Sunday, 12 April 2015

Parating Na Sya...



Madilim at malamig ang paligid.

Sa wari ko ay patay na ang ilaw.

Ilang saglit pa ay lumiwanag ang paligid at natagpuan ko ang aking sarili sa isang pagtitipon. Isang kasiyahan.

Hindi ko alam kong ano ang meron, basta may kasiyahan. Parang fiesta laang ang pakiramdam.
May ipinag-diriwang na kung ano. Nandun ang mga ilang meyembro ng pamilya.

Andoon si Tita Ne.
Andoon din si Tita Dorie.
Kapwa sila abalang-abala….basta abala sila (hindi ko laang alam ang kanilang pinagkaka-abalahan).

At akalain mo ay andun din si Laryn at palakad-lakad laang at nakikipagbungisngisan kay Ate Emedy…sa ganong eksena ay napagtanto ko na nasa Aplaya pala kami…doon sa Aplaya Uno...dekada otsenta.

Syempre naging pamilyar sa akin ang lugar. Ang puno ng chesa malapit sa kina Tita Cely. Ang puno ng kaimito doon kina Greg.

Masaya ang lahat, nagdiriwang – sa kasiyahang hindi ko naman alam kung ano.

Subalit ako eh aligagang-aliga. Balisa ang pakiramdam. At sa pagkakataong ‘yon eh noon ko laang napagtanto na ako pala ay nakasakay sa bisikleta. Paikot-ikot sakay ang bisikleta.

Sa ganoong punto ay lumiwanag sa aking isipan na kasama nina nanay ang aking asawa at sa tuwing may masasalubong ako ay eto ang aking bati, “Kailangan ko nang umalis, manganganak na si misis.

Ewan ko naman ba kung bakit hindi na ako umalis.

Matapos siguro ang mahabang paliwanagan at batian…ay naka-alis na rin ako at natagpuan ko ang aking sariling pumapadyak sa dalampasigan papunta sa…. Saan nga ga ako papunta? Hindi ako sigurado kung sa bahay o sa ospital nanganak ang asawa ko, basata ang alam ko laang eh kailangan kong makarating doon. At mahirap pala talaga mag-bisikleta sa tabing dagat.

Padyak… padyak… padyak…

Ting!

Oi may nag-text!

May iMessage ako galing kay Remuel. May kasamang picture. Dalawang sanggol ang nasa larawan!

Natuwa naman ako. Shocks! Kambal??!!!
Image by Shutterstock

Subalit sa mensahe ni Remuel kalakip ang larawan, “Naloko ako dun ah…akala ko dalawa……

Pero dalawa talaga ‘yong sanggol sa larawan. Sa text ni Remuel parang gusto nya sabihin na reflection ng ibang baby 'yong isang baby nasa picture….parang anino na 3D.

Ganunpaman…parang huminto ang mundo. Sobrang saya ko…at naiiyak ako. ‘Yong iyak na masaya. ‘Yong iyak ko noong July 15, 2011.

Tuesday, 24 March 2015

Si Tatay Lino


Si Tatay Lino. Tay alam ko namang sa mga pagkakataong ito eh hindi mo na mababasa ang mga sanaysay na ito, pero alam ko namang nasa mas maayos na lugar ka na ngayon, kasama ang Panginoon…ganunpaman kung meron mang connection dyan eh maki-FB na laang muna.

FUN WALK
Si Tatay Lino ang aking lolo, asawa ng aking lola, at magulang ng aking nanay. Si Tatay Lino ang nag-pakilala sa amin sa walkathon. Ang mahabang lakarin mula Bongabong hanggang Luna (at balikan ‘yon ha)…mapalad na laang kung sa aming paglalakad ay dumaan ang dump track, at makisakay kami sa likod. Depende pa un sa truck. Mas mainam kung ‘yong track ng buhangin dahil buhangin at graba ang dating pasahero, eh kumusta naman kung track ng basura? Ganunpaman, sya pa rin ang aming gracious host tuwing napunta kami sa hulo.

KAIN TAYO
Pagkain ba ang hanap mo? Hindi laang basta kung anong pagkain…’yong kakaibang pagkain. Maraming ganyang kakanin si Tatay, ilan sa kaniyang mga paborito ang sinangag na guyam (‘yong may mainit nang kawali na naka-abang sa tirahan ng guyam at kakalugin na laang ‘yong tirahan, pag-bagsak mandin ng guyam at sinangag na), adobong kabog at bayawak – may ahas rin. Kung sanay na tayong makarinig na ginisa sa sariling mantika – eto ang matindi: NILUTO SA SARILING BAHAY!?? Hindi eto magugustuhan ni Pong Pagong.

HAPDI at PANATA
http://www.uckg.hk/bakit-sa-holy-week-lang/
Noong unang panahon eh isa si Tatay sa mga namamanata tuwing Mahal na Araw. ‘Yong naghahaplit ng pinagtagni-tagning kahoy sa likod na sinusugatan ng blade. Masakit ah. As in bago matapos ang penetensta eh duguan ang likod – tas ililigo sa dagat un…mahapdi mandin. At bago ang haplitan sa likod eh nagpapa-apak rin sa prosisyon. Nakaka-konsensya mandin apakan ‘yong mga nagpapa-apak sa prosisyon lalo pa na alam ko na isa si Tatay sa mga nakadapa sa daraan ng prosisyon…buti pa naman sana kung mamumukhaan, eh nakatakip ang mukha…actually “titisurin” laang naman talaga dapat, pero kung ang nakadapa eh ‘yong morion na nanghahabol – hindi tisod o apak – tungtong!

TULI
http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/circumcision/
Si Tatay rin ang taong nasa likod ko nung ako’y tulian. Though prior to that “tulian” portion, eh nagtatago ako sa kanila ni Tatay Meo, kasi tuwing nauwi na laang sila sa bayan at nakita ako eh alam na ang tanong – “tingin nga kung tampos na, at pede na tuliin”. At nang dumating na nga araw na magbibinata na si tutoy – umaga, naligo (matagal na ligo), pumila ng walang salwal, at inipit na nga ang balat sa lukaw, at “pak!” nagkita ang labaha at lukaw…ang sakit mandin…and the rest as they say is history.

WALIS, BIBLIYA at PANANAMPALATAYA
Kay Tatay ko rin unang narinig ang ikapo. Tuwing gumagawa sya ng walis tingting na pambenta sa bayan eh naghihiwalay na sya para sa ikapo. Kung makatapos sya ng sampung walis tingting, isusubi na nya ang benta sa isang walis, para sa Panginoon. At kung dati eh wagas kung mamanata si Tatay, eh wagas rin yan mag-aral ng Bibliya. Sya ‘yong sa gitna ng usapan eh maglalabas ng Bibliya at babasahan ka ng ilang talata galing dito. Kahit malayo ang simbahan hangga’t kayang lakarin eh lalakarin. At tuwing nasimba laang naka-pustura si Tatay.

MAG-SUSUKA, MAG-UULING, MAGSASAKA, MANGANGASO, MANGANGALAKAL
Masipag si Tatay, kahit hindi naman kanya ang lupa eh tataniman, mag-uuling; at dealer ng suka sa mga piling sari-sari store sa aplaya. Masinop, kasi lahat ng mga napupulot na pwede pang magamit eh inuuwi sa bahay.

Sa huli, sya si Tatay Lino. Ang Lolo ko. Tay hindi na tayo naka-punta ng Vigan. Kumusta na laang sa mga kapamilya natin dyan. Hanggang sa muli nating pagkikita Tay. Hindi mo man madalas marinig na sinasabi koi to, pero alam ko naman na alam nyo – MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO.

Saturday, 6 September 2014

Ang Mahabang Byahe (all star cast)

Saturday nun, tambay kami kina Yeh, birthday ata ni Tita Elvie. After that syempre uwian na. Aligaga na ako sa pag-uwi, naghihintay sa bahay ang misis ko. Hindi siguro sa Mindoro 'yong tambayan kasi kailangan ko pang byumahe pauwi ng Bongabong. Pero malamang eh hindi rin eto sa Maynila, dahil hindi ko matandaang sumakay ako ng barko.

I'm traveling on a bus. Puno ang bus. May mag-ina sa liguran ko, at nakamanuso sa puting lampin ang kanyang sanggol.

Lumampas na kami ng Tiguisan, kasi lumampas na kami sa bahay nila Dumay.

Pag lampas namin ng Tiguisan eh biglang nag-pull-over sa kaliwa 'yong bus. At bumaba na 'yong driver. Kaming mga pasahero parang ok laang sa mga nangyari, parang hindi nagmamadaling umuwi, parang tanggap namin ang pag-baba ng driver.

Isang pasahero ang nagyaya sa'kin na samahan namin ‘yong driver. Maglalamay pala 'yong driver sa isang kamag-anak sa lugar na 'yon kaya huminto ‘yong bus doon.

Time check: Siguro malapit na mag-gabi noon or takipsilim na.

Pagdating namin sa lamay, ako, 'yong isang pasahero at ung anak nya at syempre ung driver.

Isang guro ang pinaglalamayan. Namatay raw sa aksidente. Malungkot 'yong lamay (as if may masayang lamay), kasi parang kami laang ang naglalamay plus ung 3 pa nilang kamag-anak na dinatnan namin doon.


Photo grabbed online
May instance na may inabot ako sa kabila na kailangan kong mag-crossover sa ibabaw ng ataul. At dahil sa hindi naman ako talaga ako fan ng silip-kabaong eh pinilit kung iwasan tingnan ang namatay na guro sa loob ng ataul. Pero hindi talaga maiwasan, but at least to my relief eh hindi ko nakita ung mukha nya. Suot nya ung suot na berdeng pang-ibabang saya ni Sen. NancyBinay no'ng huling SONA.
 
Sa kwentuhan sa lamay eh dalaga pa ang guro, bordering na pagiging matandang dalaga. Mabait daw at responsable ang guro. Namatay ang guro dahil sa aksidente. Nahulog sya mula sa isang mula sa silyang tinuntungan nya habang inaayos ang pundidong bumbilya ng silid aralan.

Doon na rin kami nag-hapunan sa lamay. May isang mahabang dulang at doon ay sama-sama kaming dumulog.

Matapos ang hapunan at nag-paalam na kami at 'yong driver namin kasi nga ba-byahe pa kami.

Pagbalik namin sa bus, 'yong ibang pasahero na naiwan eh nag-camping na laang sa paligid ng bus. Feeling ko matagal kami sa lamay kasi parang matagal na rin sila nag-camping kasi makalat ‘yong paligid at parang camping ng boyscout ang pakiramdam at maraming nagkalat na papel sa paligid parang Central School laang tuwing panahon ng eleksyon.

 Nang makita ang driver eh muli ay nagsakayan na ang mga pasahero. Syempre lahat eh gusto na umuwi. Naghihintay pa rin sa bahay ang misis ko.

So byahe na ulit, going south.

Sa loob ng bus eh aligaga ang mga pasahero. Alam kasi namin na may bagyo. At bali-balita na malakas ang bagyong ito. During those times eh delikado ang mag-byahe pauwi sa Bongabong ng naka-bus.

Sa lakas ng ulan nag-a-ampiyas sa loob ng bus, pero tuloy pa rin ang byahe. Kaming mga pasahero sa loob eh kanya kanya nang hanap ng silupin para ibalot ang mahahalagang bagay at para hindi mabasa ng ulan, ako ibinalot ko ang telepono ko, 'yong isang ina sa aking likuran ang kanyang sanggol.

Sa byahe ng panahon na 'yon isa sa mga kinatatakutan ay ang pagtawid ng bus sa tulay kung may bagyo.

At eto na nga ang unang tulay na tatawirin ng aming bus from Tiguisan.

Kinakabahan ang lahat. Ramdam na ramdam ang takot at pangamba sa mukha ng mga pasahero. Ang sabi ng driver, "O, eto na 'to!"

Sa lakas ng hangin eh talaga namang dumadag-is ang aming bus makatawid laang. Malakas ang hangin. At lahat ay may pag-aalala at takot sa mukha.

Tumatawid na ang bus namin.

1 metro - kaya pa.
5 metro - kaya pa, pero nasa gitna na kami from far right lane ng tulay.
1 metro bago makatawid ng tulay, nasa kaliwang bahagi na ng tulay ang bus namin. Parang hanging bridge ang tulay (pede ba dumaan ang bus sa hanging bridge?).
Sa awa ng Diyos naka-tawid naman kami.

Lahat at nakahinga.
Pero hindi pa tapos ang kaba.
At nag-aabang na naman sa hindi kalayuan ang isa pang tulay.


Photo Credit: Mr. Vishal-raj
Eto na ang sumunod na tulay.

Naka-pasok na ng ilang metro ang nguso ng bus.
Huminto na.
Hindi na maka-takbo pa.
Putol ang tulay.

Kaya baba ang lahat ng mga pasahero.

Sa dulo ng putol na tulay eh mahigit 5 metro pa ang dapat tawirin. May kalaliman ang dapat tawirin. Mabato, animo'y ilog na natuyuan ng tubig. Sa kanan ay nagdawag ang matataas na luntiang kawayan. Makapal. Parang wallpaper na nga sa dakong iyon.

Ang alam ko habang nasa bus kami bago makarating sa tulay na'to eh ibinalot ko na rin ang aking telepono sa silopen para hindi mabasa, pero sa mga susunod na tagpo nang mala-tele-serye kaganapang ito eh naging kagamit-gamit eto. Bigla ko naisipang kunan ng larawan ang pangalan ng tulay, hindi pa 'man tapos eh may pangalan na.

Biglang naisipan ng driver ng bus na saliksikin kung ano ang meron sa kawayanan. Habang papunta sya sa kawayanan eh dagli'y naging malinaw sa amin na ang lugar na 'yon ay lugar ng mga rebelde na hindi malinaw kung ano ang ipinaglalaban. Basta nakakatakot na mga rebelde. Handang kumatay ng tao.

Maya-maya (hindi ito isda) pa'y sabay-sabay kaming napalingong nanlalaki ang mga mata at bahagyang naka-buka ang mga bibig sa gawi ng kawayanan. May narinig kaming kaluskos. At positive kami, sa driver 'yon. Hindi nga kami nagkamali - sa loob ng kawayanan at sumigaw sya,
 
 "TUMAKBO NA KAYO!".
 
At sa mga sandaling 'yon eh positive kami na kinakatay na sya ng mga rebelde.

Take note, at ang lahat ng mga ito ay nangyayari nang naka-record sa telepono ko (wait nyo laang ‘yong nakunan ng phone sa huling bahagi).

Syempre "TAKBO" daw, kaya nagpulasan kami. 'Yong iba eh nag-suot sa ilalim ng tulay, ang iba eh doon sa kawayanan nag-punta, habang ako na very flexible at talagang pang-long jump / high jump ang talon eh bibong-bibong sa kaliwa nagpunta.

Lundag-takbo ang ginawa ko. Parang wheat field 'yong tinatakbuhan ko. Sa tuwing lumulundag ako eh natatanaw ko ang mga rebelde. May mga cranes, may construction at abalang-abala ang mga rebelde. Kinakabahan ako pero lundag at takbo ako. Pramis, malutang ako that day.

Tumigil laang ako sa aking pag-takbo at pag-talon ng nasa Bongabong na ako.

Linggo nga pala, may simba eh.

Habang dumadaan ako sa tapat ng Saint Joseph Parish eh nakita ko 'yong nanay at tatay ni Didoy, holding hands at magsisimba. Ang nakikitang kong naglalakad papuntang simbahan eh si Didoy at si Bless, pero kumbinsido ako na mga magulang nila ‘yon.

Pag-lampas kina Tria, doon sa kanto nina Enriquez eh nakasalubong ko si tita Guy at si Daddy Doc, akay-akay si Yaj at sisimba rin. Syempre bumati ko sina tita Guy at Daddy Doc, at nakipag-laro sa'kin si Jye. Sabi ni Tita Guy, "buti sumasama sa'yo si Jye, samantalang kay Robi hindi"... On cue, biglang nasa likod ko si Robi.

Sa mga sandaling ‘yon ay na-realized ko na nananaginip laang ako. Pero hanap ko agad ang telepono ko, malay mo may recording talaga.

Home
Touch ID
Photos
Vidoes – Walang laman
Recently Added – wala talaga.

Tuesday, 12 August 2014

What Happens To Your Online Accounts When You Die?

Image: cdn.keystoneclick.com
Robin Williams just died. Planes are in a habit of taking a nose dive nowadays. Aside from the daily broadsheets or on CNN or on any news agencies, I assumed you’ll be hearing those news on social media. Today, you might post your condolences to the family of Robin Williams, you might twit about it (might be trending now #RIPRobinWilliams), you might post some screen grabs of Mrs. Doubtfire on your Instagram…that is today. What about tomorrow?

Out of the blue, I wondered, WHAT HAPPENS TO YOUR ACCOUNT WHEN YOU DIE? Though, death is quite a taboo thing for some to discuss, but hey, like it or not, we’re all mortals and someday we’ll get there.

Nowadays, most of us lives in a two parallel universe, our physical being and the virtual ones (who don’t have Facebook or Twitter or Instagram? Even those people who don’t know what e-mail is have an email address just to be connected). Unlike our physical assets, i.e. real estate, titulo ng lupa, pera sa banko, even your favorite pets and toys and gadgets, where you can have a will and leave it to someone after your demised, I don’t know if you can do that on your online account… you might be able to put it on your will, because it is very unlikely that after your death people will expect a twit or a post from you “hey guys I’m dead” or "astig men...lakas ng wi-fi dito"..."#feelslikeheaven"...wag na naman mag-selfie...katakot na 'yon.

FACEBOOK
If you’re have a Facebook user, Facebook has a Memorialization Request for those deceased users. The family of the deceased can fill up a form and submit it to Facebook. Some documents needs to be submitted (death certificate, deceased person's birth certificate, or proof of authority). The request can be made by the immediate relatives like the spouse or the parents, even non-family member like your friend or a classmate. Facebook offers to memorialized the account, remove the account, its not clear though if an access to the deceased's account will be given to the petitioner.

Facebook Memorialization Request


















TWITTER

Image: samapplegate
When the your twitting days are over, then again your family have to send a lot of documents to Twitter. The good thing about it though is that they will digitalized all public twits of the user and hand it to the beneficiary. Here are the documents required:
  1. The username of the deceased user's Twitter account (e.g., @username or twitter.com/username)
  2. A copy of the deceased user’s death certificate
  3. A copy of your government-issued ID (e.g., driver’s license)
  4. A signed statement including:
  • Your first and last name
  • Your email address
  • Your current contact information
  • Your relationship to the deceased user or their estate
  • Action requested (e.g., ‘please deactivate the Twitter account’)
  • A brief description of the details that evidence this account belongs to the deceased, if the name on the account does not match the name on death certificate.
  • A link to an online obituary or a copy of the obituary from a local newspaper (optional)

And you’ll send the above documentations by fax of by mail on the address below:

Twitter, Inc.
c/o: Trust & Safety
1355 Market St., Suite 900
San Francisco, CA 94103
Fax : 1-415-865-5405

INSTAGRAM
Image: balmir.com
On its Privacy and Safety Centre, Instagram had a clear statement that “to protect the privacy of people on Instagram, we’re unable to provide anyone with login information to an account”, though as per their policy they will remove the account of the deceased person by providing them the following documents:

  1. The deceased person's birth certificate
  2. The deceased person's death certificate
  3. Proof of authority under local law that you are the lawful representative of the deceased person, or his/her estate
  4. An obituary

Moreover, if it’s still being connected is your game after the last of your breath depart from your mortal body, there are some company that will memorialized or immortalized you on the virtual world, check this link for the lists: http://www.thedigitalbeyond.com/online-services-list/.


And that’s it…goodbye for now.

tipa ng tipa...


Writing is a form of therapy; sometimes I wonder how all those who do not write, compose or paint can manage to escape the madness, the melancholia, the panic fear which is inherent in the human situation.

Graham Greene


Web log or “blog”. Bloggers. Wordpress. Multiply. Friendster. Yahoo! 360. My Space. Facebook. You Tube. YM. Skype. Hotmail. Google. Who on the planet don’t know these stuff? Pretty much almost all human beings whose’ been or at least once on their life time had been to this virtual world called the “internet”, has already encountered these names.

Some have it as a companion, a source of information – good and bad, some might be nice and some might be not, like a Pandora’s Box.

For others, it’s a good tool to communicate with their long lost friends, classmates, relatives, enemies, exes, new acquaintances, new friends, new enemies, mga nakasabay sa CR, nakatabi at naka-huntahan sa bus o LRT/MRT o FX and the whole barangay.

Some found it as an outlet to express their thoughts, sentiments, stories of their life, the complains, the frustrations, to brag about the hobbies, the collections, and a lot of things this mind can think of.

Others too, just simply want to write, to enjoy this small space that this virtual universe has given to them. That’s all. Write, write, and write.

But is there a limitation for this? I mean, can I just write whatever that comes to my mind? Like I said on my previous post, we’re in a world which is living and has been survived for ages by the laws governing its occupants; so having said that, there must be some decorum or at least a “Bloggers’ Etiquette” or some kind of “Bloggers’ Protocol” (imbento ko lang ‘to), like a manner to be observed when a blogger blogs.



Image from: National Post

1. Consider What You’re Gonna Write. Writing is fun, when a writer starts to write, it’s like an endless marathon where there is no finish line, literally “ihe lang ang pahinga” at “tungga ng kape”. The idea simply flows, but of course, with that over pouring of thoughts, a writer should ask him/herself first, “Do I really need to write this?” or “Why am I writing this?”. The space might be the writers’, and yet the space will be available to the public. That’s why after writing the blog there’s this “Publish” button at the end, it will be published and it meant to be read. People will read it – and mind you they won’t just read, like it or not they will scrutinize and criticize it; might find it’s content interesting, boring, acceptable or absurd. So from there, at least on writing, don’t be selfish, consider too the ones going to read, would it be beneficial to them? or what would they get? Does the content of the article will affect something on life of the reader? Will it promote common good or common evil (meron ba nun?). If it’ll ruin someone’s reputation or someone’s life or if it’s just bragged someone’s stupidity under the sun for nothing…think again, know your motive on writing. That’s tricky, because I might brag about other people’s fault so as for the others not to follow…siguro on a nice way. Simply, be considerate.

2. Truth, the whole truth and nothing but the truth. Simply put, NO LIES. This I guess centers on the “non-fiction” writing, cause if it is a fiction, syempre di totoo, katha-katha lang, at kung minsan eh kailangan talagang umimbento ng kasinungalingan para lang maging masabaw at malasa ang kwento. Kumbaga sa sago at gulaman, kung mas matingkad ang food coloring – mas mabenta sa mga bata. What about the non-fiction type? Well if it is a story of the writer, or someone else’s, write only the truth, kung me mga palabok man, make sure that the reader will clearly identify the facts from fiction; if it is for general information, make sure that the facts stated are relatively true, which will lead us to number 3.

3. Acknowledged the Source. This one I guess is an etiquette every writer should have. Maybe not all the time, but sometimes we “quote” something from other people on writing or just to add substance to our post, with that it will do no harm to acknowledge them, appreciate them. Iwas plagiarism pa. Pasasalamat ga. Kung ‘yong mga artista nga sa awards night eh me listahan ng mga pasasalamat, diba ok rin ‘yong pasalamatan natin ‘yong ating mga sources. Give credit to the references you used on writing that article, kahit galing pa ‘yan sa Tiktik. Or if we interviewed someone or asked for other peoples opinion regarding the subject, at least give a nod to them who contributed something to make that article done. At aminin na natin, claiming something that is not ours, aside from the “not-so-good-feeling” it’ll give, eh it will also engraved a big capital letter “L” on our forehead.

4. Cross-link. With Mr. Google around, making a research work nowadays is, well… more of a skill on “typing” the right word, to get the right “hits”. he he he. With that, like the number 3, it will be also fun to cross-linked those site that we found interesting and say, beneficial to our reader. If I am the reader, it will be easily for me to verify or to explore more on the subject if the sources come handy with the post. Diba, click-click lang.

5. English o Tagalog o Bisaya o Ilocano? Maybe on writing a blog, there is no such rules limiting the blogger what medium to use. On my blogging career (at may karir pa talaga akong nalalaman), I read / encounter a lot of blogs that even criss-crossing from one medium to another, and yet it works. Even the street slangs, and the new lingos works fine. And the grammar?? Hhmm.. I don’t know if that’s really an issue on writing a blog, well of course using grammar on your writing is encourage, but it doesn’t really hinders or stop the blogger there.. just write, write, write. Though, the subject don’t recognize the verb, and some idioms doesn’t compliment the thought, pero ok pa rin, sulat lang ng sulat. One tip siguro, use the medium where you can express yourself more, and where you’re comfortable of using.

6. This one is more on the “comments” part. Syempre, since the post is open to the public, and on the bottom on your post there’s a lil button there labeled “Comments”, then comments are expected. Well for the “commentators” or to those that will leave comments, be nice naman. Comment more on the content of the post, rather than on how the post has been done (like peeking on grammars, wrong spellings, etc.). For criticism, be nice ulit on telling the writer what is it, or if it will offend the writer, I guess comments box is not the right place, e-mail the writer. And make a comment if you really have something to comment on the post, hindi naman ‘yong basta nalang makapag-comment, may masabi lang ba, wag namang ganun. At isa pa, Comment Box, a.k.a. Instant Chat Room, I don’t know if there’s separate rule for this, but I find these most of the time on the blogs I visited, and nakaka-aliw.. he he he.

‘Yon lang. Oi, gawa-gawa ko lang ‘to ha, if you’re a blogger, those stuff above does not necessarily mean that you have to follow, sabi ko nga gawa-gawa lang ‘yan.