Showing posts with label Workin' me. Show all posts
Showing posts with label Workin' me. Show all posts

Tuesday, 26 August 2008

Ang Huling Birit ni YXX

This shouldn’t be the one that I’m supposed to be posting today. Since yesterday, I already had a draft of the supposed to be the one for posting today but a more interesting one popped-up last night, interesting enough to consider the latter to the previously scheduled (which I’m not yet done proof-reading – diba naman men me ganoong effect na ako ngayon).



Some words on this post may not be suitable for very young reader, likewise some words between the quotation marks may need further explanation from an adult, PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED.

Sa pagpapatuloy...

Last night Rike, Aregon, Treb, Slev and I hanged out over a box of pizza and some cola. Kwentuhan, kumustahan, at marami pang kwentuhan. What caught my attention was this “videoke” story of Aregon. A videoke showdown that terminates and sent Mr. YXX back to the Philippines.

Just a background. Mr. YXX is an orphan, living alone with his siblings. He is the family’s bread winner, and in search for a “greener pasture”, he’s here in Jeddah. He’s working on a big hypermarket here, don’t know exactly what his job is.

Anyways, Mr. YXX loves to “sing”, don’t know if he also “sings” in the Philippines, but here it seems that “singing” will make him a superstar, or not.

Change gear…

Ayon sa kwento ni Aregon1, di ko nalang rin nalinaw kong ito ba ay noong isang araw pa, o noong makalawa o noong isang linggo pa, basta sa kasalukuyan ay na-sesante na si G. YXX dahil nga sa kanyang masuyo at banayad2 na “pag-awit”.

Sa trabaho, maayos naman si G. YXX, bibong-bibo nga eh. Sya ‘yong huwarang manggagawa, ang patuloy na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo, pinatutunayan ang galing ng mga Pilipino. Sya ‘yong sa unang tingin eh ‘di mo kakikitaan ng hilig sa “pag-kanta”.

Di gaya ng sa ‘Pinas, ang mga shopping centre dito eh bukas ng 9:00 hanggang 13:00 lang, at sarado sa pagitan ng 13:01 hanggang 15:59, at muling magbubukas ng 16:00 (pagkatapos ng “pang-hapong panalangin”), bukas na ito hanggang mga 02:00 na ulit ng madaling araw (magsasara pa ulit pala sa mga bandang 18:00 at 20:30 para sa “pang-gabing panalagin” o salah).

Mag-iika-sampu na siguro ng gabi, nasa trabaho pa rin si G. YXX, abalang-abala, naghahanda na kasi ang halos lahat ng mga shopping centre dito para sa pagpasok ng Holy Month of Ramadan.

Habang abalang-abala nga sa trabaho, hindi naman nakalampas sa kanyang mga paningin ang pagpasok sa loob ng hypermarket ng isang Arabong, sabihin nalang nating mahilig ring maki-jamming sa “videoke”.

Si Arab-oke, lakad dito, lakad doon, parang wala namang bibilhin. Siguro stroll-stroll lang, nagpapalamig.

Si G. YXX, trabaho dito, sulyap doon, trabaho doon, sulyap dito… pasulyap-sulyap at pilit sinisipat si Arab-oke.

Sidebar: “Videoke” or “Karaoke”, came from Japanese word “kara” means “empty” + “oke” shortening of õkesutora or orchestra.

Ilang minuto pa nga ang nakaraan ay nagtama mga mata ni G. YXX at Arab-oke. Malagkit na titigan. May kislap, may awit. Kapwa nila mga mata’y nangungusap, may sinabi, may ibinubulong4….

Mata ni G. YXX: Hal thahib al ghina?

(You like to sing?)

Mata ni Arab-oke: Naam, khatir-an.

(Yes, very much.)

Mata ni G. YXX: Ana aidum aheb al ghina, hal yam kinina al ghina maan.

(I like to sing too, we can sing together.)

Mata ni Arab-oke: Hassan-nah!

(That would be good.)

Mata ni G. YXX: Hal anta mustaid?

(Is your magic sing ready?)

Mata ni Arab-oke: Naam, jehis ma-aghani jadidah!

(Yes, i always had it with me, and loaded…. with fresh “hits”.)

Mata ni G. YXX: Jamel, ahader al microphone sauwahi bisout aali.

(That’s nice, i wanna grab that “Magic Sing Mic” and sing out loud!)

Mata ni Arab-oke: Ok, abda!

(Ok, come sing on my “Magic Sing Mic”.)

(sabay kindat, at dako ng tingin sa “videoke booth” na ‘di kalayuan sa kinatatayuan nya)

At tumuloy na nga si Arab-oke sa loob ng "videoke booth"…naghihintay kay G. YXX. Samantalang si G. YXX naman ay tuliro, excited ga, kaya naman kapagdaka’y iniwan ang kanyang trabaho at agad na ring tumalilis sa videoke booth, hinihilot-hilot ang lalamunan… vocalization? Siguro… ‘Di na alintana ang panganib na dulot ng gagawin. Wala syang paki sa sasabihin nila, basta ang alam lang nya sa mga oras na ‘yon, “kakanta ako!”.

Sa loob ng videoke booth, nag-aabang na nga si Arab-oke, nakahanda na ang kanyang fully-loaded-with-fresh-hits-magic-sing-microphone. Kaya naman si G. YXX ay wala nang inaksayang panahon, agad na singungaban ang mikropono at “kumanta”.

Sa labas ng videoke booth, tanging ang mga second voice at adlib lang ni Arab-oke ang maririnig.

Arab-oke: Suraaa…. Yalllaaaa…. Khuwaisss….Oohhhh…surraa 3

Samantalang impit naman ang “pag-awit” ni G. YXX, parang bang humming lang…

G. YXX: Hhhhmmmmm… hhhmmmm…

Arab-oke: igeee.. igeee…


At makalipas ang ilang pasada sa verse 1, verse 2, refrain, chorus, bridge, chorus…natapos na rin ang “jamming”.

Napagod si Arab-oke sa kaa-adlib at second voice… nanlalata… si G. YXX, may ngiti sa labi, at binabalik-balikan pa chorus..

At sabay na lumabas ng “videoke booth” ang dalawa. Sa labas medyo pinagtitinginan sila ng mga tao. Mga titig na may pagdududa sa ginawa nila sa loob ng “videoke booth”. Mga mapang-husgang mata. Mga matang nanlilibak.

Si Arab-oke, lumabas ng hypermarket, parang wala lang…samantalang si G. YXX ay balik sa trabaho ngunit pilit iniiwasan ang mga mapang-husgang mata sa paligid nya.

Kinabukasan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakarating sa pamunuan ng pamilihan ang nangyaring “videoke jamming”. Dahil nga sa bawal ang ganitong uri ng jamming sa lugar na ito, at sa “mamimili” pa, tanggal sa trabaho si G. YXX.

Nakakalungkot isipin, paano na ang pamilya ni G. YXX, sya pa naman ang tanging tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, ang inaasahan. At sa ilang minutong “videoke jamming” lang, lahat ‘yon ay nawala…

Sisante na si G. YXX. Uuwi na sya ng Pinas. Lumabas sya ng silid ng manager dala-dala ang “Termination Paper”… at sa kanyang paglabas, muli ay nasulyapan nya ang “videoke booth”….


Sana si G. YXX na ang huling bibirit dito….

1 Kwentuhan lang ‘to, di ‘to tsismis dahil totoo ‘to at napag-kukuwentuhan lang para na rin sa ating dagdag na kaalaman at maging aral sa atin.



2 Ginamit ang mga panglarawang ito para lang maging “masabaw” ang aking post.


3 Input galing kay Aregon.


4 Ang mga usapan ng mga mata ay kathang isip lang, maging ang Arabic translation ay hindi ginagarintiyahang tama.

Wednesday, 30 July 2008

Ang Bagong Ungkutan ng Mangyan

Sa paglipat ko nga dito sa bago kung opisina eh bukod sa pagbabago ng aking kapaligiran, at pagbabago na rin ng mga taong nakapaligid sa akin (ung mga kapit-silid ko ba), eh medyo malaking pakikibagay rin ang kailangang gawin ng mangyan..

Pati ‘yong sinasabing ngang working environment, eh nabago na rin. Pati ‘yong working habit ko, kahit papaano eh medyo na-ngangapa pa.

Ano-ano ang mga pagbabago? Sige nga isa-isahin natin.

ANG PALIGID

Sa Engineering, simple lang ang paligid. Vinyl ang sahig, maraming malalaking lamesa at sa malaking lamesa na ‘yon eh nakalatag ang santambak na drawings. Marami ring lapis at lead ng lapis, nagkalat ang mga pambura at mga highlighter. At mawawala ba naman ang ruler, syempre sangkaterba rin ang ruler; iba-iba pang klase at hugis, kung me ruler, aba alangan namang mawala pa ang calculator – kalat rin. Ang copier, plotter, at bunbon ng mga papel eh ‘di rin mawawala sa paligid.

Bukod sa mga kalat na ‘to, eh nagkalat din ang mga tao at parang abalang-abala ang lahat – ‘yong ipong hindi mo makausap. Tas ang daming palakad-lakad sa paligid, lakad dito, lakad doon. ‘Yong iba abala sa mga drawings, may nagbabasa, may nagsusukat, may nagplo-plot, meron din namang nagtsa-tsai lang o kaya kape. Sa madaling salita, parang palengke.. he he he… hindi naman ganoon, ‘ngalang kasama kasi sa engineering ang project execution kaya ang daming tao sa paligid.

Sa Administration Wing, simpleng-elegante ang paligid dito. Carpeted ang sahig, tapos merong mga halaman sa mga sulok. Tas ‘yon nga ‘yong mga walls namin eh salamin, kaya naman pare-parehas kaming nagkakapangitaan. Sa kinauupuan ko, kita ko kung ano man ang ginagawa ng aming Marketing Manager at Contracts Manager sa harapan ko, tas sa kaliwa ko naman eh ang Administration Manager, tas sa bandang unahan pa eh ang Project Control Manager naman. At kung ‘kala mo eh tapos na ang litanya ng mga managers na ‘yan, aba may pahabol pa; kasi sa kanan ko naman ang General Manager namin.

At kung sa Engineering eh santambak ang mga taong palakad-lakad, dito Admin eh ‚yong teaboy lang palakad-lakad para mag-refill ng kape o tsaa. Di lang ‘yon, sobrang tahimik ng paligid, na sabi ko nga before eh ultimo pag-tipa ko sa aking keyboard eh naririnig sa may main entrance. Opisina sya, pero parang walang nag-oopisina kasi nga tahimik ang lahat. May kanya-kanyang ring pinag-kakaabalahan pero di lang palakad-lakad.

Sa ngayon eh lima lang kaming nag-oopisina dito sa buong palapag, kasama na ‘yong teaboy; naka-bakasyon kasi ‘yong General Manager at ‘yong Marketing Manager.

PANANAMIT

Sa Engineering, nakakapasok ako ng naka-polo shirt lang at maong. Kung minsan pedeng naka-rubber shoes, pero dapat kadalasan eh safety shoes kasi pumupunta kami ng site project. Kung nasa me meeting eh nagpo-polo naman ako, pero naka-maong pa rin.

Sa Admin., eto ang malaking pinagbago. Kasi i have to wear long sleeve with all the tie and stuff. Syempre di na rin puede ang maong, kasi I have to wear slacks, at alangan naman ang rubber shoes sa slacks, kaya kailangan kong ‘yong “balat” na sapatos. Kaya nga eto, medyo stress ‘yong mga paa ko, kasi naninibago sa sapatos. At para mabawasan ang stress sa paa ko, eh kailangan ko pang mag-iba ng lakad; lakad na fit sa “balat”.

Total makeover talaga!

Eto ang kuha ko kanina..

'Yon upuaan ko, dyan ako sa sulok.

Dito naman upo ang mga bisita... diba, parang may bibisita talaga s'kin..
Dito pwesto ko..



Saturday, 26 July 2008

Lipat Opis

Naglipat opisina ako… mula sa engineering, dito ako ngayon sa administration wing… ang pinaka-away ko pa naman sana sa lahat…

Bakit ayaw?

Aba ikaw na ang mag-opisina nang nasa kanan ang General Manager, sa kaliwa ang Administration Manager, sa tapat ang Marketing at Contract Manager, at lahat ng wall eh salamin...kaya naman para ako ngayong tumutulay sa alambreng may numero.

First day ko pa lang dito sa bagong opis, pero parang iba na ang aura, para bang mas lamang ‘yong “Ibalik nyo na ako sa Engineering!!!”…

Maganda naman ‘yong opis. Kumbaga, kahit papaano ngayon eh I have my own wall now… I have walls!!!.. damn glass walls… ang hindi lang salamin eh ang pintuan. Ok na rin sana, saan ka pa, meron na akong free-internet connection, at ang kape at tsaa eh bottom-less, pede pa mag-request ng cappuccino, and I have my own reception room..pede na ako tumanggap ng bisita nang hindi na tatambay sa lobby.. he he he…

Ok na sana ‘no, kung hindi lang sana medyo asiwa sa mga mudir (managers) sa paligid ko… at ako lang na Pilipino dito sa floor… at sa sobrang tahimik ng paligid, eh bawat tipa ng mga daliri ko sa keyboard eh umaalingaw-ngaw sa buong floor…

Ganoonpaman, unang araw pa lang naman… siguro masasanay rin sa mga susunod na panahon...

Wish me luck!

Monday, 14 July 2008

Tambyolo ng Buhangin

Kahapon ko pa sana post 'to. Eh hindi nangyari, kaya ngayon nalang. Galing ako ng site project namin kahapon. Shoaiba Steam Power Plant.
Ipapasa ko lang Method Statement ko para sa aming Summer Performance Test.

Ano raw?

Summer Performance Test for HVAC equipment. Blah...blah...blah... sa totoo lang natapos ko 'yong hinihinging Method Statement nd consultant for this performance test nang wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba ang gagawin nila..

Di lang to sa summer ha, base doon sa ipinasa kong Method Statement, meron pa rin Winter Performance Test, sometime between December or January next year.

Sa anumang kapamaraanan (anyways), nagpunta ako ng site kahapon, para makipagkita sa mga konsultant ng project namin para nga matuldukan na 'tong performance testing na 'to. Na sabi ko nga eh wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba 'tong pag-uusapan namin. Mabuti nalang at Pilipino 'yong consultant, si Sir Bayani, at kahit naman papaano eh umaalalay sa akin doon sa meeting.

Sa awa naman ng Diyos eh natapos rin 'yong meeting na may napagkasunduan kami.

Kaya ngayong umaga, naihanda ko na ang final draft ng aming HVAC Summer Performance Test, incorporating all the remarks and comments of consultants. Hintay ko nalang 'yong bosing ko to sign for the submittal letter.

Kahapon, sa aking muling pagdalaw sa site, ibang-iba na ang site. Konti na ang mga tao, at halos wala na rin 'yong mga opisina. Nagpaalala tuloy sa aking na mahigit limang buwan na pala akong nakatambay ngayon dito sa headoffice namin.

Nakaka-miss din 'yong site. 'Yong working environment, malayong-malayo sa buhay dito sa opisina. Ok naman dito sa opis, malamig nga eh, 'yon nga lang parang iba kung nasa site ka. Though mainit at talagang disyerto ang nasa paligid eh iba 'yong working condition o siguro 'yong working etiquette ng mga tao.

Just info lang. Sa site kasi, kahit parang nasa United Nations ka, dahil sa dami ng iba't-ibang lahing nakakahalubilo mo eh, purely professional ang trabaho, as in trabaho.

Dito sa opis, mabibilang mo kung ilang lahi merong nagtatrabaho, and yet very unprofessional at the way na nag-tatrabaho sila eh may halong politika. Like 'yong Pana at Pako (ang alam ko eh mortal na magkaaway ang dalawang 'to). Though 'di ka naman kasali sa away nila, apektado pa rin trabaho mo...kaya ayon..


Anyways, na miss ko rin pala sa site 'yong araw-araw nalang na sandstorm. As is bumabagyo ng buhangin ang paligid.

At kahapon nga sa aking pagdalaw muli sa site, eh di naman ako nabigo, kasi pag-uwi namin eh inabot kami ng sandstorm sa kalasada.

Hirap tuloy magmaneho. Kailangan dahan dahan. Kasi halos di na maaninag 'yong kasalubong o kasunod mo.

Ang takbo lang namin siguro eh mga labing walong milya lang kada oras. Iwas aksidente na rin. Kasi sobra kapal ng buhangin.

Kaya naman 'yong dating isa at kalahating oras na byahe namin mula Jeddah hanggang site, eh inabot na mahigit tatlong oras.


At kawawa naman 'yong sasakyan namin, kasi sigurado sira ang pintura. Kasi nga napalaban sa sandstorm. Para kang nasa tambyolo ng buhangin. Ang kapal ang buhangin, samahan mo pa ng alikabok. Kinailangan pa tuloy punasan ng grasa 'yong hood ng sasakyan para kahit naman papaano eh di masira 'yong pintura.

Pero doon lang 'yon sa gitna ng disyerto, kasi pagdating naman namin ng Jeddah eh parang wala lang. Kaming dalawa lang noong kasama ko ang puno ng buhangin.

Wednesday, 9 July 2008

2 Weeks After

Ang mangyan ay nagbalik.... (may tono 'yan ha....) at muli kang nasilayan.... hhhhmmmm...

Matapos nga ang humigit kumulang na dalawang linggong pananamlay ng aking karera sa balintataw ng mundo ng mga blogista, eh narito na nga akong muli. Nagbabalik..

Sa loob ng mga panahong iyon ay talaga namang alumpihit na ako dahil sa ni hindi man lang ako makasilip sa aking pahina, maging sa pahina ng iba kong mga kaswela.

Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano ko uumpisahan ang sanaysay na 'to.

Siguro, bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng mga kaswela ko sa patuloy nilang pagbisita sa aking pahina kahit ako ay wala. Maraming salamat po. At syempre maraming salamat rin at kahit papaano pala'y nangulila rin kayo sa aking pansamantalang paglisan.

Oki, eto na 'to.

Bilang umpisa, kaninang umaga, kasi nga medyo napasarap ang tulog ko (bumawi kasi naman halos dalawang linggo na rin akong kung matulog eh ala-una na) eh medyo atrasado na ang aking gising. Di na tuloy ako nakapag-agahan.

Matapos magpasalamat sa aking manlilikha, sipilyo, ligo, bihis (background sa TV si G. Abner Mercado ng The Correspondents - tungkol ata sa lumubog na barko ang topik), at handa na.

Naalala ko nga pala meron pa akong mangga sa ref ko, kaya naisip ko na 'yon nalang ang agahan ko.

Manggang Pilipinas 'to ha. Padala ng nanay ko galing pa nang Pinas, kaya naman ang bango-bango ng loob ng ref ko.

At inagahan ko nga ang mangga. Asa labas na ako ng bahay ha. Pangos-pangos ko lang 'yong mangga, hanggang sa sasakyan papasok ng opisina eh pangos-pangos ko pa rin si mangga. Ka-sarap eh!

At dahil nga siguro eh labis na nangulila ang aking dila sa lasa ng manggang Pinoy kaya naman buto na eh ayaw ko pang tantanan.

Sa bandang huli eh napag-isip-isip ko na itanim ang buto.

Kaya eto, matapos pangusin ang buto eh nakabalot na ngayon at mamya pag-uwi eh maitanim.

Maghintay nalang siguro ako ng mga ilang taon bago ko mapakinabangan ang magiging bunga ng butong 'to..

Pahabol lang: Tutal naman napag-usapan na lang rin naman ang mga amoy-amoy, interesting ang amoy ng Hinog na Manggang Pinas mixed with the scent of Polo Black. Smells weird though, but interesting.... smells like...aaah... don't know how to put it on a GP rating...ok, say smells like a "human fluid"..

Monday, 26 May 2008

Mobile Cleansing

Naglilinis ako ng aking telepono.

MESSAGES:

Sa Inbox, inisa-isa ang mga mensaheng hindi ko pa nababasa. Mga kung ano-anong notice, “notice for service expiration”, “internet total bundle consumed notice” galing sa provider. Mga patalastas. Mga nangungulit at nang-iimbitang tindahan na bisitahin sila sa kanilang “Sale”. Mga balita galing ng CNN.

Pinili, inisa-isa ang mga mensaheng wala namang kabuluhan. Mga mensaheng kumakain lang ng lugar sa aking telepono. Pinili kung aling mensahe, kung kaninong mesahe ang aking buburahin, alin ang itatago.

Sa bandang huli, eh nahirapan na akong mag-isip. Nahirapan na akong pagdesisyunan kung alin ang importante at alin ang walang kwenta. Kaya nauwi ako sa pagpapangkat-pangkat ng mga mensahe.

Ads
Bank Notices
CNN Feed
Family
Friends
Jawalnet
MMS
Other People
People
Provider’s Feed
Qitaf
Today’s Inbox
Unknown


Medyo naguluhan ako noong una, kasi inisa-isa ko ulit lahat ng SMS sa inbox ko, pero habang tumatagal at medyo naaayos na ang salansan eh, ok na rin. Naaliw na rin ako. Natuwa na rin ako.

‘Yong mga Sent Messages, halos lahat binura ko na, pero may tinira pa rin ako. Mga “Sent SMS / MMS” na baka sa bandang huli ay kailanganin ko bilang katunayan na nagpadala talaga ako ng mensahe..

Meron din palang laman ang “Draft” folder ko. May mga mensaheng ‘di sinasadyang naisulat at may mga mensahe ring sadyang isinulat, subalit hindi na naipadala dahil naubusan na ako ng lakas ng loob na gawin ‘yon. Ang iba naman ay naiwanan na ng panahon. May mga pagbating kung ngayon ko ipapadala ay hindi na napapanahon.

Ilan ang binura ko. At ang ilan ay pinanatili kong “Draft”, malay ko ba, pagdating ng panahon ay magkaroon rin ako ng lakas ng loob na ipadala ‘to.

CONTACTS:

Matapos himayin ang mga mensahe, sa Contacts naman ako. Medyo matagal na rin kasi na hindi ko naa-update and aking Contacts. ‘Yong iba, lalo na ‘yong mga Contacts sa Pinas eh makailang ulit nang nagpalit ng numero (at ang medyo nakakapikon eh ‘yong nagpapalit sila ng number tapos hindi ka man lang i-inform na nagpalit na pala), ‘yong iba eh na-snatched na ‘yong mga mobile phone na gamit nila noon, syempre kasama ‘yong SIM Card. ‘Yong iba naman eh lumipat na ng tirahan, may nakipagsapalaran muli sa ibang bansa. Merong nagpalit ng e-mails. May mangilan-ngilan rin sa contacts ko na nilisan na ang mundong ito… di ko lang alam kong maaga silang nagsawa, o talagang “finished contract” na talaga sila. At ‘yong iba naman eh “New Look” na.. kailangan rin syempreng i-update ‘yong mga pichur sa contacts.

MEDIA PLAYER

Audio Files:
Kailangan na rin nito ng update. Halos kalahati kasi ng memory ko ang kumukunsumo eh ang mga MP3 file ko. ‘Yong iba eh hindi na naman napapatugtog, halos lahat nga ata eh. ‘Yong mga ringtone naman eh wala ring gamit, kasi masaya na ako sa normal na “rriinnnnnnnggg” at ‘yong simpleng “beep”. Hindi ko na rin naman napapalinggan ang ilang mga recording ko, na ngayon eh hindi ko rin mawari kong bakit ako nagrerecording.. he he he..and speaking of recording, muli ko tuloy napakinggan ang “Kabukiran” track na awit ng barkada minsan isang panahon, bukod sa mangyan eh maririnig rin ang pasi-second voice ni Lyzius.

Video Files:
Eto kailangan na rin talaga ng update. Sandamakmak na kung ano-anong video ang laman. May bidyong naipasa lang, merong namang hiningi talaga, meron ring sariling ripped, may ilang sariling kuha. PG 13 naman ang genre ng mga bidyo ko, hindi nga, pag-iingat na rin, iwas kalaboso ba. Dito kasi, though di ko pa first hand nararanasan, sa mga police checkpoint daw bukod sa mga fake na papeles, isa rin ang mga mobile phone units (lalo na ‘yong may mga kakayahang kumuha at magsalang ng bidyo) ang pinag-iiinitan ng mga pulis. Una agad hahanapin ang mga, alam mo na, mga “scandal” file, na malimit makikita sa mobile phone ngayon, mapa-anong lahi. Na sabi-sabi, kung masumpungan kang meron nito sa mobile phone mo, eh may kalalagyan ka, at talagang may “palo” ka.

CALENDAR

Eto wala naman akong dapat i-update dito. ‘Yong mga holidays naman ay ‘yong mga birthday nang mga taong importante sa buhay ko eh hindi naman nagbago. Maliban nalang siguro kung hindi na sya kasama sa listahan ng mga “importanteng tao” sa buhay ng mangyan.

MULTIMEDIA

Eto ang kasabwat ng Media Player, bukod kasi sa audio at video file eh puno rin ng kung ano-ano ang Picture Gallery ko. Kasama rin sa gallery ang iba-ibang likha ng mga sikat ng pintor tulad ni Da Vinci, Michelangelo, Caravaggio, at kung sino-sino pang pintor. Marami ring akong sariling snap-shots ng kung ano-anong bagay. May damo, may isda, merong kuha ng mga kalsada, may school supplies meron pa ngang krismas tri eh. May tasa, merong mga pusa (walang aso, kasi bihira ang aso dito sa Saudi). May mga lagas na dahon, may bulaklak, may puno ng balete, may tinapay. May mga larawang dati ko nang ipinaskil sa aking blog. Punong-puno! Halo-halo.

OFFICE

Wala namang update na kailangan. ‘Yong ibang office file ko (excel, word, powerpoint, acrobat) updated pa naman. Hindi naman ganoon kalaki ang inuukupang lugar sa mobile ko, pero itago ko na lang, madalas kasing kung kelan ko binura eh saka ko naman kakailanganin.


Hhaayy.. nakakapagod rin. Kahit nakaupo lang at panay lang ang pindot eh masakit pa rin sa mata. Masakit rin sa utak kaiisip kung importante o walang kwenta ang laman. Pahinga muna…

Thursday, 1 May 2008

Araw ng Paggagawa

Tuwi nalang sasapit ang unang araw ng buwan ng Mayo ay hinding-hindi malilimutan nating mga Pinoy kung ano ang meron sa araw na ito. Diba kulay pula nga ito sa ating mga tala-arawan (kalendaryo).

Kung nabanggit ang "a-uno ng Mayo", kung hindi man lahat ay madalas sumasagi ang mga larawan sa ating isipan tuwing Mayo a-uno. Mga malawakang pagtitipon ng iba't-ibang unyon. Pagma-martsa mula sa Mabuhay Rotonda hanggang sa panulukan ng Legarda at Mediola. Ang walang kamatayang sigaw ng mga manggagawa ng umento sa sahod. Kung sino-sinong kilalang personalidad, poliko at lider ng unyon na nakatayo at matatas na nagsasalita sa ibabaw ng entablado sa paanan ng tulay ni Chino Roces.

Araw ito para sa mga dakilang manggagawa.

Subalit saan ba ito nagsimula? Pa'no ba ito nag-umpisa?

Sabi ng Wikipedia, ang Araw ng Paggawa o ang Labor Day ay isang pambansang kapisatahan ng Amerika. Iba sa nakagawian nating mga Pinoy, ito ay ipinagdiriwang tuwing unang Lunes sa buwan ng Setyembre. Ito ay nag-umpisa noong taong 1882, sa kagustuhan ng Central Labor Union ng Amerika na gumawa ng isang araw ng pamamahinga para sa mga "manggagawa". Ito ay naging isang Pista-Opisyal base na rin sa itinakda ng Act of Congress noong 1894.

Sa Wikipedia pa rin, sa ibang bansa ang Araw ng Paggawa o ang Labor Day ay tinatawag ring May Day, at gaya nga ng nakamulatan nating mga Pinoy, ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Mayo. Sa maraming bansa, ito ay itinuturing na Pista-opisyal. Ang pambansang pagkilala at pagdiriwang para bigyang pugay ang mga naiambag na tulong nga mga manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

Sa mga unang tala kung saan ito nagmula, sinasabing ang unang pagdiriwang nito ay naganap noong hindi pa man naaabot ng Kristiyanismo ang Europa. Noong mga panahong iyon kung saan ay halos lahat ay pagano, maraming pista ang ipinagbawal dahil sa unti-unting pagkalat ng Kristiyanismo sa Europa. Kalimitang kinapapaloobang ang pagdiriwang ng masaya at walang humpay na sayawang tinatawag ng "Maypole" at ang pagpuputong ng korona para sa mapipiling Reyna ng Mayo.

Sa Romano Katoliko, ipinagdiriwang ang Mayo bilang buwan ng Birheng Maria. Sa ganitong paniniwala, ang May Day ay ang umpisa ng isang buwang pagdiriwang para sa Birheng Maria. Sa Mindoro ang tawag namin ay Flores de Mayo, kung saan sa loob ng isang buwan ay gabi-gabi ang pag-aalay ng bulalak sa Birheng Maria.

Ang May Day / Labor Day ay inaari rin bilang pandaigdigang araw ng paggawa. Ito rin ay upang alalahanin ang araw kung saan ay ipinaglaban ni Robert Owen ng Britanya ng tinatawag na "Eight Hour Day", o ang pagta-trabaho ng isang manggagawa sa loob ng walong oras sa isang araw.

Bakit May 01?

Napili ang petsang ito bilang pag-alala na rin sa mga tao sa likod ng Second International, kung saan ang kanilang determinasyong isulong ang karapatan at kagalingan ng mga manggagawa ng Haymarket sa Chicago Illonois, noong 1886, ay hindi lamang hinangaan, kundi naging inspirasyon din ng lahat ng manggagawa sa buong mundo.

Bagaman ito ay isang pandaigdigang pagdiriwang, hindi lahat ng bansa ay nagdiriwang, tulad na lamang ng mga konserbatibong bansa ng Kuwait o dito sa Saudi Arabia.

Sa kabilang banda, kahit na ang Amerika ang naging insperasyon upang mabuo ang May Day / Labor Day, itinalaga ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang Mayo a-uno bilang Araw ng Katapatan (Loyalta Day) noong 1958.

'Yon lang... maraming salamat sa Google (tumulong sa paghahanap) at sa Wikipedia (para sa hindi matatawarang inpormasyon).

At sa mga manggagawa (paulit-ulit na 'to)...araw nyo 'to.

MALIGAYANG ARAW NG PAGGAWA!!!

Babalik Ka Rin

Araw ng Paggawa.

Sa lahat ng mga Manggagawang Pinoy, ang munti kong pahina ay nagbibigay pugay sa inyo!!!

Sa lahat ng mga Manggagawang Pinoy na Nangingibang-bansa, ako rin ay nagpupugay sa inyo... Saludo ako sa inyong tapang at lakas ng loob na batahin ang kalungkutan para sa mga mahal ninyo sa buhay. Sumasaludo ako sa inyong talinong patuloy na ipinamamalas sa lupain ng mga banyaga.

At alam ko, pagdating ng panahon.... babalik ka rin.


Babalik Ka Rin
Gary Valenciano

Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o HongKong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin.
Ano mang layo ang narating, Singapore, Australia
Europe o Amerika, babalik at babalik ka rin.

Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin.


Sa piling ng iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin
Anumang layo ang narating, iyong maaalala
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin.

Sa paglipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa ‘yo.


Maghihintay kami sa 'yong pagbabalik!!!

Disclaimer: Maraming salamat kay Gary V. na umawit ng napagandang awiting ito, sa mga taong nasa likod ng himig at titik ng awit na ito, salamat. Salamat rin sa anton.blogs.com at sa balitangmarino.com para sa mga larawang ginamit sa blog entry na 'to.

Wednesday, 30 April 2008

Bagong Bayani

Ang tawag sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) o ang dating OCW (Overseas Contract Workers) eh mga Bagong Bayani.

Bagong Bayani

Mga bayaning siyang tumutulong upang kahit naman papaano’y makagulapay ang ating Inang Bayan sa kahirapan. Sabi nga sa mga surbey-surbey ang mga ipinapadalang mga dolyares nalang ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat ang nagsasalba sa ekonomiya ng Pilipinas.

At bukas, a uno na naman ng Mayo… Araw na naman ng mga Dakilang Manggagawa.

Kaya naman ngayon palang, binabati ko na kayong lahat na mga manggagawang Pilipino.


Mabuhay kayo!

Ok, tapos na ang batian.

Eto na talaga ang entry ko, he he he.

Kadalasan kasi tuwing mga ganitong araw puro pagsasaya at panay ang pagkilala natin sa galing ng mga manggagawang lokal o itong mga nasa ibayong dagat. Kung minsan ay nakakalimutan nating banggitin ang hirap na dinaranas ng mga manggagawang ito.

At dahil kill-joy ako, he he he.. or party-spoiler, himayin natin ang masimuot na mundo ng pangingibang-bansa habang nagdiriwang ang bansa sa Araw ng Paggawa at nagra-rally sa Mendiola ang KMU.

Pangarap: Pag-sinabi kasing mag-aabroad ka para bang solve na lahat ang problema mo sa iiwanang bansa. Laging naroon ang pangarap syempre na maiahon sa kahirap ang mga pamilyang iiwan. Excited na lisanin ang bansa upang umpisahan nang lakaran ang pangarap, subalit sa likod ng matatamis na ngiti at bungingisan ay naroon pa rin ang kalungkutan sa mga mata. Pamamanglaw sa iiwan.

Sa asawa.

Sa anak.

Sa mga magulang.

Sa mga kapatid.

Sa mga kaibigan.

Eh kaya nga ang tawag sa kanila ay Buhay na Bayani eh, kasi handa nilang tiisin ang kalungkutang mawalay sa mga mahal sa buhay mabigyan lamang ng maayos na kabuhayan ang pamilya.

Mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak, kapatid.

Makapagpatayo ng sariling bahay sa sariling lupa.

Magkaroon ng kahit na maliit na kabuhayan.

Mga pangarap na baon pag-lipad sa ibang bansa. Pangarap na lalakaran at tutuparin. At lilipad ang eroplano sa saliw ng awitin ni Gary V. – “Babalik ka rin”.

Talaga, babalik ako…pramis!

Pangarap na Nauwi sa Bangungot: Noong mga naunang dekada, kung saan ay kasagsagan na pangingibang bansa ng ating mga kababayan, hindi lahat ay pinalad na matupad ang kanilang pangarap.

Ang napaka-gandang pangarap ay nauwi sa nakamamamatay na bangungot.

Ang masakit pa nito eh mismong si Juan dela Cruz ang nang-o-onse sa kanyang kapwa. Maka-raket lang, ‘di bale nang magutom ang kapwa.

Marami akong kakilala na hindi rin pinalad sa kanilang pangarap na makapaghanapbuhay sa ibang bansa. Mga aplay na na-peke. Nariyan ang nagsasanla ng ekta-ektaryang taniman may maipang-placement lang sa recruiter. Kung wala mang lupa, eh manghihiram na lang ng titulo ng lupa para lamang may maisanla. Sa lugar nga namin eh, umabot na sa puntong tumatanggap na nang mga buhay na kalabaw o baka ang mga sanglaan.

Tapos sa bandang huli, lahat ng ito ay mauuwi sa wala.

Sa mga napapanood nga sa telebisyon eh, ‘yon bang obyus na obyus na ang pangga-gago ng mga hinayupak na illegal recruiter na ‘to, pero bakit may patuloy pa rin silang naloloko. At sa halip na sa eroplano papalipad sa minimithing pangarap ay sa presinto nauuwi ang lahat upang magsampa ng asulto sa mga gagong illegal recruiter.

Ang sarap sigurong pumatay ng mga illegal recruiter!

Siguro nga masyado lang tayong madaling magtiwala sa mga taong nasa paligid natin lalo na kung ang pangarap nating umangat sa buhay ang pinag-uusapan. ‘Yon bang kapit sa patalim na sinasabi.

Siguro nga swerte-swerte lang rin. Pero hindi ako naniniwala sa swerte eh, siguro mas magandang term kung “kaloob”. Kung baga, hindi kaloob ni Bathala na mapunta ka sa lugar na pinapangarap, malay mo meron palang mas magandang lugar na nakalaan para sa’yo, diba? Masyado lang kasi tayong mga taong mainipan…

Biglang Liko: Ito ‘yong mga natuloy. Nakalipad palabas ng bansa upang maghanapbuhay, dala ang pangarap na umasenso naman kahit papaano. Nag-iwan ng pangako sa mga naiwanang mahal sa buhay ng kaginhawahan.

Ito ang pangkaraniwang nangyayari dito sa Saudi. Sa Saudi nalang ang aking halimbawa, kasi nasa Saudi ako, ewan ko lang sa ibang mga bansa.

Hindi ko rin masabi na para lamang sa mga lalaki, para rin sa kababaihan.

Bakit biglang lumiko ? Kasi dahil raw sa “kalungkutan” eh may nangyayaring ganito. Dito hindi lang lalaki ang gumagawa. Maging mga kababaihan. Nakakalungkot isiping nakakalimutan agad sa sandaling panahon ang pangakong iniwan sa bansan pinagmulan para maibsan ang “kalungkutan”.

Ang iba naman hindi dahil sa kalungkutan. Upang may makapitan. Masandalan. May makasama. Partikular ang ganito sa mga kababaihan.

Pero hindi rin natin sila masisisi o mahuhusgahan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dahilan sa ating mga kinikilos. Kalimitan kasi sila ‘yong mga minaltrato ng amo, mga hindi pinapa-sweldo, mga naaabuso, mga takas, mga walang kaukulang papeles.

At dahil nga ang mga kabayan ay hindi natin matiis, eh nariyan naman tayo upang sumaklolo (‘wag ka nang umasa sa ating konsulada, wala ka ring mapapala sa kanila – ibinabalik pa nila sa mga mapangmaltratong amo ang mga kababayan nating tumatakas. The lesson of the story, paglabas mo ng Pilipinas – you’re on your own, ang konsulada ay para lamang sa mga paliga, singing contest, fashion show, at kung ano-ano pang sosyalan.); ang mali nga lang sa pagsaklolo ng ilan nating mga kababayan eh ‘yong pang-aabuso rin.

On very rare cases (?), meron rin namang mga pagkakataong – “GAMITAN” lang. Kailangang kita, kailangan mo ako. May pugad ka, may ibon ako. So ano pang hinihintay natin??

Let’s doh it!!!

Nasisirang Pamilya: Eto ang nakakalungkot. ‘Yon bang kaya ka nangibang bansa ay para ayusin ang nasimulang pamilya, pero kung minsan, eh nauuwi pa ito sa pagkawasak ng pamilya.


Dahil na rin marahil sa "kalungkutan" nga at "pamamanglaw", kaya naisipan nalang na gumawa ng bagong pamilya, total naman malayo sa original na pamilya eh. Ang katwiran pa "dito lang naman 'to eh, pag-uwi sa Pilipinas wala na.".. diba, dito nga lang naman eh.

Hanggang sa umaabot pa sa mga puntong talagang mas ok na ang bagong pamilya, nakakalimutan na ang original na pamilya, ang pamilyang naging dahilan kung bakit sya ay nangibang-bansa.

Meron ring mga katwirang parang ok naman ay parang 'di ok, pero wala akong karapatang humusga... katawirang "hindi ko naman napapabayaan ang pamilya ko sa Pilipinas eh.."

So parang ok lang na baliin ang sinumpaan sa Pilipinas as long as hindi naman napapabayaan or as long as hindi naman pumapalya sa padala...

Nasirang Pamilya: Eto na 'yon.. nasira na nga ang pamilya. Ang pamilyang pilit na binuo, pinilit pagbikisin ng isang pangarap. Pangarap na makaahon sa kahirapan. Pero ang pangarap ring 'yon pala ang wawasak sa pamilyang pilit na binubuo.

Dito maraming ganito.

Meron pa nga tayong mga kababayan na nagco-convert into other religion kasi sa iba allowed na mag-asawa more than one.

Meron namang kinakalimutan nalang talaga ang naiwan sa Pilipinas at nagsisimulang bumuo ng bagong pamilya.

Meron namang patuloy lang sa pagtanggi.

Hindi lang dito sa ibang bansa kung minsan nag-uumpisa ang pagkasira, kung minsan sa mga naiwan rin sa Pilipinas. Mga naiwanang may sariling ring "kalungkutan" at "pamamanglaw". Mga naiwang meron ring sariling rason at katwiran sa kanilang mga ginawa. May sariling paliwanag, may sariling pagtanggi.

Hindi ko alam kung paano wawakasan ang sanaysay na ito....

Maligayang Araw ng Paggawa!!!

Monday, 21 April 2008

Material Procurement

20 after na at eto naka-tunganga pa rin, wala pa rin akong entry para sa araw na ito. Iba ng takbo ng umaga ko ngayon. Pag-upo sa upuan ko, on ang computer… login sa network, at siguro alam mo ang susunod… Outlook.

Simula ng dumating ako dito sa headoffice naming, bukod sa kape na panggising sa inaantok kong kamalayan, ay nariyan ang Outlook. Nakakahiya mang banggitin, pero babanggitin ko pa rin, as if marami naman talagang sumusulat sa akin or maraming work related e-mails akong natatanggap sa maghapon kaya naman bukas agad ang Outlook sa umaga.

Hindi.

Bukod kasi sa timecard na pina-punch ko, eh may outlook-attendance-checking pa.

Opo… tama ‘yon.

Tuwing umaga kasi ay may roll-call… kailangan makasigaw ka agad ng “PRESENT!” o kaya nama’y “NARITO PO!”.

Bagong policy ng opisina.. hindi ah… Pakana ito ni Lyzius. Araw-araw merong roll-call. Kaya tuwing umaga sigurado merong Attendance sa aking inbox. Araw-araw ‘yon ha, maliban sa araw ng Biyernes, kasi nga alam nyo naman dito sa Gitnang Silangan, Biyernes ang araw ng pangingilin ng mga tao. Pinaka Linggo ng Pinas.

Noong nakaraang Sabado, gaya ng inaasahan ko – meron dapat Attendance sa aking inbox, pero bigo ako.

WALA

Hanap… hanap… hanap… wala ngang Attendance, pero may bagong subject.

MATERIAL APPRAISAL

Trabaho ‘to ah.. pero galing kay Lyzius… mabuksan nga..

Aaahhh…kaya pala nagbago ang subject, kasi medyo nagkakainitan na kina Lyzius. Medyo nagkakahigpitan na sa mga incoming at outgoing emails, kaya naka-camouflage ang subject line…diba bibong bata talaga ‘tong si Lyzius.

Kaya naman hanggang kahapon eh naka-camouflage pa rin ang aming subject line for attendance checking.

MATERIAL PROCUREMENT

Kahit ang mga nilalaman ay “Usapang bisnes talaga”…

Subject: Material Procurement

Dear Sir,

Follow up on the procurement of materials to be used for curing the concrete blocked on the passageway…

Best Regards,

Lyzius



Subject: RE: Material Procurement

Dear Sir / Madam,

Please be informed that your assessment on the Blogsphere is not approved. Our “company” is always looking forward for the well-being of our employee when send on site for work execution and personal protective materials are being provided with them. We’re still quoting other supplier for this matter, and we’ll back to you as soon as we get other supplier’s assessment on the case.

For your information.

Present!

Best Regards,

me


Subject: RE: Material Procurement

Dear Sir,

I regret to inform you that I sent the wrong quotation for the Blogosphere inc. Maybe the PPE that was used during the execution of the work on site was already worn out or over used

Best Regards,

Lyzius



Subject: RE: Material Procurement


Dear Sir / Madame,

Just for information, the PPE being used at work is of prime quality, and free from any defects. Our safety engineers are already on that.

Furthermore, our company is willing to give voluntary services for the “execution” of these Pahiraps sa OFWs. Seems to me that they are using over-the-standard-thickness of insulation materials…

15%?? I rather pay 500 bucks for my freight in.

Best Regards,

Me


Usapang trabahong-trabaho diba… pero ang palitan ng liham na ‘yan ay tungkol sa blog entry ko kahapon na Nang Maningil ang Bato at Weekend Reloaded at sa blog entry ni Lyzius na Pakyu Kayong Nagpapahirap sa mga OFW.


At dahil na rin sa kalintikan ng mga taga-IT dept. na ito…. wala na kaming attendance checking…

Basta present ako today ha….

Saturday, 19 April 2008

Weekend Reloaded

Kahit wala namang humihingi na ibalik ang post na ito, gusto ko lang i-post... bawal umangal...

Haayy.. Sabado na naman, kaya eto.. hindi gaya sa Pilipinas na ang Sabado ay talaga namang pinakahihintay na araw ng mga estudyante o kaya mga empleyado, sa Jeddah, ang Sabado ang panibagong umpisa ng isang linggo - kaya eto may pasok.



Kung ang gimick mo ay buong maghapon ng Friday, applicable sa 'yo ang TGIF (Thank's God, It's Friday - or in a roughly arabic translation: Al Hamdulillah, Allum Diumma). Sapagkat ang Friday ang walang pasok at Thursday ang weekend. Kaya naman saktong sakto ang araw ng Biyernes sa lahat ng not-so-feel-good-gimick at feel-good-gimick. As usual, kung gimick days, sigurado sandamak-mak na naman ang sasakyan sa kalsada, nakakamatay na naman ang traffic!!! Totoo 'yon, pramis kahit na sobra ang lapad ng mga kalsada dito pero nagkukulang pa rin sa sobrang dami ng sasakyan, tapos sabay-sabay pang maglalabasan sa lungga.


THE NOT-SO-FEEL-GOOD GIMICK

Ito siguro 'yong mga pangkaraninwang ginagawa ng mga taong nagtrabho sa loob ng anim na araw, at kung minsan kasama ako doon.

1. Tulog (da best 'to lalo na kung...nasa inyo na 'yon kung ano ang da best sa 'yo, kahit siguro isang buong maghapon akong patulugin, wala tayong magiging usapan.. mahirap nga lang dito eh 'yong masakit kung minsan sa likod, kung nakadapa naman, masakit sa leeg, kung nakatagilid na-iipit naman ang braso)

2. Palengke / Grocery (kasama na dito ang pagpunta sa fish market, karnihan, gulayan, Star Supermarket, Panda, Sarawat, bakala, patingin-tingin sa nga Sale - hindi naman lahat ay nasa grocery o namamalengke tuwing weekend, madalas ang ganitong gimick ilang araw matapos ang sueldo.)

3. Laba (laba, laba, at isa pang laba.. uniporme sa trabaho, pantalon, brief, shorts, sando, panty, bra, polo, kamiseta, medyas, at lahat ng maruruming damit na puede labhan, kasi nga mura naman ang kuryente dito sa Gitnang Silangan, kaya ultimo isang pirasong panyo eh kailangan pang i-washing machine on delicate mode...)

4. Plantsa (kasi nga may nilabhan, natural may platsahin, applicable sa iba ito, sa iba naman hindi. Kasi nga sa pagod na rin sa anim araw na trabaho, at sa sobrang sarap matulog, at kung ang trabaho naman ay hindi nangangailangan ng platsadong damit, eh ok na rin ang basta malabhan lang, pero para sa mga nag-oopisina, 'yong mga bisor, mga muder.. eh kailang mamalantsa.)

5. Telibisyon (Syempre masarap mamahinga kung may telibisyon. Kapamilya man o Kapuso, CNN, Al Jazeera, BBC, MBC 4, MBC 2, or MBC Action man ang meron, ok lang basta may telibisyon, solb na solb sigurado ang weekend. Kasama na rin dito DVDs, pirated man o original, basta ga may piktsur at natunog, ok na rin... pero sana hindi naman pirata, masama ang magnakaw, diba..)

6. Laro-laro (kasama dito ang basketball, tennis, bowling, taekwando, judo at kung ano-ano pang palakasan, pati palakasan ng utot..)

7. Pre-bisita (ito 'yong gulf-session o barekan o inuman noong Huwebes ng gabi + Video-oke, mawawala ba naman ang kantahan sa mga Pinoy)

8. Bisita sa kaibigan (wentuhan lang dito kung minsan puedeng mauwi sa item 6, puede galing ito ng Item 7, nakitulog na rin, kasi hindi na puedeng umuwi bawal kasi ang lasing sa kalsada (bawal kasi talaga ang alak dito) baka mahuli ng pulis, sigurado kalaboso at pauuwiin na ng Pinas)

9. Bisita sa "kaibigan / dyowa" (wentuhan pa rin, tapos lambingan, pero puede at most of the time nauuwi ito sa item 0 (nakakapagod na activity yet ang sarap ulit-ulitin), mga bagay bago ang item 1)


10. Dyim (buhat dito, buhat doon, abs dito, abs doon, papapawis lang.. papalaki ng masel, pang-iwas high-blood at atake sa puso..)

11. Dyaging-dyaging... (takbo dito, takbo doon, good warm-up for item 10)

12. Sisid (scuba-diving) at Pangingisda (outdoor activity na 'to, kasi nga asa baybayin lang nga Red Sea ang Jeddah kaya masarap magdagat. Maraming isda... sarap sumisid...(madalas ring gamitin ang sisid activity na 'to sa item 9 - malaki ka na, alam mo na 'yon))

13. Madyong / Tong-hits / Sabong (alam mo naman si Juan, hindi ata mabubuhay kung wala ang mga ito, hindi naman lahat, para lang sa ilan. Naalala ko tuloy noong may pasugalan pa ako sa kuwarto ko noon, Huwebes at Biyernes talaga ang dakilang araw, kung minsan nga extended pa, hanggang Sabado pa ang madaling araw. May naglalaro nga noon na pagpasok nya ng kuwarto ko o ng aking mini-casino ay punong-puno ng alahas, as in... kasi lahat ng daliri nya sa kamay ay merong singsing, patong-patong rin ang kanyang kadenang ginto sa leeg at halos hindi na nya maitaas ng maayos ang kanyang kamay sa bigat ng pulselas nya. Pero kung minsan, kung tag-malas, umuuwi sya na halos dalawang kilo ang nabawas sa timbang nya. Pero kung tag-buenas naman, mas ok sa akin, kasi malaki magbigay ng tong)

14. Chatting (kasi nga high-tech na ang panahon ngayon, na di tulad noon sa sulat lang at tawag katalo na, ngayon, dagdag ko na rin ang chatting to our love ones.. syempre hindi lang basta chat-chat, may web-cam na rin, and with voice pa... diba high tech na talaga.)


THE FEEL-GOOD GIMICK

Medyo mahirap ipaliwanag, ibang lebel ga... basta ito 'yong mga pinagkakaabalahang you feel closer to your creator, or you just feel good about it - feel mo heaven.

1. Simba / Samba / Gawain / Friday Service / Misal (kahit naman patago ang mga bagay na ito dito sa Saudi at kung mahuli ay siguradong kalaboso, eh kahit naman papaano hindi rin maiaalis sa ating mga Pinoy ang pagiging malapit sa ating dakilang manlilikha - kasama na lahat dito, praise and worship, pangungumpisal, tithes and offerings, pag-aayuno, bible study)

2. Pot-lunch (tanghalian kasalo ang mga kapatid, kapamilya, kapuso... basta salo-salo, may magluluto ng sinigang na ulo ng isda, adobong manok, may magkikilaw.. saan ka pa??!)

3. Dalo sa gawain kasi dumalo si Sister or si Bro (pramis meron talagang ganyan.. marami akong kilalang dumadalo lamang sa "gawain" kasi may mga bagong nars o stiwardes na sister o kaya naman maraming "papables". Naka-attend pa nga ako ng sports-fest kasi may ipapakilala sa akin, attend naman ako, though im not that sport-fest-ee, kasi nga iba pala ang motibo - kasi nga iba ang motibo, matapos ang item 9 sa itaas, wala na.. ayawan na.

4. Family visit / Family Get-together (limited ito sa totoo or the legal family or extended family, basta may papel - patunay na kapamilya nga... kapatid, asawa, kapinsan, nanay, tatay, tiyo, tiya, or else kasama ito sa item 9 ng not-so-feel-good gimick)



5. Kasi nga adik ako sa kape, kaya isasama ko na rin dito ang pagtambay ko sa mga coffe shop. Inom-inom ng kape... hhaayy.. sarap talaga ng kape.


Hindi naman para sa lahat, subalit ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain ng mga Noypi tuwing weekend dito sa Jeddah. Kung hindi man siguro ito ang kalahatan, sa ibang edisyon nalang ang iba.

At yon ang Huwebes at Biyernes, haba ng segwey, he he he... at Sabado na, kaya naman gaya ng dati, eto naman ang aking dakilang maninipa... ang kape.. he he he. Ang kape raw pampagising.. pero kung ala ka na talagang ginagawa sa opisina mo, pustahan - sandali bawal nga pala ang sugal dito.... ok ano nalang.... sige na pustahan nalang for this post's sakes nalang oooo... ok, sigurado kung ala kang ginagawa o pinagkakaabalahan, ang bisa ng kape na pampagising ay magiging pampatulog.. hyper-tulog...

Trabaho muna....sandali tanong lang ako, Ano gimick mo kahapon?

Saturday, 5 April 2008

Karatula

Ngayong umaga lang ay nakatanggap ako ng sulat galing sa isang dating kasama sa trabaho, si Sir Willie. Kaya ang entry na ito ay para kay Sir Willie, na kahit papaano ay nagbabasa ng blog ko, kala ko kasi ako lang ang nagbabasa ng mga isinusulat ko dito…

Gaya nga ng dati, eto pa rin kami sa head office, tambay dito – tambay doon. Kanya-kanya na nga lang kami ng imbento ng trabaho may magawa lang at mapalipas lang ang walo at kalahating oras. Bukod doon na-master ko na rin ang A.I.D.S. act (As-If-Doing-Something act). Sa ibang entry ko nalang siguro i-market ang AIDS act na to.

Balik kumustahan. Sobra hirap ng buhay dito sa headoffice, ok lang kung hindi man sila magbigay ng overtime dito eh, walang problema. Ang malaking problema dito ay kung paano ka gagalaw. Para bang sa araw-araw ng pagta-trabaho mo ay kailangan mong tumulay sa alambre. So far naman, nakakatulay pa naman ako. Lahat ng mata dito ay nakatingin sa ‘yo. Hindi ko alam na ganoon pala ako kasikat dito sa office.. he he he.. na para bang ang lahat ng tao dito ay naglalaway makasagap ng bagong balita galing sa akin..

Ano nga ba ang istorya na mahiwagang karatula? Eto ang maikling summary.


Unang araw palang ng pagbabalik ko dito sa headoffice eh, napansin ko na agad ang mahiwang karatula. Hindi ko lang alam kung maliwanag lang ang mata ko o talaga namang saksakan ako ng epal at mapanuri. So nakita ko ang karatula – MALI!

Dahil na rin sa impluwensya ni Farooq, ang Safety Manager sa site, na wala nang ibang ginawa kundi kunan ng larawan ang lahat ng mga unsafe working condition sa site, e’di kuha rin agad ako ng kamera at kinunan ko ng larawan ang maling karatula.

Matapos kung makunan, medyo nagtagal pa ng ilang araw bago ko mapag-isip-isip na ipaalam sa opisina ang aking nakita. Syempre super-concern-citizen naman ako, so feeling ko obligasyon ko ito sa kompanya.

Kaya, gumawa ako ng sulat sa kalihim ng aming Admin:

Dear Mr. XXXXX,

Good afternoon.

I found this Sign erected in the front of our office, near the main gate for receiving visitors. I don’t know if our visitors still care or even read this sign and I hope they don’t. Because it’s kind of awkward for a reputable company like ours, to have this kind of sign right on the very front of our building.

I assumed that the Arabic words are fine but the English has been misspelled and totally wrong (picture attached). Well, since we’re an ISO certified company now, do you think this is acceptable?

You mind informing the proper people to have this thing be corrected?

For your information and disposal.

Best Regards,

Me

Matapos kung maisulat at maipadala ang liham na ito, parang nabunutan ako ng tinik – kasi kahit papaano kung wala man akong ginagawa dito sa office, at least may nagawa naman akong mabuti para sa aking kumpanya.

Martes ko ipindala ang sulat.

Makalipas nga ang ilang araw, Sabado, nalimutan ko nga ang tungkol sa sulat eh. Pinatawag ako ng admin. Galit daw, sabi ng kalihim nya. Bakit kaya.

Ayon nga para sa iba pang detail ng mga nangyari see my Whattanem!!! post.

Sya nga Sir Willie ang naggalit at muntik nang sumisante sa akin, "sya" mismo. At nakakatakot ang binitiwan nyang salita. Let me quote him:

You only see the good side me, don’t push me to show the evil side…. you’re crossing your boundary here.

Ano kayang boundary yon? Sa palagay ko naman ay wala akong gin-cross na boundary. Sabi pa nya, wala akong karapatan na magsulat ng ganoong remarks. Sino kaya ang may karapatan? Ang mga bisita ba na babasa ng pagkakamaling ito? Ewan ko lang kung gaano kalaking kahihiyan ang matatangap kung ang mga bisitang ito ang magbigay na comments.

Sabagay, no one appreciates a good constructive criticism than the one giving it.

Ang maganda lang sa nangyari, ay noon ding Sabadong ‘yon pinatanggal ang naturang karatula. Karatula ng kahihiyan.

Isa pa pala, sabi rin nya, na dapat nga raw i-appreciate nya ako sa ginawa ko, kasi kahit sya mismo na araw-araw pumapasok sa gate na ‘yon at hindi man lang daw nya napapansin ang pagkakamaling ‘yon, noon lang nya rin napansin noong pinansin ko. Take note that has been erected there for more than 15 years.

Anyways, kahit naman papaano may trabaho pa ako.

Monday, 24 March 2008

Blogcident Update

Update lang sa aking "blogcident".

Kaninang umaga lang ay tinawagan na rin ako ng kalihim ng aking amo. Ang kalihim na kung saan ay nagpakalat ng aking blog entri na Whattanem!!! sa network ng aming kumpanya. At ang blog entri rin na ito ang muntik-muntik nang dahilan upang ako ay mawalan ng trabaho.

Nagpaliwanag naman sya sa akin. Gaya ko, hindi rin nya inaasahan na lalaki pala ng ganoon ang isyung 'yon. Humingi rin sya ng dispensa sa mga nangyari. Sabi ko nga noong nakaraan, ay mukhang ayos na lahat at balik na ulit sa dati ang sitwasyon, kaya ok na rin. Diba nga, kailangan nating patawarin ang mga taong humihingi sa atin ng kapatawaran - maanong mahirap, pero kinakailangan tayong magpatawad. At kalakip ng pagpapatawad ay ang paglimot - mahirap pa rin, lalo na ang parteng ito ng pagpapatawad, subalit ang paglimot ay kasama sa tunay na pagpapatawad...

Tsaka, it really feels good naman eh.

'Yon lang, makapagpaskil lang.

Thursday, 20 March 2008

Paalam Karatula

Nakulong na blogger? Pamilyar ka ba 'don?

Eh blogger na natanggal sa trabaho?  Pamilyar ka rin?

Kaninang umaga, napalaaliwalas ng paligid. Magandang umaga, bagong umaga. Mukhang ok naman nagsimula ang lahat. Naka-dalawang kape na nga ako at isang berdeng tsaa bago pa mag-tanghalian.

Nakagawa na rin ako ng isang entri sa blog ko kanina, tungkol ba sa nakakagigil na POEA at OWWA.

Dumating ang alas-onse ng umaga. Nag-ring ang telepono ko.

Riiinnnnnggggg.... Riiinnnnnggggg.......

Me: Hello!

Ang kalihim pala ng isa sa mga amo dito.

Kalihim: Hello, me, my boss wants to talk to you. Hold the line i'll transfer you.

Me: Oki.

nagbalik sa linya ang kalihim.

Kalihim: Me, just come to his office, he wants to talk to you.

Me. Tell him I'm busy here, I also have some work to do here. (biro lang 'yon)

Kalihim: He's angry!

Me: What?

At hindi na nya ako nasagot kasi ibinaba na nya ang telepono.

So, punta nga ako sa office ng amo nya.

Nasa silid ng amo nya ang isa pang kalihim. Nang makita ako ng amo ni Kalihim 1, sinenyasan lang nya ako na pumasok sa loob ng silid. Pagpasok ko nga lumabas na si Kalihim 2.

At nag-umpisa na nag sisira ng napaganda kong umaga.

Amo: What is this???!!! (galit talaga, as in...)

Pagtingin ko sa itinuturo nya.... aahhh... 'yon pala 'yon. Isa pala sa mga entri ko sa post ko na Whattanem!!! ang nakita nya. Basta isa doon. Nagbabasa rin ba sya ng blog ko??? Hindi naman siguro, kasi kung nagbabasa sya, sigurado sa mga oras na ito eh wala na akong trabaho. Akswali, pinadalhan ko 'yong kalihim nya ng kopya ng blog ko, para nga itama kong ano man ang dapat itama. Isa kasi sa mga larawan sa blog entri ko na Whattanem!!! eh galing mismo sa harapan ng aming opisina.

Ipinadala ko sa kalihim nya ang larawang iyon para ipaalam nya sa amo nya ang mali para gumawa ng aksyon para maitama. Eh ang estupido at kalahating kalihim na 'to, sa halip na ipaalam sa amo nya ang "napansin" ko, e ikinalat sa local network namin ang larawan - naging katawa-tawa ang aming kompanya.

Kaya ako pinatawag ng amo nya.

Syempre paliwanag naman ako ng side. (mahaba ang paliwanagan, in short na-ayos rin ang lahat, at nangako na lamang akong kung may mapupuna pa ulit ako ay dumiretso nalang ako sa kanya - sa amo ni Kalihim 1.)

Haaayyy... kinabahan ako don ah.. akala ko mawawalan na ako ng trabaho. Akala ko masesesante na ako.

But the thought is, i'm just trying to correct what is wrong. Pero hindi ganoon ang pagkakaintindi nila, feeling nila pinalalaki ko lang ang isang napakaliit na bagay. For info lang: 15 years na yatang nakatayo ang maling karatulang iyon sa tapat ng aming opisina - sa tagal ng panahong 'yon ay wala man lang nakapuna na mali pala ang karatula. At kanina rin, sa galit ni amo, ipinbuldows ang karatula...

Paalam karatula.... muntik mo na akong alisan ng trabaho ah...

POEA and OWWA and OFW

Ngayong umaga, pagpasok ko eto agad ang bumulagang e-mail sa inbox ko. Galing 'to kay Sam., kasamahan kong OFW rin dito sa office. Matapos ko mabasa 'to, medyo nagngit-ngit ako - kainis ba. Pero si Sam, sabi nya, kung nasa Pilipinas lang daw sya, baka nga namundok na rin sya. Akswali, puede rin akong mamundok, kasi taga-bundok naman talaga ako, since birth. Mangyan ga ako. Eto ngang isa ring OFW hindi na talaga napigil ang sarili:

"Kaya pala gusto maglabas ng bagong ruling mga walanghiya kasi nabuko ng COA, hayup kayong mga taga-POEA, paano nyo nasisikmura ipakain sa pamilya nyo ang pagkaing galing sa pangungurakot! !! mahiya naman kayo sa amin mga OFW na nagtitiis malayo sa pamilya,para lang maitaguyod ang kinabukasan nila sa disente at matapat na paghahanapbuhay.....ang galing ng gobyerno!!! lalu na ang poea !!!!....sarap nyong balatan ng buhay at budburan ng asin at kalamansi!!! "

Kung hindi abeylabol ang kalamunding, puede na rin ang hot souce, 'yong extra spicy. Nakakagigil!!!

Basahin ninyo ang nadiskubre ng Commission on Audit kung saan nilulustay ang pera nating mga OFW at ipakalat o ipaalam sa mga kasamahan natin na walang daan sa e-mail.
   
THE Commission on Audit (COA) has rebuked the Philippine Overseas Employment Administration for "illegally"granting about P40 million in incentives and allowances to its officials and employees for the past three years.
   
COA also took the POEA to task for allowing its executives and employees who were issued mobile phones to download about P796,000 worth of games, tones, picture messages and other unauthorized items.

In its latest report, prepared by Director IV Roberto Marquez, COA said  the POEA drew P24.048 million from the funds of the Overseas Workers' Welfare Administration to grant an "incentive allowance" to its personnel. Such use of OWWA funds is unauthorized, COA said.
   
It said that even if the OWWA Board of Trustees had justified the giving of the incentive allowance by citing the increase in OWWA collections from overseas Filipino workers, the move was "without legal basis."
   
Section 15 (e) of the General Appropriations Act, FY 2003 (as reenacted in 2004), "as well as previous general appropriation acts, provides that no government funds shall be [used] to pay honoraria, allowances or other compensations to any government official or employee, except those  specifically authorized by  law," the report stated.
 
Section 3 of Administrative Order 103 also bans national government agencies from granting new or additional benefits to their officials and employees "except for Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentives and those expressly provided by presidential issuance," the COA said.

Although it recommended that the POEA management stop granting the incentive allowance, COA acknowledged that the issue is awaiting final disposition before the Legal Adjudication Office.
   
COA noted that the POEA granted P15.448 million for the CAN signing bonus and rice allowance to its employees, a violation of rules laid down by the Public Sector Labor Management Council.
   
   
COA said the POEA management and the employees' union agreed on a quarterly rice subsidy to its employees, including casuals, contractual and temporary workers, and a P15,000 signing bonus "to be given on a staggered basis within three years subject to the availability of savings."

On the strength of the agreement signed on December 10, 2001,the POEA granted P15.448 million from 2002 to 2004. But! the COA reviewed the payments and found they could have violated the rules on CAN signing bonus and allowances. Rice and other subsidies require "appropriation of funds," or approval from Congress and subsequent enactment of the President, COA said.

COA also cited a May 16, 2002, circular from the Department of the Budget and Management that said the President has issued a "moratorium on the grant of CNA signing bonus due to some problems raised on the payment and fund source."
   
COA added that the moratorium has been in effect until these problems are resolved and a policy is issued on the matter.
   
It also cited the July 11, 2002, decision of the Supreme Court in the case of Social Security System v. COA, in which it ruled against the signing bonus as a form of additional compensation under the Constitution.
   
COA said that despite the Court's earlier pronouncement against the granting of incentives and allowances, the POEA in 2004 still gave P7.2105 million to its employees and officials as signing bonus and rice subsidies.
   
The POEA justified its move by saying that the budget department had approved the release of incentives and allowances, COA said.
   
COA also questioned why the POEA failed to follow the guidelines in its memorandum on October 26, 2001, covering the use of cell phones after the POEA paid for the nonessential downloads made by its officials and employees.

The POEA is supposed to put a limit on the use of cell phones, but the audit on its telephone bills showed that P487,283.59 of the P1.3-million total from 2003 to 2004 consisted of charges in excess of the authorized limit.

Even POEA's bookkeeper in charge admitted that she could not impose limits on the use of ! the cell phones to some officials, COA said.
"We also noted that the POEA had incurred other charges amounting to P308,747.58 in the use of the mobile phones, in addition to the fixed charges of P400,002.80 due to subscription to Globe lines or plans. These additional charges are value-added taxes and currency adjustment fees. Other charges which are personal and which are easily incurred and billed due to the nature of line subscription, include share-a-load and its processing fee, GPRS such as Globe games, photo messages, polyphonic ringtones, digital postcards, photo album, cinema and magazine covers, premium java download, instant messaging and  catxtcism, etc.," COA said.

 

To avoid further overpayments, COA recommended that the POEA coordinate with Globe to shift to prepaid cards and end the subscription of postpaid lines.

If this is all true it is ROBBERY.CORRUPTION AND DISREGARD FOR THE LAW.

 

Mr. Eliseo P. Tenza Jr. , a senior resident architect from Dubai Marina Mall proposes the following action: 

   
1.    The OFW, through a legal representative file a corruption case against the officers, and employees of POEA and OWWA. The legal funds can be donated by OFW, through a US$1.00 Contribution, per OFW. We have to find how the money can be collected. Through a bank? Through a Trust Fund? (Any suggestions? )

2.    Petition the Government, through the Senate to Scrap the POEA and OWWA.

3.    Force the Government to return to the OFW the payments issued by the OFW to the POEA and OWWA. 

Chief Justice Panganiban, please give us some advice on how to proceed with the necessary action.
       
OFW DOES NOT NEED POEA AND OWWA. THE OFW IS PAYING THE SALARIES OF THESE PEOPLE, AND THEY ARE TREATING OFW'S AS DIRT.
THEY ARE ROBBING THE OFW OF THEIR HARD EARNED MONEY THROUGH THE HELP OF THE GOVERNMENT THAT SHOULD PROTECT ITS WORKERS. INSTEAD OF THE FAMILIES OF THE OFW, THE POEA AND OWWA IS ENJOYING THE LABORS OF THE OFW.

THIS IS THE TIME THAT OFW MUST SHOUT AND DEMAND FOR ACTION.

THIS IS WORSE THAN THE DIRECT HIRE REGULATION.