Saturday, 31 May 2008

Konti ang Lakad

Noong nakaraang araw, ang headline sa The Morning Bolero Kronikels, “Nasaan ang Tsinelas Ko?”.


Natuwa naman ako usapang tsinelas na ‘to. Nagbalik tuloy sa alaala ng mangyan ang kanyang mga kwentong tsinelas sa bundok.


Isang mangyan ang pinababa ng bundok ng kanyang tribo para bumili ng na-uusong sapin sa paa. Tsinelas daw ang tawag nila dito, at usap-usapan na sa bundok ang ginhawang dulot ng tsinelas sa paa. Malambot, komportable sa paa, at talaga namang sigung-sigu sa paa lalo na sa mangyan na ang hobby ay maglakad ng kilo-kilometro at manghabol ng tamaraw.


Kaya naman agad na naghanda ang batang mangyan pababa sa bayan. Sininop ang mga dapo (orchid) na maaaring ipamalit ng tsinelas o kaya naman eh maibenta para merong pambili ng tsinelas. Sa paglalakad ng mangyan patungong bayan ay ganoon na lang ang kanyang kagalakang sa wakas eh magkakaroon na rin sya ng sapin sa paa. Nakikinita-kinita na nya agad ang kanyang sarili, soot ang bagong tsinelas na tumatakbo sa kaparangan.... habang hinahabol ng baboy ramo o tamaraw.


Makaraan nga ang ilang oras na lakaran, narating ng mangyan ang bayan.


Sa palengke parang may pista ng tsinelas. Maraming tsinelas ang nakalatag sa pamilihan. Iba-ibang laki. Iba-ibang kulay.


Ganoon na lang ang kagalakan ng batang mangyan - sa wakas eto na ang pinakhihintay nyang araw, ang araw na makakatikim ng tsinelas ang kanyang mga paa.


Para makabili, eh nag-alok muna ang batang mangyan ng dala-dala nitong dapo (orchid) sa mga nagdaraang mamimili, maging sa mga nagtitinda. At nang makabuo na nga ng sapat na halaga, yagyag na ito sa pinaka-malapit na tindahan ng tsinelas.


Batang Mangyan: Sandugo, ako pabili nito. (sabay turo sa tsinelas)


Tindera: Anong gusto mo? Ito, sampung piso lang. Ito singkwenta pesos.


Ang tsinelas na tig-sampung piso eh ang generic brand na halo-halong tsinelas, nakatali ang bawat pares para hindi magkawalaan ang kaliwa at kanan. Samantalang "branded" naman ang tsinelas na tig-singkwenta pesos kaya naman masinop itong nakabalot sa sarili nitong plastic.


Bago pa makasagot ang batang mangyan kung anong klaseng tsinelas ang gusto nya, eh iniabot na sa kanya ang tindera ng "branded" na tsinelas.


Tindera: Eto, sukatin mo muna ito, sandugo!


Tanggap naman ang mangyan at sinukat nga.


Aba, sigung-sigu! (kasyang-kasya) Maging ang kulay na asul ay bagay na bagay. Fit na fit, medyo inilakad-lakad pa nya para sigurado talagang komportable.


Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang dulot sa batang mangyan ng maisuot nya ang kanyang kauna-unahang tsinelas.


Bigay nya agad ang bayad.


Nakangiting tinanggap ang tindera ang kanyang bayad. Bilang, bilang, bilang. At nakataas ang kilay na ibinalik sa batang mangyan ang ibinayad sabay bawi ng tsinelas.


Mangyan: Sandugo, bakit naman ganoon?


Tindera: Kulang ang pera mo sandugo, kung gusto mo ito na lang tig-sampung piso! Sabay abot ng tindera sa isang pares ng tsinelas na nakatali ang bawat dahon - kaliwa at kanan.


Tinanggap naman ng mangyan, at sinukat.


Kasya rin. Oki na rin ang kulay.


Nagbayad ang batang mangyan.


Habang papaalis ng tindahan, isinuot agad ang biniling tsinelas (hindi na nga inalis ang tali ng pares), pabulong-bulong lang ang batang mangyan.

Lakad... lakad... hakbang ang kaliwa, hakbang ang kanan. Nakatali pa rin ang dalawang pares...

Napabuntong-hininga nalang ang mangyan.

Mangyan: Kaya pala mura, konti lang ang lakad.

Thursday, 29 May 2008

Sarawat

Galing ako kagabi sa Jeddah International Market o mas kilala para sa mga Pinoy at ganoon na rin sa ibang mga lahi bilang Sarawat. ‘Di ko lang alam kung bakit ito tinawag na Sarawat, basta dumating nalang ako dito eh ‘yan na ang tawag nila. Masyado na akong ma-epal kung ipagpipilitan ko pa sa kanilang “J.I.M.” na lang, para mas “cool”…

Sadik, yahla! Lets go to JIM!”, o kaya, “Kabayan, JIM tayo.” diba astig, sounds healthy and fit pa..

Well, obsyutli hindi sya nag-klik kaya, Sarawat na lang for short.

Namasyal lang kagabi, para “magpababa” ng kinain, at the same time ehersisyo na rin. Ilang kilometrong lakarin rin ‘yon, one-way lang naman, gagabihin na kasi ako kung maglalakad pa ako pabalik.

Hindi naman kainitan kagabi, kasi medyo nagbabadya ang langit na umulan. Pero alam mo naman ang langit dito, puro banta lang… wala rin, hindi rin umulan, the good thing is, malamig ang simoy ng hanggin.

Balik sa Sarawat. Ang sadya ko talaga sa Sarawat ay para tingnan kung nagbukas na ba ang Jollibee. Though pakiramdam ko eh hindi pa nagbubukas, nag-bakasakali na rin ako.

Pasok sa Gate 2

Deretso lang.

Kanan.

Kaliwa… at konting deretso.

Jabi na!!!!

Kung bukas na ang Jollibee, mukhang hindi pumatok, kasi walang katao-tao sa paligid, maliban sa mangilan-ngilang nag-go-grocery.

Silip ko.

Sarado pa.

Nakapinid pa ang pintuan.

Sa taas isang malaking karatula ang nakapaskil. 



Soon to Open! (how soon is soon??, sabi next week, eh next week na this week ah?!)

Dahil bigo, naglibot-libot nalang sa grocery. Baka may mabili.

Kahit na sikat na tambayan ng mga Pinoy ang Sarawat eh hindi naman ako madalas mapatambay dito. Sa Balad ang tambayan ko – parang Divisoria ng Jeddah sa dami rin ng Pinoy. Sa Balad kasi puede kang tumawad, dito sa Sarawat, walang tawaran. Basta ‘yon na ‘yon.

Punta ako ng grocery, sa may gulayan.

Hulaan nyo kung ano ang aking nakita?

Common knowledge na dito sa Jeddah kung gaano kamahal ang mga Manga galing ng Pilipinas. Bukod kasi sa super bango ito eh talaga namang matamis. FYI: 24.95 Riyals per kilo ng manga dito, kumpara sa manga ng India at Pakistan na 9 Riyals per kilo lang.

Diba, ginto ang presyo.

Pero kahit ganoon ang presyo, eh lagin ubos pa rin.

Bukod sa manga, isa pang nakatawag pansin sa akin eh ang pinatuyong kamyas at ang dahon ng saging.

Opo, pinatuyong kamyas, ‘yong masarap isama sa sinaing na isda, tapos kung ubos na ‘yong isda at said na rin ‘yong sabaw sa palayok eh puede mong iprito. Magkano per kilo?

SR 25.95


At ang dahon ng saging, per kilo na rin ang bentahan. Hindi ko lang alam kung saan ginagamit ang dahon ng saging dito, pero mukhang mabenta rin. magkano?

SR 24.95


Diba dyan sa atin parang wala lang ‘yong pinatuyong kamyas at dahon ng saging, dito sa Saudi ginto ang mga ‘yan.

Balak ko tuloy sa pagbakasyon ko at pagbabalik dito eh magdadala ako ang pinatuyong kamyas at bumbong ng dahon ng saging…

Hindi nga lang pala dahon ng saging meron, pati saging na saba. Sa Mindoro halos araw-araw eh dyip-dyip ng saging na saba ang inilalabas, di ko lang alam kung saan dinadala – as in maraming-marami, sagana sa suplay. Sa dami nga ng saging eh kalimitang baboy na lang ang nakikinabang.

Alam nyo ba kung magkano ang kilo ng saging na saba dito?

SR 24.50

Ang isang kilo halos apat na piraso lang.


Sabi nga : One Man’s trash, is another man’s gold. (‘di ko alam eksakto kung ganyan talaga yan, but that’s the thought)

Wednesday, 28 May 2008

Patalastas

Noong nakaraang Marso lang ako nagsimula nitong "Blogging" na ito, dahil na rin impluwensya ni Lyzius, eto ngayon ako, kahit papaano ay nagkaroon ng sariling pitak sa mundo ng "blogsphere" (di ako sure kung tama 'yong gamit ko ng salitang ito).

Sa ilang buwan ng pananatili kong "aktibo" sa kathang mundong ito, eh marami-rami na rin naman akong nakilalang mga kaibigan, "virtual friends" kung tawagin nila. Bagaman dito lang kami nagpang-a-pang-abot, eh feeling close na rin kami (aren't we?).

Noong una, medyo hirap pa kung paano ba sumulat ng blog, kung paano iayos, kung paano lagyan ng arte, pero sa una lang 'yon, kasi sa bandang huli eh nagsawa na rin ako sa kalalagay ng kung ano-anong kaartehan sa aking pitak, medyo na-adik rin sa paglalagay ng kung ano-anong widget na taga-bilang ng bisita.

Minsan nabanggit ni Lyzius na may pagkakakitaan raw dito sa pag-ba-blogging na ito, kikita raw.

Mahanap nga.

Adsense pala ang tawag nila dito.

Terms & Condition: basa, basa, basa.... mapagkakakitaan nga.

Apply agad ang mangyan.

Maka-apply binigyan ako ng Google ng dalawang araw upang pag-aralan ang ipinasa kong aplikasyon.

Natapos na ang dalawang araw, dumating na ang resulta.


"...thank you for your interest..... Unfortunately.... we're unable to accept you to Google Adsense"

Bakit daw???

"UNSUPPORTED LANGUAGE"

Nang muli ay bisitahin ko ang Terms and Conditions nila ukol sa "Language" , nakapagtatakang di kasama ang wikang Tagalog, gayong kasama ang sa Vietnam at ang Thailand, samantalang sa ganang akin lang eh di hamak namang mas maraming blogistang pinoy kesa sa mga nabanggit na bansa...

Ganoonpaman, ano pang magagawa ko, eh hindi nga puwede.. di bale na, kahit na hindi nalang kumita makapag-blog lang.. he he he..

Sa kabilang banda, napag-isip-isip ko rin na gumawa ng English translation ng aking blog, kaso iniisip ko palang parang ang dami-dami ng trabaho...

Tingnan nalang natin sa mga susunod na panahon, baka sipagin ang mangyan...

Halika Byahe Tayo

Galing ng pa ng Bermuda ang tanong na: Nalibot ko na ba ang Pilipinas?

Pilipino po ako, at nakakalungkot isiping sa tagal na mga panahong inilagi ko sa Pilipinas eh wala pa sa katiting nito ang aking nararating o maski napapasyalan man lang. Maliban sa mga bundok ng Mindoro at mga karatig bayan nito, eh wala na ata akong ibang napuntahan.

Ganoonpaman, higit-kumulang anim na buwan na lang eh aapak na naman ang aking mga paa sa bansang pinagmulan, at nangangako ako na pupunan ko ang pagkukulang na 'to. Di na ako sa bahay at sa paligid-ligid lang, lilibot talaga ako ang Pinas.

Pilipinas, hintay ka lang, darating na ang Mangyan.

Kahit hindi pa man kalinawan sa akin ang ibig sabihin ng "tagging-tagging" na ito, tag ko rin ang ilan sa mga kaswela ko: IFM, Doc Rio, Lyzius, Kuya Marlou

___________________________________________________________________

Show me how much of the Philippines have you travelled &add your link here…
1)
 Mind bubbles, 2) May, 3) VANITY KIT 4) SOMETHING PURPLE,5.) A DETOUR, 6) Big Eyed Gal, 7) The Chronic Shopper,8) Free IT and Blogger's EBook, 9) Ness 10) Mica11) Bernadeth 12. Bernisaac 13.Expressions and Thoughts14. Our Family Story 15. Mumsified 16. J-B-L-O-G-G-E-D17. Dakilang Islander 18. Mangyan Ako 19. add your link here


My Lakbayan grade is D!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Mayo Bente Otso (Pagtatapos)

28th May 1989, 09 :30 :45
Aplaya


Masaya pa rin ang paligid. Lahat pa rin ay abala sa Katapusan. Tuwang-tuwa pa rin ang mga bata sa mga palaro. Ang mga nanay naman ay abala na sa pagluluto ng tanghalian. Ang amoy ng lutuin sa buong barangay ay tunay na nakakagutom.

Parang pista sa Aplaya.


28th May 1989, 11:00:49
Danggay


Ibinaba si Roberto ng dyip ilang metro lang ang layo sa bahay na kanyang sasadyain. Hindi naman mahirap hanapin ang bahay kasi tabing kalsada lang ito, bukod doon eh alam mo na may binyagan sa bahay na iyon dahil maraming tao ang paligid (karaniwang tanawin ito sa mga probinsya tuwing merong handaan, lahat ng kababaryo imbitado), lahat abala.

Pagdating ni Roberto sa bahay ay inasisti sya ng kanyang “kumpare”, kahit na kahalili lang sya ng pinsang si Oscar. Nasa simbahan na pala ang iba para sa binyagan, kaya dumiretso na rin ang dalawa sa simbahan.


28th May 1989, 11 :21:17
Kapilya sa Danggay


Nagsimula na nga ang binyagan. Nasa unahan na ang bibinyagan, karga ng kanyang ina, samantalang ang mga tumatayong ninong at ninang ay may tig-iisang kandila nakapaligid sa sanggol habang si Padre eh nagbabasbas.

Hindi pa naman huli si Roberto, sakto lang kumbaga. Kapansin-pansing bigatin ang pamilya ng binibinyagan. Halos mga kilalang personalidad sa bayan ang mga dumalo sa binyagan. Ganoon din ang mga ninang, kumbaga mga “donya” sa bayan ng Danggay. Ang mga Ninong naman “super-bigatin”, may mga politiko, sundalo at negosyante.

28th May 1989. 11:53:09
Danggay


Natapos na nga ang binyagan. Gaya ng inaasahan tambak ang pagkain at inumin sa bahay. Puno rin ng taong kakain syempre – mga ninong at ninang, mga inimbitahan, meron ding mga hindi naman naimbita pero naroon rin (alam mo naman sa probinsya, kung kababaryo lang rin lang, hindi na rin kailangan ng pormal na imbitasyon, masabihan lang ok na). Engrande talaga ang handaan – maraming pagkain, maraming inumin.

Nang makakain na ang lahat, ang mga kababaihan at ilang mga bisita ay nagpaalam na rin sa punong-abala, samantalang sa likod ng bahay ay merong sariling mundo ang mga kalalakihan. Mawawala ba naman ang barekan, syempre hindi – todo barek ang magkukumpare.

Bumaha rin ng inumin, merong tuba, may lambanog, meron din syempreng lapad at longneck, at case-case na San Miguel Beer na panghugas.

Si Roberto nakiinum na rin. Magaling kasing makisama si Roberto, kaya naman halos lahat ata ng lamesa eh kasali sya sa inuman. Ganoonpaman, sa lamesa ng mga “kaibigan” nyang pulis sya nagbabad. Naki-tagay, naki-barek.


28th May 1989, 12:00:00
Aplaya


Tanghaliaan na. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa labas ng bahay. Kainan na kasi. Lahat nasa loob na ng bahay para sa tanghalian.

Sa bahay ni Roberto, ganadong-ganado ang kanyang tatlong anak na lalaki at ang kanyang nagdadalang-taong maybahay sa iniwanang nyang tulingang puti. Inihaw nya ang kalahati, samantalang sinigang naman ng kanyang maybahay ang kalahati.

Masarap ang kainan. Ganado.

Busog ang lahat.


28th May 1989, 15:16:18
Danggay


Medyo lasing na ang mga tumador. Ang iba maingay na. ‘Yong iba naman eh tulog na. Ang iba, medyo nagpapahulas pa, pero tumatagay pa rin.

Sa lamesa ni Roberto, mukhang tapos na ang inuman. Dalawang sundalo na lang ang patuloy pa ring nakikipagbuno sa isang bote ng lapad, ‘yong iba eh nagpapayabangan nalang sa isang tabi. Normal na ata ang payabangan ng mga lasing tuwing nalalasing.

Si Roberto naman eh nagpapahulas na, nasa loob ng nakaparadang dyip, tulog.

Di kalayuan sa dyip, may nagpapayabang rin – dalawang pulis. Parehas na di magpatalo. Parehas mayabang. Parehas “may ibubuga” raw.

Naka-uniporme.

Sa kanilang mga bewang, naka-sabit ang kanilang mga baril.

Naghihintay bunutin.

Naghihintay na makalabit.




28th May 1989, 16:08:52
Aplaya


Tapos na ang siesta. Balik na ulit sa kasiyahan ang mga tao. Nag-uumpisa na namang mapuno ang kalsada. Nag-uumpisa na namang utunog at mag-ingay ang musiko, samantalang sa mikropono naman ay panay ang tawag at imbita ng anak ang hermana-mayor sa mga taga-Aplaya na makilahok at makisiya sa “Tapusan”.


28th May 1989, 16:10:03
Danggay

Medyo nagkakainitan na ang dalawang nagtatalong pulis. Pawang ayaw magpatalo. Maging ang mga tao sa paligid nila ay sa kanilang dalawa na nakatingin, para bang nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

Nagkakataasan na rin nga boses ang dalawang pulis. ‘Yong isa medyo malakas talaga ang boses, pero ‘yong isa, dahil ayaw ngang magpatalo, eh halos sumigaw na wag lang matalo sa kanilang payabangan.

Dala na rin marahil sa tama ng alak kaya naman parehas malakas ang loob.

Wala talagang magpatalo.

Sa loob ng dyip, medyo naaalimpungatan na rin si Roberto, maingay na nga kasi sa labas, pero hindi pa rin bumangon, pikit pa rin ang mga mata, hihirit pa.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, biglang binunot ni Pulis 1 ang kanyang baril.

Hhhhhhaaaaa….. !!!! halos sabay-sabay na sambit ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang iba namangha, ang iba naman ay natakot sa maaaring mangyari.

Ikinasa, sabay tutok kay Pulis 2.

Ang iba eh medyo lumayo sa lugar, ‘yong iba naman ay nakiusap sa pulis na may hawak ng baril na ibaba ito ay pag-usapan na lang ang hindi pagkakaunawaan.

Samantala ang si Pulis 2 eh parang walang takot na binubuska pa si Pulis 1.

Medyo nagkakaroon na ng tensyon.

Sa loob ng dyip, nagising na si Roberto. Maingay na kasi. Paglabas ng dyip, ay naabutan nya ng eksena ng nagtatalong pulis at tutukan ng baril.

Parehas na nagkakainitan na ang dalawang pulis. Kapwa nanggigigil.

Si Roberto, mamungat-mungat pa at bagong gising, agad na tinimbang ang sitwasyon. Inayos ang sarili, at lumapit sa dalawang nagtatalong pulis.

Lumapit si Roberto sa dalawa at nakiusap na “pag-usapan” nalang nila sa maayos na usapan kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan. Hindi pag-usapan na may mga baril na nakaumang.

Mukhang ayaw paawat ang dalawa. Lalong umigting ang tensyon.

Nakalingat ang si Pulis 1, agad na sinunggaban ni Pulis 2 ang hawak nitong baril.

Nabigla ang lahat. Tumakbo na ang iba.

Naiwan si Roberto sa gitna ng nagpapambunong mga pulis.

Pinilit kalmahin ni Roberto ang dalawa, pinilit awatin, pumagitna at umasang kakalas ang dalawa.

Pero hindi. Matapang talaga ang dalawa. Ayaw paawat.

Hanggang sa….


28th May 1989, 16:15:09
Danggay



Bang!!!

Bang!!!

Ugh…. Bulagta!

Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

Dalawang umaatungal na putok ang bumasag sa payapang kainan at inuman. Lahat ay nagulat. Nag-umpisa nang magkagulo ang mga tao sa paligid. Panay ang tilian ang mga babae, ang mga bata ay palakat na sa takot. Maging ang mga usyosero at tsismosa ng barangay ay sakbibi na rin ng takot. Kanya-kanyang takbo. Kanya-kanyang hanap ng lugar na mapagtataguan.

Parang wala lang na tumalilis papalayo ang taong may hawak ng baril.

Tahimik na ang paligid. Lumubog na ang araw.

Sa gitna ng sagingan, ang lalakeng nakabulagta, nakataob, hindi kumikibo, duguan - naiwang wala nang buhay.

Sapol si Roberto. Sa dibdib ang tama.


Pagbasak, hindi na nakapagsalita pa, ni hindi na nakapagpaalam – binawian na ng buhay.

Ilang minuto pa ang nakalipas, nag-umpisa nang magbalikan ang mga tao sa lugar. Pare-parehas tikom ang bibig at nakatitig sa duguang bangkay ni Roberto.

Wala na ang mga pulis.

Walang tumawag ng pulis.


Patay na si Roberto...

Ulila na sa ama ang mangyan...

Tuesday, 27 May 2008

Mayo Bente Otso (unang labas)

28th May 1989, 16:15:09
Danggay



Bang!!!

Bang!!!

Ugh…. Bulagta!

Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

Dalawang umaatungal na putok ang bumasag sa payapang kainan at inuman. Lahat ay nagulat. Nag-umpisa nang magkagulo ang mga tao sa paligid. Panay ang tilian ang mga babae, ang mga bata ay palakat na sa takot. Maging ang mga usyosero at tsismosa ng barangay ay sakbibi na rin ng takot. Kanya-kanyang takbo. Kanya-kanyang hanap ng lugar na mapagtataguan.

Parang wala lang na tumalilis papalayo ang taong may hawak ng baril.

Tahimik na ang paligid.
Lumubog na ang araw.

Sa gitna ng sagingan, ang lalakeng nakabulagta, nakataob, hindi kumikibo, duguan - naiwang wala nang buhay.









28th May 1989, 08:00:00
Aplaya


Huling linggo ng Mayo, at sa mga panahong ito ay masayang-masaya ang buong Aplaya. Para na ngang pista dahil sa dami ng banderitas at halos lahat ng tao sa barangay ay abalang-abala. Maging ang mga bata ay hindi magkanda-ugaga sa mga palaro, palosebo, hampas-palayok, agawang buko, palayuan ang ihi, pabilisan kumain ng bato (matigas na tinapay – karaniwang kulay pula). Ang mga kabinataan naman ay abala rin sa paghahanda ng lugar para sa sayawan mamayang gabi. Samantalang ang mga matatanda naman ay aligaga rin sa pagluluto. “Kapusan” o “tapusan” kung tawagin nila ang araw na ito, Katapusan ng Flores de Mayo. Mamayang hapon nga eh may sagala pa, kaya ang ilang piling kadalagahan ng barangay ay naghahanda na rin, nagpapaganda. Ganoon rin ang kanilang mga konsorte, na medyo abala na rin sa pagpapanday ng gagamiting arko sa sagala mamaya.

Ilang metro, hindi kalayuan, nagpaalam si Roberto sa kanyang maybahay na apat na buwan nang buntis sa kanilang bunso. Dadalo kasi sya ng binyagan. Napaki-usapan ng kanyang pinsang si Oscar na sya muna ang dumalo o ‘maghawak’ sa binyag ng kanyang kumpare.

Hindi naman tumanggi si Roberto, wala nga rin naman pang gagawin at mamayang gabi mag-uumpisa ang kasiyahan.

Umalis na si Roberto ng bahay. Hindi na rin nakapagpaalam sa mga anak na lalaki, paano ba nama’y kasali sa mga palaro. ‘Yong isa sumusubok umakyat sa palosebo, ‘yong isa naman ay nakikipagsapalarang matamaan ang nakabiting palayok, samantalang ang isa ay naroon sa intablado nakikipagpatayugan ng ihi.

Ilang minuto pa lang ang nakararaan, bumalik nang bahay si Roberto, may nalimutan raw, at mabilis ring umalis ng masumpungan.

Ilang minuto pa, bumalik na naman ito ng bahay, nagpaalam muli sa kanyang maybahay, at muling sumibat.

Bumalik ulit ng bahay? Oo bumalik ulit, tila may hinahanap sa kanyang maybahay, may naiwanan daw, pero sa bandang huli wala naman pala… nagpapaalam lang muli. Mahabang paalaman, akala mo hindi na uuwi mamayang gabi. Para tuloy ayaw na syang payagan ng kanyang asawa na tumuloy pa, pero hindi na rin napigilan, tumuloy pa rin.







28th May 1989, 08:16:38
Terminal ng Dyip


Naghinhintay si Roberto ng masasakyan.

Mukhang malalim ang iniisip.

Nakatanaw sa malayo, sa kawalan.

Beeeeeeeeeeeeeeeepppppppppp!!!

Driver: Ano sasakay ka ba, o sasakay ka na lang??? sigaw ng driver kay Roberto.

Matagal na palang nakatigil sa harap nya ang dyip, hinihintay lang syang sumakay.

Walang imik na sumakay si Roberto sa dyip. Nakatingin pa rin sa malayo. Parang mabigat ang kanyang loob sa kanyang paglisan. Kita sa mga mata nya ang kapanglawan. Pamamanglaw sa mga iiwanang anak at asawa.

Humarurot ang dyip.

Ang ruta, Dangay...

Monday, 26 May 2008

Mobile Cleansing

Naglilinis ako ng aking telepono.

MESSAGES:

Sa Inbox, inisa-isa ang mga mensaheng hindi ko pa nababasa. Mga kung ano-anong notice, “notice for service expiration”, “internet total bundle consumed notice” galing sa provider. Mga patalastas. Mga nangungulit at nang-iimbitang tindahan na bisitahin sila sa kanilang “Sale”. Mga balita galing ng CNN.

Pinili, inisa-isa ang mga mensaheng wala namang kabuluhan. Mga mensaheng kumakain lang ng lugar sa aking telepono. Pinili kung aling mensahe, kung kaninong mesahe ang aking buburahin, alin ang itatago.

Sa bandang huli, eh nahirapan na akong mag-isip. Nahirapan na akong pagdesisyunan kung alin ang importante at alin ang walang kwenta. Kaya nauwi ako sa pagpapangkat-pangkat ng mga mensahe.

Ads
Bank Notices
CNN Feed
Family
Friends
Jawalnet
MMS
Other People
People
Provider’s Feed
Qitaf
Today’s Inbox
Unknown


Medyo naguluhan ako noong una, kasi inisa-isa ko ulit lahat ng SMS sa inbox ko, pero habang tumatagal at medyo naaayos na ang salansan eh, ok na rin. Naaliw na rin ako. Natuwa na rin ako.

‘Yong mga Sent Messages, halos lahat binura ko na, pero may tinira pa rin ako. Mga “Sent SMS / MMS” na baka sa bandang huli ay kailanganin ko bilang katunayan na nagpadala talaga ako ng mensahe..

Meron din palang laman ang “Draft” folder ko. May mga mensaheng ‘di sinasadyang naisulat at may mga mensahe ring sadyang isinulat, subalit hindi na naipadala dahil naubusan na ako ng lakas ng loob na gawin ‘yon. Ang iba naman ay naiwanan na ng panahon. May mga pagbating kung ngayon ko ipapadala ay hindi na napapanahon.

Ilan ang binura ko. At ang ilan ay pinanatili kong “Draft”, malay ko ba, pagdating ng panahon ay magkaroon rin ako ng lakas ng loob na ipadala ‘to.

CONTACTS:

Matapos himayin ang mga mensahe, sa Contacts naman ako. Medyo matagal na rin kasi na hindi ko naa-update and aking Contacts. ‘Yong iba, lalo na ‘yong mga Contacts sa Pinas eh makailang ulit nang nagpalit ng numero (at ang medyo nakakapikon eh ‘yong nagpapalit sila ng number tapos hindi ka man lang i-inform na nagpalit na pala), ‘yong iba eh na-snatched na ‘yong mga mobile phone na gamit nila noon, syempre kasama ‘yong SIM Card. ‘Yong iba naman eh lumipat na ng tirahan, may nakipagsapalaran muli sa ibang bansa. Merong nagpalit ng e-mails. May mangilan-ngilan rin sa contacts ko na nilisan na ang mundong ito… di ko lang alam kong maaga silang nagsawa, o talagang “finished contract” na talaga sila. At ‘yong iba naman eh “New Look” na.. kailangan rin syempreng i-update ‘yong mga pichur sa contacts.

MEDIA PLAYER

Audio Files:
Kailangan na rin nito ng update. Halos kalahati kasi ng memory ko ang kumukunsumo eh ang mga MP3 file ko. ‘Yong iba eh hindi na naman napapatugtog, halos lahat nga ata eh. ‘Yong mga ringtone naman eh wala ring gamit, kasi masaya na ako sa normal na “rriinnnnnnnggg” at ‘yong simpleng “beep”. Hindi ko na rin naman napapalinggan ang ilang mga recording ko, na ngayon eh hindi ko rin mawari kong bakit ako nagrerecording.. he he he..and speaking of recording, muli ko tuloy napakinggan ang “Kabukiran” track na awit ng barkada minsan isang panahon, bukod sa mangyan eh maririnig rin ang pasi-second voice ni Lyzius.

Video Files:
Eto kailangan na rin talaga ng update. Sandamakmak na kung ano-anong video ang laman. May bidyong naipasa lang, merong namang hiningi talaga, meron ring sariling ripped, may ilang sariling kuha. PG 13 naman ang genre ng mga bidyo ko, hindi nga, pag-iingat na rin, iwas kalaboso ba. Dito kasi, though di ko pa first hand nararanasan, sa mga police checkpoint daw bukod sa mga fake na papeles, isa rin ang mga mobile phone units (lalo na ‘yong may mga kakayahang kumuha at magsalang ng bidyo) ang pinag-iiinitan ng mga pulis. Una agad hahanapin ang mga, alam mo na, mga “scandal” file, na malimit makikita sa mobile phone ngayon, mapa-anong lahi. Na sabi-sabi, kung masumpungan kang meron nito sa mobile phone mo, eh may kalalagyan ka, at talagang may “palo” ka.

CALENDAR

Eto wala naman akong dapat i-update dito. ‘Yong mga holidays naman ay ‘yong mga birthday nang mga taong importante sa buhay ko eh hindi naman nagbago. Maliban nalang siguro kung hindi na sya kasama sa listahan ng mga “importanteng tao” sa buhay ng mangyan.

MULTIMEDIA

Eto ang kasabwat ng Media Player, bukod kasi sa audio at video file eh puno rin ng kung ano-ano ang Picture Gallery ko. Kasama rin sa gallery ang iba-ibang likha ng mga sikat ng pintor tulad ni Da Vinci, Michelangelo, Caravaggio, at kung sino-sino pang pintor. Marami ring akong sariling snap-shots ng kung ano-anong bagay. May damo, may isda, merong kuha ng mga kalsada, may school supplies meron pa ngang krismas tri eh. May tasa, merong mga pusa (walang aso, kasi bihira ang aso dito sa Saudi). May mga lagas na dahon, may bulaklak, may puno ng balete, may tinapay. May mga larawang dati ko nang ipinaskil sa aking blog. Punong-puno! Halo-halo.

OFFICE

Wala namang update na kailangan. ‘Yong ibang office file ko (excel, word, powerpoint, acrobat) updated pa naman. Hindi naman ganoon kalaki ang inuukupang lugar sa mobile ko, pero itago ko na lang, madalas kasing kung kelan ko binura eh saka ko naman kakailanganin.


Hhaayy.. nakakapagod rin. Kahit nakaupo lang at panay lang ang pindot eh masakit pa rin sa mata. Masakit rin sa utak kaiisip kung importante o walang kwenta ang laman. Pahinga muna…

Saturday, 24 May 2008

TLC

Alas-onse ng umaga, Anim na buwan bago ang kasalukuyan.

Ang Pagdating:

Galing sa gitna ng disyerto, higit-kumulang na limang libong milya ang layo mula sa kabihasnan, isang mangyan ang nagbalik sa kanyang bayan - hindi naman naglakad, syempre sakay ng isang pakalaki-laking papagayo. At nang ibaba nga ang mangyan ng dambuhalang papagayo sa paliparan ni Ninoy, iba ang pakiramdam. Tuwang-tuwang. Naroon ang kagalakang muli ay makita ang bansang pinagmulan, mapawi ang kapanglawan sa muling pagtatagpo ng mga sandugo.

Naroon rin ang kagalakan ng mangyan na muli ay maka-salta ng Maynila. Bata pa kasi ang mangyan ay panaginip na nya ang masilip man lang ang tinatawag nilang “Maynila”.

Mabilis-na-Pagsulong (fast forward) »»

Ang Pag-uwi:

Ilang araw nga ang nakalipas eh uuwi na ng kanyang tribo sa Mindoro ang mangyan. Parte na rin ng kanyang ritwal sa pag-uwi eh ang pagbili ng makakain sa loob ng bus at syempre pa ang pasalubong sa mga sandugo.

Ang Pasalubong:

Dati, tama na para sa mangyan ang isang balde ng biskwit at panutsa bilang pasalubong. Pero ngayon kahit naman papaano eh merong naipong kwarta sa kanyang kalpi ang mangyan kaya medyo sosyal na ang pasalubong nito – nag-Jollibee.

Sa Loob ng Jollibee:

Sa isang sangay ng Jollibee, sa may panulukan ng Taft Avenue at Gil Puyat aligagang nagtungo ang mangyan, baktot ang kung ano-anong dala-dalahan kaya naman natagalang makapasok dahil na rin sa dami ng dala-dalahang i-inspeksyunin ng sekyo sa pasukan ng Jollibee.

At nakapasok na nga ang mangyan.

Nakapila at nag-iisip kung ano ang masarap na handog ng Jollibee.

FYI: Hindi nga pala ito ang unang pagkakataong naka-kakain sa Jollibee ang mangyan, kahit ang mangyan ay batang-mcdo, eh kumakain rin sya sa Jollibee (burger steak at stapegi ang paborito ng mangyan).

Sa Cashier:

At um-order na nga ng pagkain ang mangyan. Apat na yumburger-meal, isang order ng chicken-joy, at syempre 4 na order ding stapegi.

Mangyan: ‘Yon lang.

Cashier: Sir, ‘yong bang burger may TLC?

Mangyan: Ano?!! (halatang gulat)

Cashier: Kung ‘yong pong burger nyo eh gusto nyo may TLC? (naka-ngiti naman)

Mangyan: Ano ‘yong TLC? Tender Loving Care? (hindi joke ‘yon ha, kasi dati naman kung u-order ng hamburger eh wala namang ganoong tanong, ngayon nalang.)

Cashier: hi hi hi..puede. (di ko alam kung kinikilig sya, o na-kornihan sa akin)

Narinig siguro ng store supervisor nila ang usapan namin, kaya sumabat na ito.

Store Supervisor: Sir, TLC: Tomato, Lettuce, & Cheese.

Mangyan: (medyo nagulat) Ganoon!!??

Store Supervisor / Carshier: (duet sila) Oo, ganoon nga.

Mangyan: (humirit pa) Diba ang order ko eh hamburger? Diba dapat kasama ng ‘yong “TLC”, kasi kung walang TLC, hindi na hamburger ‘yon, beef-patty at bun na lang ‘yon?

Store Supervisor: ‘Yon po ‘yong policy.

Mangyan: (humirit pa ulit) E'di dapat beef-patty-bun-combo na lang ang in-order ko?

Wala lang imik ang cashier at store supervisor, naka-ngiti lang sila.

Mangyan: Sige na nga, 4 yumburger meal with TLC, please..

Cashier: Sir, mag-add po kayo ng 4 pesos each yumburger (di lang ako sure kung 4 pesos talaga ang idinagdag ng mangyan para sa TLC).

Mangyan: Sige. (mapera talaga ang mangyan, mukhang maraming nabentang "dapo")

Makalipas ang ilang minuto, nakahanda na ang order ng mangyan.

Kinuha ang order at umalis na ng tindahan, baktot pa rin ang mga dala-dalahan.


Ang Pag-pagbabalik:


Sumakay ng bus papuntang Batangas Pier, baon ang 4 na yumburger meal with TLC.

Tatawid ng dagat, pauwi ng Mindoro.

corrected by: lyzius.

Thursday, 22 May 2008

Balete

Mayaman sa puno ang Pilipinas. Marami tayong kabundukan, at dati marami tayong mga kagubatan, though kahit naman papaano sa mga panahong ito eh meron pang natitirang mangilan-ngilang ektarya ng kagupatan. Natural gubat, maraming puno.

Iba-ibang klase ng puno.

Merong punong mainam gawing muwebles, meron ring mainam na haligi sa bahay o kaya eh gawing bakod.

Meron ring gamit sa pang-gagamot, tulad ng puno ng Ligas. Though hindi magandang tambayan ang puno ng Ligas, kasi nga makati ang punong ito. ‘Di ko lang alam kung bakit nga naman nagdudulot ng kati ang punong ito, at pagsinabing makati, eh makati talaga, kailangang kamutin at namamantal talaga. At hindi pa sapat ang basta kamutin mo lang, kasi sabi-sabi ng matatanda eh kailangang sumayaw sa puno ng Ligas para mawala ang pangangati (pramis nagawa ko na yan minsan, at epektib naman).


Ligas, ligas, puno ng ligas
Dahon mo aking ika-kaskas
Sa mapula at pantal kong balat
Sobra ang kati, kamot ang katapat.

Ligas, ligas, dahon ng ligas
Pagalingin kati ko sa balat..
La la la la la la…mmmmhhh.


Kaya iwas ang mga taong tumambay dito, o kaya eh mapadaan, maliban na lang siguro kung kailangang-kailangan.

At kung may iniiwasang puno, hindi rin mawawala ang punong kinatatakutan. Diba merong ganon? Mga mahihiwagang puno. Punong bukod sa mga alitaptap na nakatira, eh meron pa palang ibang tenant.

Ang punong BALETE / BALITE.

Hindi ko alam kong saan nagmula at kung paano naukit sa utak ni Juan Dela Cruz na nakakatakot ang balete. Pero dahil na rin siguro ito sa mga wento-wento ng mga matatanda noong unang panahon. Aba ikaw ba naman ang kwetuhang me nakatirang kapre at tikbalang sa puno. O kaya naman eh tambayan ng mga manananggal at aswang ang punong balete, ewan nalang kung magkaroon ka pa ng lakas ng loob na tumambay o kahit na nga dumaan lang.

Sama mo pa ang mga engkanto at mga duwendeng iba-iba ang kulay (kulay puti ‘yong mababait, kulay itim ‘yong masasama, at kulay pula ‘yong mababagsik). At madalas ring mapadaan ang mga white lady at black lady sa punong ito.

Siguro sa Pinas lang ‘to.

Kasi ngayong umaga, kanina ko lang napansin na ang punong tinatambayan ko eh punong balete pala. Nalaman ko doon sa gardener na Pinoy ng compound namin. Kasi habang nagdidilig sya kanina eh na-i-kwento nyang balete pala ‘yong ini-istambayan ko…

Nnnggiinigg.. bigla tuloy ako natakot. Pero parang hindi na ganoon ang takot, tulad ng balete sa Pinas. Ewan ko lang kasi siguro excited lang akong makakita ng arabong maligno. Hindi na arabong kapre, kasi kahit naman hindi sila kapre eh parang mga kapre na sila kalaki eh.

Imagine mo nalang ang arabong tikbalang. Ano kaya hitsura noon, mukha kayang kamel ‘yong pang-itaas na bahagi?

O kaya ‘yong arabong manananggal o aswang, naka-abaya kaya ‘yong mga babae? he he he.

Hindi na ‘yong black lady, kasi pangkaraniwan nang nakakakita dito ng mga black lady kasi nga naka-abaya ang mga babae rito. ‘Yong white lady, di ko lang alam.

Tapos, meron pa rin syempreng arabong duwende. Kasing liliit rin kaya sila ng duwendeng Pinoy o medyo malaki ng konte kung arabong duwende.

Ang wala lang siguro eh ‘yong mga arabong alitaptap. Kasi di pa ako nakakakita ng alitaptap dito. Kahit nga butiki eh wala pa akong nakikita.

At pansin ko rin, hindi ganoon kadawag o ka-bushy ‘yong punong Balete dito sa compound. Malinis ‘yong puno. Hindi nakakatakot. Wala ‘yong mga nagbalag na baging. Kasi nga siguro hindi kinatatakutan, kaya well kept naman ‘yong puno.

Wednesday, 21 May 2008

New 7 Wonders Update

Mabilis na mabilis lang 'to mga kababayan ko.

Update ko lang tayo ng listahan ng New 7 Wonders of the World kung saan may apat na pambato ang bansang Pilipinas.


Narito ang updated na listahan as of today: 21 May 2008, 10:00 GMT



Patuloy pa rin ang pananatili sa Top 10 ng Tubbatah Reef ng Palawan at ang Chocolate Hills ng Bohol. Samantalang nakapuwesto na sa pang-sampung posisyon ang Subterranean River ng Palawan pa rin. Matatandang noong mga nakaraang linggo ito ay nasa ika 39 posisyon, at dahil sa patuloy nating pag suporta at pagboto eh pumasok na ito sa ika 10 puwesto.

Nakasama rin sa Top 77 ang Mayon Volcano at nakapuwesto ito ngayon sa ika 33 posisyon.


Muli patuloy po akong nanawagan sa ating pagsuporta at pagboto sa ating mga pambato.


Mabuhay ka Pilipinas!

Tuesday, 20 May 2008

Salungpwet /

Sa paglilibot-libot ko lungsod ng Jeddah nitong mga nakaraang araw, malibang masumpungan ko si Jabi, ang logong ito sa pumukaw ng aking atensyon. Parang pamilyar. Parang nakita ko na ito. Parang galing ito sa Pilipinas. Made in the Philippines!


Kung Pilipino ka, sigurado nakita mo na rin ang logong ito. At pustahan meron kang gel na may tatak ng logong ‘to. Noong nag-aaral ka pa sigurado may cologne kang merong ganitong logo. Meron kang panyo na naka-burda rin ang logong ito, pati nga sa towel eh. At sigurado rin akong sa closet mo eh may makikita akong t-shirt, polo, pantalon, medyas, kahit na nga brief, panty at bra na merong tatak ng logong ito. Ewan ko lang kung dala marahil ng mga patalastas sa mga TV at pahayagan at nang mga naglalakihang billboards, pero pustahan kung ang suot mong undies ay may ganitong tatak eh feeling mo ikaw ang nasa billboard at iba ang fashion statement mo kung naka-display ang tatak ng underwear mo.

Pamilyar talaga ang logong ito, kahit na nga Arabic ‘yong text, pero ‘yong pagkaka-layout eh pamilyar. ‘Yong matingkad na pulang kulay sa likuran ng mga titik ay talaga namang pamilyar. Lalo na ‘yong “slash”. Madalas ko noong makita ito sa towel, sa gel, sa underwear, sa cologne, sa belt, sa pants, sa mga t-shirts, sa mga polo, sa panyo, at sa mga caps.

Dati kasama ng logo ang isang mahabang upuan. Parang kulay luntiaan noon ang kulay ang paligid at kulay lumot naman ang upuan.

Sige na nga, papakilala ko na sa inyo….. tadahh…


Mga kababayan : meron na rin pong BENCH / sa Jeddah. O diba, going global na talaga ang mga produktong Pinoy. Kahit nag-iisa palang ang outlet na ‘to sa tinaguriang “fanciest mall” ngayon dito sa Jeddah, eh marami na rin ‘tong parokyano. Hindi lamang Pinoy ang market, kundi buong mundo na nga. Kilala rin ng mga Indiano ang Bench, di ko lang alam kung merong Bench sa kanila, pero ‘yong mga Thais at Indonesians alam nila na pasyonista ka kung naka-Bench ka.


Simple lang ang tindahan, at sa kultura ng Saudi, di ko na ini-expect ang mga naglalakihang poster nina Angelica Panganiban o kaya ni Allesandra sa Bench Body section nila. Dalawang Indiano ang mga nakapuwesto sa counter. Summer na summer ang theme ng tindahan ngayon. Makulay, maaliwalas, pasyonista...

Next week, pagkatapos ko mag-jabi, punta ako ng Bench...

bench/ made in the philippines

Monday, 19 May 2008

Kalsada

Noong nakaraan lang eh ang trapik sa Jeddah ang laman ng aking blog. At mga ilang buwan na rin ang nakakaraan eh naging talakayan din namin ni Lyzius ang tungkol sa mga bus sa Dubai, at naibahagi ko rin kung anong sitwasyon meron dito sa Jeddah pagdating sa mga bus at sabihin na rin nating kung anong meron ang kalsada ng Jeddah.

Ang Hukay

Sabi ko nga noong nakaraan eh kabi-kabila ang hukayang nangyayari ngayon dito. Hukay-tabon ang drama nila. Ok lang sana kung ang nahuhukay eh Saudi Electric, o Saudi Water, o kaya naman eh Saudi Telecom, kasi hindi naman nagtatagal ang hukayan at natatabunan rin, matagal na siguro ‘yong apat hanggang limang araw – hindi naman naiiwang nakatiwangwang ‘yong mga hinukay nila, kasi lagi naman talagang may makikita kang gumagawa, araw at gabi (siguro ‘yong iba mas pinipili pang magtrabaho ng gabi, kasi nga sobrang init kung araw).

Sa kalye namin ngayon, Al Rabwah District, Bawadi-Siteen Road (hindi ako sure sa exact na address, feeling ko lang yan ang address namin sa compound kasi ‘yan lang ang sinasabi ko sa taxi at nakakarating naman ako ng bahay ko), mukhang meron atang pang-matagalang paghuhukay na mangyayari. Noong nakaraang dalawang linggo pa kasi medyo abala ang kalye namin sa dami ng mga manggagawa. Noong unang linggo, inalis nila ang mga “shoulder aisle” sa main road – so naging isang malaking kalsada magkabila (bale eight lanes bawat isa). At nang sumunod na araw eh nag-umpisa namang maglagay ng mga barikada sa mga inalis na shoulder aisle (di ko sigurado kung meron ba talagang term na “shoulder aisle”, imbento ko lang yan). Tapos nang sumunod na araw eh merong mga naglalakihang bulldozer sa gitna ng kalsada upang tanggalin ang mga puno ng dates. At noong isang linggo nga meron nang nakatayong temporary porta-cabin sa center aisle.

Nalaman ko sa driver namin kanina na may gagawin palang sub-way along Bawadi-Siteen Road – para raw maibsan ang lumalalang trapik sa lungsod.

Sa ayaw ko man o hindi, mukhang mahabang panahong hukayan ang mangyayari – malalim na hukayan.


Ang Kadamánt

Ang kadamánt o ang mini-bus eh ang pang-masang sasakyan dito. Para bang mga dyipni sa Pinas, meron ring kanya-kanyang ruta. At nang sabihin kong “parang mga dyipni sa Pinas”, as in parang sa Pinas talaga, ang kulang lang eh ‘yong malanding busina (tatlong busina lang kasi meron dito: busina ng normal na sasakyan, busina ng pulis, at busina ng ambulansya). Kasi kahit saan eh pumapara ‘to – sa gitna, sa tabi, basta may kumaway na sasakay o kaya naman eh may sumigaw ng pagkalakas-lakas na “allajahm!!!” (o kung pinoy ka puede na ring “para dyan”, tutal sounds-like naman), sugurado hihinto ‘to. Kung sakay ka ng kadamánt sigurado lahat ng kalsada sa Jeddah eh malilibot mo at sigurado ring lahat ng eh matatandaan mo, kasi pangkaraniwan nang gawain ng kadamánt ang bumaybay sa mga tabi-tabi (para nga maka-pick-up ng pasahero), at kung ginagawa ‘to sigurado mabagal, pero paghumarurot naman as in harurot.

Wala ring huli-huli ng over-speeding, kasi mga katutubo dito ang pangkaraniwang driver ng kadamánt, kaya naman kung mahuli man ng pulis, eh konting:

Kif-halhal habibi, malish, malish.
(Roughly translation: “How are you my dear, it’s ok, it’s ok.”)

At konting beso-beso, ‘yon na ‘yon at ok na ang lahat, harurot na ulit.

Pangkaraniwang sakay ng kadamánt eh mga manggagawang Pana, Pako, Jeypee, Egyptian, Bangali, Yemeni, maging ang mga katutubo nila dito at ang nagtitipid na si Juan dela Cruz. ‘Kaw na lang ang bahalang umintindi sa magiging amoy sa loob pagpinagsama-sama mo ang mga ito. Kahit na umagang-umaga, na dapat preskong-presko, walang pinagkaiba. Syempre naman exempted dito ang mga Pinoy, kasi mababango naman talaga tayo.

'Ngapala, lalaki lang ang puedeng sumakay sa kadamánt. Wala mang nakapaskil na “For Boys Only”, pero sa bansang bawal magsama o mag-usap, o kahit na magkatitigan man lang ang babae at lalakeng hindi naman mag-asawa o magka-ano-ano, walang babae ang naglalakas ng loob na sumubok sumakay ng kadamánt.

Sa pasahe nitong dalawang riyales lang, (dulo-sa-dulo na ng ruta ‘yon, malapit o malayo man), eh talaga namang pang-masa ang kadamánt.

Moya Bahrid

Kung kanina ang kadamánt eh parang katulad na rin ng dyipni sa Pinas, ang kalsada ngayon dito sa Jeddah eh unti-unti na ring nagiging parang mga kalsada ng Pinas.

Talaga?

Uu, sa mga panahong ito eh nag-uumpisa nang maglabasan ang mga naglalako ng kung ano-ano sa kalsada ng Jeddah. Wala ka mang makitang “Takatak Boys” gaya ng sa atin, meron namang “Moya Boys” ang Jeddah. “Moya” o tubig. Mga naglalako ng tubig sa gitna kalsada. “Bahrid”, ibig sabihin malamig – malamig na tubig. Sa presyong isang riyal isang bote (.55 liter – mas mahal pa sa litro ng gasolina, FYI : ang special na gasolina .60 cents at ang unleaded .45 cents ), ok na ring pamatid uhaw. Iabot o ikaway mo lang ang ‘yong isang riyal sa bintana ng sasakyan mo sigurado, mabilis pa sa alas-kwatro (mabilis ba talaga ang alas-kwatro ?) may mag-aabot sa’yo ng malamig na tubig.

Sa mga susunod na entry nalang siguro ko ipapakilala ang iba pang mga manlalaro sa kalsada ng Jeddah.

Abangan…

Saturday, 17 May 2008

Jollibee Ako, Join Kayo?

Dalawang linggo bago ang malaking pag-atake ang mga terorista sa Amerika, dumating ako dito sa Jeddah. Sa aking paglisan sa bansang Pilipinas maraming bagay ang aking na-miss.

Syempre, ang pamilya ko – ang tatlo kong kapatid, ang lola at lolo ko na nagpalaki sa amin, ‘yong mga pinsanin ko, mga kaibigan ko, at syempre ang barkada ko.

Sunod syempre na na-miss ko ‘eh ‘yong mga pagkain sa Pinas. Though dito nakakapagluto naman ng lutong Pinoy, pero iba parin talaga kung asa Pilipinas ka. Kasi hindi ka na maghahagilap ng ibang sangkap na isasahog. Lalo ang sahog na adobo at sinigang na baboy! Kangkong at Mama Sita Sinigang Mix lang ang mahahanap dito, asa pa na puede ang karneng baboy dito, he he he. Bawal kasi ang karneng baboy dito.

Sa dami rin ng fastfood dito, akala ko wala akong mami-miss. Though batang McDo ako, syempre kahit papaano kumakain pa rin sa ibang chains. Merong Pizza-hut, Sub-way, Dominos’, Dunkin’ Donuts, Popeyes halos lahat ata ng fastfood chins dyan sa atin eh meron rin dito, maliban pala sa Wendy’s, at ‘yong Carls JR sa Pinas eh Hardee’s dito at syempre ang Proud to be Pinoy na Jollibee.

At dahil nabanggit na rin lang ang Jollibee, parang napapakanta tuloy ako ng:

I love you Sabado, pati na rin Linggo.
Hintay ka lang Jollibee nan’dyan na ‘ko.
Panlasang Pilipino,
At home sa Jollibee!


Hanggang sa: Isa pa! Isa pang Chicken Joy!

Kasi nga diba batang McDo ako, hindi naman dahil sa hindi ako makabayan, mas nasasarapan lang ako sa burger ng McDo, kanya-kanyang panlasa lang ‘yan. (tama na ang paliwanag!)

Nang dumating ako dito, sabi ng ibang Pinoy eh merong daw dating Jollibee dito, kaso nga that time siguro eh Pilipino lang ang market ng Jollibee kaya matapos ang ilang panahon eh nagsara rin. Nung nalaman ko ‘yon, batang McDo man ako, eh parang nalungkot naman ako. Para bang nandun ‘yong pananabik sa Chicken Joy. Parang saying! ‘di ko na inabot.

At makalipas nga ang ilang taon – mga ilang buwan na siguro ang nakararaan eh usap-usapan na dito sa Jeddah ang muling pagbubukas ng Jollibee. Syempre excited ang lahat. Though that time bali-balita pa alng ang lahat at wala pang matibay na ebidensya na makakaroon na nga ng Jollibee dito sa Jeddah, eh andoon ‘yong tuwa ko.

Hanggang sa kagabi, matapos kaming magpagupit eh napadaan kami sa Jeddah Internation Market, kung saan itinatayo ang bagong Jollibee.



Eto medyo madrama, kahit na nga batang McDo ako (kaasar na ba, paulit-ulit ‘no?), pero parang proud na proud ako bilang Pinoy. Akalain mo ‘yon at nakarating na muli dito sa Jeddah ang Jollibee. Medyo exaggerated man, pero parang mangiyak-ngiyak ako. Kahit pa magtinginan ang iba nating kababayan sa akin kagabi at iwanan ako ni Kuya Erik na mangiyak-ngiyak na nakatunganga sa harap ng ginagawang Jollibee – pakialam ko sa kanila, eh naiiyak ako eh.


At natapos na nga ang aking ka-dramahan.

Mabuhay ka Pinoy!!!

Ano? Ja-Jollibee ako, join kayo?

Bagong Gupit Ako

Bagong gupit ako ngayon.

Kagabi kasi kasama ang mga batang Jeddah, nagkayayaang magpagupit. Though hindi pa naman ganoon karami ang buhok ko, pero dahil sa tutal nandoon na lang rin naman kami sa barberya, e bakit hindi pa magpagupit. And this time, SR 10.00 lang ang gupit. Pako kasi ang maggugupit.

Note: Sa hindi naman medyo katagalang panahon ng pagtigil ko dito sa Jeddah, pangalawang beses pa lang ito na ako ay nagpagupit sa ibang lahi (Pako o Pana), kasi may Pilipino talagang gumugupit ng buhok ko dito. Medyo may tatlong beses na mahal kesa sa gupit ng ibang lahi (plus tip) pero sulit naman ang gupit. Kasi nga kung Pinoy ang gugupit sa Pinoy eh sigurado maganda ang kalalabasan, kasi kahit papaano alam nang Pinoy ang panlasa ng kapwa Pinoy sa gupitan.

Kung “good tipper” ka, sigurado sulit na sulit ang serbisyo. Kasi hindi lang gupit ang ibibigay sa ‘yo, meron pang shampoo (hindi ka bibigyan ng shampoo ha, i-sha-shampoo ang buhok), kung medyo marami na rin begote at balbas eh kasama na ring tatabasan, at sa huli meron ka pang masahe. O diba, saan ka pa, not to mention ‘yong ang mga sandamak-mak na kwentong barberya habang naggugupitan. Kaya sulit naman ang bayad, kahit medyo may kamahalan.

Unang sumalang sa gupitan si Bert (medyo hydrated-curly-tips-though-a-bit-oily type ang buhok), regular na kasing parokyano dito si Bert, kilala na nga sya noong dalawang Pako eh. At kasabay nya si Kuya Erik (regular healthy hair - parang buhok ni Joseph na kaswela ko noong hayskul), na first taym rin sa barberya na ito, though hindi ito ang mga unang pagkakataong nagupitan sya ng ibang lahi.

Habang nakasalang ang dalawa, panay naman ang bulong ni Elvs (isa ring batang Jeddah) sa telepono. Di ko sure kong me kausap o bumubulong ng orasyon. Ako naman at si Genaro (batang Jeddah pa rin - Tirador ng Danube) eh ginawang studyo ang barberya, he he he… kami lang kasi ang nagpapagupit nang mga oras na ‘yon at walang ibang lahi maliban sa dalawang Pako na nagugupit kay Kuya Erik at Bert.

Opo, ginawa ngang studyo, kasi pichur dito, pichur doon, posing dito, posing doon ang nangyari. Lahat ata ng anggolo eh nakunan ng larawan. At join na rin sa pichuran si Elvs ng matapos ang “bulungan sa N95”.

Nang matapos nang gupitan si Bert at Kuya Erik, eto na ako (regular na type ang buhok ko kung konti pa lang, pero pag dumami na, nagkakaroon na sila ng sari-sarili nilang buhay, hindi na sumusunod sa suklay) na ang sumalang. Katakot-takot na paliwanagan na naman kung akong gupit ang gusto. In peyrnes ha, alam ng Pakong ito ang “barbers-cut”. Ito ang mahirap kung magpapagupit sa ibang lahi, mahirap ipaliwanag ang gusto mo, mauubos ang Urdo at Arabic mo maipaliwanag lang ang gusto mong gupit. Noong huling pagupit ko sa ibang lahi eh nauwi ang lahat sa kalbo (the safest choice).

Sumalang na rin si Elvs (hair-gel-dependent-type ang buhok, para lang kasing tambo sa ulo kung walang gel ang buhok - lalo na kung marami na) sa kabila. At nag-umpisa na ang gupitan.

Gupit.. gupit… gupit..

"My friend, sweya here… hena hada sweya-sweya, sa? La, mafi kati, hada sweya."

(nagpapaliwanag lang na sa bandang likod eh konting bawas lang, trim ga.)

At natapos nga ang gupitan. Tahimik na gupitan. Ano naman in-expect ko ? Na makipag-kwentuhan ‘yong Pako sa akin habang ako ay ginugupitan? Eh ano naman kaya ang paku-kwentuhan namin? He he he…

Kaya natapos na nga ang gupitan… ano kaya ang resulta?


So far, 10 o’clock na, parang wala pa ring nakakapansing bagong gupit ako.

Tuesday, 13 May 2008

Trapik sa Jeddah

Ngayong mga panahong ito kung mag-iikot-ikot ka sa lungsod ng Jeddah, eh sigurado puro nalang hukay at katakot-takot na gawaan ng kung ano-ano ang mga kalsada at kalye. At natural kung may ginagawang kalsada, TRAPIK!!!

Opo, kahit naman papaano eh nagta-trapik na rin ngayon dito. Kahit gaano pa man kaluluwang ang mga kalsada dito eh nakaka-trapik pa rin. Akala ko noon eh sa Pinas lang ang trapik, lalo na kung galing ka ng Sta. Mesa papuntang Cubao via R. Magsaysay.. talaga namang kung medyo matulin-tulin kang maglakad eh, mas mamatamisin mo pa ang maglakad nalang. 

Noon 'yon kasi kahit naman papaano eh gumagana na 'yong tren papuntang Cubao (hindi ako sigurado kung MRT o LRT ang tawag doon, basta alam ko tren 'yon na naka-bitin). Ganoonpaman, sa baba ng riles ng MRT/LRT eh walang pinagbago trapik pa rin. Ang dami-dami pa ring pasahero, marami pa rin dyip, at naghambalang pa rin ang mga naglalakihang bus... at syempre (nakakahiya man) mawawala ba sa kalsada ang mga pasaway at nuk-nukang walang disiplinang driber at pasahero. 'Yong bang papara nalang kung saan saan.

Lahat na yatang paraan eh sinubukan ng ating pamahalaan para lang maibsan ang nakakaburat ng trapik na 'to, pero parang ganoon pa rin ('yong datus na ginagamit ko sa "ganoon pa rin" eh base sa mga huling araw ko sa Pilipinas noong nakaraang undas - maaaring nagbago na ito sa kasalukuyan).

Balik tayo sa Jeddah... dito halos ramdam na rin ang trapik, lalo na nga tuwing weekends ng gabi na ang lahat eh nasa labas ng bahay para mag-shopping, mag-tsai sa mga pampumblikong parke at 'yong umaga ng weekdays kung saan lahat eh halos sabay-sabay kung lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho.

At 'yon nga, idag-dag mo pa ang kabi-kabila nalang na hukayan at gawaan ng kalsada.

Sabi ko nga diba, maluluwang ang mga kalsada dito, normal na hanggang anim na lane ang kalsada - one way lang. Ngalang kahit ganoon kaluluwang ang kalsada eh naroon pa rin ang trapik kasi nga mayamang bansa ang Saudi Arabia kaya naman ganoon rin karami ang sasakyan sa kalsada. Para sa mga katutubo ng lugar na ito, 'yong mga "dons", eh parang nagpapalit lang ng damit ang pagpapalit ng sasakyan dito.

Halos lahat ng sasakyan sa kalsada rito ay mga pribado, meron mang mga walang disiplina ring pampublikong sasakyan, pero hindi ganoon karami kumpara sa pampumblikong sasakyan.

Kaya bilang tugon ng hari sa lumalalang trapik: magpagawa nalang ng mga nagluluwangan pang mga kalsada at ang nauuso na ring nagtataasang fly-over, at maliliwanag na sub-way. Diba astig ang solution ng hari, mayaman eh.

Kasi sigurado hindi dito magiging epektib ang Odd & Even / Colour Coding ng MMDA sa atin, kasi sigurado lalong darami ang sasakyan. Kasi nga mayaman ang bansa, so ano ba naman kung bumili ako ng isang sasakyang pang-Odd at isang pang-Even... diba...he he he

So ang nararapat na lunas: MARAMING MALULUWANG NA KALSADA.

Haayy.. sa paglabas ng compound namin ngayon, nag-uumpisa na ang hukayan at pagbabarikada... 

Sunday, 11 May 2008

Mom's 8 Light Lies

This morning, though for me it was already a known fact (i guess specially for us Pinoys) that today is Mother's Day, i was just thinking that maybe on this part of the planet (Lat. 21° 32'N : Long. 39° 10'E) it's gonna be just like any the other day... a normal day. Like nothing is special.

'Til 16 minutes before lunch, Majid the secretary from the Procurement & Estimation Dept. send me this e-mail with a very heart-touching story of a Mom. This might be sound exagerrated, but this one almost made me cry...


This story begins when I was a child: I was born poor. Often we hadn't enough to eat. Whenever we had some food, Mother often gave me her portion of rice. While she was transferring her rice into my bowl, she would say 'Eat this rice, son! I'm not hungry.'

This was Mother's First Lie.

 As I grew, Mother gave up her spare time to fish in a river near our house; she hoped that from the fish she caught, she could give me a little bit more nutritious food for my grow th. Once she had caught just two fish, she would make fish soup. While I was eating the soup, mother would sit beside me and eat what was still left on the bone of the fish I had eaten; My heart was touched when I saw it. Once I gave the other fish to her on my chopstick but she immediately refused it and said, 'Eat this fish, son! I don't really like fish.'

This was Mother's Second Lie.

Then, in order to fund my education, Mother went to a Match Factory to bring home some used matchboxes which she filled with fresh matchsticks. This helped her get some money to cover our needs. One wintry night I awoke to find Mother filling the matchboxes by candlelight. So I said, 'Mother, go to sleep; it's late: you can continue working tomorrow morning.' Mother smiled and said 'Go to sleep, son! I'm not tired.'

This was Mother's Third Lie

When I had to sit my Final Examination, Mother accompanied me. After dawn, Mother waited for me for  hours in the heat of the sun. When the bell rang, I ran to meet her..  Mother embraced me and poured me a glass of tea that she had prepared in a thermos. The tea was not as strong as my Mother's love, Seeing Mother covered with perspiration; I at once gave her my glass and asked her to drink too. Mother said 'Drink, son! I'm not thirsty!'.  

This was Mother's Fourth Lie.

After Father's death, Mother had to play the role of a single parent. She held on to her former job; she had to fund our needs alone. Our family's life was more complicated.  We suffered from starvation. Seeing our family's condition worsening, my kind Uncle who lived near my house came to help us solve our problems big and small.

 Our other neighbours saw that we were poverty stricken so they often advised my mother to marry again. But Mother refused to remarry saying 'I don't need love.'

This was Mother's Fifth Lie.

After I had finished my studies and gotten a job, it was time for my old Mother to retire but she carried on going to the market every morning just to sell a few vegetables. I kept sending her money but she was steadfast and even sent the money back to me. She said, 'I have enough money.'

That was Mother's Sixth Lie.

I continued my part-time studies for my Master's Degree.  Funded by the American Corporation for which I worked, I succeeded in my studies. With a big jump in my salary, I decided to bring Mother to enjoy life in America but Mother didn't want to bother her son; she said to me 'I'm not used to high living.'

That was Mother's Seventh Lie

In her dotage, Mother was attacked by cancer and had to be hospitalized. Now living far across the ocean, I went home to visit Mother who was bedridden after an operation. Mother tried to smile but I was heartbroken because she was so thin and feeble but Mother said, 'Don't cry, son!  I'm not in pain.'

That was Mother's Eighth Lie.

Telling me this, her eighth lie, she died.

YES, MOTHER WAS AN ANGEL!

M - O - T - H - E - R

'M' is for the Million things she gave me,

'O' means Only that she's growing old,

'T' is for the Tears she shed to save me,

'H' is for her Heart of  gold,

'E' is for her Eyes with love-light shining in them,

'R' means Right, and right she'll always be,

Put them all together, they spell 'MOTHER' a word that means the world to me.

For those of you who are lucky to be still blessed with your Mom's presence on Earth, this story is beautiful. 

For those who aren't so blessed, this is even more beautiful.


I love you mom...