Monday, 14 April 2008

Mata sa Bintana (ikalawang silip)

Para sa unang sulyap ng sanaysay na ito, paki-sundan lang ang kabitang ito: http://me-blogkoto.blogspot.com/2008/03/mata-sa-bintana.html

Dumaan sa bahay si Kuya Erik kagabi. Dapat mamumundok kami ng gabing iyon. Hindi nga lang kami natuloy dahil sa sama ng panahon – alanganing uulan, alanganing magsa-sandstorm. Mahirap sumugod ng hindi mo sigurado ang panahon – minsan kasi traydor ang panahon.

Naratnan nya ako sa bahay na namamalantsa. Noong isang gabi pa ako namamalantsa, kaso nga sa tuwing nakikita ko ang aking higaan ay lagi akong hinihimatay at umaga na ulit ako nagigising.

May dala syang sayote, galing pa ng Baguio. Dala raw ni Ka Rolie, taga bundok rin. Ako naman, dahil sa inaasahan ko na rin ang kanyang pagdalaw ay naghanda na rin ng ilang piraso ng hipon. Pangulam na ‘yon. Gisadong sayote at hipon.

Sa madaling salita, naluto ang gisadong hipon sa sayote at kami ay kumain. Makakain, hindi ko na muna hinugasan ang aming pinagkainan. Crowded pa kasi sa common room, mamya nalang siguro.

Lumabas kami ng compound.

Pumunta kami kina Genaro, tatambay.

Walang wentang tumambay kina Genaro, lahat kasi ay abalang-abala sa panonood ng pelikula ni Judy Ann. Lahat ng mata ay nakatutok sa telebisyon. Aliw na aliw sa tambalan ni Wowie at Juday. Kaya doon nalang sa bahay ni Bert kami tatambay.

Sa bahay ni Bert…. naroon ang mga mahiwagang mata sa bintana.

Tahimik ang paligid. Walang traffic. Parang ghost-town ang kahabaan ng Madinah Road, puede kang maglaro ng tumbang-preso. May mga sasakyan naman, ngunit mangilan-ngilan lang. Parang may mali! Hindi dapat ganito ang paligid sa ganitong oras, alas-syete y medya. Nangyayari lamang ang mga ganitong pangitain one hour after breaking the fast tuwing holy month of Ramadan. Kapansin-pansin din na kahit na nga iilan lang ang mga sasakyan sa kalsada ay punuan naman ang mga coffee shop.

Ramadan na ba?

Teka mali talaga, hindi pa Ramadan. Ika anim na araw pa lamang ng Rabi Thani sa Arabic calendar.

06 Rabi Thani 1429, katumbas ng 13 Abril 2008

Anong meron?

Alamin natin.

Dumaan nga kami ng isang coffee shop, magkape lang at si Kuya Erik para maninigil.

Crowded ang coffee shop. Mausok. Kasi may naninigarilyo, at may nag-shi-shi-sha. Ano ang shi-sha. Sa pagkakaalam ko, ito ‘yong healthier version ng yosi, kasi sa halip na tobacco ang sinisinghot dito, fruit aroma ang sinisinghot. Pwedeng ubas, mansanas, strawberry, durian. Sabi ni Tufs, eto raw ang tinatawag na “Smoke on the Water”.

Lahat ng mga mata sa coffee shop ay nakatitig rin sa telibisyon. Titig na titig. Seryoso. Hanggang dito ba naman sa coffee shop si Juday at si Wowie pa rin ang pinapanood?

Diretso si Kuya Erik sa counter, ako naman sa main reception lang ng coffee shop, sinilip ang pinapanood.

Aaaahh…’yon naman pala eh. Football ang pinapanood nila.

Kaya naman pala parang ghost town ang Madinah Road, may laban ang Etihad ng Jeddah at Al Hilal ng Riyadh para sa Crowned Prince Cup.

Mukhang maganda ang laban. Panay-panay ang sigaw ng commentator sa TV. Kahit wala akong naiintindihan sa mga comments nya, pero sa mukha ng mga manood eh alam mo na talaga namang matindi ang labanan.

Eeeeyyywwwwaaaa!!!! (yesssssss)

Walllaiii.. mabruk!!! (really…. great!!!)


0 – 0 ang score.

Hindi ko na tinapos ang laro. As if intresado ako.. he he he.

Pagbalik ni Kuya Erik, may dala na syang kape. Deretso na kami sa bahay ni Bert.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Excited na parang takot.

Eto na, nasa harap na kami ng bahay ni Bert. Kinakatok na ni Kuya Erik ang pintuan nya.

Bumukas ang pintuan.

Hindi si Bert ang nagbukas, ‘yong kasama nya sa bahay.

Katok ulit si Kuya Erik, this time sa silid na ni Bert. Isang katok…. Dalawa… tatlo… apat.. at nagbukas ang pinto. Namamalantsa rin pala si Bert.

Pagpasok naming ng silid, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Me: Bert, pagamit naman ng CR o. (kahit hindi naman ako naiihi, iba ang pakay ko sa loob ng CR)

Bert: Sige lang. (sabay ngiti na parang alam nya ang talagang pakay ko sa loob ng CR nila)


Diretso agad ako ng CR.

Pagpasok ng CR, dahan-dahan kong isinara ang pinto.

Naroon pa rin ang bintana. Parang nakabukas ito.

Hindi ko lang matandaan kung talaga bang nakabukas ito. O may sadyang nagbukas ng bintana.

Sinuri ko ang bintana. Pero wala na ang mga mata sa likod nito. Bigla tuloy akong naihi.

So ihi….

Habang umiihi, nakatitig ang aking mga mata sa bintana. Naghihintay sa mga mata. Naghihintay na muli itong dumungaw.

Sampung Segundo… wala.

Labing-limang Segundo… wala pa rin.

Dalawampung Segundo… wala talaga.

Tatlumpong Segundo… wala na talaga.

Hindi ko tuloy namalayan na tapos na rin pala akong umihi at hawak ko pa rin si mini-me.

Flush.

Wala.. walang mata sa bintana.

Hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko ba talagang asahan na sisilip sya sa tuwing ako ay iihi sa CR na ‘to? Hindi naman siguro. Intresado lang akong malaman kung kanino ang mga pares ng matang iyon.

Hanggang sa aking paglabas ng CR, ay nagpahabol tingin pa ako sa bintana. Umaasa pa rin na baka muling sumilip ang mga matang iyon…pero wala.. bigo ako.

Maraming mga bagay-bagay tuloy ang naglaro sa aking isipan.

Baka umalis na sya?

Baka naman kung ano na ang nangyari sa kanya?

Baka naman natatakot sya, na sa muli nyang pagsilip ay makilala ko na sya?

Baka natatakot din sya na harapin ko sya?

At ako, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya, na baka naman kasi hindi nya nagustuhan ang kanyang nakita noong huling pagsilip nya. he he he…

Haaayy.. lalo tuloy dumami ang aking mga tanong. Lalong dumami ang mga tanong na kailangang sagutin.

Akala ko, sa entring ito ay matatapos na ang sanaysay na ito – pero hindi pa pala.

Hindi ko pa kilala kung kanino ang mga matang ‘yon.

Pumasok na ako ng silid ni Bert. Nagpapalitan pa rin sila ni Kuya Erik ng idea sa ipapatayo nitong munting bahay sa kanyang lupa sa Palawan.

Sa gitna ng kanilang usapan tungkol sa sukat na lupa, anong klaseng bubong ang dapat gamitin, anong materyales ang gagamitin sa flooring, biglang segwey si Bert.

Bert: Ano nandoon ba sya?

Me: (ngayon alam ko na talaga na alam ni Bert ang sinadya ko sa kanilang CR) Wala eh.

Bert: Alam ko kung kanino ang mga matang ‘yon. Kilala ko ang may-ari ng mga pares ng matang ‘yon.

Me: (nakatunganga lang…) talaga..

Bert: Lagi rin syang nakasilip doon tuwing gumagamit ako ng CR. Umihi. Maligo. Um-mebs. Lagi ‘yong nandoon. Nakatitig. Nakasulyap. Saksi sa lahat ng nangyayari sa loob ng CR.

Me: (wala lang akong imik… hinayaan ko lang magkwento si Bert..)

Bert: Gusto mo syang makilala?

Bago pa ako nakasagot, eh pinutol na ni Kuya Erik ang aming usapan.

Kuya Erik: O, tayo na, umuwi na tayo…alas-dyes na! O pa’no Bert, salamat sa tambay… bukas nalang ulit.

Bert: Sige lang.

At bago ako tuluyang lumabas ng silid palihim kung kinausap si Bert.

Me: Gusto ko syang makilala.

Bert: Umuwi ka na… makikilala mo rin sya.

Me: Paki-usap Bert, sino sya!!??

Bert: Sige, bukas nalang… gabi na.. umuwi ka na.

Me: Bukas ha….


Umuwi na ako, baon pa rin ang sadamakmak na katanungan.

SINO SYA!!!

Ngayong umaga sa isang pahayagan.



Kaya pala tahimik ang Jeddah kagabi.

Itutuloy…


6 comments:

Anonymous said...

Nabitin naman ako dun! ano ba yun? multo? bosero? clueless ako! hahaha!

Rio said...

hindi ko na gets pero binasa ko p din..hehe=)

Si Me said...

@ mix

kaya nga aabangan ang mga susunod pang mga kapapanabik na magaganap... salamat sa pagdaan.

@ dra. rio

salamat sa payo tungkol sa ipin ko. basa mo muna 'yong unang sulyap para ma-get mo 'yong ikalawang silip. hindi ko rin naman na gets 'yong wento mo eh, so nakaganti na ako.. he he he.. salamat ulit.

Anonymous said...

mangyan bardo honik!(mangyan din ako) interesting post, i'm in riyadh, ...cheers!

Anonymous said...

kahit pag umeebs, nakatingin yung mga mata? ano ba yun, walang pinipili!

Unknown said...

pangalawang araw ko na ito, sumisilip sabi mo nga, baka lumabas na yung binabantayan mo. Timbrehan mo na lang ako...