Pagkatapos ng trabaho, kahit na binalaan pa ako ng aking mga impormante na punuan ang Jollibee at daig pa nga raw ang may pila ng lotto o ng NFA rice.
Pero alam mo naman ang Mangyan, hindi nagpaawat kaya diretso pa rin ng Sarawat (Jeddah Internation Market).
Sa labas pa lang ng Sarawat ay bulong-bulungan na ang pagbubukas ng Jollibee. Halos lahat ng mga Pilipino ay kakaiba ang ngiti (para bang proud-na-proud) at sa bawat kumustahan o simpleng batian ng "Kumusta kabayan?", eh 'di mawawala ang bagong karugtong, "Jollibee kayo?"
Nang makapasok na nga ang mangyan, aba'y parang fiesta eh! Ka-dami ng tao.
Kadaming Pilipino, Pilipina, lalo na ang mga tsikiting na Pilipino at Pilipina.
Totoo nga ang paalaala sa aking ni Kuya Erik, ang dami ngang tao. Punuan. Siksikan.
At ang dami ring maniniyot. Siyot dito, siyot doon. Pichure-pichure.
Bata, matanda, nagkakagulo kay Jollibee. Di na magkanda-ugaga si Jollibee kung sino ang uunahin.
Alas-syete pa lang, umugong na ang balitang "Ubos na ang Chicken Joy!", pero kahit may balita pang ganoon eh tambak pa rin ang tao, sobra sa over pa rin sa haba ang pila.
Lalo pang nagkagulo at di magmaliw ang kasiyahan ng mga bata,at kahit 'yong mga pakiramdam ay bata, ng dumating ang mascot ni Jollibee.
Kumakaway-kaway. Panay ang posing.
Pumutok rin ang bali-balitang dumating raw si Aga! UU, si AGA nasa Jeddah! Eh asan si Aga?? Wala naman ah.... Si Aga raw ang nasa loob ng mascot... kaya lalong dinumog si Jabee...
Sa bandang huli, di pala totoo... si Bentong pala ang mascot.. he he he.
Sa counter, sobrang haba pa rin nga pila. Di na nga ako nakalapit sa mismong counter sa sobrang haba at dami ng tao.
May mga maagang dumating, na syempre eh naka-una na. Di na nag-dine-in, take-out na lang, kasi nga saan ka naman pupuwesto para kumain.
Sa bandang huli eh nagpasya nalang ako na di na lang muna ako ngayon kakain. Sa mga susunod na araw na lang. Pag-medyo humupa na ang tensiong dulot ng pagdating ni Jollibee.
Di na ako nakakain, sa sunod na mga araw na nga lang siguro.
Kaya nauwi ang hapunan namin sa Shawli, Pilipino-Turo-turo style food, ilang metro lang ang layo sa Jollibee.
Sa kainan sa Shawli, kapansin-pansin na 'yong mga walang tiyagang pumila sa Jollibee eh dito nalang rin bumagsak.
Ewan ko lang kung parte nga ba ito ng kulturang Pilipino? 'yong ugaling sa halip na ipagmalaki ang sariling atin, eh nakukuha pa itong hamakin.
"wooo.. sa umpisa lang naman 'yan malakas, kasi bago, pero di 'yan magtatagal, hihina rin yan... ha ha ha!"
O kaya eto:
"Para namang ngayon lang nakakita ng Jollibee ang mga taong 'to eh??" mga feeling denial na ni 'di man lang sila na-excite at nagkaroon na ulit ng Jollibee dito sa Jeddah.
Kainis, gusto ko tuloy buhusan ng sabaw eh, kaso sayang 'yong sabaw, masarap pa naman.
Matapos makakain ang mangyan, balik Jollibee ulit. Papahuli ba naman ako, syempre pa-pichure rin ako....
Ngayon ko lang napagtanto na close pala kami ni Jabee...