Tuesday, 21 April 2015

Ang Lalaki At Ang Okra



Berde?
Oo.

Gulay?
Oo.

Nasa pakbet?
Oo.

Masarap?
Hhhmm…pede.

Madulas?
OO!

Alam na…

Nagsisimula sa letter “O”?
OO!!

Opo?

Photo Credit: http://catalog.wlimg.com
Alam ko naman na hindi “OPO” ang sagot mo…feeling ko OKRA.

Siguro, kung papipiliin ako kung OKRA or UPO, ang pipiliin ko ay UPO. Bakit? Kasi masarap ang upo i-gisa sa sardinas. Masarap ding sabawan ‘yong may kasamang miswa. At higit sa lahat – pampabait raw ang upo….sabi ng mga matatanda noon, eh ang isang batang pinoy daw para bumait at maging magalang eh kailangan kumain ng maraming upo…para sa Pinoy Patented na PO at OPO. Sa kasalukuyang panahon, parang ngkakaubusan na ng upo sa Pinas.

Sa post na ito eh hindi naman ang upo ang bida, segwey laang ‘yong upo…ang totoong usapin ay ang OKRA o mas kilala bilang Abelmoschus esculentus Moench.


Sa totoo laang, nitong mga bagong panahon ko na laang nalaman na ang englis pala ng okra ay “Lady Finger”…at dahil nga “lady finger” ay maaaring “biscuit” ang lumabas na iyong query sa Google tungkol dito. Parang ‘yong San Pedro laang na sortidos kina Atlas noon. Dahil nga hindi naman ako mahilig kumain ng okra kaya wala naman akong interest na alamin kung ako ang englis nito, isa pa hindi rin naman gamitin ang salitang okra sa pang-araw araw na pamumuhay malibang ikaw ay may taniman ng okra (How’s your lady finger farm?) o kung ikaw ay nagluluto ng pakbet (When do I have to put these lady fingers?). Siguro ang tawag na “Lady Finger” sa okra ay may kinalaman sa dulot nitong epekto sa lahi ni Adan.

Dahil sa nga sa naging parte na ng buhay ng tao ang computer, at kasama doon ang Google (ang sarap siguro gumawa ng term paper noon kung may Google) at kasama pa ang Facebook at iba pang social media sites. At dahil sa Facebook, Twitter, Instagram (ilan laang ang mga ito) eh nagkaroon rin ng bagong kalipunan ng tao – ang mga Netizen.

Salamat na rin sa teknolohiyang ito dahil mabilis ang pagpapalaganap ng inpormasyon, mas madali ang pagpapalitan ng kaalaman, at higit sa lahat eh mabilis maging viral ang mga kapapanabik ng bidyo.

Bago ako lumayo, balikan natin ang OKRA.

Sa Facebook ko laang rin nabasa na masustansya rin naman daw talaga ang okra. Bukod sa pamimilit sa akin noon na kailangan kong kumain ng okra kasi nga raw masustansya ito, pero hindi ko masikmura ang dulas nito sa lalamunan. Basta laang kinikilabutan ako sa tuwing lulunkukin ko ang okra. Lasang gulay rin naman. Pero madulas laang talaga. Parang naga-pada-us-us laang sa lalamunan ko. So, ‘yong dulas ng okra ang hindi ko kaya. Though, I don’t have anything against about the “madulas” thing (because sometimes it….), so it’s the DULAS-OKRA.

Dahil nga sa sustansyang dulot ng okra sa katawan ng tao, eh nagkalat ang mga tungkol dito sa FB. Andyan ‘yong mabisa ito sa mga may Diabetes (ibabad overnight ang okra sa isang pitsel ng tubig at inumin ang pinagbabaran), nakakatulong raw ito sa mag-regulate or magpababa ng blood glucose level ng isang diabetic.

Mabisa ring antibacterial at antioxidant ang okra.

Sabi rinng mga matatanda eh mabisa rin ang okra sa:

  • Nanunuyong lalamunan (siguro nga dahil madulas ito)
  • Pananakit ng lalamunan dahil sa labis na pag-ubo
  • Mainam rin raw ang dahon at bunga nito para sa nahihirapang umihi dahil sa tulo.
  • Maari ring panapal sa sugat ang dahon ng okra.
  • Laking ginhawa rin ang dulot ng katas ng okra sa pananakit ng tiyan dahil sa pagtatae.
  • Pwede rin panapal ang dahon ng okra mga namamagang parte ng katawan.
  • Kung gusto pagpawisan – magsangag ng buto ng okra.
  • Mabisa rin sa lagnat, pananakit ng ulo at rayuma ang katas ng okra.
  • Hindi makatae? Kumain ng okra.
  • Mabisa rin raw eto sa taghiyawat, hence nakakapagpakinis ng balat (parang ‘di ko yata alam ‘to???)

Ilan laang ang mga nabanggit sa pakinabang na makukuha sa okra. And because we’re living on a world where good and evil exists, ang okra pala ay hindi rin pala para sa lahat – oo ikaw ‘yon Adan.

Bagaman masustansya at mainam kainin maging ng bata o ng mga babaeng nagdadalantao ang okra, may babala para sa mga lalaki. Ayon sa isang pag-aaral (though not that conclusive yet as the it requires more studies and experiments), hindi rin pala kainaman ang okra para sa lalaki. Although, lahat ng mga nabanggit kong pakinabang ng okra sa tao eh kapaki-pakinabang rin sa lalaki, subalit meron itong kabig. As in malaking kabig. Nakakatunaw ng pagkalalaki. Literal. Atrophy. Hindi ko alam kung anong wika ang gagamitin ko sa mga susunod na talata. Kung englis eh mas “medical” pakinggan, subalit kung susubukan ko sa wikang tagalog, maaaring hindi kagandahang pakinggan sa iba. Ganunpaman, dahil sa blog ko ‘to, at wala naman ako sa senate inquiry para mag-englis eh tatagalugin ko na laang.

So, ang tanong: ANO ANG KABIG NG OKRA SA PAGKALALAKI NI ADAN?
 
Photo Credit: http://i3.mirror.co.uk
Ayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal of Phytology noong 2009, dahil sa methanol na taglay ng katas ng okra, gumagaan ang timbang ng bayag ng isang lalaki. Suportado ito ng iba pang mga pag-aaral at mahabang pag-o-obserba kung saan kapansin-pansin ang pagkakaroon ng “testicular atrophy” o sa ganang akin laang eh – pagliit ng bayag. Kapansin-pansin rin ang paggaan ng “prostate gland” ng lalaki. Ito’y ayon sa kasalukuyang pag-aaral pa laang at maaaring hindi pa “conclusive”, pero maaring maapektuhan rin nito ang kakayahang magka-anak ng isang lalaki.


Buti na laang pala UPO ang pinili ko, buti hindi ako mahilig sa okra.….i’m just saying…. Kaw, mahilig ka ba sa okra?

Sunday, 12 April 2015

Parating Na Sya...



Madilim at malamig ang paligid.

Sa wari ko ay patay na ang ilaw.

Ilang saglit pa ay lumiwanag ang paligid at natagpuan ko ang aking sarili sa isang pagtitipon. Isang kasiyahan.

Hindi ko alam kong ano ang meron, basta may kasiyahan. Parang fiesta laang ang pakiramdam.
May ipinag-diriwang na kung ano. Nandun ang mga ilang meyembro ng pamilya.

Andoon si Tita Ne.
Andoon din si Tita Dorie.
Kapwa sila abalang-abala….basta abala sila (hindi ko laang alam ang kanilang pinagkaka-abalahan).

At akalain mo ay andun din si Laryn at palakad-lakad laang at nakikipagbungisngisan kay Ate Emedy…sa ganong eksena ay napagtanto ko na nasa Aplaya pala kami…doon sa Aplaya Uno...dekada otsenta.

Syempre naging pamilyar sa akin ang lugar. Ang puno ng chesa malapit sa kina Tita Cely. Ang puno ng kaimito doon kina Greg.

Masaya ang lahat, nagdiriwang – sa kasiyahang hindi ko naman alam kung ano.

Subalit ako eh aligagang-aliga. Balisa ang pakiramdam. At sa pagkakataong ‘yon eh noon ko laang napagtanto na ako pala ay nakasakay sa bisikleta. Paikot-ikot sakay ang bisikleta.

Sa ganoong punto ay lumiwanag sa aking isipan na kasama nina nanay ang aking asawa at sa tuwing may masasalubong ako ay eto ang aking bati, “Kailangan ko nang umalis, manganganak na si misis.

Ewan ko naman ba kung bakit hindi na ako umalis.

Matapos siguro ang mahabang paliwanagan at batian…ay naka-alis na rin ako at natagpuan ko ang aking sariling pumapadyak sa dalampasigan papunta sa…. Saan nga ga ako papunta? Hindi ako sigurado kung sa bahay o sa ospital nanganak ang asawa ko, basata ang alam ko laang eh kailangan kong makarating doon. At mahirap pala talaga mag-bisikleta sa tabing dagat.

Padyak… padyak… padyak…

Ting!

Oi may nag-text!

May iMessage ako galing kay Remuel. May kasamang picture. Dalawang sanggol ang nasa larawan!

Natuwa naman ako. Shocks! Kambal??!!!
Image by Shutterstock

Subalit sa mensahe ni Remuel kalakip ang larawan, “Naloko ako dun ah…akala ko dalawa……

Pero dalawa talaga ‘yong sanggol sa larawan. Sa text ni Remuel parang gusto nya sabihin na reflection ng ibang baby 'yong isang baby nasa picture….parang anino na 3D.

Ganunpaman…parang huminto ang mundo. Sobrang saya ko…at naiiyak ako. ‘Yong iyak na masaya. ‘Yong iyak ko noong July 15, 2011.

Tuesday, 24 March 2015

Si Tatay Lino


Si Tatay Lino. Tay alam ko namang sa mga pagkakataong ito eh hindi mo na mababasa ang mga sanaysay na ito, pero alam ko namang nasa mas maayos na lugar ka na ngayon, kasama ang Panginoon…ganunpaman kung meron mang connection dyan eh maki-FB na laang muna.

FUN WALK
Si Tatay Lino ang aking lolo, asawa ng aking lola, at magulang ng aking nanay. Si Tatay Lino ang nag-pakilala sa amin sa walkathon. Ang mahabang lakarin mula Bongabong hanggang Luna (at balikan ‘yon ha)…mapalad na laang kung sa aming paglalakad ay dumaan ang dump track, at makisakay kami sa likod. Depende pa un sa truck. Mas mainam kung ‘yong track ng buhangin dahil buhangin at graba ang dating pasahero, eh kumusta naman kung track ng basura? Ganunpaman, sya pa rin ang aming gracious host tuwing napunta kami sa hulo.

KAIN TAYO
Pagkain ba ang hanap mo? Hindi laang basta kung anong pagkain…’yong kakaibang pagkain. Maraming ganyang kakanin si Tatay, ilan sa kaniyang mga paborito ang sinangag na guyam (‘yong may mainit nang kawali na naka-abang sa tirahan ng guyam at kakalugin na laang ‘yong tirahan, pag-bagsak mandin ng guyam at sinangag na), adobong kabog at bayawak – may ahas rin. Kung sanay na tayong makarinig na ginisa sa sariling mantika – eto ang matindi: NILUTO SA SARILING BAHAY!?? Hindi eto magugustuhan ni Pong Pagong.

HAPDI at PANATA
http://www.uckg.hk/bakit-sa-holy-week-lang/
Noong unang panahon eh isa si Tatay sa mga namamanata tuwing Mahal na Araw. ‘Yong naghahaplit ng pinagtagni-tagning kahoy sa likod na sinusugatan ng blade. Masakit ah. As in bago matapos ang penetensta eh duguan ang likod – tas ililigo sa dagat un…mahapdi mandin. At bago ang haplitan sa likod eh nagpapa-apak rin sa prosisyon. Nakaka-konsensya mandin apakan ‘yong mga nagpapa-apak sa prosisyon lalo pa na alam ko na isa si Tatay sa mga nakadapa sa daraan ng prosisyon…buti pa naman sana kung mamumukhaan, eh nakatakip ang mukha…actually “titisurin” laang naman talaga dapat, pero kung ang nakadapa eh ‘yong morion na nanghahabol – hindi tisod o apak – tungtong!

TULI
http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/circumcision/
Si Tatay rin ang taong nasa likod ko nung ako’y tulian. Though prior to that “tulian” portion, eh nagtatago ako sa kanila ni Tatay Meo, kasi tuwing nauwi na laang sila sa bayan at nakita ako eh alam na ang tanong – “tingin nga kung tampos na, at pede na tuliin”. At nang dumating na nga araw na magbibinata na si tutoy – umaga, naligo (matagal na ligo), pumila ng walang salwal, at inipit na nga ang balat sa lukaw, at “pak!” nagkita ang labaha at lukaw…ang sakit mandin…and the rest as they say is history.

WALIS, BIBLIYA at PANANAMPALATAYA
Kay Tatay ko rin unang narinig ang ikapo. Tuwing gumagawa sya ng walis tingting na pambenta sa bayan eh naghihiwalay na sya para sa ikapo. Kung makatapos sya ng sampung walis tingting, isusubi na nya ang benta sa isang walis, para sa Panginoon. At kung dati eh wagas kung mamanata si Tatay, eh wagas rin yan mag-aral ng Bibliya. Sya ‘yong sa gitna ng usapan eh maglalabas ng Bibliya at babasahan ka ng ilang talata galing dito. Kahit malayo ang simbahan hangga’t kayang lakarin eh lalakarin. At tuwing nasimba laang naka-pustura si Tatay.

MAG-SUSUKA, MAG-UULING, MAGSASAKA, MANGANGASO, MANGANGALAKAL
Masipag si Tatay, kahit hindi naman kanya ang lupa eh tataniman, mag-uuling; at dealer ng suka sa mga piling sari-sari store sa aplaya. Masinop, kasi lahat ng mga napupulot na pwede pang magamit eh inuuwi sa bahay.

Sa huli, sya si Tatay Lino. Ang Lolo ko. Tay hindi na tayo naka-punta ng Vigan. Kumusta na laang sa mga kapamilya natin dyan. Hanggang sa muli nating pagkikita Tay. Hindi mo man madalas marinig na sinasabi koi to, pero alam ko naman na alam nyo – MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO.

Saturday, 6 September 2014

Ang Mahabang Byahe (all star cast)

Saturday nun, tambay kami kina Yeh, birthday ata ni Tita Elvie. After that syempre uwian na. Aligaga na ako sa pag-uwi, naghihintay sa bahay ang misis ko. Hindi siguro sa Mindoro 'yong tambayan kasi kailangan ko pang byumahe pauwi ng Bongabong. Pero malamang eh hindi rin eto sa Maynila, dahil hindi ko matandaang sumakay ako ng barko.

I'm traveling on a bus. Puno ang bus. May mag-ina sa liguran ko, at nakamanuso sa puting lampin ang kanyang sanggol.

Lumampas na kami ng Tiguisan, kasi lumampas na kami sa bahay nila Dumay.

Pag lampas namin ng Tiguisan eh biglang nag-pull-over sa kaliwa 'yong bus. At bumaba na 'yong driver. Kaming mga pasahero parang ok laang sa mga nangyari, parang hindi nagmamadaling umuwi, parang tanggap namin ang pag-baba ng driver.

Isang pasahero ang nagyaya sa'kin na samahan namin ‘yong driver. Maglalamay pala 'yong driver sa isang kamag-anak sa lugar na 'yon kaya huminto ‘yong bus doon.

Time check: Siguro malapit na mag-gabi noon or takipsilim na.

Pagdating namin sa lamay, ako, 'yong isang pasahero at ung anak nya at syempre ung driver.

Isang guro ang pinaglalamayan. Namatay raw sa aksidente. Malungkot 'yong lamay (as if may masayang lamay), kasi parang kami laang ang naglalamay plus ung 3 pa nilang kamag-anak na dinatnan namin doon.


Photo grabbed online
May instance na may inabot ako sa kabila na kailangan kong mag-crossover sa ibabaw ng ataul. At dahil sa hindi naman ako talaga ako fan ng silip-kabaong eh pinilit kung iwasan tingnan ang namatay na guro sa loob ng ataul. Pero hindi talaga maiwasan, but at least to my relief eh hindi ko nakita ung mukha nya. Suot nya ung suot na berdeng pang-ibabang saya ni Sen. NancyBinay no'ng huling SONA.
 
Sa kwentuhan sa lamay eh dalaga pa ang guro, bordering na pagiging matandang dalaga. Mabait daw at responsable ang guro. Namatay ang guro dahil sa aksidente. Nahulog sya mula sa isang mula sa silyang tinuntungan nya habang inaayos ang pundidong bumbilya ng silid aralan.

Doon na rin kami nag-hapunan sa lamay. May isang mahabang dulang at doon ay sama-sama kaming dumulog.

Matapos ang hapunan at nag-paalam na kami at 'yong driver namin kasi nga ba-byahe pa kami.

Pagbalik namin sa bus, 'yong ibang pasahero na naiwan eh nag-camping na laang sa paligid ng bus. Feeling ko matagal kami sa lamay kasi parang matagal na rin sila nag-camping kasi makalat ‘yong paligid at parang camping ng boyscout ang pakiramdam at maraming nagkalat na papel sa paligid parang Central School laang tuwing panahon ng eleksyon.

 Nang makita ang driver eh muli ay nagsakayan na ang mga pasahero. Syempre lahat eh gusto na umuwi. Naghihintay pa rin sa bahay ang misis ko.

So byahe na ulit, going south.

Sa loob ng bus eh aligaga ang mga pasahero. Alam kasi namin na may bagyo. At bali-balita na malakas ang bagyong ito. During those times eh delikado ang mag-byahe pauwi sa Bongabong ng naka-bus.

Sa lakas ng ulan nag-a-ampiyas sa loob ng bus, pero tuloy pa rin ang byahe. Kaming mga pasahero sa loob eh kanya kanya nang hanap ng silupin para ibalot ang mahahalagang bagay at para hindi mabasa ng ulan, ako ibinalot ko ang telepono ko, 'yong isang ina sa aking likuran ang kanyang sanggol.

Sa byahe ng panahon na 'yon isa sa mga kinatatakutan ay ang pagtawid ng bus sa tulay kung may bagyo.

At eto na nga ang unang tulay na tatawirin ng aming bus from Tiguisan.

Kinakabahan ang lahat. Ramdam na ramdam ang takot at pangamba sa mukha ng mga pasahero. Ang sabi ng driver, "O, eto na 'to!"

Sa lakas ng hangin eh talaga namang dumadag-is ang aming bus makatawid laang. Malakas ang hangin. At lahat ay may pag-aalala at takot sa mukha.

Tumatawid na ang bus namin.

1 metro - kaya pa.
5 metro - kaya pa, pero nasa gitna na kami from far right lane ng tulay.
1 metro bago makatawid ng tulay, nasa kaliwang bahagi na ng tulay ang bus namin. Parang hanging bridge ang tulay (pede ba dumaan ang bus sa hanging bridge?).
Sa awa ng Diyos naka-tawid naman kami.

Lahat at nakahinga.
Pero hindi pa tapos ang kaba.
At nag-aabang na naman sa hindi kalayuan ang isa pang tulay.


Photo Credit: Mr. Vishal-raj
Eto na ang sumunod na tulay.

Naka-pasok na ng ilang metro ang nguso ng bus.
Huminto na.
Hindi na maka-takbo pa.
Putol ang tulay.

Kaya baba ang lahat ng mga pasahero.

Sa dulo ng putol na tulay eh mahigit 5 metro pa ang dapat tawirin. May kalaliman ang dapat tawirin. Mabato, animo'y ilog na natuyuan ng tubig. Sa kanan ay nagdawag ang matataas na luntiang kawayan. Makapal. Parang wallpaper na nga sa dakong iyon.

Ang alam ko habang nasa bus kami bago makarating sa tulay na'to eh ibinalot ko na rin ang aking telepono sa silopen para hindi mabasa, pero sa mga susunod na tagpo nang mala-tele-serye kaganapang ito eh naging kagamit-gamit eto. Bigla ko naisipang kunan ng larawan ang pangalan ng tulay, hindi pa 'man tapos eh may pangalan na.

Biglang naisipan ng driver ng bus na saliksikin kung ano ang meron sa kawayanan. Habang papunta sya sa kawayanan eh dagli'y naging malinaw sa amin na ang lugar na 'yon ay lugar ng mga rebelde na hindi malinaw kung ano ang ipinaglalaban. Basta nakakatakot na mga rebelde. Handang kumatay ng tao.

Maya-maya (hindi ito isda) pa'y sabay-sabay kaming napalingong nanlalaki ang mga mata at bahagyang naka-buka ang mga bibig sa gawi ng kawayanan. May narinig kaming kaluskos. At positive kami, sa driver 'yon. Hindi nga kami nagkamali - sa loob ng kawayanan at sumigaw sya,
 
 "TUMAKBO NA KAYO!".
 
At sa mga sandaling 'yon eh positive kami na kinakatay na sya ng mga rebelde.

Take note, at ang lahat ng mga ito ay nangyayari nang naka-record sa telepono ko (wait nyo laang ‘yong nakunan ng phone sa huling bahagi).

Syempre "TAKBO" daw, kaya nagpulasan kami. 'Yong iba eh nag-suot sa ilalim ng tulay, ang iba eh doon sa kawayanan nag-punta, habang ako na very flexible at talagang pang-long jump / high jump ang talon eh bibong-bibong sa kaliwa nagpunta.

Lundag-takbo ang ginawa ko. Parang wheat field 'yong tinatakbuhan ko. Sa tuwing lumulundag ako eh natatanaw ko ang mga rebelde. May mga cranes, may construction at abalang-abala ang mga rebelde. Kinakabahan ako pero lundag at takbo ako. Pramis, malutang ako that day.

Tumigil laang ako sa aking pag-takbo at pag-talon ng nasa Bongabong na ako.

Linggo nga pala, may simba eh.

Habang dumadaan ako sa tapat ng Saint Joseph Parish eh nakita ko 'yong nanay at tatay ni Didoy, holding hands at magsisimba. Ang nakikitang kong naglalakad papuntang simbahan eh si Didoy at si Bless, pero kumbinsido ako na mga magulang nila ‘yon.

Pag-lampas kina Tria, doon sa kanto nina Enriquez eh nakasalubong ko si tita Guy at si Daddy Doc, akay-akay si Yaj at sisimba rin. Syempre bumati ko sina tita Guy at Daddy Doc, at nakipag-laro sa'kin si Jye. Sabi ni Tita Guy, "buti sumasama sa'yo si Jye, samantalang kay Robi hindi"... On cue, biglang nasa likod ko si Robi.

Sa mga sandaling ‘yon ay na-realized ko na nananaginip laang ako. Pero hanap ko agad ang telepono ko, malay mo may recording talaga.

Home
Touch ID
Photos
Vidoes – Walang laman
Recently Added – wala talaga.