![]() |
| Image by Shutterstock |
ang blog na ito ay mula sa panulat ng isang mangyan galing ng oriental mindoro
Sunday, 12 April 2015
Parating Na Sya...
Tuesday, 24 March 2015
Si Tatay Lino
Si Tatay Lino. Tay alam ko namang sa mga pagkakataong ito eh hindi mo na mababasa ang mga sanaysay na ito, pero alam ko namang nasa mas maayos na lugar ka na ngayon, kasama ang Panginoon…ganunpaman kung meron mang connection dyan eh maki-FB na laang muna.
![]() |
| http://www.uckg.hk/bakit-sa-holy-week-lang/ |
![]() |
| http://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/circumcision/ |
Sunday, 3 June 2012
Si PJ, Si Cabi & the Wardrobe
Tuesday, 26 August 2008
Ang Huling Birit ni YXX
Some words on this post may not be suitable for very young reader, likewise some words between the quotation marks may need further explanation from an adult, PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED.Sa pagpapatuloy...
Last night Rike, Aregon, Treb, Slev and I hanged out over a box of pizza and some cola. Kwentuhan, kumustahan, at marami pang kwentuhan. What caught my attention was this “videoke” story of Aregon. A videoke showdown that terminates and sent Mr. YXX back to the Philippines.
Just a background. Mr. YXX is an orphan, living alone with his siblings. He is the family’s bread winner, and in search for a “greener pasture”, he’s here in Jeddah. He’s working on a big hypermarket here, don’t know exactly what his job is.
Anyways, Mr. YXX loves to “sing”, don’t know if he also “sings” in the Philippines, but here it seems that “singing” will make him a superstar, or not.
Change gear…
Ayon sa kwento ni Aregon1, di ko nalang rin nalinaw kong ito ba ay noong isang araw pa, o noong makalawa o noong isang linggo pa, basta sa kasalukuyan ay na-sesante na si G. YXX dahil nga sa kanyang masuyo at banayad2 na “pag-awit”.
Sa trabaho, maayos naman si G. YXX, bibong-bibo nga eh. Sya ‘yong huwarang manggagawa, ang patuloy na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo, pinatutunayan ang galing ng mga Pilipino. Sya ‘yong sa unang tingin eh ‘di mo kakikitaan ng hilig sa “pag-kanta”.
Di gaya ng sa ‘Pinas, ang mga shopping centre dito eh bukas ng 9:00 hanggang 13:00 lang, at sarado sa pagitan ng 13:01 hanggang 15:59, at muling magbubukas ng 16:00 (pagkatapos ng “pang-hapong panalangin”), bukas na ito hanggang mga 02:00 na ulit ng madaling araw (magsasara pa ulit pala sa mga bandang 18:00 at 20:30 para sa “pang-gabing panalagin” o salah).
Mag-iika-sampu na siguro ng gabi, nasa trabaho pa rin si G. YXX, abalang-abala, naghahanda na kasi ang halos lahat ng mga shopping centre dito para sa pagpasok ng Holy Month of Ramadan.
Habang abalang-abala nga sa trabaho, hindi naman nakalampas sa kanyang mga paningin ang pagpasok sa loob ng hypermarket ng isang Arabong, sabihin nalang nating mahilig ring maki-jamming sa “videoke”.
Si Arab-oke, lakad dito, lakad doon, parang wala namang bibilhin. Siguro stroll-stroll lang, nagpapalamig.
Si G. YXX, trabaho dito, sulyap doon, trabaho doon, sulyap dito… pasulyap-sulyap at pilit sinisipat si Arab-oke.
Sidebar: “Videoke” or “Karaoke”, came from Japanese word “kara” means “empty” + “oke” shortening of õkesutora or orchestra.
Ilang minuto pa nga ang nakaraan ay nagtama mga mata ni G. YXX at Arab-oke. Malagkit na titigan. May kislap, may awit. Kapwa nila mga mata’y nangungusap, may sinabi, may ibinubulong4….
Mata ni G. YXX: Hal thahib al ghina?
Mata ni Arab-oke: Naam, khatir-an.
Mata ni G. YXX: Ana aidum aheb al ghina, hal yam kinina al ghina maan.
Mata ni Arab-oke: Hassan-nah!
Mata ni G. YXX: Hal anta mustaid?
Mata ni Arab-oke: Naam, jehis ma-aghani jadidah!
Mata ni G. YXX: Jamel, ahader al microphone sauwahi bisout aali.
Mata ni Arab-oke: Ok, abda!
At tumuloy na nga si Arab-oke sa loob ng "videoke booth"…naghihintay kay G. YXX. Samantalang si G. YXX naman ay tuliro, excited ga, kaya naman kapagdaka’y iniwan ang kanyang trabaho at agad na ring tumalilis sa videoke booth, hinihilot-hilot ang lalamunan… vocalization? Siguro… ‘Di na alintana ang panganib na dulot ng gagawin. Wala syang paki sa sasabihin nila, basta ang alam lang nya sa mga oras na ‘yon, “kakanta ako!”.
Sa loob ng videoke booth, nag-aabang na nga si Arab-oke, nakahanda na ang kanyang fully-loaded-with-fresh-hits-magic-sing-microphone. Kaya naman si G. YXX ay wala nang inaksayang panahon, agad na singungaban ang mikropono at “kumanta”.
Sa labas ng videoke booth, tanging ang mga second voice at adlib lang ni Arab-oke ang maririnig.
Arab-oke: Suraaa…. Yalllaaaa…. Khuwaisss….Oohhhh…surraa 3
Samantalang impit naman ang “pag-awit” ni G. YXX, parang bang humming lang…
G. YXX: Hhhhmmmmm… hhhmmmm…
Arab-oke: igeee.. igeee…
At makalipas ang ilang pasada sa verse 1, verse 2, refrain, chorus, bridge, chorus…natapos na rin ang “jamming”.
Napagod si Arab-oke sa kaa-adlib at second voice… nanlalata… si G. YXX, may ngiti sa labi, at binabalik-balikan pa chorus..
At sabay na lumabas ng “videoke booth” ang dalawa. Sa labas medyo pinagtitinginan sila ng mga tao. Mga titig na may pagdududa sa ginawa nila sa loob ng “videoke booth”. Mga mapang-husgang mata. Mga matang nanlilibak.
Si Arab-oke, lumabas ng hypermarket, parang wala lang…samantalang si G. YXX ay balik sa trabaho ngunit pilit iniiwasan ang mga mapang-husgang mata sa paligid nya.
Kinabukasan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakarating sa pamunuan ng pamilihan ang nangyaring “videoke jamming”. Dahil nga sa bawal ang ganitong uri ng jamming sa lugar na ito, at sa “mamimili” pa, tanggal sa trabaho si G. YXX.
Nakakalungkot isipin, paano na ang pamilya ni G. YXX, sya pa naman ang tanging tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, ang inaasahan. At sa ilang minutong “videoke jamming” lang, lahat ‘yon ay nawala…
Sisante na si G. YXX. Uuwi na sya ng Pinas. Lumabas sya ng silid ng manager dala-dala ang “Termination Paper”… at sa kanyang paglabas, muli ay nasulyapan nya ang “videoke booth”….
Sana si G. YXX na ang huling bibirit dito….
1 Kwentuhan lang ‘to, di ‘to tsismis dahil totoo ‘to at napag-kukuwentuhan lang para na rin sa ating dagdag na kaalaman at maging aral sa atin.
2 Ginamit ang mga panglarawang ito para lang maging “masabaw” ang aking post.
Saturday, 31 May 2008
Konti ang Lakad
Noong nakaraang araw, ang headline sa The Morning Bolero Kronikels, “Nasaan ang Tsinelas Ko?”.
Natuwa naman ako usapang tsinelas na ‘to. Nagbalik tuloy sa alaala ng mangyan ang kanyang mga kwentong tsinelas sa bundok.
Isang mangyan ang pinababa ng bundok ng kanyang tribo para bumili ng na-uusong sapin sa paa. Tsinelas daw ang tawag nila dito, at usap-usapan na sa bundok ang ginhawang dulot ng tsinelas sa paa. Malambot, komportable sa paa, at talaga namang sigung-sigu sa paa lalo na sa mangyan na ang hobby ay maglakad ng kilo-kilometro at manghabol ng tamaraw.
Kaya naman agad na naghanda ang batang mangyan pababa sa bayan. Sininop ang mga dapo (orchid) na maaaring ipamalit ng tsinelas o kaya naman eh maibenta para merong pambili ng tsinelas. Sa paglalakad ng mangyan patungong bayan ay ganoon na lang ang kanyang kagalakang sa wakas eh magkakaroon na rin sya ng sapin sa paa. Nakikinita-kinita na nya agad ang kanyang sarili, soot ang bagong tsinelas na tumatakbo sa kaparangan.... habang hinahabol ng baboy ramo o tamaraw.
Makaraan nga ang ilang oras na lakaran, narating ng mangyan ang bayan.
Sa palengke parang may pista ng tsinelas. Maraming tsinelas ang nakalatag sa pamilihan. Iba-ibang laki. Iba-ibang kulay.
Ganoon na lang ang kagalakan ng batang mangyan - sa wakas eto na ang pinakhihintay nyang araw, ang araw na makakatikim ng tsinelas ang kanyang mga paa.
Para makabili, eh nag-alok muna ang batang mangyan ng dala-dala nitong dapo (orchid) sa mga nagdaraang mamimili, maging sa mga nagtitinda. At nang makabuo na nga ng sapat na halaga, yagyag na ito sa pinaka-malapit na tindahan ng tsinelas.
Batang Mangyan: Sandugo, ako pabili nito. (sabay turo sa tsinelas)
Tindera: Anong gusto mo? Ito, sampung piso lang. Ito singkwenta pesos.
Ang tsinelas na tig-sampung piso eh ang generic brand na halo-halong tsinelas, nakatali ang bawat pares para hindi magkawalaan ang kaliwa at kanan. Samantalang "branded" naman ang tsinelas na tig-singkwenta pesos kaya naman masinop itong nakabalot sa sarili nitong plastic.
Bago pa makasagot ang batang mangyan kung anong klaseng tsinelas ang gusto nya, eh iniabot na sa kanya ang tindera ng "branded" na tsinelas.
Tindera: Eto, sukatin mo muna ito, sandugo!
Tanggap naman ang mangyan at sinukat nga.
Aba, sigung-sigu! (kasyang-kasya) Maging ang kulay na asul ay bagay na bagay. Fit na fit, medyo inilakad-lakad pa nya para sigurado talagang komportable.
Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang dulot sa batang mangyan ng maisuot nya ang kanyang kauna-unahang tsinelas.
Bigay nya agad ang bayad.
Nakangiting tinanggap ang tindera ang kanyang bayad. Bilang, bilang, bilang. At nakataas ang kilay na ibinalik sa batang mangyan ang ibinayad sabay bawi ng tsinelas.
Mangyan: Sandugo, bakit naman ganoon?
Tindera: Kulang ang pera mo sandugo, kung gusto mo ito na lang tig-sampung piso! Sabay abot ng tindera sa isang pares ng tsinelas na nakatali ang bawat dahon - kaliwa at kanan.
Tinanggap naman ng mangyan, at sinukat.
Kasya rin. Oki na rin ang kulay.
Nagbayad ang batang mangyan.
Habang papaalis ng tindahan, isinuot agad ang biniling tsinelas (hindi na nga inalis ang tali ng pares), pabulong-bulong lang ang batang mangyan.
Lakad... lakad... hakbang ang kaliwa, hakbang ang kanan. Nakatali pa rin ang dalawang pares...
Napabuntong-hininga nalang ang mangyan.
Mangyan: Kaya pala mura, konti lang ang lakad.
Wednesday, 28 May 2008
Mayo Bente Otso (Pagtatapos)
Aplaya
Masaya pa rin ang paligid. Lahat pa rin ay abala sa Katapusan. Tuwang-tuwa pa rin ang mga bata sa mga palaro. Ang mga nanay naman ay abala na sa pagluluto ng tanghalian. Ang amoy ng lutuin sa buong barangay ay tunay na nakakagutom.
Parang pista sa Aplaya.
28th May 1989, 11:00:49
Danggay
Ibinaba si Roberto ng dyip ilang metro lang ang layo sa bahay na kanyang sasadyain. Hindi naman mahirap hanapin ang bahay kasi tabing kalsada lang ito, bukod doon eh alam mo na may binyagan sa bahay na iyon dahil maraming tao ang paligid (karaniwang tanawin ito sa mga probinsya tuwing merong handaan, lahat ng kababaryo imbitado), lahat abala.
Pagdating ni Roberto sa bahay ay inasisti sya ng kanyang “kumpare”, kahit na kahalili lang sya ng pinsang si Oscar. Nasa simbahan na pala ang iba para sa binyagan, kaya dumiretso na rin ang dalawa sa simbahan.
28th May 1989, 11 :21:17
Kapilya sa Danggay
Nagsimula na nga ang binyagan. Nasa unahan na ang bibinyagan, karga ng kanyang ina, samantalang ang mga tumatayong ninong at ninang ay may tig-iisang kandila nakapaligid sa sanggol habang si Padre eh nagbabasbas.
Hindi pa naman huli si Roberto, sakto lang kumbaga. Kapansin-pansing bigatin ang pamilya ng binibinyagan. Halos mga kilalang personalidad sa bayan ang mga dumalo sa binyagan. Ganoon din ang mga ninang, kumbaga mga “donya” sa bayan ng Danggay. Ang mga Ninong naman “super-bigatin”, may mga politiko, sundalo at negosyante.
28th May 1989. 11:53:09
Danggay
Natapos na nga ang binyagan. Gaya ng inaasahan tambak ang pagkain at inumin sa bahay. Puno rin ng taong kakain syempre – mga ninong at ninang, mga inimbitahan, meron ding mga hindi naman naimbita pero naroon rin (alam mo naman sa probinsya, kung kababaryo lang rin lang, hindi na rin kailangan ng pormal na imbitasyon, masabihan lang ok na). Engrande talaga ang handaan – maraming pagkain, maraming inumin.
Nang makakain na ang lahat, ang mga kababaihan at ilang mga bisita ay nagpaalam na rin sa punong-abala, samantalang sa likod ng bahay ay merong sariling mundo ang mga kalalakihan. Mawawala ba naman ang barekan, syempre hindi – todo barek ang magkukumpare.
Bumaha rin ng inumin, merong tuba, may lambanog, meron din syempreng lapad at longneck, at case-case na San Miguel Beer na panghugas.
Si Roberto nakiinum na rin. Magaling kasing makisama si Roberto, kaya naman halos lahat ata ng lamesa eh kasali sya sa inuman. Ganoonpaman, sa lamesa ng mga “kaibigan” nyang pulis sya nagbabad. Naki-tagay, naki-barek.
28th May 1989, 12:00:00
Aplaya
Tanghaliaan na. Mangilan-ngilan na lang ang tao sa labas ng bahay. Kainan na kasi. Lahat nasa loob na ng bahay para sa tanghalian.
Sa bahay ni Roberto, ganadong-ganado ang kanyang tatlong anak na lalaki at ang kanyang nagdadalang-taong maybahay sa iniwanang nyang tulingang puti. Inihaw nya ang kalahati, samantalang sinigang naman ng kanyang maybahay ang kalahati.
Masarap ang kainan. Ganado.
Busog ang lahat.
28th May 1989, 15:16:18
Danggay
Medyo lasing na ang mga tumador. Ang iba maingay na. ‘Yong iba naman eh tulog na. Ang iba, medyo nagpapahulas pa, pero tumatagay pa rin.
Sa lamesa ni Roberto, mukhang tapos na ang inuman. Dalawang sundalo na lang ang patuloy pa ring nakikipagbuno sa isang bote ng lapad, ‘yong iba eh nagpapayabangan nalang sa isang tabi. Normal na ata ang payabangan ng mga lasing tuwing nalalasing.
Si Roberto naman eh nagpapahulas na, nasa loob ng nakaparadang dyip, tulog.
Di kalayuan sa dyip, may nagpapayabang rin – dalawang pulis. Parehas na di magpatalo. Parehas mayabang. Parehas “may ibubuga” raw.
Naka-uniporme.
Sa kanilang mga bewang, naka-sabit ang kanilang mga baril.
Naghihintay bunutin.
Naghihintay na makalabit.
28th May 1989, 16:08:52
Aplaya
Tapos na ang siesta. Balik na ulit sa kasiyahan ang mga tao. Nag-uumpisa na namang mapuno ang kalsada. Nag-uumpisa na namang utunog at mag-ingay ang musiko, samantalang sa mikropono naman ay panay ang tawag at imbita ng anak ang hermana-mayor sa mga taga-Aplaya na makilahok at makisiya sa “Tapusan”.
28th May 1989, 16:10:03
Danggay
Medyo nagkakainitan na ang dalawang nagtatalong pulis. Pawang ayaw magpatalo. Maging ang mga tao sa paligid nila ay sa kanilang dalawa na nakatingin, para bang nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.
Nagkakataasan na rin nga boses ang dalawang pulis. ‘Yong isa medyo malakas talaga ang boses, pero ‘yong isa, dahil ayaw ngang magpatalo, eh halos sumigaw na wag lang matalo sa kanilang payabangan.
Dala na rin marahil sa tama ng alak kaya naman parehas malakas ang loob.
Wala talagang magpatalo.
Sa loob ng dyip, medyo naaalimpungatan na rin si Roberto, maingay na nga kasi sa labas, pero hindi pa rin bumangon, pikit pa rin ang mga mata, hihirit pa.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo, biglang binunot ni Pulis 1 ang kanyang baril.
Hhhhhhaaaaa….. !!!! halos sabay-sabay na sambit ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Ang iba namangha, ang iba naman ay natakot sa maaaring mangyari.
Ikinasa, sabay tutok kay Pulis 2.
Ang iba eh medyo lumayo sa lugar, ‘yong iba naman ay nakiusap sa pulis na may hawak ng baril na ibaba ito ay pag-usapan na lang ang hindi pagkakaunawaan.
Samantala ang si Pulis 2 eh parang walang takot na binubuska pa si Pulis 1.
Medyo nagkakaroon na ng tensyon.
Sa loob ng dyip, nagising na si Roberto. Maingay na kasi. Paglabas ng dyip, ay naabutan nya ng eksena ng nagtatalong pulis at tutukan ng baril.
Parehas na nagkakainitan na ang dalawang pulis. Kapwa nanggigigil.
Si Roberto, mamungat-mungat pa at bagong gising, agad na tinimbang ang sitwasyon. Inayos ang sarili, at lumapit sa dalawang nagtatalong pulis.
Lumapit si Roberto sa dalawa at nakiusap na “pag-usapan” nalang nila sa maayos na usapan kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan. Hindi pag-usapan na may mga baril na nakaumang.
Mukhang ayaw paawat ang dalawa. Lalong umigting ang tensyon.
Nakalingat ang si Pulis 1, agad na sinunggaban ni Pulis 2 ang hawak nitong baril.
Nabigla ang lahat. Tumakbo na ang iba.
Naiwan si Roberto sa gitna ng nagpapambunong mga pulis.
Pinilit kalmahin ni Roberto ang dalawa, pinilit awatin, pumagitna at umasang kakalas ang dalawa.
Pero hindi. Matapang talaga ang dalawa. Ayaw paawat.
Hanggang sa….
28th May 1989, 16:15:09
Danggay
Bang!!!
Bang!!!
Ugh…. Bulagta!
Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
Dalawang umaatungal na putok ang bumasag sa payapang kainan at inuman. Lahat ay nagulat. Nag-umpisa nang magkagulo ang mga tao sa paligid. Panay ang tilian ang mga babae, ang mga bata ay palakat na sa takot. Maging ang mga usyosero at tsismosa ng barangay ay sakbibi na rin ng takot. Kanya-kanyang takbo. Kanya-kanyang hanap ng lugar na mapagtataguan.
Parang wala lang na tumalilis papalayo ang taong may hawak ng baril.
Tahimik na ang paligid. Lumubog na ang araw.
Sa gitna ng sagingan, ang lalakeng nakabulagta, nakataob, hindi kumikibo, duguan - naiwang wala nang buhay.
Sapol si Roberto. Sa dibdib ang tama.
Pagbasak, hindi na nakapagsalita pa, ni hindi na nakapagpaalam – binawian na ng buhay.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nag-umpisa nang magbalikan ang mga tao sa lugar. Pare-parehas tikom ang bibig at nakatitig sa duguang bangkay ni Roberto.
Wala na ang mga pulis.
Walang tumawag ng pulis.
Patay na si Roberto...
Ulila na sa ama ang mangyan...
Tuesday, 27 May 2008
Mayo Bente Otso (unang labas)
Danggay
Bang!!!
Ugh…. Bulagta!
Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!
Dalawang umaatungal na putok ang bumasag sa payapang kainan at inuman. Lahat ay nagulat. Nag-umpisa nang magkagulo ang mga tao sa paligid. Panay ang tilian ang mga babae, ang mga bata ay palakat na sa takot. Maging ang mga usyosero at tsismosa ng barangay ay sakbibi na rin ng takot. Kanya-kanyang takbo. Kanya-kanyang hanap ng lugar na mapagtataguan.
Parang wala lang na tumalilis papalayo ang taong may hawak ng baril.
Tahimik na ang paligid.
Sa gitna ng sagingan, ang lalakeng nakabulagta, nakataob, hindi kumikibo, duguan - naiwang wala nang buhay.
Aplaya
Hindi naman tumanggi si Roberto, wala nga rin naman pang gagawin at mamayang gabi mag-uumpisa ang kasiyahan.
Umalis na si Roberto ng bahay. Hindi na rin nakapagpaalam sa mga anak na lalaki, paano ba nama’y kasali sa mga palaro. ‘Yong isa sumusubok umakyat sa palosebo, ‘yong isa naman ay nakikipagsapalarang matamaan ang nakabiting palayok, samantalang ang isa ay naroon sa intablado nakikipagpatayugan ng ihi.
Ilang minuto pa lang ang nakararaan, bumalik nang bahay si Roberto, may nalimutan raw, at mabilis ring umalis ng masumpungan.
Ilang minuto pa, bumalik na naman ito ng bahay, nagpaalam muli sa kanyang maybahay, at muling sumibat.
Bumalik ulit ng bahay? Oo bumalik ulit, tila may hinahanap sa kanyang maybahay, may naiwanan daw, pero sa bandang huli wala naman pala… nagpapaalam lang muli. Mahabang paalaman, akala mo hindi na uuwi mamayang gabi. Para tuloy ayaw na syang payagan ng kanyang asawa na tumuloy pa, pero hindi na rin napigilan, tumuloy pa rin.
Terminal ng Dyip
Naghinhintay si Roberto ng masasakyan.
Mukhang malalim ang iniisip.
Nakatanaw sa malayo, sa kawalan.
Driver: Ano sasakay ka ba, o sasakay ka na lang??? sigaw ng driver kay Roberto.
Matagal na palang nakatigil sa harap nya ang dyip, hinihintay lang syang sumakay.
Walang imik na sumakay si Roberto sa dyip. Nakatingin pa rin sa malayo. Parang mabigat ang kanyang loob sa kanyang paglisan. Kita sa mga mata nya ang kapanglawan. Pamamanglaw sa mga iiwanang anak at asawa.
Humarurot ang dyip.
Monday, 14 April 2008
Mata sa Bintana (ikalawang silip)
Dumaan sa bahay si Kuya Erik kagabi. Dapat mamumundok kami ng gabing iyon. Hindi nga lang kami natuloy dahil sa sama ng panahon – alanganing uulan, alanganing magsa-sandstorm. Mahirap sumugod ng hindi mo sigurado ang panahon – minsan kasi traydor ang panahon.
Naratnan nya ako sa bahay na namamalantsa. Noong isang gabi pa ako namamalantsa, kaso nga sa tuwing nakikita ko ang aking higaan ay lagi akong hinihimatay at umaga na ulit ako nagigising.
May dala syang sayote, galing pa ng Baguio. Dala raw ni Ka Rolie, taga bundok rin. Ako naman, dahil sa inaasahan ko na rin ang kanyang pagdalaw ay naghanda na rin ng ilang piraso ng hipon. Pangulam na ‘yon. Gisadong sayote at hipon.
Sa madaling salita, naluto ang gisadong hipon sa sayote at kami ay kumain. Makakain, hindi ko na muna hinugasan ang aming pinagkainan. Crowded pa kasi sa common room, mamya nalang siguro.
Lumabas kami ng compound.
Pumunta kami kina Genaro, tatambay.
Walang wentang tumambay kina Genaro, lahat kasi ay abalang-abala sa panonood ng pelikula ni Judy Ann. Lahat ng mata ay nakatutok sa telebisyon. Aliw na aliw sa tambalan ni Wowie at Juday. Kaya doon nalang sa bahay ni Bert kami tatambay.
Sa bahay ni Bert…. naroon ang mga mahiwagang mata sa bintana.
Tahimik ang paligid. Walang traffic. Parang ghost-town ang kahabaan ng Madinah Road, puede kang maglaro ng tumbang-preso. May mga sasakyan naman, ngunit mangilan-ngilan lang. Parang may mali! Hindi dapat ganito ang paligid sa ganitong oras, alas-syete y medya. Nangyayari lamang ang mga ganitong pangitain one hour after breaking the fast tuwing holy month of Ramadan. Kapansin-pansin din na kahit na nga iilan lang ang mga sasakyan sa kalsada ay punuan naman ang mga coffee shop.
Ramadan na ba?
Teka mali talaga, hindi pa Ramadan. Ika anim na araw pa lamang ng Rabi Thani sa Arabic calendar.
06 Rabi Thani 1429, katumbas ng 13 Abril 2008
Anong meron?
Alamin natin.
Dumaan nga kami ng isang coffee shop, magkape lang at si Kuya Erik para maninigil.
Lahat ng mga mata sa coffee shop ay nakatitig rin sa telibisyon. Titig na titig. Seryoso. Hanggang dito ba naman sa coffee shop si Juday at si Wowie pa rin ang pinapanood?
Diretso si Kuya Erik sa counter, ako naman sa main reception lang ng coffee shop, sinilip ang pinapanood.
Aaaahh…’yon naman pala eh. Football ang pinapanood nila.
Kaya naman pala parang ghost town ang Madinah Road, may laban ang Etihad ng Jeddah at Al Hilal ng Riyadh para sa Crowned Prince Cup.
Mukhang maganda ang laban. Panay-panay ang sigaw ng commentator sa TV. Kahit wala akong naiintindihan sa mga comments nya, pero sa mukha ng mga manood eh alam mo na talaga namang matindi ang labanan.
Eeeeyyywwwwaaaa!!!! (yesssssss)
Walllaiii.. mabruk!!! (really…. great!!!)
0 – 0 ang score.
Hindi ko na tinapos ang laro. As if intresado ako.. he he he.
Pagbalik ni Kuya Erik, may dala na syang kape. Deretso na kami sa bahay ni Bert.
Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Excited na parang takot.
Eto na, nasa harap na kami ng bahay ni Bert. Kinakatok na ni Kuya Erik ang pintuan nya.
Bumukas ang pintuan.
Hindi si Bert ang nagbukas, ‘yong kasama nya sa bahay.
Katok ulit si Kuya Erik, this time sa silid na ni Bert. Isang katok…. Dalawa… tatlo… apat.. at nagbukas ang pinto. Namamalantsa rin pala si Bert.
Pagpasok naming ng silid, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Me: Bert, pagamit naman ng CR o. (kahit hindi naman ako naiihi, iba ang pakay ko sa loob ng CR)
Bert: Sige lang. (sabay ngiti na parang alam nya ang talagang pakay ko sa loob ng CR nila)
Diretso agad ako ng CR.
Pagpasok ng CR, dahan-dahan kong isinara ang pinto.
Hindi ko lang matandaan kung talaga bang nakabukas ito. O may sadyang nagbukas ng bintana.
Sinuri ko ang bintana. Pero wala na ang mga mata sa likod nito. Bigla tuloy akong naihi.
So ihi….
Habang umiihi, nakatitig ang aking mga mata sa bintana. Naghihintay sa mga mata. Naghihintay na muli itong dumungaw.
Sampung Segundo… wala.
Labing-limang Segundo… wala pa rin.
Dalawampung Segundo… wala talaga.
Tatlumpong Segundo… wala na talaga.
Hindi ko tuloy namalayan na tapos na rin pala akong umihi at hawak ko pa rin si mini-me.
Flush.
Wala.. walang mata sa bintana.
Hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko ba talagang asahan na sisilip sya sa tuwing ako ay iihi sa CR na ‘to? Hindi naman siguro. Intresado lang akong malaman kung kanino ang mga pares ng matang iyon.
Hanggang sa aking paglabas ng CR, ay nagpahabol tingin pa ako sa bintana. Umaasa pa rin na baka muling sumilip ang mga matang iyon…pero wala.. bigo ako.
Maraming mga bagay-bagay tuloy ang naglaro sa aking isipan.
Baka umalis na sya?
Baka naman kung ano na ang nangyari sa kanya?
Baka naman natatakot sya, na sa muli nyang pagsilip ay makilala ko na sya?
Baka natatakot din sya na harapin ko sya?
At ako, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya, na baka naman kasi hindi nya nagustuhan ang kanyang nakita noong huling pagsilip nya. he he he…
Haaayy.. lalo tuloy dumami ang aking mga tanong. Lalong dumami ang mga tanong na kailangang sagutin.
Akala ko, sa entring ito ay matatapos na ang sanaysay na ito – pero hindi pa pala.
Hindi ko pa kilala kung kanino ang mga matang ‘yon.
Pumasok na ako ng silid ni Bert. Nagpapalitan pa rin sila ni Kuya Erik ng idea sa ipapatayo nitong munting bahay sa kanyang lupa sa Palawan.
Sa gitna ng kanilang usapan tungkol sa sukat na lupa, anong klaseng bubong ang dapat gamitin, anong materyales ang gagamitin sa flooring, biglang segwey si Bert.
Bert: Ano nandoon ba sya?
Me: (ngayon alam ko na talaga na alam ni Bert ang sinadya ko sa kanilang CR) Wala eh.
Bert: Alam ko kung kanino ang mga matang ‘yon. Kilala ko ang may-ari ng mga pares ng matang ‘yon.
Me: (nakatunganga lang…) talaga..
Bert: Lagi rin syang nakasilip doon tuwing gumagamit ako ng CR. Umihi. Maligo. Um-mebs. Lagi ‘yong nandoon. Nakatitig. Nakasulyap. Saksi sa lahat ng nangyayari sa loob ng CR.
Me: (wala lang akong imik… hinayaan ko lang magkwento si Bert..)
Bert: Gusto mo syang makilala?
Bago pa ako nakasagot, eh pinutol na ni Kuya Erik ang aming usapan.
Kuya Erik: O, tayo na, umuwi na tayo…alas-dyes na! O pa’no Bert, salamat sa tambay… bukas nalang ulit.
Bert: Sige lang.
At bago ako tuluyang lumabas ng silid palihim kung kinausap si Bert.
Me: Gusto ko syang makilala.
Bert: Umuwi ka na… makikilala mo rin sya.
Me: Paki-usap Bert, sino sya!!??
Bert: Sige, bukas nalang… gabi na.. umuwi ka na.
Me: Bukas ha….
Umuwi na ako, baon pa rin ang sadamakmak na katanungan.
SINO SYA!!!
Ngayong umaga sa isang pahayagan.
Itutuloy…



