Showing posts with label Believe me. Show all posts
Showing posts with label Believe me. Show all posts

Saturday, 6 September 2014

Ang Mahabang Byahe (all star cast)

Saturday nun, tambay kami kina Yeh, birthday ata ni Tita Elvie. After that syempre uwian na. Aligaga na ako sa pag-uwi, naghihintay sa bahay ang misis ko. Hindi siguro sa Mindoro 'yong tambayan kasi kailangan ko pang byumahe pauwi ng Bongabong. Pero malamang eh hindi rin eto sa Maynila, dahil hindi ko matandaang sumakay ako ng barko.

I'm traveling on a bus. Puno ang bus. May mag-ina sa liguran ko, at nakamanuso sa puting lampin ang kanyang sanggol.

Lumampas na kami ng Tiguisan, kasi lumampas na kami sa bahay nila Dumay.

Pag lampas namin ng Tiguisan eh biglang nag-pull-over sa kaliwa 'yong bus. At bumaba na 'yong driver. Kaming mga pasahero parang ok laang sa mga nangyari, parang hindi nagmamadaling umuwi, parang tanggap namin ang pag-baba ng driver.

Isang pasahero ang nagyaya sa'kin na samahan namin ‘yong driver. Maglalamay pala 'yong driver sa isang kamag-anak sa lugar na 'yon kaya huminto ‘yong bus doon.

Time check: Siguro malapit na mag-gabi noon or takipsilim na.

Pagdating namin sa lamay, ako, 'yong isang pasahero at ung anak nya at syempre ung driver.

Isang guro ang pinaglalamayan. Namatay raw sa aksidente. Malungkot 'yong lamay (as if may masayang lamay), kasi parang kami laang ang naglalamay plus ung 3 pa nilang kamag-anak na dinatnan namin doon.


Photo grabbed online
May instance na may inabot ako sa kabila na kailangan kong mag-crossover sa ibabaw ng ataul. At dahil sa hindi naman ako talaga ako fan ng silip-kabaong eh pinilit kung iwasan tingnan ang namatay na guro sa loob ng ataul. Pero hindi talaga maiwasan, but at least to my relief eh hindi ko nakita ung mukha nya. Suot nya ung suot na berdeng pang-ibabang saya ni Sen. NancyBinay no'ng huling SONA.
 
Sa kwentuhan sa lamay eh dalaga pa ang guro, bordering na pagiging matandang dalaga. Mabait daw at responsable ang guro. Namatay ang guro dahil sa aksidente. Nahulog sya mula sa isang mula sa silyang tinuntungan nya habang inaayos ang pundidong bumbilya ng silid aralan.

Doon na rin kami nag-hapunan sa lamay. May isang mahabang dulang at doon ay sama-sama kaming dumulog.

Matapos ang hapunan at nag-paalam na kami at 'yong driver namin kasi nga ba-byahe pa kami.

Pagbalik namin sa bus, 'yong ibang pasahero na naiwan eh nag-camping na laang sa paligid ng bus. Feeling ko matagal kami sa lamay kasi parang matagal na rin sila nag-camping kasi makalat ‘yong paligid at parang camping ng boyscout ang pakiramdam at maraming nagkalat na papel sa paligid parang Central School laang tuwing panahon ng eleksyon.

 Nang makita ang driver eh muli ay nagsakayan na ang mga pasahero. Syempre lahat eh gusto na umuwi. Naghihintay pa rin sa bahay ang misis ko.

So byahe na ulit, going south.

Sa loob ng bus eh aligaga ang mga pasahero. Alam kasi namin na may bagyo. At bali-balita na malakas ang bagyong ito. During those times eh delikado ang mag-byahe pauwi sa Bongabong ng naka-bus.

Sa lakas ng ulan nag-a-ampiyas sa loob ng bus, pero tuloy pa rin ang byahe. Kaming mga pasahero sa loob eh kanya kanya nang hanap ng silupin para ibalot ang mahahalagang bagay at para hindi mabasa ng ulan, ako ibinalot ko ang telepono ko, 'yong isang ina sa aking likuran ang kanyang sanggol.

Sa byahe ng panahon na 'yon isa sa mga kinatatakutan ay ang pagtawid ng bus sa tulay kung may bagyo.

At eto na nga ang unang tulay na tatawirin ng aming bus from Tiguisan.

Kinakabahan ang lahat. Ramdam na ramdam ang takot at pangamba sa mukha ng mga pasahero. Ang sabi ng driver, "O, eto na 'to!"

Sa lakas ng hangin eh talaga namang dumadag-is ang aming bus makatawid laang. Malakas ang hangin. At lahat ay may pag-aalala at takot sa mukha.

Tumatawid na ang bus namin.

1 metro - kaya pa.
5 metro - kaya pa, pero nasa gitna na kami from far right lane ng tulay.
1 metro bago makatawid ng tulay, nasa kaliwang bahagi na ng tulay ang bus namin. Parang hanging bridge ang tulay (pede ba dumaan ang bus sa hanging bridge?).
Sa awa ng Diyos naka-tawid naman kami.

Lahat at nakahinga.
Pero hindi pa tapos ang kaba.
At nag-aabang na naman sa hindi kalayuan ang isa pang tulay.


Photo Credit: Mr. Vishal-raj
Eto na ang sumunod na tulay.

Naka-pasok na ng ilang metro ang nguso ng bus.
Huminto na.
Hindi na maka-takbo pa.
Putol ang tulay.

Kaya baba ang lahat ng mga pasahero.

Sa dulo ng putol na tulay eh mahigit 5 metro pa ang dapat tawirin. May kalaliman ang dapat tawirin. Mabato, animo'y ilog na natuyuan ng tubig. Sa kanan ay nagdawag ang matataas na luntiang kawayan. Makapal. Parang wallpaper na nga sa dakong iyon.

Ang alam ko habang nasa bus kami bago makarating sa tulay na'to eh ibinalot ko na rin ang aking telepono sa silopen para hindi mabasa, pero sa mga susunod na tagpo nang mala-tele-serye kaganapang ito eh naging kagamit-gamit eto. Bigla ko naisipang kunan ng larawan ang pangalan ng tulay, hindi pa 'man tapos eh may pangalan na.

Biglang naisipan ng driver ng bus na saliksikin kung ano ang meron sa kawayanan. Habang papunta sya sa kawayanan eh dagli'y naging malinaw sa amin na ang lugar na 'yon ay lugar ng mga rebelde na hindi malinaw kung ano ang ipinaglalaban. Basta nakakatakot na mga rebelde. Handang kumatay ng tao.

Maya-maya (hindi ito isda) pa'y sabay-sabay kaming napalingong nanlalaki ang mga mata at bahagyang naka-buka ang mga bibig sa gawi ng kawayanan. May narinig kaming kaluskos. At positive kami, sa driver 'yon. Hindi nga kami nagkamali - sa loob ng kawayanan at sumigaw sya,
 
 "TUMAKBO NA KAYO!".
 
At sa mga sandaling 'yon eh positive kami na kinakatay na sya ng mga rebelde.

Take note, at ang lahat ng mga ito ay nangyayari nang naka-record sa telepono ko (wait nyo laang ‘yong nakunan ng phone sa huling bahagi).

Syempre "TAKBO" daw, kaya nagpulasan kami. 'Yong iba eh nag-suot sa ilalim ng tulay, ang iba eh doon sa kawayanan nag-punta, habang ako na very flexible at talagang pang-long jump / high jump ang talon eh bibong-bibong sa kaliwa nagpunta.

Lundag-takbo ang ginawa ko. Parang wheat field 'yong tinatakbuhan ko. Sa tuwing lumulundag ako eh natatanaw ko ang mga rebelde. May mga cranes, may construction at abalang-abala ang mga rebelde. Kinakabahan ako pero lundag at takbo ako. Pramis, malutang ako that day.

Tumigil laang ako sa aking pag-takbo at pag-talon ng nasa Bongabong na ako.

Linggo nga pala, may simba eh.

Habang dumadaan ako sa tapat ng Saint Joseph Parish eh nakita ko 'yong nanay at tatay ni Didoy, holding hands at magsisimba. Ang nakikitang kong naglalakad papuntang simbahan eh si Didoy at si Bless, pero kumbinsido ako na mga magulang nila ‘yon.

Pag-lampas kina Tria, doon sa kanto nina Enriquez eh nakasalubong ko si tita Guy at si Daddy Doc, akay-akay si Yaj at sisimba rin. Syempre bumati ko sina tita Guy at Daddy Doc, at nakipag-laro sa'kin si Jye. Sabi ni Tita Guy, "buti sumasama sa'yo si Jye, samantalang kay Robi hindi"... On cue, biglang nasa likod ko si Robi.

Sa mga sandaling ‘yon ay na-realized ko na nananaginip laang ako. Pero hanap ko agad ang telepono ko, malay mo may recording talaga.

Home
Touch ID
Photos
Vidoes – Walang laman
Recently Added – wala talaga.

Tuesday, 9 September 2008

Coffee in the Dark

Medyo late na ‘to, pero huli man, eh ihahabol ko pa rin.

Ramadan na pala. Siyam na araw na rin ang nakararaan mula ng masilayan ang bagong buwan. Sagrado ang buwan na ito sa ating mga kapatid na Muslim. At gaya nga ng naratnan ko na dito, ang buwan ng Ramadan ay ang isang buong buwan ng pag-aayuno.

Sidebar: The Holy month of Ramadan is the ninth month on the Islamic Lunar Calendar. During Ramadan, Muslims fast from dawn to dusk. The fasting starts at Faj’r (Morning Prayer), just as before the sun rises, as its rays lingers on the horizon, brushing the murky sky with the hint of oranges and amber shades. This is a whole day fasting ‘till it breaks at Magreeb (Evening Prayer), as the sun sets. Magreeb prayer starts when the sun is completely set, leaving the indigo canvas with amber and scarlet hue. Ramadan is particularly sacred for our Muslim brothers, because it was believed that the holy Qur’an was first revealed to Prophet Mohammed on this month.1

In Saudi Arabia, where the Mecca can be found, the heart of the Islam, Muslims are strictly obliged to fast, as it is included on the five pillars of Islamic Faith. For non-Muslims, we’re coerced not to take our food or water on public places where it can be seen by the fasting crowd.



RAMADAN MUBARRAK!!!

Change gear.



Ramadan na nga, though buwan ito ng pag-aayuno, di mo maika-kaila na festive na festive ang buong paligid. Maraming mga tindahan at establisyemento ang nagdagdag pa ng dati na nila maraming ilaw para lalong lumiwanag ang paligid, para gang Pasko. Halos lahat rin ay nag-dagdag ng karagdagang oras ng trabaho sa gabi, dahil nga sa umaga ay halos lahat rin ay sarado sila. Kaya kung dati eh tulog na mga tao ng ala-onse, ngayon pangkaraniwan ng tanawin ang rush-hour ng alas-tres ng madaling araw - bumper to bumper pa rin ang traffic at gising na gising pa rin ang lahat.

Dahil nga Ramadan, eto walang kainan, fasting din kami. Fasting din ako. Di man ako Muslim, subalit hindi rin ako makakain dito sa opisina ko kasi makikita nila ako. Pero syempre meron pa rin akong baong biscuit.

Ang baon kong biscuit ay ‘di nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko, di tulad noong mga nakaraan buwan, bagkus nadoon sya sa ilalim ng lamesa ko.

Para makakain lang, kailangan ko pang maghulog ng lapis o ballpen o kung ano mang maaaring ihulog para lang may dahilan akong yumuko sa ilalim ng lamesa ko, at alam nyo na ‘yon. Bukod sa kailangan kung pulutin ‘yong ihihulog ko, eh ang totoo eh dahilan lang ‘yon para dumukot ako ng biscuit at kumain. Kaya hindi magandang idea na kausapin ako matapos akong manggaling sa ilalim ng mesa ko.. kasi puno ang bibig, at kailangang hindi halatang ngumunguya… na sa totoo lang, mahirap ah..

Eh paano naman ang tubig?? Kung noong mga normal na buwan eh sabi ko nga bottomless ang kape ko, ngayon you can see the bottom, alang laman! Kung ‘yong tubig nga bawal, kape pa kaya. Naka-bakasyon rin ang tea-boy namin.. so alang taga-timpla ng kape at tsaa.

Kung dati, tuwing Ramadan, ang susi ng kitchen ay kasama ng tea-boy namin kung mag-bakasyon, ngayong taon, kahit naman papaano eh napaki-usapan namin si Jibran na iiwan ang susi.

Ang magadang balita, nakakapag-kape na ako, ‘yon nga lang sa dilim. ‘Di ako makapag-bukas ng ilaw dahil makikita sa labas na me tao sa kitchen, which is an odd scene during Ramadan. Lagi lang rin akong patago kung pumasok sa kitchen. Kailangan pang tumingin sa kaliwa at kanan na parang tatawid sa kalsada…para siguradong walang makakakita.

Sa kitchen, malinis ang lahat. Itinago kasi ni Jibran ‘yong stove at ‘yong initan ng tubig, pati ‘yong garapon ng kape at asukal ay nakatago rin.

Buti nalang iniwanan ‘yong water dispenser, na ngayon eh pinapatos ko na ‘yong “Hot Water”. Kailangan ko na ring magdala ng sarili kong kape. Isa pang buti nalang, na-uso ‘tong 3-in-1 coffee na ‘to, kaya solve!



















Sige ha.. kape muna ako.. sssssshhhh..



My references on this post:
1 Microsoft Student with Encarta Premium 2008 & Input from Tufs
2 staceycake.blogspot.com/2008_09_01_archive.html for the Moon & Mosque pic.

Saturday, 30 August 2008

The Babel Tooth

Have you been to a babel lately?

Have you been to Babel?

Have you seen Babel?

Sidebar: On English lexicon, the word “babel” has been defined as “a confused noise; a scene or place of noisy confusion”. So a flea market or a Divisoria-type of market can be considered as a “babel”. On the bible, well we all know that tower on the plains of Shinar. And for the movie-buffs, it’s the 2006 flicks of Brad Pitt, Kate Blanchett, and of course who can forget Rinko Kikuchi (the Japanese deaf chick)!




Before we build ourselves our own Babel of thought-bricks, let see first what really is this “Babel”? I was on grade school when I first heard Babel. It was on our Religion class with Madam Fely (Lyzius’ mom) that also introduces us to Jonah who has been swallowed by the big fish, to Samson and the deceitful Delilah (told you, man are simply man… and women seems to take advantage of that weakness), and of course the tale of the Great Flood, complete with soundtrack…

Bumuhos ang ulan at bumaha
Bumuhos ang ulan at bumaha
Noe! Noe! Pasakay naman!
Ang sabi ni Noe, “Hindi puede!”
Ang arko’y sarado na…

Ulan, ulan, umaalon-alon
Ulan, ulan, umaalon-alon
Ang arko’y palutang-lutang


Balik sa Babel.

Back on those days, it was really easy to communicate with other people. People can sit and talk about plans, have a healthy discussions or simply debates on the issues that affect the whole community. People from the east, west, southern and northern hemisphere can meet at the middle and just talk. On those days, the term “language barrier” is not yet part of the lexicon. Humanity back then speaks of the same tongue. Though its not mention what language they are speaking on those days, but it was clear that they have one language. “Now, the whole world had one language and a common speech.” (Genesis 11:1)

Babel was a name of the tower built by Noah’s descendants on the plain of Shinar in Babylon, an ancient city, known to us now as Iraq. The Tower of Babel was constructed so as to reach and maybe touch the heavens, to quote “Come, let us build ourselves a city, with a tower that reaches to the heavens, so that we may make a name for ourselves and not be scattered over the face of the whole earth.” (Genesis 11:3).

Unfortunately, it seems that that idea is not as too pleasing to their creator, “If as one people speaking the same language they have begun to do this, then nothing they plan to do will be impossible to them. Come, let us go down and confuse their language so they will not understand each other.” And from that moment, Tagalog, Visaya, Ilocano, Mekeni, Panggalatok, Waray, French, Japanese, Chinese, Arabic, Urdo, Hindi, Latin, German, Greek, Aramaic, English, Spanish, Italian and I can go on for hours and hours for the list of the world languages.

Sidebar: There are at least than 6,800 languages (and counting, still) unevenly distributed around the globe, not to mention those languages that has been long considered “dead”. Out of that 6,800 there are no less than 50 languages that are commonly used in our modern world.

So I guess it’s quite logical and biblical, that by nature, human beings are not created to understand each other at ease, each should exert an effort to understand each other. Just wondering, how easily would it be to achieve the so called “World Peace”, if we’re speaking on the same tongue; like it or not, same language is the common denominator for a two person to understand and unite peacefully.

Napunta sa babel ang usapang ito dahil sa pagkikita namin ng bago kong dentista. Nasa bakasyon ‘yong dati kong dentista, so no choice ako, kundi maglipat, magkatapat lang naman ang clinic nila eh.

Medyo, optimistic ako sa dentista ko bago ko pa sya ma-meet, kasi babae, though di ko pa alam kung anong nationality, ang sigurado ko lang eh hindi Pilipino. ‘Yong kasing Egyptian dentist ko before eh lalaki, at medyo walang paki-alam kung maihi ka sa pantalon sa sobrang sakit. Para bang kung lalake dapat mataas ‘yong tolerance mo sa sakit. So this time, babae ‘to, so syempre kahit naman siguro papaano eh me dental serive ‘to with TLC, hindi tomato, lettuce, and cheese, kundi tender, love, and care service.



Pagpasok ko ng clinic, mukhang ok naman. Naka-head scarf si doktora.

Doctora: Shismo? (name?)


Me: Mangyan

Hanap nya ‘yong file ko, tapos itinuro na nya ‘yong upuan, at sa mga turuang ‘yon nag-umpisa ang pasthan naming senyasan at tanguan lang. Sana nga pede sanang i-drawing nalang para magkaintindihan kami.

Ilang saglit pa nga eh nag-umpisa na ang kanyang “drilling” work. Sabi nya lang para pangangahin ako eh, “Aahhh”, sabay tingin sa loob ng bibig ko. May sinasabi sya, siguro Arabic ‘yon pero di ko maintindihan. Buti nalang at pumasok ‘yong Pilipinong dental assistant nya.

Dental Assistant: Kabayan, ano ba raw ang gagawin sa ipin mo?


Me: Ano pa eh ‘di ‘yong sira? Isa lang naman ang obsyut na obsyut na may sira eh, e’di ‘yon.

Buti nalang talaga at dumating si kabayan, kasi baka maulit na naman ‘yong nangyari noong huling punta ko ng dentista; akalain mo ba namang sa halip na ‘yong sirang ipen ang i-root canal nya eh ‘yong katabing ipen ang trinabaho. Kaya pala during the process eh sinasabi nyan buti raw hindi pa sumasakit (natural kasi maayos pa ‘yong ipen na dini-drill nya). After the procedure, doon ko nalang nalaman na nandoon pa rin ‘yong sirang ipen, at ‘yong katabing ipen na na-root canal. Haaayy…

Balik ulit kay doctora.

So, nag-umpisa nang ang drilling. Si kabayan nilagay lang sa bibig ko ‘yong tubong sumisip-sip ng tubig tas umalis na rin, so kami nalang ulit ni doctora ang naiwan. Siguro tumagal ng mga lima hanggang pitong minuto ‘yong pag-di-drill nya sa ipen ko. Medyo nanibago ako, kasi on the process of drilling di nya man lang ako pina mumug ng tubig, whereas sa ibang dentista naman eh halos maya-maya ang mumug.

At nang pamumugin na nya ako, itinuro nya lang ‘yong katabing lavatory, tingin naman ako, ahhh.. doon ko na lang ulit naintindihan na kailangan ko na palang mag-mumug.

Pasok ulit si kabayan, naghahalo ng simentong itatapal sa ipen ko. Ilang saglit pa nga at pinalitadahan na ang ipen ko, at sa bandang huli eh meron na naman syang sini-senyas sa akin.

Me: (ano?)

Ahhh.. kagat daw pala.

Ilang minuto pa ang lumipas, natapos rin sa wakas..

Hanggang sa lumabas ako ng hospital eh kagat-kagat ko pa rin ‘yong bulak. Wala naman kasing sinenyas na tanggalin ko na eh, eh masunurin ako.. he he he..

Hhhaaayy… kung iisa nga lang siguro ang wika ng mga tao eh di sana naging maiga-igaya ang aking karanasan sa mga dentista dito. Madali sana kaming nagkakaintindihan.

Ganoonpaman, eh kailangan nga raw ng extra effort para magkaintindihan.

Saturday, 23 August 2008

Unwritten Laws of Public / Common Restroom

Like it or not, we live in a place always governed by laws. A rule of conduct or procedure recognized by a community we lived in as binding or enforceable by the authority, who is another like it or not, most of the time are really “the enforcers type”; ‘yon bang nakakatakot as if you if you don’t follow the law they’ll eat you – alive. Hhmm.. siguro that’s the trick, if you fear them, you’ll obey.

As old as the creation of mankind is, law already exist. The first law given to a man can be found on Genesis, where the Creator “commanded” His creations, “…but you must not eat from the tree of knowledge of good and evil…” (Gen. 2:17).

O Adam dwell with your wife in the Garden and enjoy as you wish but approach not this tree…” (Qur’an’s Al Araf [The Heights] 7:19).

And we know the rest of the story.

It is also understood that if there is a governing law, there’s always a penalty waiting for anyone breaking it. And on the case of the first man, “…for when you eat of it you will surely die.” (Gen. 2:17); “…or you run into harm and transgression.” (Qur’an’s Al Araf [The Heights] 7:19).

May warning na ‘yan ha, and yet sabi nga “tao lang eh”… they fell in to Satan’s trap…tsk, tsk, tsk, medyo may kakulitan rin ang tao ‘no. Ang kulit-kulit.

On the Bible, it was clearly written that Eve was the first one to fall on Satan’s deception, and because of Eve’s charm, Adam too took a bite. “…she took some and ate it. She also gave some to her husband who was with her, and he ate it.” (Gen. 3:6) (Sexism aside, girls talaga oh, tukso kayo!), in Qur’an in the other hand it is not clearly stated who fell first, “…so by deceit, he (Satan) brought them to their fall: when they tasted the tree their shame became manifest to them…” (Qur’an Al Araf [The Heights] 7:22).

As they said and taught us, laws are there to have balance and harmony among all the creations, living and non-living things. To have peace and discourage conflicts, but that’s on the perfect world, ‘cause as you can observed on the planet we’re living now, there are thousands or even millions of laws has been written and yet World Peace is still a dream. Just a “beauty-pageant-must-have-on-Q&A-answer”, in fairness, aside from a greener earth and world poverty, World Peace is still on top of that list.

Boring na ‘no? This should not be like this way, medyo naaliw lang ako.. he he he..

Anyways, if there’s written law, somehow on the world we’re living today there’s also those laws that are “UNWRITTEN”. Those that are generally accepted and understood, even though not formally recorded on scrolls of papyrus. ‘Yon lang talaga ang balak kong tumbukin – The Unwritten Laws. Ano ba ‘tong mga laws na ‘to? Pede rin siguro ‘tong Common Sense Laws. Halimbawa? Ok

Unwritten Laws of Public / Common Restroom

I always have this experience on public restroom. On the cubicle, ‘yon bang when someone new walks in, syempre tahimik ang paligid and you know that someone also needs a cubicle. It is very common to hear that “fake-cough” and “very-obvious-sniffing” and the “husky clearing of throat”. Or else that someone inside the cubicle really have to create some sound just for his presence to be know to the newbie... lagi ko ‘tong ginagawa, ewan ko lang kahit pede ko namang sabihing “Me tao po”…di ko lang rin alam kung meron bang time limit ng paggamit sa mga common restroom or you can simply take your time. Syempre naman, paki-flush at mag-hugas ng kamay pagkatapos.. Kelangan pa bang i-memorize ‘yon?? He he he

Sabi naman ni Genaro, nag-iingay daw ang isang tao sa loob ng cubicle to cover-up the “plop” sound when the “tubol” fell to the water. Having said that, it is also considered an unwritten law inside the cubicle to poop as quite as possible, kumbaga though alam ng mga tao sa labas ang nangyayari sa loob, pero sa sobrang tahimik parang wala lang, para bang naupo ka lang. Excuse siguro dito ‘yong mga me-LBM, kasi the “fffrrrtttt” and farts are beyond pooper’s control na.

Isa pa, sa urinals naman, unlike crossing the street, it is very awkward to take a look left and right when you pee. Though your eyes don’t have any restriction to roam 360° inside the restroom, basta dyahe ‘yon and a big “no-no”. you can look up the ceiling or take a look down, but never south-east and south-west. Simply put “Mind your own thing”…. este “business” pala.

E ‘yong kwentuhan while you pee? Siguro depende kung gaano ba talaga ka-importante ‘yong topic na kailangan pang dalhin sa loob ng palikuran. But still, sa akin lang ha, it should not be encourage. Kasi nawawala ‘yong concentration ko to pee when I’m having a conversation and at the same time nadi-destruct rin ‘yong iba.


Hhmm.. ‘yon lang.. kala mo seryos ‘yong umpisa ‘no, he he he…

Monday, 28 April 2008

HIGANTE

Kilala mo ba si Hagrid?

Kung hindi mo sya kilala, eh kailangan mong magbasa ng libro... he he he..

Joke lang.

Kung hindi mo sya kilala, siguro naman kilala mo si Goliath?

Kung hindi mo pa rin sya kilala, siguro wala ka lang time para magbasa.

Eh si Bonnel Balingit o si Benjie Paras, kilala mo?

Kung hindi pa rin, siguro NBA ang pinapanood mo... 'yon nga lang ako naman ang walang kamuang-muang sa NBA, maliban nalang kay Michael Jordan.

Oki, kung di mo pa rin kilala 'to, aahh.... siguro naman narinig mo na ang Guinness World Record.


At kung alam mo ang Guinness, siguro naman sa mga sandaling ito ay alam mo si Leonid Stadnyx? Diba s'ya 'yong pinaka matangkad na nabubuhay na tao ngayon sa buong mundo. May taas na walong talampakan at mahigit limang pulgada.

Dagdag kaalaman: Ayon sa Guinness, meron daw tumor sa Pituitary Gland itong si Pareng Leonid. Kaya naman walang humpay sa paglalabas ang kanyang Pituitary Gland ng sangkap na pampalaki. Kaya nga ayan, sya ay lumaki.

Ngayon, kung hindi mo pa rin kilala ang mga nabanggit na tao sa itaas, aba'y wag namang ganoon... magbasa-basa naman paminsan-minsan.. he he he..

Suma-total.. lahat ay mga higante. Mga may lahing kapre. Siguro alam mo na kung saan pupunta ang usapang ito. Kung hindi pa, ako alam ko na, basa ka lang..

Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ako ng isang liham galing kay Mustafa, kasama ko dito sa trabaho - tungkol sa mga higante. Ang haba ng ano ko 'no... ng intro ko.. sa higante lang din naman pala mauuwi.

Hindi ko nalang matandaan, pero noon atang highschool ay napag-aralan namin na noong mga unang panahon ay meron talagang mga higante. Hindi ko nga matandaan kong napatunay ba ito. Ang natatandaan ko lang ay ang argumentong maaaring hindi ito totoo dahil sa dinami-dami ng mga butong nahuhukay ng mga sayantipiko, eh wala namang nahuhukay na buto ng isang higante. Ang alam ko lang may daynasor, may mga higanteng elepante, at mga naglalakihang buto ng balyena, pero higanteng tao.. wala.

Dati 'yon, hanggang noong isang linggo nga'ng matanggap ko ang liham na ito galing kay Mustafa... Kalakip nito ang isang larawan... larawang maaaring bumura sa manipis na guhit ng katotohanan at guni-guni..

"Recently gas exploration is going in the desert of south east region of Saudi Arabia.

This desert region is called Empty Quarter means in Arabic "Rab-Ul-Khaalee"; this body has been found by ARAMCO exploration team.

Which proves that what Allah said in Quran that before, the peope of AAAD nation, and HOOOD nation. They were so tall, wide, and very powerful that they were able to pull out big tress just with the one hand.

But what happen after when they become cruel and anti of Allah, Allah sub han o Taala destroyed them.

Saudi military took over this whole area. And no body is allowed to go in this area except Saudi ARAMCO personnels.

Saudi governmnet kept it very sectet but some military helicopters took pictures from air.

Pass this On... "

Sabagay maging sa bibliya rin ay nabanggit ang tungkol sa mga higanteng ito. Kung nagbabasa ka ng bibliya, nabanggit ito sa aklat ng Genesis 6:4.

"There were giants in the earth in those days...."

Sa aklat ng Bilang 13:33 "And there we saw the giants, the sons of Anak, which come of the giants..."

Sa aklat ng Deuteronomyo 2:11 "Which also were accounted giants, as the Anakims..."


Maging sa ikalawang aklat ni Samuel 21:22 "These four were born to the giant in Gath...."

Ikaw na lang ang bahala kung totoo man ito o hindi, totoong kuha o pinoto-shop na ang larawan... 'kaw na ang bahala.. basta ang pakiramdam ko ngayon, parang ang liit-liit ko..

Tuesday, 1 April 2008

April Fool's Day

Katatapos lang ng Marso. Eto na ang Abril. Unang araw ng Abril.
Akalain mo 'yon, tatlong buwan na agad ang nalagas sa kalendaryo - eto at mag-uumpisa na naman tayo ng bagong buwan.


April - Abril


Karaniwan nang tuwing unang araw ng Abril ay merong April Fool's Day. Ano ba 'to? Salamat sa Google kasi kahit papaano ay naliwanagan ako kung ano ba 'to. Hindi 'yong nakiki-april-fool's-day na lang ako. Nakiki-uso ba.


Base sa aking pananaliksik sa Google, narito ang ilan sa aking mga na-hits para sa April Fool's Day.


Sabi sa Wikipedia: The origins of this custom are complex and a matter of much debate. It is likely a relic of the once common festivities held on the vernal equinox, which began on the 25th of March, old New Year's Day, and ended on the 2nd of April.


Though the 1st of April appears to have been observed as a general festival in Great Britain in antiquity, it was apparently not until the beginning of the 18th century that the making of April-fools was a common custom. In Scotland the custom was known as "hunting the gowk," i.e. the cuckoo, and April-fools were "April-gowks," the cuckoo being a term of contempt, as it is in many countries.


One of the earliest connections of the day with fools is Chaucer's story the Nun's Priest's Tale (c.1400), which concerns two fools and takes place "thritty dayes and two" from the beginning of March, which is April 1. The significance of this is difficult to determine.


Europe may have derived its April-fooling from the French.[1] French and Dutch references from 1508 and 1539 respectively describe April Fools' Day jokes and the custom of making them on the first of April. France was one of the first nations to make January 1 officially New Year's Day (which was already celebrated by many), by decree of Charles IX. This was in 1564, even before the 1582 adoption of the Gregorian calendar (See Julian start of the year). Thus the New Year's gifts and visits of felicitation which had been the feature of the 1st of April became associated with the first day of January, and those who disliked or did not hear about the change were fair game for those wits who amused themselves by sending mock presents and paying calls of pretended ceremony on the 1st of April. In France the person fooled is known as poisson d'avril (April fish). This has been explained as arising from the fact that in April the sun quits the zodiacal sign of the fish. The French traditionally celebrated this holiday by placing dead fish on the backs of friends. Today, real fish have been replaced with sticky, fish-shaped paper cut-outs that children try to sneak onto the back of their friends' shirts. Candy shops and bakeries also offer fish-shaped sweets for the holiday.


Some Dutch also celebrate the 1st of April for other reasons. In 1572, the Netherlands were ruled by Spain's King Philip II. Roaming the region were Dutch rebels who called themselves Geuzen, after the French "gueux," meaning beggars. On April 1, 1572, the Geuzen seized the small coastal town of Den Briel. This event was also the start of the general civil rising against the Spanish in other cities in the Netherlands. The Duke of Alba, commander of the Spanish army could not prevent the uprising. Bril is the Dutch word for glasses, so on April 1, 1572, "Alba lost his glasses." The Dutch commemorate this with humor on the first of April.[citation needed]


Ito pa ang sabi ng ilan:


April Fools' Day, sometimes called All Fools' Day, is one of the most light hearted days of the year. Its origins are uncertain. Some see it as a celebration related to the turn of the seasons, while others believe it stems from the adoption of a new calendar.

April Fool's Day or All Fool's Day,holiday of uncertain origin, known for practical joking and celebrated on the first of April. Prior to the adoption of the Gregorian calendar in 1564, the date was observed as New Year's Day by cultures as varied as the Roman and the Hindu. The holiday is considered to be related to the festival of the vernal equinox, which occurs on Mar. 21. The English gave April Fool's Day its first widespread celebration during the 18th cent.

galing sa:
http://www.infoplease.com/spot/aprilfools1.html

April Fool's Day or All Fool's Day occurs annually on April 1. The day is generally observed by playing a practical joke on a "victim" who soon becomes known as an April Fool. This custom is thought to have started in France during the 16th century but the British are credited with bringing it to the United States.


The commonly accepted origin of April Fool's Day involves changes in the calendar. At one time, the New Year celebration began on March 25 and ended on April 1. However, in 1582, King Charles IX adopted the Gregorian calendar and accepted the beginning of the new year as January 1. Those who refused to acknowledge the new date or simply forgot received foolish gifts and invitations to nonexistent parties. The butt of such a prank was known as a "poisson d'avril" or "April fish."


galing sa:
http://www3.kumc.edu/diversity/other/aprlfool.html

Unlike most of the other non-foolish holidays, the history of April Fool's Day, sometimes called All Fool's Day, is not totally clear. There really wasn't a "first April Fool's Day" that can be pinpointed on the calendar. Some believe it sort of evolved simultaneously in several cultures at the same time, from celebrations involving the first day of spring.


The closest point in time that can be identified as the beginning of this tradition was in 1582, in France. Prior to that year, the new year was celebrated for eight days, beginning on March 25. The celebration culminated on April 1. With the reform of the calendar under Charles IX, the Gregorian Calendar was introduced, and New Year's Day was moved to January 1.



So 'yon na 'yon.


Happy April Fool's Day People!!!!!

Sunday, 16 March 2008

First Christian Church Open in Qatar

Praise the Lord! Sabi nga walang imposible sa Diyos. Kahit para sa ating mga tao mukhang imposible, pero hindi sa Diyos.

Nagbukas na kasi kahapon lang ang kaunaunahang legal na simbahan para sa mga Kristiyanong mananampalataya sa Qatar.


Nakakaiyak nga eh.... totoo ah.. kasi sa kauna-unahang misa or service eh kasama ang "Tagalog - languange from the Philippines". See, ganoon nalang kalakas ang impact ng pananampalatayang Pinoy sa paglaganap ng Kristiyanismo. Though, medyo nakakalungkot ring isiping majority ng M-Converts dito sa Saudi eh Pilipino, ganoopaman, andoon pa rin 'yong parang tatak na kung Pilipino ka it's either addict kang kumanta o isa kang Kristiyano.


Kahit ang motibo talaga ng Qatar eh para lamang sa bidding nila to host the 2016 summer olypics, pero ok na rin. God hands really works in such a way that we think impossible.


Ala na akong masabi.... tamang inggit, dito kaya sa Saudi kelan?




DOHA, Qatar - Thousands of worshippers gathered Saturday for the consecration of Qatar's first Christian church, ending decades of underground worship in this Sunni Muslim and deeply conservative Persian Gulf nation.


Cardinal Ivan Diaz, envoy to Pope Benedict XVI, presented the new Roman Catholic parish of Our Lady of the Rosary with a chalice offered by the pope. Many congregants wept when a relic of Saint Padre Pio da Pietrelcina was dedicated in the five-hour mass.


Three dozen bishops and priests gathered to celebrate the mass, which was conducted in English with prayers in the Tagalog language from the Philippines, Hindi, Arabic and other languages.
"It is a wonderful day for us, we have been waiting for many, many years to have a proper place of worship," said Indian resident Robert Rodriguez, one of the estimated 10,000 people who gathered for the ceremony.


Only 3,000 worshippers could fit inside the packed dome building, leaving thousands more to gather outside the doors.


Nearby, five more churches are under construction for other Christian denominations in this oil-rich state, where over 70 percent of the population are expatriate workers.


The 2,700-seat church was built on land donated by Qatar's emir, Sheikh Hamad Bin Khalifa Al-Thani. Out of respect for local sensitivities, the exterior does not feature any religious symbols that identify the building as a place of Christian worship.


Qatar follows the rigorous Wahhabi teachings of Sunni Islam, and like neighboring Saudi Arabia had not previously authorized Christians to practice their faith openly. A Catholic priest had operated in Qatar without official approval since the 1960s.


The consecration and construction appear to be signs of Qatar's efforts to open up to the West as it seeks a bid for the Olympic Games in 2016.


"It is a dream coming true," said Bishop Bernardo Gremoli, a former vicar of Arabia who initiated the church project more than 20 years ago.


Some 150,000 Christians of all denominations live in the emirate. About 90 percent of them are Catholic expatriate workers from the Philippines, India and other Asian nations.


"This is a historic day for the Christian community," said Filipino Imelda Ilotin. "It signifies that people can live together in peace and diversity if they are guided by illuminated rulers," she said.
Gremoli, who carried the relic of Padre Pio to Qatar, said it was the first ever holy relic to be sent from Rome to a church of the Arabian Peninsula.


Padre Pio, a mystic Capuchin monk who had an enormous following in Italy and abroad, died in 1968 after living for decades with inexplicable, bleeding wounds on his hands and feet, like the wounds Jesus suffered at crucifixion. Pope John Paul II made him a saint in 2002.


Qatar's most ambitious move to open up to the world has come through sports. It held the 2006 Asian games and hopes to win the 2016 summer Olympics. A short list of candidate cities for the 2016 Olympics will be announced next June.

Saturday, 15 March 2008

Weekends

Haayy.. Sabado na naman, kaya eto.. hindi gaya sa Pilipinas na ang Sabado ay talaga namang pinakahihintay na araw ng mga estudyante o kaya mga empleyado, sa Jeddah, ang Sabado ang panibagong umpisa ng isang linggo - kaya eto may pasok.

Kung ang gimick mo ay buong maghapon ng Friday, applicable sa 'yo ang TGIF (Thank's God, It's Friday - or in a roughly arabic translation: Al Hamdulillah, Allum Diumma). Sapagkat ang Friday ang walang pasok at Thursday ang weekend. Kaya naman saktong sakto ang araw ng Biyernes sa lahat ng maka-lupa at maka-langit na gimick. Segwey muna, ano-ano ba ang mga gimick na 'to?


Ang Maka-Lupang Gimick

Ito siguro 'yong mga pangkaraninwang ginagawa ng mga taong nagtrabho sa loob ng anim na araw


  1. Tulog (da best 'to lalo na kung...)

  2. Palengke / Grocery (kasama na dito ang pagpunta sa fish market, karnihan, gulayan, Star Supermarket, Panda, Sarawat, bakala, patingin-tingin sa nga Sale)

  3. Laba

  4. Plantsa

  5. Telibisyon

  6. Laro-laro (kasama dito ang basketball at iba pang palakasan - pati palakasan ng utot...)

  7. Pre-bisita (ito 'yong gulf-session noong Huwebes ng gabi)

  8. Bisita sa kaibigan (wentuhan lang dito kung minsan puedeng mauwi sa item 6)

  9. Bisita sa "kaibigan" (wentuhan pa rin, pero puede at most of the time nauuwi ito sa item 0, mga bagay before item 1)

  10. Dyim (buhat dito, buhat doon)

  11. Dyaging-dyaging... (takbo dito, takbo doon)

  12. Sisid (scuba-diving) at Pangingisda

  13. Madyong (natatandaan ko noong may pamandyongan pa ako sa kuwarto ko noon, Huwebes at Biyernes talaga ang dakilang araw, kung minsan nga extended pa, hanggang Sabado pa ang madaling araw. May naglalaro nga noon na pagpasok nya ng kuwarto ko o ng aking mini-casino ay punong-puno ng alahas, as in... kasi lahat ng daliri nya sa kamay ay merong singsing, patong-patong rin ang kanyang kadenang ginto sa leeg at halos hindi na nya maitaas ng maayos ang kanyang kamay sa bigat ng pulselas nya. Pero kung minsan, kung tag-malas, umuuwi sya na halos dalawang kilo ang nabawas sa timbang nya. Pero kung tag-buenas naman, mas ok sa akin, kasi malaki magbigay ng tong)

Ang Maka-Langit na Gimick


Medyo mahirap ipaliwanag, ibang lebel ga... basta ito 'yong mga pinagkakaabalahang you feel closer to your creator, or you just feel good about it - feel mo heaven.



  1. Simba / Samba / Gawain / Friday Service / Misal (kasama na lahat dito, praise and worship, pangungumpisal, tithes and offerings, pag-aayuno, bible study)

  2. Pot-lunch (tanghalian kasalo ang mga kapatid)

  3. Dalo sa gawain kasi dumalo si Sister or si Bro (pramis meron talagang ganyan.. marami akong kilalang dumadalo lamang sa "gawain" kasi may mga bagong nars o stiwardes na sister o kaya naman maraming "papables". Naka-attend pa nga ako ng sports-fest kasi may ipapakilala sa akin, attend naman ako, though im not that sport-fest-ee, kasi nga iba pala ang motibo.)

  4. Kahit anong gawain na you will feel like you're in heaven - sarap ng feeling bro.., pero ang hindi mo alam sa bandang huli ay lilitsonin ka rin pala sa dagat-dagatang apoy.. shet maenit. et's anfer!!!

  5. Family visit / Family Get-together (limited ito sa totoo or the legal family, or else kasama ito sa item 9 ng maka-lupang gimick)

Hindi naman para sa lahat, subalit ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain ng mga Noypi tuwing weekend dito sa Jeddah. Kung hindi man siguro ito ang kalahatan, sa ibang edisyon nalang ang iba.


At yon ang Huwebes at Biyernes, haba ng segwey, he he he... at Sabado na, kaya naman gaya ng dati, bago mag-umpisa sa trabaho, matapos ang papuri at pasasalamat sa aking dakilang manlilikha, eto naman ang aking dakilang maninipa... ang kape.. he he he. Ang kape raw pampagising.. pero kung ala ka na talagang ginagawa sa opisina mo, pustahan - sandali bawal nga pala ang sugal dito.... ok ano nalang.... sige na pustahan nalang for this post's sakes nalang oooo... ok, sigurado kung ala kang ginagawa o pinagkakaabalahan, ang bisa ng kape na pampagising ay magiging pampatulog.. hyper-tulog...


Trabaho muna....sandali tanong lang ako, Ano gimick mo kahapon?

Monday, 10 March 2008

Panaginip: Tubig

Ang tubig ay mahalaga sa isang tao. Diba nga, ang tubig ay buhay. Sabihin na rin natin na otsenta porsyento ng katawan ng isang tao ay tubig. Ganoon din sa ating mga panaginip, malaki ang ginagampanang papel ng elemento ng tubig sa ating mga panaginip.

Ayon sa matatandang kaalaman (walang mahika ‘to, hindi rin ito ang mga mang-gagaway, sabihin nating mga babaylan), ang paglabas ng elemento ng tubig sa ating mga panaginip bilang isang dagat ay maaaring simbolo ng ating pagkamulat sa ating natutulog na kamalayan – kung saan mas nagiging sensitibo tayo sa ating mga emosyon, maging ‘yong pinakamalalim na lebel ng ating emosyon. Mas nagiging sensitibo tayo sa pagtugon sa ating mga emosyonal na pangangailangan, kahit na rin sa emosyon ng mga taong nakapaligid sa atin (hindi naman kinakailangang nasa panaginip rin natin ang taong ito), basta sensitibo lang tayo. Para gang bunga ng papaya (ang papaya dito ay isang pagsasalarawan lang sa pagiging sensitibo, hindi kinakailangang makaroon ng papaya sa ‘yong panaginip upang ang paliwanag na ito ay maging karapatdapat).

Ngayon, kung mas malaki pa sa dagat ang ating panaginip, karagatan na ito. Ganoon pa rin ang paliwanag pero ang dagat na naging karagatan, ang syang kasidhian ng elementong ito.

Samantala, ang mga alon – malaki man o maliit, ang pagkati at pagtaas ng tubig, ay simbolo naman ating aktual na pagpapalit o pagbabago-bago ng emosyon at nararamdaman. Ganoonpaman, ang elementong ito ay hindi nagsimsimbolo ng negatibo o posetibong emosyon, mapa-kanan man o kaliwa ang palo ng alon, malakas man o banayad ang daloy ng tubig.

Ayon pa rin sa ka-chat ‘kong babaylan, ang panaginip kung saan nakikita natin ang ating sariling lumalangoy sa isang paliguan (eto ‘yong pool), ay maaaring simbolo ng ating pag-atras, pag-ayaw, o pagbabalik sa kung anong sitwasyon tayo mayroon sa kasalukuyan, ito ay dahil na rin sa noong tayo ay pawang mga nasa sinapupunan pa lang ng ating mga magulang tayo ay nababalot sa tubig o ‘yong panubigin. Samantalang simbolo naman ng bagong buhay, bagong pag-asa, at bago o magandang panimulain ang makita natin ang ating sarili sa panaginip na umaahon papalabas ng paliguan (pool pa rin).

Maaari namang magpahiwatig ng pagkatakot sa kamatayan, pagkatakot sa maraming bagay-bagay sa ating paligid, kung makikita natin ang ating sarili sa panaginip na nalulunod at lumulubog. Datapuwat, ang dahan-dahan namang paglubog sa tubig na walang bakas ng pagkatakot sa ating mga mukha ay simbolo ng ating masidhing pagnanasang saliksikin pa ang kaibuturan ng ating pagkatao o kaya naman ay ang ating masinsinang pagtuklas sa sarili nating kamatayan.

At sa pangwakas na bahagi tungkol sa tubig, ang makita natin ang ating sariling naliligo o naghuhugas ay simbolo ng ating pagnanasang malinis ang ating buhay at pagkatao. Maari rin itong sumimbolo sa kagalingan.

Sunday, 9 March 2008

Panaginip, Dreams, Khwab

Panaginip.
Dreams.
Sawa-sawa shuft enta flim hada belil noum.
Rêve.
Khwab.

Iba’t-ibang dila, iba’t-iba interpretasyon. Ibat’t ibang paniniwala.


Dito sa Saudi, hindi ko lang eksakto alam kung ano sa kanila ang panaginip. Basta kung tatanungin mo sila, kailangan mo lang ipaliwanag kung ano ba talaga ito.

Me: Sadik, kee pak? (Kaibigan, kumusta ka?)
Arabo: Allahamdullelah… kep? (Sa awa at biyaya ni Allah ay maayos, bakit?)
Me: Sadik, enta maloum hada enta noum belil, baden hada enta noum hada juwa enta shuft sawa-sawa flim, mungkin enta shuft tani nafar hada mut? (almost the translation: Kaibigan, alam mo ba ‘yong kung natutulog ka sa gabi, tapos sa pagtulog mo ay may napapanood kang parang pelikula, kung minsan nakikita mo rin kahit ‘yong mga taong patay na?)
Arabo: Aaahh.. eywa. Ish mushkila? (Aaahh..oo. Anong problema?)
Me: La, la, mafi mushkila. Ana kalam, bas. (Wala, wala, walang problema. Nagtatanong lang, tapos.)
Arabo: Blah... Blah...Blah... Blah.... sa? Maloum? (blah...blah...blah... diba? Intinde?)


At natapos ang usapan namin na wala rin akong napala, paano ga’y naubusan na ako ng Arabic words, at ‘yong mga sinasabi nya sa akin ay pawang blah… blah… blah… nalang. Wala na akong maintindihan. Pero ang sigurado, kahit sila man ay nananaginip rin. Ang hindi ko lang alam ay kung ano para sa kanila ang panaginip.

Khwab (ku-wab), eto ang tawag nila sa India sa panaginip. May naniniwala at may hindi. Pero para sa kanila, ang paniginip sa gabi ay para lamang natural o kalikasan na talaga ng isang tao na managinip sa gabi. Parang PC na pag nag-start ka, natural na daraan sya sa booting-up process, ganoon din sa kanila sa pananaginip – na kung ang isang tao ay matulog ng mahimbing, natural na sya ay mananaginip. Kung ito man ay mangyayari sa hiniharap o nangyari na noong nakaraang panahon o kasalukuyang nangyayari, ito ang hindi malinaw para sa kanila. Take note, eto ang mga panaginip sa gabi, eh paano ‘yong mga panaginip sa umaga? Ibang usapan na ulit ‘yon. Para kasi sa isang Indian na nakausap ko na itatago ko sa pangalang Sohail, mas may posebilidad na magkatotoo ang isang panaginip kung ito ay nangyari ng umaga, o kung magbubukang-liwayway. Subalit para kay Sohail, hindi rin malinaw para sa kanya kung ito ay panghinaharap, pangkasalukuyan, o pangnagdaan. Ayon na rin sa kanya, may mga panaginip sya dati na nangyari nga, at may iba namang parang nangyari na.. de jávu ba.

Sa wikang Pranses, ang panaginip ay Rêve (medyo mahirap isulat ang tamang pagbigkas, basta parang wuub). Hindi na ako nag-interview ng Pranses, baka kasi maubos ang baon kung French Bread…

Panaginip ito sa mga Pilipino, at kung medyo masama-sama ang nilalaman at kung minsan ay nauuwi sa kamatayan ng tao, bangungot ang tawag natin dito. Maraming pamahiin o paniniwala tayong mga Pinoy pagdating sa panaginip. At halos lahat ng Pinoy naniniwala sa panaginip. Meron tayong kanya-kanyang interpretasyon, ito ang ilan.

Dagat / Ilog – naglalarawan ito ng emosyon. Depende sa agos o sa sitwasyon ng dagat o ilog kung ito ay maglalarawan ng maganda o hindi magandang emosyon.

Ngipin – maraming paglalarawan sa ngipin, depende sa panaginip. Kung nanaginip ka ng masakit na ngipin, maaari itong maglarawan sa isang karamdaman. At kung nanaginip ka naman ng nahuhulog o nabubunot na ngipin, eto ang kamatayan – aprobado raw ito. Hindi ko lang alam kung ano ang gustong iparating kung pinapastahan, niru-root canal, o kaya namay ay nilalagyan ng brace ang ngipin.

Tae / Elvs – Pera… pera … at pera pa rin. Sabi nila, pagbaho (may amoy ba ang panaginip?) at pagdami ng tae sa paligid mo sa ‘yong panaginip ay mas maliki ang posibilidad na magkapera ka.

Dugo – marami ring paliwanag sa kung ano ang ibig sabihin ng dugo sa panaginip. Depende rin ‘yon kung ang panaginip mo ay colored o black & white. Ang dugo ay puedeng simula ng isang bagong buhay, puede ring kamatayan, puede ring paglilinis, depende sa panaginip.

Taong Patay – eto hindi malinaw, kasi dito puedeng nagpaparamdam yong taong namatay na, o puede ring may gusto syang sabihin doon sa nananaginip, o puede ring napadaan lang sa background – depende pa rin sa panaginip. Pero ironic, kasi kung ang makikita mo sa panaginip mo ay buhay pa, pero patay na sya sa panaginip mo, puede raw itong sumimbolo ng bagong pag-asa o bagong simulain. Para bang pinatay mo na ‘yong dati mong pagkatao, at mag-uumpisa ka muli ng isang bagong buhay.

Colored / Black & White na Panaginip – sabi noong kasabay ko sa service kanina, kung colored raw ang panaginip mo, ibig sabihin ay makulay raw ang buhay mo, at kung black & white naman ay syang kabaliktaran… walang kawenta-wenta ang buhay.

Tumatakbo – eto marami ring paliwanag tungkol dito at depende sa tinatakbuhan mo o kung saan ka pupunta. Puede raw itong sumimbolo sa pagtakas mo sa isang kalagayan sa buhay, puede rin itong pagtakas sa nakaraan.

Numero – lahat yata ng taong mahilig tumaya sa lottery, weteng, at sa kung ano pang sugal na may numero, ang pananaginip ng numero ay isang biyaya. Lahat ng mga mananaya ay nangangarap na sana bago dumating ang grand draw makapanaginip ng numero. Meron pa nga sila talaan kung anong numero sumisimbolo ang isang ahas, kahoy, bag, at marami pang iba. Ito ‘yong “tip from heaven” na sinasabi nila, na kung minsan hindi naman ganoon ka-accurate ang tip, kasi puedeng tumama, puedeng hindi.

Marami pang klase nang panaginip. Marami pang iba’t-ibang materyales ang puedeng lumabas sa panaginip. Sabi nang ilan, puede raw na ang panaginip ay kabaliktaran ng gising na buhay. Puede rin daw itong mga tagong pagnanasa ng isang tao na hindi nya maisagawa sa gising na daigdig, kung kaya’t lumalabas ito sa kanyang natutulog na kamalayan. Kakaiba talaga ang tao ‘no?

Si Bantay kaya, o si Miming, o si Nemo, nananaginip rin kaya? May kahulugan kaya ang mga panaginip nila?

Ikaw, anong napanaginipan mo kagabi?

Saturday, 8 March 2008

Naniniwala kaba sa Multo?

Katatapos ko lang mananghalian. Habang nagpapahinga nag konti naisipan kong linisin ang laman ng telepono ko. Dalawa lang kami ni sir tony sa office, nasa harapan ko ang table nya. Tahimik ang paligid, maliban sa paminsan-minsang pagtipa ni sir tony sa keyboard na computer nya. Naging abala ako sa paglilinis ng laman ng telepono ko, hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras....parang hindi ko na rin naririnig ang pagtipa ni sir tony sa keyboard ng computer nya. Nag-iisa nalang pala ako sa office. Parang ang lamig-lamig ng paligid...kahit ang aking mga kamay ay nanlalamig.... Hanggang sa.. he he he prelude lang po.. eto na ang kwento.


Hanggang sa na-browse ko 'yong internal folder ng telepono ko. Yong music folder - empty, yong documents folder - empty, application folder - empty, other folder empty, picture folder - 1 file. Ooppss... may file pala ako sa phone memory, hindi naman kasi ako nasi-save ng file sa phone memory ko, lahat ng file ko asa external memory. In-open ko 'yong folder.


~SDSM640.jpg


Picture ng babae ang nasa thumbnail. Pinipilit kong kilalanin, pero hindi ko naman kilala.. so binuksan ko 'yong file...


.... loading


at nagbukas nga ang file... muli kinilabutan ako ng makila ko ang larawan, kung paano ako kinilabutan noong una ko itong makita.


Nobyembre noong nakaraang taon, Undas, at tuwing sasapit ang ganitong panahon sa kalendaryo ng mga Pilipino, hinding-hindi mawawala ang usapang multo...galing kay ate lala ang larawang ito. Larawan daw ito ng dalawa nyang kaibigan na kinunan sa palikuran ng kanilang paaralan. Kung pagmamasdan mo ang larawan, parang ordinaryong larawan lang. Subalit kung susuriin mong mabuti, parang may kakaiba. Bukod sa kanilang dalawa ay may isa pang tao sa likod nila. Hindi mang tuwirang sabihin ni ate lala kung sino ang pangatlong babae sa larawan, lumalabas na isa itong multo. Noong una ko itong makita, matapos akong kilabutan, ay napagisip-isip ko na baka in-adobe photoshop 'tong larawan na 'to... pero sabi mismo ni ate lala, matapos kunan ang larawang ito ay ipinasa raw sa kanya ito sa pamamagitan ng bluetooth at imposibleng mai-edit pa ito. At sa puntong 'yon, nag-umpisa ang usapan tungkol sa kung anong kasaysayan meron ang palikurang iyon sa kanilang paaralan. Na noong unang panahon daw ay may namatay doon sa palikurang iyon. Maraming kuwento. Iba't-ibang bersyon. Sa dami, hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang kuwentong bayan.


Ikaw naniniwala ka ba sa multo?


Multo nga kaya ang nasa larawan? O isa lamang repliksyon sa salamin. Kung repliksyon man, repliksyon nino? Kung isa nga itong multo, ano naman ang dahilan ng kanyang pagpaparamdam o pagpapakita? Pero kung tutuusin nga mas mabuti pa itong mga multong 'to nagpaparamdam (wag lang manakot ha), may ibang mumu kasi na hindi na talaga nagpaparamdam...


In-edit kaya ang larawang ito? Pero may tiwala ako kay ate lala... unedited 'to.