Showing posts with label Pinoy Ako. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Ako. Show all posts

Sunday, 28 September 2008

Si Juan at ang Alimangong Pinoy

"If you do not lift them up,they will pull you down."

W.E.B. Du Bois
(1868-1936)



Usapang alimango.

Paborito ko ang alimango; aba sino ba naman ang makakatanggi sa matabang babaeng alimango na naninilaw-nilaw ang alige. Kahit pa ginataan, inihaw, sinigang, o kahit anong luto pa ‘yan, basta alimango, wala na tayong pag-uusapan.


Alimango raw ang tawag sa mga uri nito sa tabang, at alimasag naman sa alat. Sa amin sa Mindoro me tinatawag rin kaming “kuray”, ito ‘yong jumbo alimango. Kumbaga sa tao, maselan ‘to – puro muscles. Dahil nga maselan at talaga namang naglalakihan ang mga kuray na ito na karaniwang nahuhuli sa mga mapuputik na bahagi ng palaisdaan (kung minsan sa mga kanal rin), ang kapal din ng mga balat nito. Di tulad sa ibang uri ng alimango o alimasag na maaring kagatin na lang ang sipit eh mabibiyak na, sa kuray magdadalawang isip kang kagatin – kasi makapal nga at matigas ang balat nito. Kung matibay talaga ang ipin mo eh di mabibiyak mo ang balat nya sa kagatan lang, pero kung isang beses ka lang nagsisipilyo sa isang araw at medyo nagkukulang ka sa calcium, eh mabibiyak pa rin naman, ‘yon nga lang hindi ang sipit, kundi ang ngipin mo.

Lahat naman siguro ay nakakita na ng alimango o alimasag kahit minsan sa kanyang tanang buhay. Bukod sa dalawa nitong sipit na masakit maka-ipit na ginagamit nya bilang proteksyon eh meron pa rin ‘tong apat pang mga paa / galamay magkabilaan (na masarap sipsipin kung ubos na laman, aligi at sipit) – sampu lahat ang kanyang mga paa / galamay.

Sidebar: Crab is common name for any of a group of crustaceans characterized by a reduced abdomen and an enlarged and broadened anterior portion of the body. Although most common as bottom dwellers in the sea, crabs also occur in fresh water, and some venture onto land. Crabs are divided into two groups: true crabs (about 4500 species – kasama na siguro dito ang mga kalagukoy at talangka) and hermit crabs (“umang” ito kung tawagin namin sa Mindoro) and their allies (about 1400 species).

Scientific classification: Crabs belong to the order Decapoda, subphylum Crustacea, phylum Arthropoda. True crabs make up the infraorder Brachyura. Hermit crabs and their allies make up the infraorder Anomura. Fiddler crabs belong to the genus Uca, sand crabs to the genera Emerita and Blepharipoda, and hermit crabs to the genus Pagurus.


Maliban sa masarap nitong alige at yaman ng laman nito sa protina, kilala rin ang alimango sa kanilang kakaibang mga katangian – gaya na lang ng pagtakbo at paglakad nila ng pahalang. Subalit sa sarap at sa iba pang magagandang katangian ng isang alimango / alimasag, nariyan pa rin ‘yong pangit nilang ugali – paghihilahan pababa.

Crab Mentality.

Familiar siguro tayo sa mga katagang ito. Kasi malimit natin itong naririnig at kung minsan nga eh nagkakaroon ng kaganapan sa ating mga buhay.

Asa grade school pa lang ako eh narinig ko nang itinuro sa amin ang “Crab Mentality” na ‘yan, at hindi sa Science Class namin, kundi sa Sibika at Kultura. Sabi ni Ma’am Tria nun, likas daw sa nating mga Pilipino ang ganitong kaisipan – “Isip Talangka”. Oi, hindi ito ‘yong mga “utak talangkang” ginagamit sa mga usapan sa barberya na ang ibig sabihin eh “walang utak”.

E ano nga ba ‘to? Ang “Crab Mentality” o ang “Kaisipang Alimango” ay isang paghahambing sa ugali ng mga alimangong nasa isang buslo at nag-uunahang kumawala. Sa loob ng buslo ay kapansin-pansin ang pag-hihilahan ng mga alimango sa kapwa nila alimango. Kaisipang sa halip na naroon ang pagtutulungan para kumawala eh mas ninanais pa ng bawat isa na hilahin pababa ang sa buslo ay pilit na kumakawala. Ito ‘yong ugaling..hhhmmm.. di naman eksaktong “Ganid” o “Makasarili”… siguro sa pagitan ng dalawang ‘yon.

Akalain mong meron din pala ‘tong paliwanag sa Wikipedia.

Sidebar: Crab mentality describes a way of thinking best described by the phrase "if I can't have it, neither can you." The metaphor refers to a pot of
crabs in which one tries to escape over the side, but is relentlessly pulled down by the others in the pot.

This term is broadly associated with short-sighted, non-constructive thinking rather than a unified, long-term, constructive mentality. It is also often used colloquially in reference to individuals or communities attempting to "escape" a so-called "underprivileged life", but kept from doing so by others of the same community or nation attempting to ride upon their coat-tails or those who simply resent their success.

It describes a selfish and desperate lust to pull other people down, denigrating them rather than letting them get ahead or pursue their dreams. It is an unwillingness to allow someone to get out of dire or bad life situations, often being foiled by friends and family members who keep sucking them back in. This trait can strike at several levels of life, like in office environments, particularly on promotion. It is a reflection of the famous saying “we all like to see our friends get ahead, but not too far ahead.”


Napunta dito ang panulat ko dahil sa aking napanood sa Balitang Middle East ng The Filipino Channel kagabi.

Isang kababayan sa Riyadh ang sinet-up ng kapwa nya Pilipino sa hindi pa malamang motibo. Si kabayan eh bagong salta pa lang sa Riyadh, ilang buwan pa nga lang ata sya sa trabaho. Na kung tutuusin eh nangangailangan pa ng patnubay lalo na sa kapwa nya Pilipino, subalit mali pala ang Pilipinong nakatagpo nya – ito ‘yong tipo ng Pilipinong maaari mong ipagkailang Pilipino ng maluwag sa puso mo.

Ano ang kwento ?

Ang pobreng kabayan tawagin nalang nating Juan (as usual) ay dumating ng Riyadh para magtrabaho. Dala marahil ang pangarap na sa wakas “sa aking munting kapamaraan ay mai-aahon ko sa kahirapan ang aking pamilyang iniwan sa Pilipinas”. Ayon sa kanyang mga kasama sa trabaho at sa bahay, matino naman si Juan, maayos at masigasig sa trabaho.

Ilang linggo pa nga ang lumipas eh dumating na ang Alimangaong Pinoy. Hindi ko lang naintindihan sa balita kagabi kung kaibigan ba ni Juan ang Alimangong Pinoy, dahil sa hindi pa rin maipaliwanag na kadahilanan eh binigyan umano ni Alimangong Pinoy si Juan ng isang SIN Card, este SIM Card pala.

Anong meron sa mahiwagang SIM Card?

Ang mahiwang SIM Card ay meron palang mga mahiwagang “caller”. Mga tawag at “caller” na nagdala kay Juan ngayon sa malalamig na selda ng Riyadh.

Nabanggit at ayon na rin sa pagkakaalam ng mga kasama sa bahay ni Juan, eh meron nga raw tumatawag na mga “katutubo” sa SIM na ‘yon na ibinigay ng Alimangong Pinoy. Mga tawag na nangangailangan ng mahiwang serbisyo. Serbisyong malinaw pa sa sikat ng araw na ipinagbabawal sa lugar na ito – ang pagmamasahe ng lalake sa kapwa nya lalake, maliban na lamang na lisensyado at propesyonal ang gagawa nito.

Sa isa ngang entrapment operation na isinagawa ng kapulisan ng Riyadh kasama ang isang Mutawa o Punong Ministro ng Islam, ay nahuli si Juan na nakikipagtalamitam sa isa umanong “parokyano”.

Wala mang matibay na ibidensya o hindi man nahuli sa akto si Juan, subalit ayon na rin sa mga dumakip na pulis at mutawa sa kanya ay “sapat na ang pakikipag-usap” nya sa parokyano sa kabilang linya. Ni hindi na nga nabanggit kung marunong nga ba talagang magmasahe si Juan kung saka-sakali mang totoo nga ang ibinibintang sa kanya.

Ilang buwan na ring nakakulong sa Riyadh si Juan, samantalang ang Alimangong Pinoy ay hindi na rin makita o mapangalanan man lang.

Nakakalungkot isiping merong mga ganitong klaseng Pilipino. Pilipinong wala man lang pagmamalasakit sa kanyang kapwa Pilipino.

Sa bandang huli, napaisip tuloy ako : “Pilipino nga kaya si Alimangong Pinoy ?”, kung ito man ang alimangong igagata, di bale na lang…magdi-dildil na lang ako ng asin.

Kung meron pang ibang mga Juan dyan, aba magdalawang isip muna tayo bago tayo magtiwala sa ibang tao, kahit na nga kababayan natin ito. Sabi nga “walang manloloko kung walang magpapaloko” ‘wag nating bigyan ng pagkakataon ang ibang pang Alimangong Pinoy na lokohin tayo at masakit eh ipagkanulo pa tayo.

At sa mga Alimangong Pinoy, mahiya ka naman…kapal ng balat mo ‘teng….siguro kuray ka ‘no?

My references, thank you :
1. Microsoft Student with Encarta Premium 2008 for my Crab Sidebars & Quotation
2. Balitang Middle East ng The Filipino Channel
3. http://www.wikipedia.com for my Crab Mentality Sidebars
4. http://www.thebiographychannel.co.uk for Behind Bars Image
5. http://www.ccgov.org for Crab on Basket Image
6. http://www.bluestargroup.co.uk for Caller Image

7. http://www.reef.crc.org.au for Crab Image

Saturday, 30 August 2008

The Babel Tooth

Have you been to a babel lately?

Have you been to Babel?

Have you seen Babel?

Sidebar: On English lexicon, the word “babel” has been defined as “a confused noise; a scene or place of noisy confusion”. So a flea market or a Divisoria-type of market can be considered as a “babel”. On the bible, well we all know that tower on the plains of Shinar. And for the movie-buffs, it’s the 2006 flicks of Brad Pitt, Kate Blanchett, and of course who can forget Rinko Kikuchi (the Japanese deaf chick)!




Before we build ourselves our own Babel of thought-bricks, let see first what really is this “Babel”? I was on grade school when I first heard Babel. It was on our Religion class with Madam Fely (Lyzius’ mom) that also introduces us to Jonah who has been swallowed by the big fish, to Samson and the deceitful Delilah (told you, man are simply man… and women seems to take advantage of that weakness), and of course the tale of the Great Flood, complete with soundtrack…

Bumuhos ang ulan at bumaha
Bumuhos ang ulan at bumaha
Noe! Noe! Pasakay naman!
Ang sabi ni Noe, “Hindi puede!”
Ang arko’y sarado na…

Ulan, ulan, umaalon-alon
Ulan, ulan, umaalon-alon
Ang arko’y palutang-lutang


Balik sa Babel.

Back on those days, it was really easy to communicate with other people. People can sit and talk about plans, have a healthy discussions or simply debates on the issues that affect the whole community. People from the east, west, southern and northern hemisphere can meet at the middle and just talk. On those days, the term “language barrier” is not yet part of the lexicon. Humanity back then speaks of the same tongue. Though its not mention what language they are speaking on those days, but it was clear that they have one language. “Now, the whole world had one language and a common speech.” (Genesis 11:1)

Babel was a name of the tower built by Noah’s descendants on the plain of Shinar in Babylon, an ancient city, known to us now as Iraq. The Tower of Babel was constructed so as to reach and maybe touch the heavens, to quote “Come, let us build ourselves a city, with a tower that reaches to the heavens, so that we may make a name for ourselves and not be scattered over the face of the whole earth.” (Genesis 11:3).

Unfortunately, it seems that that idea is not as too pleasing to their creator, “If as one people speaking the same language they have begun to do this, then nothing they plan to do will be impossible to them. Come, let us go down and confuse their language so they will not understand each other.” And from that moment, Tagalog, Visaya, Ilocano, Mekeni, Panggalatok, Waray, French, Japanese, Chinese, Arabic, Urdo, Hindi, Latin, German, Greek, Aramaic, English, Spanish, Italian and I can go on for hours and hours for the list of the world languages.

Sidebar: There are at least than 6,800 languages (and counting, still) unevenly distributed around the globe, not to mention those languages that has been long considered “dead”. Out of that 6,800 there are no less than 50 languages that are commonly used in our modern world.

So I guess it’s quite logical and biblical, that by nature, human beings are not created to understand each other at ease, each should exert an effort to understand each other. Just wondering, how easily would it be to achieve the so called “World Peace”, if we’re speaking on the same tongue; like it or not, same language is the common denominator for a two person to understand and unite peacefully.

Napunta sa babel ang usapang ito dahil sa pagkikita namin ng bago kong dentista. Nasa bakasyon ‘yong dati kong dentista, so no choice ako, kundi maglipat, magkatapat lang naman ang clinic nila eh.

Medyo, optimistic ako sa dentista ko bago ko pa sya ma-meet, kasi babae, though di ko pa alam kung anong nationality, ang sigurado ko lang eh hindi Pilipino. ‘Yong kasing Egyptian dentist ko before eh lalaki, at medyo walang paki-alam kung maihi ka sa pantalon sa sobrang sakit. Para bang kung lalake dapat mataas ‘yong tolerance mo sa sakit. So this time, babae ‘to, so syempre kahit naman siguro papaano eh me dental serive ‘to with TLC, hindi tomato, lettuce, and cheese, kundi tender, love, and care service.



Pagpasok ko ng clinic, mukhang ok naman. Naka-head scarf si doktora.

Doctora: Shismo? (name?)


Me: Mangyan

Hanap nya ‘yong file ko, tapos itinuro na nya ‘yong upuan, at sa mga turuang ‘yon nag-umpisa ang pasthan naming senyasan at tanguan lang. Sana nga pede sanang i-drawing nalang para magkaintindihan kami.

Ilang saglit pa nga eh nag-umpisa na ang kanyang “drilling” work. Sabi nya lang para pangangahin ako eh, “Aahhh”, sabay tingin sa loob ng bibig ko. May sinasabi sya, siguro Arabic ‘yon pero di ko maintindihan. Buti nalang at pumasok ‘yong Pilipinong dental assistant nya.

Dental Assistant: Kabayan, ano ba raw ang gagawin sa ipin mo?


Me: Ano pa eh ‘di ‘yong sira? Isa lang naman ang obsyut na obsyut na may sira eh, e’di ‘yon.

Buti nalang talaga at dumating si kabayan, kasi baka maulit na naman ‘yong nangyari noong huling punta ko ng dentista; akalain mo ba namang sa halip na ‘yong sirang ipen ang i-root canal nya eh ‘yong katabing ipen ang trinabaho. Kaya pala during the process eh sinasabi nyan buti raw hindi pa sumasakit (natural kasi maayos pa ‘yong ipen na dini-drill nya). After the procedure, doon ko nalang nalaman na nandoon pa rin ‘yong sirang ipen, at ‘yong katabing ipen na na-root canal. Haaayy…

Balik ulit kay doctora.

So, nag-umpisa nang ang drilling. Si kabayan nilagay lang sa bibig ko ‘yong tubong sumisip-sip ng tubig tas umalis na rin, so kami nalang ulit ni doctora ang naiwan. Siguro tumagal ng mga lima hanggang pitong minuto ‘yong pag-di-drill nya sa ipen ko. Medyo nanibago ako, kasi on the process of drilling di nya man lang ako pina mumug ng tubig, whereas sa ibang dentista naman eh halos maya-maya ang mumug.

At nang pamumugin na nya ako, itinuro nya lang ‘yong katabing lavatory, tingin naman ako, ahhh.. doon ko na lang ulit naintindihan na kailangan ko na palang mag-mumug.

Pasok ulit si kabayan, naghahalo ng simentong itatapal sa ipen ko. Ilang saglit pa nga at pinalitadahan na ang ipen ko, at sa bandang huli eh meron na naman syang sini-senyas sa akin.

Me: (ano?)

Ahhh.. kagat daw pala.

Ilang minuto pa ang lumipas, natapos rin sa wakas..

Hanggang sa lumabas ako ng hospital eh kagat-kagat ko pa rin ‘yong bulak. Wala naman kasing sinenyas na tanggalin ko na eh, eh masunurin ako.. he he he..

Hhhaaayy… kung iisa nga lang siguro ang wika ng mga tao eh di sana naging maiga-igaya ang aking karanasan sa mga dentista dito. Madali sana kaming nagkakaintindihan.

Ganoonpaman, eh kailangan nga raw ng extra effort para magkaintindihan.

Tuesday, 26 August 2008

Ang Huling Birit ni YXX

This shouldn’t be the one that I’m supposed to be posting today. Since yesterday, I already had a draft of the supposed to be the one for posting today but a more interesting one popped-up last night, interesting enough to consider the latter to the previously scheduled (which I’m not yet done proof-reading – diba naman men me ganoong effect na ako ngayon).



Some words on this post may not be suitable for very young reader, likewise some words between the quotation marks may need further explanation from an adult, PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED.

Sa pagpapatuloy...

Last night Rike, Aregon, Treb, Slev and I hanged out over a box of pizza and some cola. Kwentuhan, kumustahan, at marami pang kwentuhan. What caught my attention was this “videoke” story of Aregon. A videoke showdown that terminates and sent Mr. YXX back to the Philippines.

Just a background. Mr. YXX is an orphan, living alone with his siblings. He is the family’s bread winner, and in search for a “greener pasture”, he’s here in Jeddah. He’s working on a big hypermarket here, don’t know exactly what his job is.

Anyways, Mr. YXX loves to “sing”, don’t know if he also “sings” in the Philippines, but here it seems that “singing” will make him a superstar, or not.

Change gear…

Ayon sa kwento ni Aregon1, di ko nalang rin nalinaw kong ito ba ay noong isang araw pa, o noong makalawa o noong isang linggo pa, basta sa kasalukuyan ay na-sesante na si G. YXX dahil nga sa kanyang masuyo at banayad2 na “pag-awit”.

Sa trabaho, maayos naman si G. YXX, bibong-bibo nga eh. Sya ‘yong huwarang manggagawa, ang patuloy na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo, pinatutunayan ang galing ng mga Pilipino. Sya ‘yong sa unang tingin eh ‘di mo kakikitaan ng hilig sa “pag-kanta”.

Di gaya ng sa ‘Pinas, ang mga shopping centre dito eh bukas ng 9:00 hanggang 13:00 lang, at sarado sa pagitan ng 13:01 hanggang 15:59, at muling magbubukas ng 16:00 (pagkatapos ng “pang-hapong panalangin”), bukas na ito hanggang mga 02:00 na ulit ng madaling araw (magsasara pa ulit pala sa mga bandang 18:00 at 20:30 para sa “pang-gabing panalagin” o salah).

Mag-iika-sampu na siguro ng gabi, nasa trabaho pa rin si G. YXX, abalang-abala, naghahanda na kasi ang halos lahat ng mga shopping centre dito para sa pagpasok ng Holy Month of Ramadan.

Habang abalang-abala nga sa trabaho, hindi naman nakalampas sa kanyang mga paningin ang pagpasok sa loob ng hypermarket ng isang Arabong, sabihin nalang nating mahilig ring maki-jamming sa “videoke”.

Si Arab-oke, lakad dito, lakad doon, parang wala namang bibilhin. Siguro stroll-stroll lang, nagpapalamig.

Si G. YXX, trabaho dito, sulyap doon, trabaho doon, sulyap dito… pasulyap-sulyap at pilit sinisipat si Arab-oke.

Sidebar: “Videoke” or “Karaoke”, came from Japanese word “kara” means “empty” + “oke” shortening of õkesutora or orchestra.

Ilang minuto pa nga ang nakaraan ay nagtama mga mata ni G. YXX at Arab-oke. Malagkit na titigan. May kislap, may awit. Kapwa nila mga mata’y nangungusap, may sinabi, may ibinubulong4….

Mata ni G. YXX: Hal thahib al ghina?

(You like to sing?)

Mata ni Arab-oke: Naam, khatir-an.

(Yes, very much.)

Mata ni G. YXX: Ana aidum aheb al ghina, hal yam kinina al ghina maan.

(I like to sing too, we can sing together.)

Mata ni Arab-oke: Hassan-nah!

(That would be good.)

Mata ni G. YXX: Hal anta mustaid?

(Is your magic sing ready?)

Mata ni Arab-oke: Naam, jehis ma-aghani jadidah!

(Yes, i always had it with me, and loaded…. with fresh “hits”.)

Mata ni G. YXX: Jamel, ahader al microphone sauwahi bisout aali.

(That’s nice, i wanna grab that “Magic Sing Mic” and sing out loud!)

Mata ni Arab-oke: Ok, abda!

(Ok, come sing on my “Magic Sing Mic”.)

(sabay kindat, at dako ng tingin sa “videoke booth” na ‘di kalayuan sa kinatatayuan nya)

At tumuloy na nga si Arab-oke sa loob ng "videoke booth"…naghihintay kay G. YXX. Samantalang si G. YXX naman ay tuliro, excited ga, kaya naman kapagdaka’y iniwan ang kanyang trabaho at agad na ring tumalilis sa videoke booth, hinihilot-hilot ang lalamunan… vocalization? Siguro… ‘Di na alintana ang panganib na dulot ng gagawin. Wala syang paki sa sasabihin nila, basta ang alam lang nya sa mga oras na ‘yon, “kakanta ako!”.

Sa loob ng videoke booth, nag-aabang na nga si Arab-oke, nakahanda na ang kanyang fully-loaded-with-fresh-hits-magic-sing-microphone. Kaya naman si G. YXX ay wala nang inaksayang panahon, agad na singungaban ang mikropono at “kumanta”.

Sa labas ng videoke booth, tanging ang mga second voice at adlib lang ni Arab-oke ang maririnig.

Arab-oke: Suraaa…. Yalllaaaa…. Khuwaisss….Oohhhh…surraa 3

Samantalang impit naman ang “pag-awit” ni G. YXX, parang bang humming lang…

G. YXX: Hhhhmmmmm… hhhmmmm…

Arab-oke: igeee.. igeee…


At makalipas ang ilang pasada sa verse 1, verse 2, refrain, chorus, bridge, chorus…natapos na rin ang “jamming”.

Napagod si Arab-oke sa kaa-adlib at second voice… nanlalata… si G. YXX, may ngiti sa labi, at binabalik-balikan pa chorus..

At sabay na lumabas ng “videoke booth” ang dalawa. Sa labas medyo pinagtitinginan sila ng mga tao. Mga titig na may pagdududa sa ginawa nila sa loob ng “videoke booth”. Mga mapang-husgang mata. Mga matang nanlilibak.

Si Arab-oke, lumabas ng hypermarket, parang wala lang…samantalang si G. YXX ay balik sa trabaho ngunit pilit iniiwasan ang mga mapang-husgang mata sa paligid nya.

Kinabukasan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakarating sa pamunuan ng pamilihan ang nangyaring “videoke jamming”. Dahil nga sa bawal ang ganitong uri ng jamming sa lugar na ito, at sa “mamimili” pa, tanggal sa trabaho si G. YXX.

Nakakalungkot isipin, paano na ang pamilya ni G. YXX, sya pa naman ang tanging tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, ang inaasahan. At sa ilang minutong “videoke jamming” lang, lahat ‘yon ay nawala…

Sisante na si G. YXX. Uuwi na sya ng Pinas. Lumabas sya ng silid ng manager dala-dala ang “Termination Paper”… at sa kanyang paglabas, muli ay nasulyapan nya ang “videoke booth”….


Sana si G. YXX na ang huling bibirit dito….

1 Kwentuhan lang ‘to, di ‘to tsismis dahil totoo ‘to at napag-kukuwentuhan lang para na rin sa ating dagdag na kaalaman at maging aral sa atin.



2 Ginamit ang mga panglarawang ito para lang maging “masabaw” ang aking post.


3 Input galing kay Aregon.


4 Ang mga usapan ng mga mata ay kathang isip lang, maging ang Arabic translation ay hindi ginagarintiyahang tama.

Wednesday, 13 August 2008

Still No Luck for Team Philippines: Tanamor Yield to Manyo

UPDATE

Still no luck for the Philippine Team today. Harry Tanamor, the only contender of the Team Philippines for the XXIX Olypiad has lost to Ghanna's Plange Manyo for the Men's Light Fly (48 kg.).

The fight ended at the score of 6:3 in favor of Manyo. Manyo will now be forwarded to another qualifying round facing Brazil's Paulo Carvalho.

Haaayy..ganoonpaman, atleast lumaban pa rin ang Pinoy, 'yon nga lang, sa bawat laban may panalo at may natatalo, ang nakakalungkot eh Pinoy 'yong natalo.

Mr. Harry Tanamor, maraming salamat.

Siguro di sa boxing, sa Biernes ulit sa diving naman...

Go TEAM PHILIPPINES!!!

Pinoy Boxer sa Beijing Olympics - TONIGHT!

Sa labing-walong beses na paglahok ng bansang Pilipinas sa Olimpyada, eh kapansin-pansin pa rin ang pagiging mailap ng medalyang ginto sa ating mga atleta.


Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi na ng siyam na medalya, ngunit walang ginto - tanging pilak at tanso. Ang dalawang medalyang pilak ay pawang sa larangan ng Boxing (noong 1964 at 1996); samantala nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong medalya sa Olimpyada noong 1928 sa Amsterdam sa larangan Swimming (Teofilo Yldefonzo) at tanso pa rin.


Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi ng dalawang medalya (tanso) para sa "athletics", lima sa "boxing" (dalawang pilak at tatlong tanso), at dalawa naman sa "swimming" (tanso).


Ngayong gabi ay muling makikipagtunggali ang ating pambato sa boxing, si Harry Tanamor.


Mga kabayan, patuloy nating suporthan ang ating mga kababayan sa olimpyada. Manood tayo mamaya ha. Elimination palang ata 'to, but still dito ang umpisa para maka-pasok sya sa quarterfinals at makapag-uwi ng medalya sa finals, na sana naman eh ginto na. Though malaki ang kumpyansa nating makasungkit ng medalya sa boxing, pero nakakalungkot na tanging si Harry lamang ang ating kalahok. Ganoonpaman, dasal nalang tayo na sana eh makapasok si Harry sa finals.


Mabuhay ka Harry, yakang-yaka mo yan, 'kaw pa... GO TEAM PHILIPPINES!!!!

Monday, 11 August 2008

Si Kabayan, Pasaway

Lagi na nating ipinagmamalaki ang likas na talino nating mga Pilipino – taas ang kamay ko dyan. Kilala tayo sa kalidad ng ating trabaho. Kung magtrabaho ang Pinoy eh hindi lang basta trabaho, talaga namang polido, kumbaga eh talaga namang kapuri-puri.

Enhenyero, doktor, nars, dentista, hardenero, kasam-bahay, arketekto, care giver, karpetero, taga-halo ng simento, kusinero, barbero, kahit ano pang trabaho, yakang-yaka nating mga Pinoy yan. Yamang-Tao nga siguro ang pinaka-malaking kontribusyon ng Pilipinas sa mundong ito.Sabi nga eh, kahit saang lupalop ka man magpunta eh siguradong merong Pilipino.

Di ko alam kong paano ko ‘to isasalin sa wikang Tagalog to convey these thoughts, kaya manghihiram muna ako ng wika.


As far as my experience working abroad is concerned, I guess we Filipinos are equipped with a high tolerance on the environment we’re into. We can easily adapt to the culture of our host country, the way of living, the way of life, the languages – even the way the nationals talks. Not to mention, that Pinoys are more of a law abider people when on other country than in the Philippines. And with the charisma we have (i don’t know if this is innate), the hardworking and talents we can easily get the trust of our employers.

That’s the brighter side and what about the other side? Above are just the few adjectives on how we Global-Pinoys has been known abroad. The good adjectives (I hope) will over-shadow the bad ones. Though we try to be good, but still there are some that are “pasaway”. Those ones that take the stinking bacon wrapped on the Philippine flag. How I wish that they are not Filipinos. I hate them, because every time they do their “not-so-good-stuff” they’re carrying the name of all the Filipinos – and it’s really sad that their fetid ways outshines the good ones.

Why am I having this? Because in the past few weeks there’s always Filipinos on the broadsheet, and not for good stuff…

On Arabian Business

55 arrests after suspected 'gay party'
by
Amy Glass on Thursday, 31 July 2008

PARTY BUSTED: At least 55 people have been arrested following a bust at an alleged homosexual party in Saudi Arabia.


At least 55 people have been arrested following a police bust at an alleged homosexual party in eastern Saudi Arabia.

According to police, drugs and alcohol were found at the farm near Qatif, while two young men were allegedly found wearing women’s makeup and dancing on stage.Many of those arrested were Filipinos and Pakistanis, Saudi daily Arab News reported on Thursday.

A spokesperson for the Philippine Embassy’s labor attaché told the newspaper that some Filipinos have been arrested in that area and "we are trying to help them".Waqar Ahmed, community welfare attaché at the Pakistan Embassy, told Arab News he had no knowledge about any arrests so far. "Our workers are normally not involved in such kinds of activities. There is a possibility that some Pakistanis may be working or serving food in the party and then got arrested."

And that was last week, this morning on Arabnews.

15 held on bootlegging, gay prostitution charges
M. Ghazanfar Ali Khan I Arab News

RIYADH: Two Filipino workers were arrested on suspicion of engaging in homosexual prostitution and 13 other Filipinos were detained on charges of liquor trading and consumption in two separate raids here on Saturday.

Roussel R. Reyes, vice consul and third secretary who heads the Assistance to Nationals’ Section at the local Philippine Embassy in Riyadh, confirmed the report of the arrests on the alcohol charge, but not the charges involving homosexuality.

A consular team of the Philippine Embassy will proceed on an assistance mission and visit the local prisons on Aug. 12 to find out the conditions of our workers, and probably we will know about the accusation of sodomy by that time.

The two men suspected of homosexual acts were in the Kingdom illegally and were making a living selling alcohol and engaging in gay prostitution, police said. Members of the Kingdom’s religious police are investigating contacts found on the men’s mobile phones.

Gay rights are not recognized in the Middle East countries and the publication of any material promoting them is banned. Last month, 55 people were arrested at an alleged “gay party” in the Eastern Province city of Qatif. News reports said drugs and alcohol were found at the gathering, and two men were dressed as women.

— With input by Rudy Estimo Jr.

‘Yon lang.. ala na ako masabi….Kabayan naman eh, sabi na kasi ANG BAWAL, BAWAL.

Saturday, 2 August 2008

Tinamaan ng Ano!!!


"Kung minsan sa pag-aano mo, eh madalas na parang bang ano ‘yong ano. Kaya naman sa halip na ano ‘yong gagawin mo, eh nauuwi nalang ang lahat sa ano. Tapos may mga ano pa, diba? Para tuloy naano ka na. ‘Yon bang pakiramdam na ano, tapos sa paligid mo parang ano; kaya kung minsan nakaka-ano na rin eh.. Ano ba ‘yon!!! "

Kung nakaintindihan tayo sa ano, este sa nakasulat sa itaas, sigurado isa ka rin sa mga Batang Ano.

Ewan ko lang, pero karaniwan nang naririnig ang mga ganitong linya sa usapang Pinoy. Hindi ko lang sigurado kung sa mga Pinoy nga lang ba merong ganitong “ANO” sa pakikitalamitam. Na hindi naman sa pag-aano, he he he.. pero hindi nga, ‘di ko lubos maisip kong paano sila nagkakaintindihan. Code ba ‘to? O simpleng katamaran lang na bigkasin ‘yong ano… ‘yong buong salita.

Sa site, me kasama ako doon na ang hilig um-ano, gumamit ng ano. ‘Yong sample sa itaas sigurado maiintidihan nya ‘yan. Minsan nga naitanong ko sa kanya kung bakit laging may “ANO” sa usapan.

Mangyan: Anong meron sa ano?

Mr. Ano: Understood na naman ‘yon. Basta ang mahalaga eh nagkaka-intindihan kayo!

Mangyan: Hindi ka naman galit nya?

Mr. Ano: Hindi naman, ang ano lang kasi sa’yo eh, pati ba naman ‘yong ano ko eh pagdi-diskitahan mo pa!

Mangyan: Ano raw? ‘Yan ka na naman puro ka naman ano! Sa totoo lang wala akong naintindihan kundi puro “ANO” lang.

Siguro nga tama naman ‘yong paliwanag nya na kung kakilala mo ‘yong kausap mo, o kaya naman eh regular na kaututang dila kayo eh pamihadong magkaka-intindihan din kayo. Sabi nga eh ‘yon bang buka pa lang nga bibig mo kahit walang sound eh alam na agad ‘nong kausap mo kung ano ang pinag-uusapan nyo.

Isa pa siguro, kasi dalawa lang kayong nagkakaintindihan, eh mas iwas tsismis, kasi sigurado ‘yong mga tsimosa / tsimoso sa paligid nyo eh maguguluhan. Parang syang Da Vinci Code, astig…

Mangyan: (medyo nangungulit na), ano ba ‘yan, tinatamad ka lang banggitin ‘yong buong salita, kaya bilang panghalip eh gagamitan mo ng “ANO”?

Mr. Ano: Ang kulit mo naman eh! Understood na ‘yon!!!

Mangyan: (makulit talaga) eh paano nga kung hindi pa understood, ha paano ‘yon?

Mr. Ano: E’di sabay turo, o kaya naman eh ano nalang.

Mangyan: Anak ka ng ANO o!!!

Mr. Ano: ‘Di uulitin nalang..

Mangyan: Ibig sabihin uulitin mo nalang ‘yong buong pangungusap at papalitan mo ‘yon “ANO” ng tamang salita?

Mr. Ano: Ganoon na nga para magkaintindihan.

Ano raw??? Eh bakit ba naman kasi kailangang gamitan ng “ANO” na kung sa bandang huli naman pala eh puede naman palang ayusin.

‘Di ko lang alam kung natakot sa’kin si Mr. Ano, kasi sa tuwing kausap nya ako eh medyo nabawasan na ‘yong mga “ANO“ nya.

Sabi nga, ”sa hinaba-haba man daw ng ano, eh sa ano rin ang tuloy”, kaya naman sa tuwing kausap ko ngayon si Mr. Ano... ala na ring ano, di ko alam kung kung sa akin lang, kasi sigurado sisitahin ko na naman ’yong “ANO“ nya.

Pede naman pala eh... pero sabi ko nga, baka naman mala-Da Vinci Code ’to.

O ano na? Sige na ano na ako, bago pa ako ma-ano dito.

Monday, 30 June 2008

Bisi

Medyo ilang araw na rin akong walang post, at ilang araw na ring absent sa klase.
Ilang araw na akong nawawala sa balintataw na mundo ng blog. 'Di ko lang alam kung meron bang naghahanap sa akin.

Ganoonpaman, gusto ko lang pong linawin na HINDI PO KASAMA ANG MANGYAN SA LUMUBOG NA MV PRINCESS OF THE STAR.

At nabanggit na rin naman ang lumubog na MV Princess of the Star, ako po ay lubos na nakikiramay sa lahat ng mga naulila ng lumubog na barko. Kasama po kayo sa aking mga panalangin.

Nawawala po ang mangyan dahil sa dami ng trabaho at dami ng mga hinahabol na submittals, documentations, at kung ano-ano pa. Kaya eto, bisi..

Some Jollibee update:
Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa loob ng Jollibee Jeddah. Nakapasok lang, hindi pa naka-kain. Medyo maliit lang ang lugar, at talaga namang sandamukal ang tao at pagkahaba-haba ng pila.















Hindi ito pila ng NFA rice o ng lotto, pila ito ng mga kabayang gusto muling makaniigang dila ang Masayang Manok ni Jabee.















Hanggang sa loob, eh siksikan... ilang linggo na ring bukas 'tong Jollibee, pero hindi pa rin magmaliw ang kasabikan ng ating mga kabayan.

















Meron na ring spaghetti at palabok!!!















At syempre mawawala ba naman ang Beef Burger with TLC??

Sa sunod nalang 'yong iba...

Sunday, 22 June 2008

Jollibee - Jeddah, KSA

Bukas na nga ang Jollibee dito sa Jeddah. Sa tagal ng panahong inilagi ko sa lugar na ito, eh ngayon na lang ulit ako makakatikim ng Jollibee...ngayon ay makakapiling na muli si Jabee!!!

Pagkatapos ng trabaho, kahit na binalaan pa ako ng aking mga impormante na punuan ang Jollibee at daig pa nga raw ang may pila ng lotto o ng NFA rice.
Pero alam mo naman ang Mangyan, hindi nagpaawat kaya diretso pa rin ng Sarawat (Jeddah Internation Market).

Sa labas pa lang ng Sarawat ay bulong-bulungan na ang pagbubukas ng Jollibee. Halos lahat ng mga Pilipino ay kakaiba ang ngiti (para bang proud-na-proud) at sa bawat kumustahan o simpleng batian ng "Kumusta kabayan?", eh 'di mawawala ang bagong karugtong, "Jollibee kayo?"


Nang makapasok na nga ang mangyan, aba'y parang fiesta eh! Ka-dami ng tao.


Kadaming Pilipino, Pilipina, lalo na ang mga tsikiting na Pilipino at Pilipina.

Totoo nga ang paalaala sa aking ni Kuya Erik, ang dami ngang tao. Punuan. Siksikan.

At ang dami ring maniniyot. Siyot dito, siyot doon. Pichure-pichure.


Bata, matanda, nagkakagulo kay Jollibee. Di na magkanda-ugaga si Jollibee kung sino ang uunahin.

Alas-syete pa lang, umugong na ang balitang "Ubos na ang Chicken Joy!", pero kahit may balita pang ganoon eh tambak pa rin ang tao, sobra sa over pa rin sa haba ang pila.

Lalo pang nagkagulo at di magmaliw ang kasiyahan ng mga bata,at kahit 'yong mga pakiramdam ay bata, ng dumating ang mascot ni Jollibee.


Kumakaway-kaway. Panay ang posing.

Pumutok rin ang bali-balitang dumating raw si Aga! UU, si AGA nasa Jeddah! Eh asan si Aga?? Wala naman ah.... Si Aga raw ang nasa loob ng mascot... kaya lalong dinumog si Jabee...

Sa bandang huli, di pala totoo... si Bentong pala ang mascot.. he he he.
Sa counter, sobrang haba pa rin nga pila. Di na nga ako nakalapit sa mismong counter sa sobrang haba at dami ng tao.


May mga maagang dumating, na syempre eh naka-una na. Di na nag-dine-in, take-out na lang, kasi nga saan ka naman pupuwesto para kumain.

Sa bandang huli eh nagpasya nalang ako na di na lang muna ako ngayon kakain. Sa mga susunod na araw na lang. Pag-medyo humupa na ang tensiong dulot ng pagdating ni Jollibee.
Di na ako nakakain, sa sunod na mga araw na nga lang siguro.


Kaya nauwi ang hapunan namin sa Shawli, Pilipino-Turo-turo style food, ilang metro lang ang layo sa Jollibee.
Sa kainan sa Shawli, kapansin-pansin na 'yong mga walang tiyagang pumila sa Jollibee eh dito nalang rin bumagsak.
Ewan ko lang kung parte nga ba ito ng kulturang Pilipino? 'yong ugaling sa halip na ipagmalaki ang sariling atin, eh nakukuha pa itong hamakin.
"wooo.. sa umpisa lang naman 'yan malakas, kasi bago, pero di 'yan magtatagal, hihina rin yan... ha ha ha!"

O kaya eto:
"Para namang ngayon lang nakakita ng Jollibee ang mga taong 'to eh??" mga feeling denial na ni 'di man lang sila na-excite at nagkaroon na ulit ng Jollibee dito sa Jeddah.
Kainis, gusto ko tuloy buhusan ng sabaw eh, kaso sayang 'yong sabaw, masarap pa naman.

Matapos makakain ang mangyan, balik Jollibee ulit. Papahuli ba naman ako, syempre pa-pichure rin ako....
Ngayon ko lang napagtanto na close pala kami ni Jabee...

Saturday, 21 June 2008

Jollibee Jeddah - Opens Today!!!

Matapos ang matagal na paghihintay, dumating na rin ang araw ng Sabado...

I love you Sabado talaga!!!

Bakit??

Matapos ang matagal na paghihintay, mga kababayan ngayon na po ang pagbubukas nag Jollibee, Jeddah. Sa wakas...

Hayyy.. makakatikim na naman ng Masayang Manok (chicken joy), at sana may stapegi (spaghetti) rin sila at palabok at burger steak!!!!

Naglalaway na tuloy ako.

Mamya pa tapos ng trabaho ko, so mamya pa rin ako punta ng Jabee, update ko nalang kayo mga klasmeyt tomorrow.... 

Hhhhhmmm...... "mahal tayo ni Jollibee!... tenk yu po."

Tuesday, 17 June 2008

Manggagawang Pilipino

Hindi pang Labor Day ang entry ko ngayon.

Medyo pasok din sana ito noong nakaraang Araw ng Kalayaan.

Dahil nga sa sobrang dami ng trabaho kahapon (noong isang linggo pa ito), eh wala na akong panahon man lang na makapagbasa ng dyaryo (pero kahit konting panahon, gaya nito, eh may panahon pa rin naiisingit para maka-pag-post).

Kagabi, 'di na pala gabi 'yon, kasi alas-dose na ng hatinggabi, kasama si Kuya Erik eh napadaan kami ng Bin Dawood Superstore para bumili ng bigas. Promo kasi nila, at mas mura ng ilang riyal ang bigas nila kung promo.

Dalawa kami. Kasi apektado na rin yata ng "Rice Shortage" ang Saudi Arabia, kada isang tao eh 15 kilos lang ang allowed na bilhin. Dalawa kami, so puede kaming makabili ng 30 kilos (wala naman kaming catering business, mahilig lang kami sa bigas.. he he he).

Sa paglabas ko, sa newspaper stand may nag-iisang kopya ng Arabnews (Middle East's Leading English Language Daily)  na natira. Kinuha ko. Binasa.

Sa ikalawang pahina, nangilabot ako sa aking nabasa. Halos maluha-luha ako. Tawag ko agad si Kuya Erik at ipinabasa ko rin sa kanya ang nabasa ko, kaso nabasa na pala nya, huli na pala ako sa balita. At lumabas ako ng Bin Dawood Superstore na taas noo at marubdub na isinisigaw ng aking puso: PILIPINO AKO!!!

Ano kaya ang nabasa ng mangyan?




Abdullah Al-Maghlooth / Al-Watan, almaghlooth@alwatan.com.sa

Muhammad Al-Maghrabi became handicapped and shut down his flower and gifts shop business in Jeddah after his Filipino workers insisted on leaving and returning home. He says: “When they left, I felt as if I had lost my arms. I was so sad that I lost my appetite.

Al-Maghrabi then flew to Manila to look for two other Filipino workers to replace the ones who had left. Previously, he had tried workers of different nationalities but they did not impress him. “There is no comparison between Filipinos and others,” he says. Whenever I see Filipinos working in the Kingdom, I wonder what our life would be without them.

Saudi Arabia has the largest number of Filipino workers — 1,019,577 — outside the Philippines. In 2006 alone, the Kingdom recruited more than 223,000 workers from the Philippines and their numbers are still increasing. Filipinos not only play an important and effective role in the Kingdom, they also perform different jobs in countries across the world, including working as sailors. They are known for their professionalism and the quality of their work.

Nobody here can think of a life without Filipinos, who make up around 20 percent of the world’s seafarers. There are 1.2 million Filipino sailors.

So if Filipinos decided one day to stop working or go on strike for any reason, who would transport oil, food and heavy equipment across the world? We can only imagine the disaster that would happen.

What makes Filipinos unique is their ability to speak very good English and the technical training they receive in the early stages of their education. There are several specialized training institutes in the Philippines, including those specializing in engineering and road maintenance. This training background makes them highly competent in these vital areas.

When speaking about the Philippines, we should not forget Filipino nurses. They are some 23 percent of the world’s total number of nurses. The Philippines is home to over 190 accredited nursing colleges and institutes, from which some 9,000 nurses graduate each year. Many of them work abroad in countries such as the US, the UK, Saudi Arabia, the United Arab Emirates, Kuwait and Singapore.

Cathy Ann, a 35-year-old Filipino nurse who has been working in the Kingdom for the last five years and before that in Singapore, said she does not feel homesick abroad because “I am surrounded by my compatriots everywhere.” Ann thinks that early training allows Filipinos to excel in nursing and other vocations. She started learning this profession at the age of four as her aunt, a nurse, used to take her to hospital and ask her to watch the work. “She used to kiss me whenever I learned a new thing. At the age of 11, I could do a lot. I began doing things like measuring my grandfather’s blood pressure and giving my mother her insulin injections,” she said.

This type of early education system is lacking in the Kingdom. Many of our children reach the university stage without learning anything except boredom.

The Philippines, which you can barely see on the map, is a very effective country thanks to its people. It has the ability to influence the entire world economy.

We should pay respect to Filipino workers, not only by employing them but also by learning from their valuable experiences.

We should learn and educate our children on how to operate and maintain ships and oil tankers, as well as planning and nursing and how to achieve perfection in our work. This is a must so that we do not become like Muhammad Al-Maghrabi who lost his interest and appetite when Filipino workers left his flower shop.

We have to remember that we are very much dependent on the Filipinos around us. We could die a slow death if they chose to leave us.

Yan ang Pilipino! Astig! Patuloy mo pang ipakita ang galing mo sa mundo, Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas!!!

Sunday, 15 June 2008

Jabee Jeddah

Abala pa rin at santambak pa rin ang trabaho. Naisingit ko lang 'to. Ang update ng Jabee, Jeddah.

Dahil noong nakaraang Biyernes, pagkagaling sa trabaho (overtime - dapat wala akong pasok ng Biyernes pero kinailangan), nagpunta kami ng mga kaputol ko sa JIM (Jeddah International Market) o mas kilala bilang Sarawat.

Sa JIM bubuksang muli ang Jollibee. Lahat nga ng Pinoy dito eh sobra-sa-over na sabik-na-sabik na sa muling pagbubukas ng Jollibee dito sa Jeddah. Astig talaga ang Pinoy.
Bigo na naman ang mangyan... takam na takam na sa bawat kagat ng Masayang Manok.
Bad news, kasi sarado pa rin ang Jollibee. At ayon sa isang mapagkakatiwalang source:

"...sa June 21 na talaga ang bukas nyan kabayan. Dumating na rin kasi 'yong 5 pang mga crews galing pa ng Pinas. Andyan na rin 'yong mga gamit nyan - kompleto na 'yan sa loob, bubuksan na lang."

So, sa mga kababayang "Batang-Jabee" ng Jeddah o kahit batang-Mcdo ka pa, mark your calendar: JUNE 21 2008, SABADO magbubukas ang Jollibee, Jeddah.

Napapakanta tuloy ako...

"Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee!"

At dahil sa galing nasa Sarawat na rin naman ako, eh pumunta na rin ako ng grocery. Punta ulit ako ng gulayan.

Muli ay nagulat ako sa presyo ng mga Pilipino veggies and fruits dito.

Ang Saging na Saba: SR 21.95 per kilo


Ang Manga: SR 32.95 per kilo


Eto ang nakakagulat. Ang Pinatuyong Kamyas: SR 48.95 per kilo


Ang Sayote: SF 24.95 per kilo

Ang palitan ng Piso kontra Riyal: SR 1.00 = PhP 11.94

Thursday, 5 June 2008

Manlalaro sa Kalsada: Padyak-Sadik

Gaya nga ng nabanggit ko noong nakaraan entry ko sa "Kalsada", eh sa mga susunod na araw ay ipapakilala ko sa inyo ang mga "manlalaro sa kalsada" ng Jeddah.

Bukod sa nagluluwangang mga kalsada dito, ano pa ba ang laman ng kalsada ng Jeddah. Meron na nga tayong "Water Boy" o ang "Moya Baridh boy" (mga nagbi-benta ng malamig na tubig), mga taxi, mga prebadong sasakyan, at mga pampublikong bus.

Kung akala mo sa Pinas lang merong padyak, mali ka dun.. spaghetti 'yon...

Ipinakikilala: Ang Padyak-Sadik ng Jeddah





Sa larawang ito, medyo delikado talaga, at malakas talaga ang loob ng Pakong ito, kasi sa national highway pumapadyak, nakikipagsabayan sa mga matutuling sasakyan. Kung masagi o "sagiin", sensya nalang ganun talaga ang buhay. Ano ba naman 'yong masagi at tumilapol ng ilang metro, malamang at sigurado bangasan pagbagsak.

Kalimitang mga Indiano, Pakistani, at Bangali ang makikita mo sa kalsadang pumapadyak, pero meron na ring mangilan-ngilang tayong mga kababayang Pinoy na pumapadyak na rin.

Ang pinagkaiba nga lang ng padyak ng tatlong unang nabanggit na lahi eh ang bisikleta ng Pinoy eh maporma (as ever). Pormang hindi mumurahin. Kahit bisikleta lang, makikita mong maayos at maganda ang tindig. Diba, Pinoy na Pinoy. Wala pa akong mailagay ng pichure ng Pinoy sa bisikleta, sabi ko nga mangilan-ngilan lang sila.


UPDATE

Kahapon ng hapon sa aking pag-uwi, na-ispatan ng aking ispay-kamera (feeling XXX) ang isang kabayang ito na naka-bisikleta. Papunta 'to ng baqala (tindahan), sa gilid ito ng aming compound. Alam ko kabayan ito, kasi sa lugar na ito mga Pinoy lang naman ang kadalasang naka-shorts - mapa-loob o labas man ng bahay.

Tsinelas

Weekend na naman sa panig na ito ng mundo, nag-uumisa kasi ang isang linggo namin dito ng Sabado. The good thing about the weekend, half day lang kami ngayon.

Natapos na naman ang isang linggo ko. Natapos na parang ganoon lang. Ang bilis-bilis kasi ng araw. Sa kalendaryo Huwebes na ngayon, pero pakiramdam ko eh Lunes palang. Ganoonopaman, hindi tungkol sa kalendaryo at araw ang entry ko sa araw na ito, kundi ang bago kong tsinelas!!!

Tsinelas pa rin.

Matagal ko nang balak bumili ng tsinelas. Pero dahil sa hindi naman ako ‘yong madalas naka-tsinelas kaya lagi ko nalang na-ipagwawalang-bahala ang pagbili nito.

Konting pagpapaliwanag lang kung bakit “hindi ako madalas naka-tsinelas”. Sounds defensive? Uu, defensive talaga ako. Opisina – bahay – simbahan – mall – jogging area lang naman ang ruta ko halos araw-araw.

Sa opisina naman eh naka-sapatos ako at safety shoes naman sa site.

Sa bahay maliban sa ilang minuto sigurong naka-tsinelas ako (pagpunta ng banyo, kusina, pagtambay sa lobby), the rest eh naka-tapak naman ako.

Sa simbahan (atin-atin lang 'to ha, uu, may simbahan rin ang mga Kristiyano dito, kahit bawal - under-ground church kung tawagin - kaya naman kung magkahulihan eh kulong agad tapos deport).

Sa mall naman, madalas kasing pagkagaling ng opisina eh diretso na ng mall, so naka-sapatos pa rin.

At kung tatakbo o jo-jogging naman ako, syempre hindi ko naman puwedeng gamitin ‘yong tsinelas o kaya ‘yong walking shoes ko (diba may walking shoes talaga ako), syempre dapat naka-running shoes ako.

So minsan lang talaga ako naka-tsinelas.

Last month na-intriga ako sa entry ni Doc Rio tungkol sa bagong labang tsinelas, at hindi lang basta tsinelas ha, havianas. Though that time, wala man lang akong ka-ide-idea kung ano bang ‘tong havianas na ‘to.

At bago pa man matapos ang buwan ng Mayo, nabanggit din sa The Morning Bolero Kronikles ang tungkol sa Havianas. Mukhang sikat ‘tong tsinelas na ‘to.

At noong Martes nga, naisipan ko nang bumili ako ng bagong tsinelas. Syempre Havianas, para naman malaman ko kung ano ba ang meron sa Havianang ito.

Kahit naman papaano eh available dito sa Saudi ang Havianas, lalo na sa mga tindahang ang main market eh mga Pinoy. Ang dami ngang Havianas, makukulay at medyo kakaiba sa pangkaraniwang tsinelas ang disenyo.


Marami ring kabayan na ngayon ko lang rin napansing Havianas pala ang tsinelas na suot. Mukhang nawala ata ‘yong Beachwalk at Islander sa sirkulasyon ah, na sikat na sikat rin. May kasabay nga akong bumibili na meron pang dalang listahan, with picture pa ha, ng mga design ng Havianas, pabili lang daw sa kanya galing sa Pinas (wala bang Havianas sa Pinas?), mas mura daw dito. Isang pares kasi eh natatawaran hanggang SR 35.00 (SR 1.00 = PhP 11.76).

Oki wala nang paligoy-ligoy, ang gusto ko lang naman eh ipagmalaki ang bago kong Havianas… he he he… naka-Havianas na rin ako.

Tadah!!!



Bow.

Thursday, 29 May 2008

Sarawat

Galing ako kagabi sa Jeddah International Market o mas kilala para sa mga Pinoy at ganoon na rin sa ibang mga lahi bilang Sarawat. ‘Di ko lang alam kung bakit ito tinawag na Sarawat, basta dumating nalang ako dito eh ‘yan na ang tawag nila. Masyado na akong ma-epal kung ipagpipilitan ko pa sa kanilang “J.I.M.” na lang, para mas “cool”…

Sadik, yahla! Lets go to JIM!”, o kaya, “Kabayan, JIM tayo.” diba astig, sounds healthy and fit pa..

Well, obsyutli hindi sya nag-klik kaya, Sarawat na lang for short.

Namasyal lang kagabi, para “magpababa” ng kinain, at the same time ehersisyo na rin. Ilang kilometrong lakarin rin ‘yon, one-way lang naman, gagabihin na kasi ako kung maglalakad pa ako pabalik.

Hindi naman kainitan kagabi, kasi medyo nagbabadya ang langit na umulan. Pero alam mo naman ang langit dito, puro banta lang… wala rin, hindi rin umulan, the good thing is, malamig ang simoy ng hanggin.

Balik sa Sarawat. Ang sadya ko talaga sa Sarawat ay para tingnan kung nagbukas na ba ang Jollibee. Though pakiramdam ko eh hindi pa nagbubukas, nag-bakasakali na rin ako.

Pasok sa Gate 2

Deretso lang.

Kanan.

Kaliwa… at konting deretso.

Jabi na!!!!

Kung bukas na ang Jollibee, mukhang hindi pumatok, kasi walang katao-tao sa paligid, maliban sa mangilan-ngilang nag-go-grocery.

Silip ko.

Sarado pa.

Nakapinid pa ang pintuan.

Sa taas isang malaking karatula ang nakapaskil. 



Soon to Open! (how soon is soon??, sabi next week, eh next week na this week ah?!)

Dahil bigo, naglibot-libot nalang sa grocery. Baka may mabili.

Kahit na sikat na tambayan ng mga Pinoy ang Sarawat eh hindi naman ako madalas mapatambay dito. Sa Balad ang tambayan ko – parang Divisoria ng Jeddah sa dami rin ng Pinoy. Sa Balad kasi puede kang tumawad, dito sa Sarawat, walang tawaran. Basta ‘yon na ‘yon.

Punta ako ng grocery, sa may gulayan.

Hulaan nyo kung ano ang aking nakita?

Common knowledge na dito sa Jeddah kung gaano kamahal ang mga Manga galing ng Pilipinas. Bukod kasi sa super bango ito eh talaga namang matamis. FYI: 24.95 Riyals per kilo ng manga dito, kumpara sa manga ng India at Pakistan na 9 Riyals per kilo lang.

Diba, ginto ang presyo.

Pero kahit ganoon ang presyo, eh lagin ubos pa rin.

Bukod sa manga, isa pang nakatawag pansin sa akin eh ang pinatuyong kamyas at ang dahon ng saging.

Opo, pinatuyong kamyas, ‘yong masarap isama sa sinaing na isda, tapos kung ubos na ‘yong isda at said na rin ‘yong sabaw sa palayok eh puede mong iprito. Magkano per kilo?

SR 25.95


At ang dahon ng saging, per kilo na rin ang bentahan. Hindi ko lang alam kung saan ginagamit ang dahon ng saging dito, pero mukhang mabenta rin. magkano?

SR 24.95


Diba dyan sa atin parang wala lang ‘yong pinatuyong kamyas at dahon ng saging, dito sa Saudi ginto ang mga ‘yan.

Balak ko tuloy sa pagbakasyon ko at pagbabalik dito eh magdadala ako ang pinatuyong kamyas at bumbong ng dahon ng saging…

Hindi nga lang pala dahon ng saging meron, pati saging na saba. Sa Mindoro halos araw-araw eh dyip-dyip ng saging na saba ang inilalabas, di ko lang alam kung saan dinadala – as in maraming-marami, sagana sa suplay. Sa dami nga ng saging eh kalimitang baboy na lang ang nakikinabang.

Alam nyo ba kung magkano ang kilo ng saging na saba dito?

SR 24.50

Ang isang kilo halos apat na piraso lang.


Sabi nga : One Man’s trash, is another man’s gold. (‘di ko alam eksakto kung ganyan talaga yan, but that’s the thought)