno ng ligas
Dahon mo aking ika-kaskas
Sa mapula at pantal kong balat
Sobra ang kati, kamot ang katapat.
Ligas, ligas, dahon ng ligas
Pagalingin kati ko sa balat..
La la la la la la…mmmmhhh.
Dahon mo aking ika-kaskas
Sa mapula at pantal kong balat
Sobra ang kati, kamot ang katapat.
Ligas, ligas, dahon ng ligas
Pagalingin kati ko sa balat..
La la la la la la…mmmmhhh.
Kaya iwas ang mga taong tumambay dito, o kaya eh mapadaan, maliban na lang siguro kung kailangang-kailangan.
At kung may iniiwasang puno, hindi rin mawawala ang punong kinatatakutan. Diba merong ganon? Mga mahihiwagang puno. Punong bukod sa mga alitaptap na nakatira, eh meron pa palang ibang tenant.
Ang punong BALETE / BALITE.
Hindi ko alam kong saan nagmula at kung paano naukit sa utak ni Juan Dela Cruz na nakakatakot ang balete. Pero dahil na rin siguro ito sa mga wento-wento ng mga matatanda noong unang panahon. Aba ikaw ba naman ang kwetuhang me nakatirang kapre at tikbalang sa puno. O kaya naman eh tambayan ng mga manananggal at aswang ang punong balete, ewan nalang kung magkaroon ka pa ng lakas ng loob na tumambay o kahit na nga dumaan lang.
Sama mo pa ang mga engkanto at mga duwendeng iba-iba ang kulay (kulay puti ‘yong mababait, kulay itim ‘yong masasama, at kulay pula ‘yong mababagsik). At madalas ring mapadaan ang mga white lady at black lady sa punong ito.
Siguro sa Pinas lang ‘to.
Kasi ngayong umaga, kanina ko lang napansin na ang punong tinatambayan ko eh punong balete pala. Nalaman ko doon sa gardener na Pinoy ng compound namin. Kasi habang nagdidilig sya kanina eh na-i-kwento nyang balete pala ‘yong ini-istambayan ko…
Nnnggiinigg.. bigla tuloy ako natakot. Pero parang hindi na ganoon ang takot, tulad ng balete sa Pinas. Ewan ko lang kasi siguro excited lang akong makakita ng arabong maligno. Hindi na arabong kapre, kasi kahit naman hindi sila kapre eh parang mga kapre na sila kalaki eh.
Imagine mo nalang ang arabong tikbalang. Ano kaya hitsura noon, mukha kayang kamel ‘yong pang-itaas na bahagi?
O kaya ‘yong arabong manananggal o aswang, naka-abaya kaya ‘yong mga babae? he he he.
Hindi na ‘yong black lady, kasi pangkaraniwan nang nakakakita dito ng mga black lady kasi nga naka-abaya ang mga babae rito. ‘Yong white lady, di ko lang alam.
Tapos, meron pa rin syempreng arabong duwende. Kasing liliit rin kaya sila ng duwendeng Pinoy o medyo malaki ng konte kung arabong duwende.
Ang wala lang siguro eh ‘yong mga arabong alitaptap. Kasi di pa ako nakakakita ng alitaptap dito. Kahit nga butiki eh wala pa akong nakikita.

At pansin ko rin, hindi ganoon kadawag o ka-bushy ‘yong punong Balete dito sa compound. Malinis ‘yong puno. Hindi nakakatakot. Wala ‘yong mga nagbalag na baging. Kasi nga siguro hindi kinatatakutan, kaya well kept naman ‘yong puno.
7 comments:
bakit nga kaya makikita ko alng ang ganyang puno nakaramdam na ako ng takot..
pa sampol naman ng sinayaw dun sa puno..hehe
@ D. Islander
uu nga iba talaga ang aura ng punong ito, ganoonpaman siguro nga kasi 'yong normal-mode ang malimit nating makita - yon bang bushy and creepy talaga tingnan, pero kung alaga naman at laging malinis ang punong ito, masarap ring tambayan ng tao, kesa maligno ang tumambay..meron ba dyan?
@ Doc Rio
doc nasa youtube na 'yong dance number ko ng ligas, he he he... susubukan ko ha, kaso nga naiwan ko kasi 'yong costume ko sa pinas, bahag lang ang nadala ko dito.
grabe trulalu yan kapatid, naalala mo yung balete sa me lumang sementeryo sa aplaya? o di ba lumang sementeryo na nga tinubuan pa ng balete...pramis kapag dadaan kami dun para punta sa beach ni mayor nakapikit ako o kaya di ako lilingon...ahahaha...
@ lyzius
update, wala na ang lumang sementeryo sa aplaya, binuldos na at ginawang day care / health center na, with matching basketball court.
ganoonpaman, nandoon pa rin ata 'yong puno ng balete kasi takot silang galawin ang puno.. at usap-usapan sa aplaya na kung gabi nga raw eh may mga gumagalang "kaluluwang" naka-white jersey sa basketball court. di lang alam kung naglalaro, pero bakit kailangang laging puti ang suot nila?
ahahaha.. natawa naman ako sa hirit ni ate rio.. lols.. game game! sayaw na...
:D
don sa punong makati, baka naman may langgam lang hindi mo napansin na bumagsak sa katawan mo kaya ka nangati.
ay naku wala nang mga kapre, tikbalang, duwente ngayon meron man hindi na nakakatakot kundi kaiingitan pa kasi naka N95 pa ang iba, Sony Ericson, meron pa ngang blog eh. he he he he
Yung kumakati kasi tatlong araw ng di nagpapalit ng undies at di naliligo yun.... Tuwing Biernes Santo lang. ha ha ha
Post a Comment