Showing posts with label Livin' me. Show all posts
Showing posts with label Livin' me. Show all posts

Tuesday, 12 August 2014

tipa ng tipa...


Writing is a form of therapy; sometimes I wonder how all those who do not write, compose or paint can manage to escape the madness, the melancholia, the panic fear which is inherent in the human situation.

Graham Greene


Web log or “blog”. Bloggers. Wordpress. Multiply. Friendster. Yahoo! 360. My Space. Facebook. You Tube. YM. Skype. Hotmail. Google. Who on the planet don’t know these stuff? Pretty much almost all human beings whose’ been or at least once on their life time had been to this virtual world called the “internet”, has already encountered these names.

Some have it as a companion, a source of information – good and bad, some might be nice and some might be not, like a Pandora’s Box.

For others, it’s a good tool to communicate with their long lost friends, classmates, relatives, enemies, exes, new acquaintances, new friends, new enemies, mga nakasabay sa CR, nakatabi at naka-huntahan sa bus o LRT/MRT o FX and the whole barangay.

Some found it as an outlet to express their thoughts, sentiments, stories of their life, the complains, the frustrations, to brag about the hobbies, the collections, and a lot of things this mind can think of.

Others too, just simply want to write, to enjoy this small space that this virtual universe has given to them. That’s all. Write, write, and write.

But is there a limitation for this? I mean, can I just write whatever that comes to my mind? Like I said on my previous post, we’re in a world which is living and has been survived for ages by the laws governing its occupants; so having said that, there must be some decorum or at least a “Bloggers’ Etiquette” or some kind of “Bloggers’ Protocol” (imbento ko lang ‘to), like a manner to be observed when a blogger blogs.



Image from: National Post

1. Consider What You’re Gonna Write. Writing is fun, when a writer starts to write, it’s like an endless marathon where there is no finish line, literally “ihe lang ang pahinga” at “tungga ng kape”. The idea simply flows, but of course, with that over pouring of thoughts, a writer should ask him/herself first, “Do I really need to write this?” or “Why am I writing this?”. The space might be the writers’, and yet the space will be available to the public. That’s why after writing the blog there’s this “Publish” button at the end, it will be published and it meant to be read. People will read it – and mind you they won’t just read, like it or not they will scrutinize and criticize it; might find it’s content interesting, boring, acceptable or absurd. So from there, at least on writing, don’t be selfish, consider too the ones going to read, would it be beneficial to them? or what would they get? Does the content of the article will affect something on life of the reader? Will it promote common good or common evil (meron ba nun?). If it’ll ruin someone’s reputation or someone’s life or if it’s just bragged someone’s stupidity under the sun for nothing…think again, know your motive on writing. That’s tricky, because I might brag about other people’s fault so as for the others not to follow…siguro on a nice way. Simply, be considerate.

2. Truth, the whole truth and nothing but the truth. Simply put, NO LIES. This I guess centers on the “non-fiction” writing, cause if it is a fiction, syempre di totoo, katha-katha lang, at kung minsan eh kailangan talagang umimbento ng kasinungalingan para lang maging masabaw at malasa ang kwento. Kumbaga sa sago at gulaman, kung mas matingkad ang food coloring – mas mabenta sa mga bata. What about the non-fiction type? Well if it is a story of the writer, or someone else’s, write only the truth, kung me mga palabok man, make sure that the reader will clearly identify the facts from fiction; if it is for general information, make sure that the facts stated are relatively true, which will lead us to number 3.

3. Acknowledged the Source. This one I guess is an etiquette every writer should have. Maybe not all the time, but sometimes we “quote” something from other people on writing or just to add substance to our post, with that it will do no harm to acknowledge them, appreciate them. Iwas plagiarism pa. Pasasalamat ga. Kung ‘yong mga artista nga sa awards night eh me listahan ng mga pasasalamat, diba ok rin ‘yong pasalamatan natin ‘yong ating mga sources. Give credit to the references you used on writing that article, kahit galing pa ‘yan sa Tiktik. Or if we interviewed someone or asked for other peoples opinion regarding the subject, at least give a nod to them who contributed something to make that article done. At aminin na natin, claiming something that is not ours, aside from the “not-so-good-feeling” it’ll give, eh it will also engraved a big capital letter “L” on our forehead.

4. Cross-link. With Mr. Google around, making a research work nowadays is, well… more of a skill on “typing” the right word, to get the right “hits”. he he he. With that, like the number 3, it will be also fun to cross-linked those site that we found interesting and say, beneficial to our reader. If I am the reader, it will be easily for me to verify or to explore more on the subject if the sources come handy with the post. Diba, click-click lang.

5. English o Tagalog o Bisaya o Ilocano? Maybe on writing a blog, there is no such rules limiting the blogger what medium to use. On my blogging career (at may karir pa talaga akong nalalaman), I read / encounter a lot of blogs that even criss-crossing from one medium to another, and yet it works. Even the street slangs, and the new lingos works fine. And the grammar?? Hhmm.. I don’t know if that’s really an issue on writing a blog, well of course using grammar on your writing is encourage, but it doesn’t really hinders or stop the blogger there.. just write, write, write. Though, the subject don’t recognize the verb, and some idioms doesn’t compliment the thought, pero ok pa rin, sulat lang ng sulat. One tip siguro, use the medium where you can express yourself more, and where you’re comfortable of using.

6. This one is more on the “comments” part. Syempre, since the post is open to the public, and on the bottom on your post there’s a lil button there labeled “Comments”, then comments are expected. Well for the “commentators” or to those that will leave comments, be nice naman. Comment more on the content of the post, rather than on how the post has been done (like peeking on grammars, wrong spellings, etc.). For criticism, be nice ulit on telling the writer what is it, or if it will offend the writer, I guess comments box is not the right place, e-mail the writer. And make a comment if you really have something to comment on the post, hindi naman ‘yong basta nalang makapag-comment, may masabi lang ba, wag namang ganun. At isa pa, Comment Box, a.k.a. Instant Chat Room, I don’t know if there’s separate rule for this, but I find these most of the time on the blogs I visited, and nakaka-aliw.. he he he.

‘Yon lang. Oi, gawa-gawa ko lang ‘to ha, if you’re a blogger, those stuff above does not necessarily mean that you have to follow, sabi ko nga gawa-gawa lang ‘yan.

Sunday, 3 June 2012

Si PJ, Si Cabi & the Wardrobe


Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapamalantsa ng isang bultuhan. Lagi na laang kung ano ang isusuot eh ‘yon ang pa-plantsahin, “on the spot” kumbaga.

Matapos ang ilang mahabang oras ng paghagod ng mainit na labi ng plantsa sa likod ng kabayo, eh namahinga ang platsador at lumagok ng isang bote ng laban.

Habang namamahinga, nakasulyap na sankaterbang plantsahin, sa platsa, sa kabayo, at maging sa damit ng kabayo…doon ko na laang ulit napagmuni-muni na napakaraming alaala at panahon na pala ang pinasamahan namin. Bawat isa may kwento, may kasaysayan, nangungusap.

Part One: Ang Plantsa

Nang dumating ako dito sa Gitnang Silangan, may dala laang akong limang polo (tatlo doon ay mahaba ang manggas, at dalawang maiksi), dalawang pantalon, ilang pares ng panloob, syempre medyas, at ilang pambahay. Sabi ko noon, dito na laang ako mamimili. At dahil nga dala ko naman galing Pilipinas, e’di lahat naman ay plantsado na at mahimbing ang pagkakatupi sa aking bag (Php 249.99 ang bili ko sa SM Centrepoint – as if susukliaan ka talaga at ibabalik and isang sentimo), at nang matapos nga ang unang isang linggo ko, ubos na ang plantsadong damit.

Huwebes ng Gabi: Ang unang laba ko sa Saudi
Biyernes ng Patanghali: Natuyo ang mga labada.
Biyernes Makapananghalian: Kelangan ng mamlantsa.

Wala akong plantsa.

Mabuti na laang at ang aking butihing ina ay maraming kaibigan sa aming compound. At doon ko nga sya nakilala. Saktong dating. Katugunan sa napapanahong pangangailangan.

Si PJ.

At saan naman nanggaling si PJ? Galing sya kay Joan. Si Joan ay kaibigan ng nanay ko at kaututang dila ni Manay Abeng. At sino naman si Manay Abeng?

Oooppss… bago ang Acquaintance Day, kay Joan muna tayo.

Si Joan ay isa sa mga maintenance staff dito sa compound. At dahil nga sa bago pa laang ako noon, at ang naririnig ko laang ay basta “Joan”… ay sinabi mo pa, parehas siguro tayo ng iniisip, si Joan ay isang lalake. Siguro nasanay laang ako na ang Joan ay pangalan ng babae, at naisip ko rin na wala naman pala talagang batas na umiiral na nagsasabing “Joan is Strictly For Female Only”… pero nung nagkita na kami, na-wow-mali ako, lalaki pala si Joan. At dahil noong mga panahong iyon, eh parang cool na cool ‘yong merong asawa sa Pinas, at may “kasintahan” sa Saudi, may nakapagbulong s’kin na “nakiki-uso” rin pala si Joan, pero sa unang tingin naman eh ‘di naman sya mukhang mahilig maki-uso. At isa pa, ‘di rin naman malinaw kung pamilyado na si Joan sa Pilipinas.

Pangalawa sya sa limang magkakapatid, mula sa lalawigan ng Zambonga. Hindi naman masasabing naghihikahos sa pamumuhay, at di rin naman pumapalya sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw ang kanilang pamilya – sakto laang. Sya ang mag-isang nagtataguyod sa kanyang tatlong kapatid, sa kanyang ina at sa may karamdamang ama. (bakit laging ganun ang istorya, laging kailangang merong may sakit??) Eh nasaan si Ate?? Hhmm… medyo pinasabaw ko na laang ‘tong mga susunod na talata para naman masarap basahin – “ dahil raw sa kahirapan” ay maagang nagkapag-asawa si Ate. Maagang lumandi..este maagang umibig, maagang tumibok ang puso…ano PBB Teen??? At dahil may sariling pamilya na, naibigay kay Joan ang setro bilang tagapagtaguyod ng pamilya… pasimple, tumakas si ate.

Mahigit tatlo o apat na Biyernes ko rin laang nakita si Joan sa kampo. At minsan sa isa sa mga Biyernes na ‘yon eh nakapunta rin ako sa bahay nila sa gilid laang ng kampo, sa ilalim ng puno ng nagdudumalagang balete (at pramis ‘di tulad sa Pilipinas na nakakatakot at lodging house ng mga enkanto o kapre ang puno ng balete, dito sa Saudi ‘di sya nakakatakot, at mukhang domesticated na halaman). At doon ko rin nakadaupang palad ang kanyang ina.

Ha? Nasa Saudi rin nanay ni Joan?

Hindi pala ina, kasintahan pala…o sa mas marahas na pag-turing eh, Si Manang ang kinakasama ni Joan. Magaling magluto si Manang, magaling gumawa ng puto, at ang niyog ha, hindi Makati powdered coconut milk, as in kinakayod talaga from the bao! At ang malagkit ng sinokmani galing pa nang Pinas! Sa ilang oras ng pamamalagi ko sa kanilang munting pugad-ng-bawal-na-pagmamahalan (at talagang hinusgahan ko agad sila, bawal na pagmamahalan (para kay Manang) at bawal na bisyo (para kay Joan)) eh masasabi kong mawiwili nga naman talaga at mahuhumaling itong si Joan kay Manang, dahil, una, maasikaso si Manang, ang iced tea eh bottomless, asikaso kung asikaso; pangalawa, maayos sa katawan si Manang, as in lumi-level kay Mommy D, pero ang status eh lumi-level kay Mia – “kung makati, kamutin”…magaling “kumamot” ng makati si Manang.

‘Yon na rin ang huling kita ko kay Joan. Matapos ‘yon ay wala na akong naging balita kung nasaan na sya. Maging kay Manang wala na ring balita. Basta bigla na laang silang nawala sa sirkulasyon. Parang napadaan laang. Dumaan laang, nag-iwan ng alaala, nag-iwan ng kwento….nag-iwan ng Plantsa.

At balik sa plantsa. Sa ilang taong pagsasama namin ng plantsang ‘to eh isang beses pa laang itong nasisira.

Biyernes: simple laang ang naging sira, nagliyab ang hawakan malapit sa kordon! Kaya gaya ng inaasahan, sa pagliyab ng hawakan, natural nagliyab rin ang aking kamay, na madali naman naapula.

Dahil sa galit at sa sakit na naramdaman ko ng mga oras na ‘yon, naitapon ko ang plantsa…sa basurahan. Sabi ko bili na laang ako ng bago (may pambili na eh).

Sabado ng hapon: Nagbalik ang plantsa! Napulot pala ni Mang Edd of Room No. 30. Eh makulikot rin si Mang Edd, kaya ayon kinalikot, inayos, pinutol ang kordon na sunog, at woollaah!! Plantsa na ulit!

Akala ko ‘yon na ang huling Biyernes na kasama ko ang Plantsa ni Joan…di pala, ilang taon na ang nakalipas matapos ang pangyayaring ‘yon, plantsa pa rin. Si PJ pa rin ang plantsang mainit na humahagod as likod ni Cabi… ang Kabayo.

(Part Two: Ang Kabayo)

Itutuloy….

Sunday, 13 May 2012

Si Nanay Yolly (a repost)


Isang bukas na liham para sa aking nanay... kay nanay yolly.
Dahil nga bukas ang espesyal na araw ng mga ina, kahit puede naman araw-araw eh araw ng mga dakilang ina, so para sa kanya ang blog entry ko na ‘to.

Sa Mahal kong Nanay,

Nay, hindi man ako ganoon ka-expressive sa pag-sasabi sa ‘yo ng “I love you”, pero alam nyo naman sigurong mahal na mahal ko kayo. Siguro nga hindi lang ako masalita, pero sana naman kahit papaano eh naipadarama ko sa inyo kung gaano ko kayo kamahal.

Nay salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataong masilayan ang mundong ito. Salamat sa pagluluwal nyo sa akin sa mundong ito. Sabi nyo nga diba, medyo malikot ako noon sa tiyan mo, at medyo nahirapan kayo sa pagbubuntis sa akin, sensya na ha… pero sulit naman diba, kasi lumabas akong hindi lang healthy, at cute na cute pa.. he he he.

Salamat din nay sa gatas mo na shinare mo sa akin (as if naman may iba ka pang pinaglalaanan ng gatas mo that time, he he he). Salamat sa mga gabing nagpupuyat ka sa pagbabantay sa akin, sa pagpapalit ng lampin ko (hindi pa kasi uso ang diaper that time sa probinsya), kahit na sabi mo “ihi” ako, eh ok lang sa’yo na halos kada dalawang oras eh nagpapalit ka ng lampin ko. Sa paghi-hele mo sa akin noon, though hindi ko talaga matandaan kong ano ang kinakanta mo noon, pero marinig ko lang sa gabi ang himig mo eh nahihimatay nalang ako.

Salamat din sa pag-aakay mo sa akin noong mga panahong hindi ko pa kayang tumayo mag-isa. Noong mga panahong hindi pa ako makalakad. Salamat sa inyo ni tatay na walang pagod na umalalay sa akin hanggang sa ako ay matutong humakbang, lumakad, tumakbo.

Salamat rin sa walang sawa mong patuturo sa akin noong magsalita. Kahit “a” at “ba” lang ata ang mga nasasabi ko eh aliw na aliw na kayo. At salamat rin sa mga gabing kahit banas na banas kayo eh ok lang, kasi nakatutuk lang sa akin ang bintilador, salamat ha.

Salamat rin sa mga paghahanda nyo tuwing ako ay nagbi-bertdey. Sa pansit at sa walang kamatayan mong kending kalabasa. Hindi ko malilimutan ‘yon. Bakit nga pala hindi na kayo gumagawa ng kending kalabasa ngayon?

Salamat rin sa pagpapakilala mo sa akin kay Sta. Klaus. Alam ko, kahit hindi naman tayo ganoon kariwasa sa buhay, eh may nalalaman pa talaga kayong Sta. Klaus – at may pasabit-sabit pa kami ng medyas sa bintana. ‘Yon nga lang masyadong bibo ang anak mo, kaya naman pangalawang pasko palang kaming nagsasabit ng medyas sa bintana eh nabuko na namin na kayong dalawa pala ni tatay ang may pakana ng lahat… he he he, kala nyo ha..

Salamat rin sa pagtatanggol mo sa akin na pagupitan ako ni tatay ng kalbo tapos may konting tirang buhok sa bunbunan. Pasyonista ka na talaga noon pa, at swak na swak sa akin ang “gupit pogi” mo.. well bagay na bagay naman talaga sa akin, pogi eh.

Salamat rin sa mga Royal True Orange at Sky Flakes na treat mo sa akin tuwing ako ay may sinat o lagnat, kahit na kung minsan ‘yong ibang lagnat eh lagnat-lagnatan nalang. Kasi naman kayo eh, kung hindi pa ako lagnatin hindi nyo pa ako patitikimin ng Royal at Sky Flakes… o estrikto ka lang talaga pagdating sa mga softdrinks, kasi tuwing pyesta at pasko lang tayo nagpi-pepsi noon, pero sagana naman sa Tang at Zest-o. Siguro nga nay, health conscious lang kayo noon…

Salamat rin sa pagpupumilit nyo noon na lagi akong naka-sapatos pagpasok ng school. Kahit na ingit na ingit ako sa mga kaswela ko noong naka-tsinelas lang. Kahit bumabaha na eh dapat nakasapatos pa rin ako. Salamat ha, kasi ngayon ko lang na-realized na feeling-astig pala ako that time kasi ‘yong ibang kong kaswela kaya naka-tsinelas eh kasi walang pambili ng sapatos, tapos ako itong naka-sapatos eh panay ang reklamo.

Salamat nay sa walang pagod mo noong pakikinig ng mga tula ko. Alam ko rinding-rindi na kayo sa akin noon pero patuloy lang kayong nakikinig, kahit na nga paulit-ulit na ako. Kaya naman diba kayo ang manager ko noon tuwing pyesta at patutulain ako sa plaza. Basta kasali ako sa mga tulaan noon, lagi kayong nandyan para suportahan ako, kahit na hindi kayo makapagluto ng tanghalian, makapaghagilap lang kayo ng dahon ng pechay para sa aking tula sa Linggo ng Kalusugan.
Ako si pechay, pampahaba ng buhay.
Lakas nyo pumalakpak.. number one fan ko kayo eh.. kaya nga labs na labs ko kayo eh..

Salamat rin nay, sa paniniwala at pagtatanggol nyo ni tatay sa akin noong Grade 3 na hindi ako ang kumuha ng libro sa school. Kahit pa ipagdiinan ni Ma’am Magparangalan na ako ang kumuha ng nawawalang libro, eh nariyan kayo para ipagtanggol ako. Ma’am tandang-tanda ko ‘yon, at akalain mong hindi man lang ako napasama sa top 10 (kahit man lang Most Polite o Most Kind) dahil lang sa “nakawan ng libro” na ‘yon, na sa kalaunan ay na miss-place lang pala. Ma’am ha.. pero ok na ‘yon.

Salamat rin nay, sa mag-isang pagtataguyod mo sa aming magkakapatid. Maaga man tayong iniwan ni tatay, eh tuloy pa rin ang buhay natin. Kahit naman papaano eh hindi mo sa amin ipinaranas ang “magdildil ng asin”. Pero ang klasik toyo, mantika ng baboy at kamatis ha… sobra sarap, walang panama ang sarsa ni mang tomas.
At kahit mahirap sa inyo na mawalay kayo, eh nangibang-bansa kayo para maitaguyod lang kami. Nay salamat ha. Kahit ng nga mahirap ang trabaho pero kinakaya mo maitaguyod lang kaming apat. Tinitiis mo lahat ng hirap at pasakit sa abroad may maipadala ka lang sa amin. Sensya kung noong mga araw na iyon eh sobra ang tamad kong sulatan kayo, hindi ko man lang naisip na ang mga sulat pala namin ang napapalakas at nagiging inspirasyon mo sa araw-araw.

Salamat rin at kaming magkakapatid ang top priority mo lagi. Kahit nga buhay mo eh nakakalimutan mo na para sa aming apat. Mula ng iwan tayo ni tatay eh kinalimutan mo na rin ang love life mo. Don’t worry nay, hindi naman namin kakainin ang mga manliligaw mo eh, medyo kakaliskisan lang namin… he he he.. jok lang.

Hhhayyy.. marami pa akong dapat ipag-pasalamat sa inyo…ngunit kulang ang mga titik upang maipadama ang pasasalamat ko sa inyo.

Basta nay, para sa akin… kayo ang the best na nanay sa buong mundo!!!
Happy Mother’s Day!!!! Nay..
 mahal na mahal ko po kayo.. (though hindi lang ako show-ee pero totoo ‘yon, mahal na mahal ko kayo!)

Tuesday, 7 October 2008

Salamat Ma'am, Salamat Sir

Pambansang Araw ng mga Guro ngayon, ayon ‘yan sa Umagang Kay Ganda, kanina. National Teachers’ Day, kaya naman HAPPY TEACHERS' DAY MA'AM, SIR! Araw ng mga dakilang guro na naging ikalawang magulang na nating lahat…nating mga mag-aaral.

Saludo ako at taas pa ang dalawang kamay (kahit paa pa) sa mga guro. Tunay nga na hindi natin matatawaran ang kadakilaan at ang pagpupunyagi ng ating mga guro na maiahon tayo sa kumunoy ng kamangmangan.

Merong mababit na guro. Merong mga gurong madaling kagiliwan ng kanyang mga mag-aaral. Meron naman kasing mga mababait at masisipag ring mag-aral na mag-aaral.

Syempre meron din namang medyo di kabaitang guro – tawag natin sa kanila noon eh mga “TERROR”. Sila ‘yong mga gurong di ka magdadalawang isip na mag-aral pagpasok ng silid aralan.

Sa post ko na’to eh binibigyang pugay ko ang lahat ng mga guro sa buong Pilipinas at sa lahat ng aking mga naging guro.

Kinder: Si Ma’am Ferrer
Bukod kay nanay yolly (nanay ko), eh si Ma’am Ferrer na ang nakagisnan kong guro. Si ma’am ang nagpakilala sa akin sa mga letra, sa mga bilang, maging sa iba’t-ibang hugis at kulay. Kay Ma’am Ferrer ako unang humawak ng lapis, though sa bahay eh puro guhit ng lapis ‘yong aparador namin. Sa loob rin ng silid aralan ni Ma’am Ferrer ako unang bumilang ng isa hanggang sampu ng walang shortcut. Si ma’am rin ang nagturo sa akin ng ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ, kaya naman noong araw na ituro nya yan sa akin eh naging parorito ko na tuloy ang alphabet soup, kahit na lumamig ang sabaw, basta mabuo ko lang ang ABC ko.

Kinder din ako ng una kung makasalubong ang aklat na ABAKADA. ‘Yong librong merong dilaw na pabalat; na ang nasa pabalat eh ang larawan ng isang ina katabi ang kanyang anak na lalaki at ito ay tinuturuan nyang magbasa. Feeling ko that time si Rizal at ang kanyang ina ‘yon, though hanggang ngayon eh di pa rin ako sigurado kung sino nga ba ang nasa pabalat ng ABAKADA.

ABAKADA ang una kong libro, una kung coloring book. At kahit naman papaano eh nasa loob ng linya ang kulay ko sa mga kulay berdeng aso. Kulay pulang mangga. Kulay dilaw na bao. Kulay asul na bebe.

Natapos ako ng kinder at aking napag-isip-isip na ABNKKBSNPLAKO!

Grade 1: Si Ma’am Caguete
Gaya ni Ma’am Ferrer, si Ma’am Caguete ang tipo ng guro na kagigiliwan mo. ‘Yon bang tipong magpapakabait ka talaga. Hindi dahil sa matapang o terror, basta mahihiya ka lang gumawa ng kawalanghiyaan noon (6 year old – walanghiya na ‘no), rephrase, mahihiya kang mangulit ng mangulit noon.

Dito ay mas lalo pa akong nahasang bumasa. As in BUMASA ha. Kasi di ko lang alam kung ano ang nasa isip ko noon kasi sa tuwing pababasahin kami ng sabay-sabay, aba kailangan talagang sigaw na ako, ata malakas na malakas.

B E B E

B A O

A S O

ANG BATA AY MATABA.

Si Ma’am Caguete ang bumuhay at luminang sa aking talento sa pagtula at pagsayaw. Opo, basta folk dance noon sigurado lagi akong kasali. Nag-umpisa lang sa isang naglalangis na bao dance, hanggang sa nasundan ng careñosa. Pistang bayan man o pista ng barangay sigurado tutula ako. (feeling makata.. xx xx xx)

Sa silid aralan rin ni Ma’am Caguete ko nakilala sila Cinderella, Snow White, ang Pangit na Bebe at si Pedro at ang mga Daga. Lagi kong dasal noon na sana hapon na, kasi 3 ng hapon eh mag-uumpisa ng mag-kwento si ma’am.

Eto ata ang baitang na magastos ako sa lapis.

Grade II: Ma’am Tria
Si Ma’am Tria mabait rin, pero strikto. Simpleng terror. Kung ayaw mong ma-kurit sa singit, magbait ka. Kung noong Grade 1 eh puro malalakas na basa, konting sulat at kwento-kwento, kay Ma’am Tria ako nagkakalyo sa daliri kakasulat.

Take note, ‘di na lapis ang hawak ko, ballpen na!!! Astig, feeling Grade 2 na talaga ako. Sabi-sabi noon na sa Grade 3 raw eh hindi na puwedeng “printed” ang sulat, kaya dito sa Grade 2 palang eh hinahasa nang magkabit-kabit. Kaya naman parang kinahig talaga ng manok ang aking papel at kwaderno.

Grade III: Ma’am Magparangalan
Kay ma’am Magparangalan ako unang nakahawak ng libro namin Science and Technology. Kulay berde. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon, kasi ito ang librong naging dahilan ng aking kapahamakan at matinding truma noong Grade 3.

Nawala ba naman ang itong si libro, aba at ako ang napagbintangang nang-umit. Hindi ko alam kung bakit ako ang napagbintangan, pero ako talaga ang tinuturo ni ma’am, kaya naman ipinatawag ang tatay ko. Galit na galit si tatay nun, anak mo ba naman ang pagbintangang magnanakaw, diba… at the end, ala rin, nakita rin ang libro na mula sa kawalan ay basta na lang nakita sa ibabaw ng mesa.

Grade IV: Ma’am Guarin
Si Ma’am Guarin ata ang pinaka-mabait kong naging teacher. Basta mabait lang. Sa silid aralan ni ma’am ako unang gumawa ng mga kung ano-anong sulatin. Kasi meron kaming isang kwaderno para sa Sulating Pansanay, isa para sa Sulating Pamwakas. Di ko nga alam kong binabasa ba talaga ni ma’am ‘yong mga isinusulat namin eh. Basta isang beses ata sa isang linggo kaming nagsusulat, lalo na kung bagong balik galing sa bakasyon ng Pasko, sigurado ang titulo ng isusulat eh “ANG AKING PASKO”. Meron nga pala itong counterpart sa English, ‘yong Formal at Informal Theme.

Sa klase rin ni Ma’am Guarin ko na-appreciate kahit papaano ang Sibika at Kultura. Nalaman ko kung anong Region ba kami sa Pilipinas; na ang Manila pala ay kasama sa NCR o National Capital Region, diba…xx xx xx.

Grade V: Ma’am Arellano
Sa Grade V, marami na kaming teacher, kasi isang Subject, isang teacher na. Pero sa lahat eh si Ma’am Arellano ang paborito ko, kasi sya ang class adviser namin. Ang di ko makakalimutang project sa kanya eh ang koleksyon namin ko ng mga tula, mga bugtong, mga salawikaing Pilipino, kwenttong bayan, at mga joke. Si ma’am rin ang may pinaka-masarap na eys-kendi noon.

Grade V pa rin, si Ma’am Malacapo, teacher namin sa Sibika at Kasaysayan. Kung si Ma’am Arellano eh sa eys-kendi, si ma’am naman ang tirador ng Pom-poms. Na-addict rin ako sa Pom-poms noon, di natatapos ang klase kung ng hindi ako nakakadalawang Pompoms (PhP .50 isa).

Si Ma’am Morillo naman ang Science teacher ko noon, sa klase nya mas maintindihan ko ang photosynthesis, ang water cycle, at me Science Camp na rin kami this time. Me camping na rin sa Boy Scout at si Ma’am Morillo rin ang adviser. Laging may camping noon, pero sa gayak lang ako kasama, kasi that time well medyo hirap sa buhay, kaya alang perang pang-camping.

Si Ma’am Rosario, naman HELE (Home Economics & Livelihood Education) namin, natuto akong gumawa ng guava jelly, at magsulsi ng damit.

Si Mr. Hernandez naman sa Gardening namin, eto siguro ang pinaka-masaya sa lahat ng klase, maliban sa PE. Kasi dito gardening, pero laro laro lang sa pagtatanim. Kahit anong itanim, petchay, mustasa, at balatong.

Sa Art naman si Mr. Silla. Kay sir mas na-appreciate ko ang ART, mas naliwanagan ako sa color wheel, kala ko kasi basta nalang makulay na gulong lang ‘to. Mas naintindihan ko rin ang tamang pagtitimpla ng kulay, tamang diin ng lapis sa papel, paggamit ng watercolour, paggamit ng pastel at paggawa ng collage.



Sa Mathematics si Sir Guarin, isa rin sa mabait kong guro. Di ko nga alam kung paano ko naipasa ang math, pero dahil sa bait ni sir at sobra maunawain, eh ayon naipasa ko. Asawa sya ni Ma'am Guarin.




Grade VI: Si Ma’am Ferrer (ulit) at si Ma’am Gawat
Bumalik ulit si Ma’am Ferrer, kaso di na nya natapos ang buong taon. Kasi this time malalaki na rin kami, at di lang makukulit kundi matitigas na rin ang ulo. Hindi ata kami nakayanan ni Ma’am Ferrer, kaya ang pumalit sa kanya bilang aming class adviser si Ma’am Gawat. Mabait naman si ma’am kasi bata pa, medyo di pa madaling mapundi sa kaingayan namin. Pero ok naman.. xx xx xx

Elementary Teacher palang ‘to, ‘yong high school at college, sa sunod na post nalang ulit.

Sa lahat ng mga guro…

SIR / MA’AM MARAMING SALAMAT PO!

Monday, 6 October 2008

mIxPiX

Halo-halong snap-shots galing sa telepono ko nitong holiday.

Katatapos lang ng Ramadan, and they celebrated Eid here last 30th of September to marked the end of the holy month of Ramadan. Kaya nga diba dyan sa’tin sa Pinas eh declared holiday ng pangulo ang 1st of October to join with our brother Muslims the celebration of Eid Ul Fitr.

Eid Mubarrak!!! Happy Eid!!!


Usually, kung Eid dito eh maraming fireworks display, meron din konting fire crackers. Putukan, not in a sense na gaya dyan sa Pinas na nakaugalian na natin tuwing magpapalit ng taon. Dito, to celebrate the Eid, usually me mga fountains, lusis, kwisit, me konting paputok rin, tipong mga pambatang paputok o watusi type. Pero ngayong taon, kapansin-pansinng wala gasinong fireworks display sa kalangitan. Besperas na ng Eid, 23:16, eh so far eto lang ang nakunan ko. 1 week before Eid nabasa ko rin nga sa isang pahayagan dito na medyo wala munang putukan ngayong taon, di ko lang alam kung anong meron bakit wala.



At natural, kung Eid, eh katakot-takot ang Sale! Parang gang palanyag. Kabi-kabila nalang eh SALE. Pangkaraniwan na ito dito. Kulang na nga lang eh ipamigay ang tinda, maubos lang. Eto 70% off lang, pramis kagabi nakakita pa ako ng 90% off, di ko na nga lang nakunan ng picture at baka makalaboso pa ako. ‘Yong nasa side kapatid ko, kailangan ko talaga syang pa-pwestuhin dyan kung kukuha ako ng picture para me alibi ako na sya ang kinukunan ko ng picture.

Meron din namang, halos araw-araw nalang eh Last Day Sale na, o Finale Sale na. At dahil bagsak presyo din a problema kung teshert, shert, bantelon jeans, o jakeat jeans ang mabili, basta SALE.

Sa loob ng shopping centre ‘yan, kung dyan sa loob eh maraming SALE, asahan mong mas marami pa sa labas. Sa labas, bangketa o sa gitna ang kalsada, pag-sapit ng gabi, sigurado merong SALE. Forever sale dito. Kasi dito puede makipag-baratan, puede makipag-tawaran.

Nagkalat ang puedeng bilhin. Me nagtitinda ng pekeng pusa, na umiilaw ang mata.


Me nagtitinda ng pagkain, tsit-tserya, at kung ano-ano pa.

Bata, matanda, lahat may bitbit. Lahat may bibilhin.

Mga relong per kilo, na unang bigay eh SR 35.00, pero puedeng tawaran hanggang SR 15.00, o kung barat talaga, kuha pa ng SR 10.00.

Di gaya ng dati, medyo maluwag ata sa mga panahong ito, kasi kapansin-pansin ang mga babaeng nagtintinda sa kalsada, na dati eh para sa mga lalaki lang. Syempre, naka-abaya o naka-talukbong.


Sa gitna ng kalsada, kalimitang kung ano-ano ang tinda, sa gilid naman – sa mga puwesto eh ang mga Money Changer at mga bilihan ng ginto at pilak at kung ano-ano pang mga bato at alahas. Kagabi, SR 110.00 per gramo ng ginto, mahal.



Nakakapagod rin mag-ikot-ikot. Kaya sa bandang huli, bago ako umuwi ng bahay, eh bili muna ako ng pandesal. Ang kaisa-isang tindahan ng pandesal sa Balad, dito sa Jeddah. Kaya asahan na ang haba ng pila.

Sunday, 28 September 2008

Si Juan at ang Alimangong Pinoy

"If you do not lift them up,they will pull you down."

W.E.B. Du Bois
(1868-1936)



Usapang alimango.

Paborito ko ang alimango; aba sino ba naman ang makakatanggi sa matabang babaeng alimango na naninilaw-nilaw ang alige. Kahit pa ginataan, inihaw, sinigang, o kahit anong luto pa ‘yan, basta alimango, wala na tayong pag-uusapan.


Alimango raw ang tawag sa mga uri nito sa tabang, at alimasag naman sa alat. Sa amin sa Mindoro me tinatawag rin kaming “kuray”, ito ‘yong jumbo alimango. Kumbaga sa tao, maselan ‘to – puro muscles. Dahil nga maselan at talaga namang naglalakihan ang mga kuray na ito na karaniwang nahuhuli sa mga mapuputik na bahagi ng palaisdaan (kung minsan sa mga kanal rin), ang kapal din ng mga balat nito. Di tulad sa ibang uri ng alimango o alimasag na maaring kagatin na lang ang sipit eh mabibiyak na, sa kuray magdadalawang isip kang kagatin – kasi makapal nga at matigas ang balat nito. Kung matibay talaga ang ipin mo eh di mabibiyak mo ang balat nya sa kagatan lang, pero kung isang beses ka lang nagsisipilyo sa isang araw at medyo nagkukulang ka sa calcium, eh mabibiyak pa rin naman, ‘yon nga lang hindi ang sipit, kundi ang ngipin mo.

Lahat naman siguro ay nakakita na ng alimango o alimasag kahit minsan sa kanyang tanang buhay. Bukod sa dalawa nitong sipit na masakit maka-ipit na ginagamit nya bilang proteksyon eh meron pa rin ‘tong apat pang mga paa / galamay magkabilaan (na masarap sipsipin kung ubos na laman, aligi at sipit) – sampu lahat ang kanyang mga paa / galamay.

Sidebar: Crab is common name for any of a group of crustaceans characterized by a reduced abdomen and an enlarged and broadened anterior portion of the body. Although most common as bottom dwellers in the sea, crabs also occur in fresh water, and some venture onto land. Crabs are divided into two groups: true crabs (about 4500 species – kasama na siguro dito ang mga kalagukoy at talangka) and hermit crabs (“umang” ito kung tawagin namin sa Mindoro) and their allies (about 1400 species).

Scientific classification: Crabs belong to the order Decapoda, subphylum Crustacea, phylum Arthropoda. True crabs make up the infraorder Brachyura. Hermit crabs and their allies make up the infraorder Anomura. Fiddler crabs belong to the genus Uca, sand crabs to the genera Emerita and Blepharipoda, and hermit crabs to the genus Pagurus.


Maliban sa masarap nitong alige at yaman ng laman nito sa protina, kilala rin ang alimango sa kanilang kakaibang mga katangian – gaya na lang ng pagtakbo at paglakad nila ng pahalang. Subalit sa sarap at sa iba pang magagandang katangian ng isang alimango / alimasag, nariyan pa rin ‘yong pangit nilang ugali – paghihilahan pababa.

Crab Mentality.

Familiar siguro tayo sa mga katagang ito. Kasi malimit natin itong naririnig at kung minsan nga eh nagkakaroon ng kaganapan sa ating mga buhay.

Asa grade school pa lang ako eh narinig ko nang itinuro sa amin ang “Crab Mentality” na ‘yan, at hindi sa Science Class namin, kundi sa Sibika at Kultura. Sabi ni Ma’am Tria nun, likas daw sa nating mga Pilipino ang ganitong kaisipan – “Isip Talangka”. Oi, hindi ito ‘yong mga “utak talangkang” ginagamit sa mga usapan sa barberya na ang ibig sabihin eh “walang utak”.

E ano nga ba ‘to? Ang “Crab Mentality” o ang “Kaisipang Alimango” ay isang paghahambing sa ugali ng mga alimangong nasa isang buslo at nag-uunahang kumawala. Sa loob ng buslo ay kapansin-pansin ang pag-hihilahan ng mga alimango sa kapwa nila alimango. Kaisipang sa halip na naroon ang pagtutulungan para kumawala eh mas ninanais pa ng bawat isa na hilahin pababa ang sa buslo ay pilit na kumakawala. Ito ‘yong ugaling..hhhmmm.. di naman eksaktong “Ganid” o “Makasarili”… siguro sa pagitan ng dalawang ‘yon.

Akalain mong meron din pala ‘tong paliwanag sa Wikipedia.

Sidebar: Crab mentality describes a way of thinking best described by the phrase "if I can't have it, neither can you." The metaphor refers to a pot of
crabs in which one tries to escape over the side, but is relentlessly pulled down by the others in the pot.

This term is broadly associated with short-sighted, non-constructive thinking rather than a unified, long-term, constructive mentality. It is also often used colloquially in reference to individuals or communities attempting to "escape" a so-called "underprivileged life", but kept from doing so by others of the same community or nation attempting to ride upon their coat-tails or those who simply resent their success.

It describes a selfish and desperate lust to pull other people down, denigrating them rather than letting them get ahead or pursue their dreams. It is an unwillingness to allow someone to get out of dire or bad life situations, often being foiled by friends and family members who keep sucking them back in. This trait can strike at several levels of life, like in office environments, particularly on promotion. It is a reflection of the famous saying “we all like to see our friends get ahead, but not too far ahead.”


Napunta dito ang panulat ko dahil sa aking napanood sa Balitang Middle East ng The Filipino Channel kagabi.

Isang kababayan sa Riyadh ang sinet-up ng kapwa nya Pilipino sa hindi pa malamang motibo. Si kabayan eh bagong salta pa lang sa Riyadh, ilang buwan pa nga lang ata sya sa trabaho. Na kung tutuusin eh nangangailangan pa ng patnubay lalo na sa kapwa nya Pilipino, subalit mali pala ang Pilipinong nakatagpo nya – ito ‘yong tipo ng Pilipinong maaari mong ipagkailang Pilipino ng maluwag sa puso mo.

Ano ang kwento ?

Ang pobreng kabayan tawagin nalang nating Juan (as usual) ay dumating ng Riyadh para magtrabaho. Dala marahil ang pangarap na sa wakas “sa aking munting kapamaraan ay mai-aahon ko sa kahirapan ang aking pamilyang iniwan sa Pilipinas”. Ayon sa kanyang mga kasama sa trabaho at sa bahay, matino naman si Juan, maayos at masigasig sa trabaho.

Ilang linggo pa nga ang lumipas eh dumating na ang Alimangaong Pinoy. Hindi ko lang naintindihan sa balita kagabi kung kaibigan ba ni Juan ang Alimangong Pinoy, dahil sa hindi pa rin maipaliwanag na kadahilanan eh binigyan umano ni Alimangong Pinoy si Juan ng isang SIN Card, este SIM Card pala.

Anong meron sa mahiwagang SIM Card?

Ang mahiwang SIM Card ay meron palang mga mahiwagang “caller”. Mga tawag at “caller” na nagdala kay Juan ngayon sa malalamig na selda ng Riyadh.

Nabanggit at ayon na rin sa pagkakaalam ng mga kasama sa bahay ni Juan, eh meron nga raw tumatawag na mga “katutubo” sa SIM na ‘yon na ibinigay ng Alimangong Pinoy. Mga tawag na nangangailangan ng mahiwang serbisyo. Serbisyong malinaw pa sa sikat ng araw na ipinagbabawal sa lugar na ito – ang pagmamasahe ng lalake sa kapwa nya lalake, maliban na lamang na lisensyado at propesyonal ang gagawa nito.

Sa isa ngang entrapment operation na isinagawa ng kapulisan ng Riyadh kasama ang isang Mutawa o Punong Ministro ng Islam, ay nahuli si Juan na nakikipagtalamitam sa isa umanong “parokyano”.

Wala mang matibay na ibidensya o hindi man nahuli sa akto si Juan, subalit ayon na rin sa mga dumakip na pulis at mutawa sa kanya ay “sapat na ang pakikipag-usap” nya sa parokyano sa kabilang linya. Ni hindi na nga nabanggit kung marunong nga ba talagang magmasahe si Juan kung saka-sakali mang totoo nga ang ibinibintang sa kanya.

Ilang buwan na ring nakakulong sa Riyadh si Juan, samantalang ang Alimangong Pinoy ay hindi na rin makita o mapangalanan man lang.

Nakakalungkot isiping merong mga ganitong klaseng Pilipino. Pilipinong wala man lang pagmamalasakit sa kanyang kapwa Pilipino.

Sa bandang huli, napaisip tuloy ako : “Pilipino nga kaya si Alimangong Pinoy ?”, kung ito man ang alimangong igagata, di bale na lang…magdi-dildil na lang ako ng asin.

Kung meron pang ibang mga Juan dyan, aba magdalawang isip muna tayo bago tayo magtiwala sa ibang tao, kahit na nga kababayan natin ito. Sabi nga “walang manloloko kung walang magpapaloko” ‘wag nating bigyan ng pagkakataon ang ibang pang Alimangong Pinoy na lokohin tayo at masakit eh ipagkanulo pa tayo.

At sa mga Alimangong Pinoy, mahiya ka naman…kapal ng balat mo ‘teng….siguro kuray ka ‘no?

My references, thank you :
1. Microsoft Student with Encarta Premium 2008 for my Crab Sidebars & Quotation
2. Balitang Middle East ng The Filipino Channel
3. http://www.wikipedia.com for my Crab Mentality Sidebars
4. http://www.thebiographychannel.co.uk for Behind Bars Image
5. http://www.ccgov.org for Crab on Basket Image
6. http://www.bluestargroup.co.uk for Caller Image

7. http://www.reef.crc.org.au for Crab Image

Thursday, 25 September 2008

Puyat ka na naman


I love to sleep, aba sino ba naman ang ayaw matulog.

Hhhmm.. siguro ‘yong mga bata, kasi ‘nong bata pa ako nagkaka-paluan pa kami ng nanay ko para lang ako matulog sa hapon maka-pananghalian, para raw madaling lumaki. Pero ngayon, pinapalo na ako ng nanay ko hindi para matulog kundi para gumising, aba hapon na ey tulog pa?...

Ewan ko ba naman kung bakit kung bata ka pa, eh para bang napakasarap maglaro sa hapon, ‘yong bang kasikatan ng araw. Ang sarap maglaro sa parang, maghabulan, tumbang preso, patentero, basta masarap maglaro sa ilalim ng araw ng mga panahong ‘yon. At ako naman bilang bata, pakiramdam ko eh bilanggo ako ng aking nanay tuwing hapon, kasi nga compulsory ang pagtulog noon.

Pero kasi nga likas na makukulit at pasaway ang mga bata, eh nakaka-gawa pa rin ng paraan para makatakas. Ang masakit nga lamang eh kung mahuli kang tumatakas, sigurado umaatikabong paluan na naman, di pa kasama na kurot sa singit.

Hindi ko lang alam ha, sa mga magulang, of all the places naman, BAKIT SA SINGIT PA???

Sabi ko nga kanina, eh nung mga bata pa noon tayo, pero ngayon “lumaki” na (salamat sa sapilitang pagpapatulog sa hapon), eh magbabayad ako on reasonable price para lang makatulog sa hapon.

Base sa mga pag-aaral, habang nagkaka-edad ang isang tao, eh nababawasan na rin ang karampatang tulog na kinakailangan ng kanyang katawan. Kung dati, sa kabataan eh kulang ang 10 oras na tulog sa magdamag, ngayon sa mga medyo nagkaka-edad, eh sapat na 7 hanggang 8 oras na tulog. ‘Yong nagkaka-edad, di naman ito ‘yong matanda na ha…say someone going north.

Maliban dito, eh marami na ring pinagkakaabalahan ang isang taong tumatanda, kaya kung minsan eh nakakalimutan na ring matulog. Mahilig na ring mag-puyat.

Kahit na sabihing I’m self proclaimed tulog-addict, eh kung minsan eh di ko pa rin maiwasan ang pagpupuyat. Ewan ko ba kung bakit, eh bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagpupuyat??

Una, napupuyat ako kung may nadaanan akong magandang palabas sa TV. Malikot ako sa remote control, pindut dito – pindut doon. Channel surfing – kung may masumpungan akong magandang palabas, e’di doon ako, kung wala naman I just set the TV on 30 minutes sleep timer.
‘Di ko lang naman kasi alam kung bakit kailangang dis-oras na ng gabi dapat ipalabas ‘yong mga magagandang panoorin, pede naman siguro ng mas maagang time slot eh. Kaya naman ang mga manonood very limited ang choices (1) abangan talaga, swerte lang kung me replay sa mas maagang oras, or (2) kung medyo “able”, eh i-record nalang then panoorin kahit anong oras.

Ikalawa, napupuyat ako kung may tinatapos akong basahin. Kahit anong babasahin. Komiks, libro, magazine, basa lang ng basa hanggang sa umiyak na ng kusa ang aking mga mata. Puede pala ‘yon, ‘yong iiyak ka ng walang emosyon. Na kung minsan eh sayang naman ‘yong luha, kaya lalagyan ko na lang ng emosyon.

Ano ba naman ang pinagbabasa ko?? pocket books… xx xx xx, katatapos ko lang ng Venetian Betrayal ni Steve Berry, and I recommend that book to those who like a fast-pace fact-fiction-brewed type. ‘Yong tipong all the history is there with all the dates and yet ‘di boring unlike the History Class before, and to those who want to know more about Alexander the Great, what’s the latest with the HIV and what the heck is this biological warfare.

Pangatlo, napupuyat ako once na nag-umpisa na akong maglinis. Ewan ko ba, kung bakit ba kailangang sa gabi ako maglinis ng bahay. And once na nag-umpisa na akong maglinis, I can’t be stop. Kahit minsan hindi na sa akin ‘yong spot na lilinisin ko, but still nagi-guilty or nabo-bother ako na di linisin, so to satisfy myself, e ‘di lilinisin ko na rin. Kasi lalo lang akong di makakatulog kung meron akong di natapos, baka mapanaginipan ko pa.

Dito sa compound we have our own room, but we have the common kitchen. And kitchen is my favorite place to clean. Don’t know if I’m sick or what, though we have cleaner here, pero di ako masaya sa linis nya; kaya naman kahit late at night eh pinagpupuyatan ko pa ring linisin ‘yong kusina. Ang sarap lang kasi ng pakiramdam kung nakikita kong malinis ‘yong paligid. And that makes me sleep.

I don’t know if this is weird, pero di ako makatulog kung meron pa akong dapat hugasan o tapusin. Gusto ko bago ako matulog lahat ng baso, kutsara, tinidor, plato, mangkok eh nahugasan at napunasan nang lahat at nasa lalagyan na. ‘Yong pitsel me tubig, ‘yong lalagyan ng yelo, me laman, ang takure me tubig na rin, para sa umaga eh iinitin na lang.

Dapat rin bago ako matulog, naka-handa na rin ‘yong damit na susuotin ko kinabukasan. Polo, undershirt, pants, underwear, pati medyas, kung minsan nga eh nagkakaroon pa ako ng dress-rehearsal bago ako matulog, xx xx xx, weird no?

At matapos ang lahat ng mga ‘yan… sigurado makakatulog na ako… that would be 2 o’clock in the morning, Wowowie na ulit ang palabas sa TFC.. xx xx xx.

Kaw, bakit ka napupuyat?

Tuesday, 9 September 2008

Coffee in the Dark

Medyo late na ‘to, pero huli man, eh ihahabol ko pa rin.

Ramadan na pala. Siyam na araw na rin ang nakararaan mula ng masilayan ang bagong buwan. Sagrado ang buwan na ito sa ating mga kapatid na Muslim. At gaya nga ng naratnan ko na dito, ang buwan ng Ramadan ay ang isang buong buwan ng pag-aayuno.

Sidebar: The Holy month of Ramadan is the ninth month on the Islamic Lunar Calendar. During Ramadan, Muslims fast from dawn to dusk. The fasting starts at Faj’r (Morning Prayer), just as before the sun rises, as its rays lingers on the horizon, brushing the murky sky with the hint of oranges and amber shades. This is a whole day fasting ‘till it breaks at Magreeb (Evening Prayer), as the sun sets. Magreeb prayer starts when the sun is completely set, leaving the indigo canvas with amber and scarlet hue. Ramadan is particularly sacred for our Muslim brothers, because it was believed that the holy Qur’an was first revealed to Prophet Mohammed on this month.1

In Saudi Arabia, where the Mecca can be found, the heart of the Islam, Muslims are strictly obliged to fast, as it is included on the five pillars of Islamic Faith. For non-Muslims, we’re coerced not to take our food or water on public places where it can be seen by the fasting crowd.



RAMADAN MUBARRAK!!!

Change gear.



Ramadan na nga, though buwan ito ng pag-aayuno, di mo maika-kaila na festive na festive ang buong paligid. Maraming mga tindahan at establisyemento ang nagdagdag pa ng dati na nila maraming ilaw para lalong lumiwanag ang paligid, para gang Pasko. Halos lahat rin ay nag-dagdag ng karagdagang oras ng trabaho sa gabi, dahil nga sa umaga ay halos lahat rin ay sarado sila. Kaya kung dati eh tulog na mga tao ng ala-onse, ngayon pangkaraniwan ng tanawin ang rush-hour ng alas-tres ng madaling araw - bumper to bumper pa rin ang traffic at gising na gising pa rin ang lahat.

Dahil nga Ramadan, eto walang kainan, fasting din kami. Fasting din ako. Di man ako Muslim, subalit hindi rin ako makakain dito sa opisina ko kasi makikita nila ako. Pero syempre meron pa rin akong baong biscuit.

Ang baon kong biscuit ay ‘di nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko, di tulad noong mga nakaraan buwan, bagkus nadoon sya sa ilalim ng lamesa ko.

Para makakain lang, kailangan ko pang maghulog ng lapis o ballpen o kung ano mang maaaring ihulog para lang may dahilan akong yumuko sa ilalim ng lamesa ko, at alam nyo na ‘yon. Bukod sa kailangan kung pulutin ‘yong ihihulog ko, eh ang totoo eh dahilan lang ‘yon para dumukot ako ng biscuit at kumain. Kaya hindi magandang idea na kausapin ako matapos akong manggaling sa ilalim ng mesa ko.. kasi puno ang bibig, at kailangang hindi halatang ngumunguya… na sa totoo lang, mahirap ah..

Eh paano naman ang tubig?? Kung noong mga normal na buwan eh sabi ko nga bottomless ang kape ko, ngayon you can see the bottom, alang laman! Kung ‘yong tubig nga bawal, kape pa kaya. Naka-bakasyon rin ang tea-boy namin.. so alang taga-timpla ng kape at tsaa.

Kung dati, tuwing Ramadan, ang susi ng kitchen ay kasama ng tea-boy namin kung mag-bakasyon, ngayong taon, kahit naman papaano eh napaki-usapan namin si Jibran na iiwan ang susi.

Ang magadang balita, nakakapag-kape na ako, ‘yon nga lang sa dilim. ‘Di ako makapag-bukas ng ilaw dahil makikita sa labas na me tao sa kitchen, which is an odd scene during Ramadan. Lagi lang rin akong patago kung pumasok sa kitchen. Kailangan pang tumingin sa kaliwa at kanan na parang tatawid sa kalsada…para siguradong walang makakakita.

Sa kitchen, malinis ang lahat. Itinago kasi ni Jibran ‘yong stove at ‘yong initan ng tubig, pati ‘yong garapon ng kape at asukal ay nakatago rin.

Buti nalang iniwanan ‘yong water dispenser, na ngayon eh pinapatos ko na ‘yong “Hot Water”. Kailangan ko na ring magdala ng sarili kong kape. Isa pang buti nalang, na-uso ‘tong 3-in-1 coffee na ‘to, kaya solve!



















Sige ha.. kape muna ako.. sssssshhhh..



My references on this post:
1 Microsoft Student with Encarta Premium 2008 & Input from Tufs
2 staceycake.blogspot.com/2008_09_01_archive.html for the Moon & Mosque pic.

Sunday, 7 September 2008

The Bloggers' Etiquette

"Writing is a form of therapy; sometimes I wonder how all those
who do not write, compose or paint can manage to escape the madness, the
melancholia, the panic fear which is inherent in the human situation.
"
-Graham Greene


Web log or “blog”. Bloggers. Wordpress. Multiply. Friendster. Yahoo! 360. My Space. Facebook. You Tube. YM. Skype. Hotmail. Google. Who on the planet don’t know these stuff? Pretty much almost all human beings whose’ been or at least once on their life time had been to this virtual world called the “internet”, has already encountered these names.

Some have it as a companion, a source of information – good and bad, some might be nice and some might not, like a Pandora’s Box.

For others, it’s a good tool to communicate with their long lost friends, classmates, relatives, enemies, exes, new acquaintances, new friends, new enemies, mga nakasabay sa CR, nakatabi at naka-huntahan sa bus o LRT/MRT o FX and the whole barangay.

Some found it as an outlet to express their thoughts, sentiments, stories of their life, the complains, the frustrations, to brag about the hobbies, the collections, and a lot of things this mind can think of.

Others too, just simply want to write, to enjoy this small space that this virtual universe has given to them. That’s all. Write, write, and write.

But is there a limitation for this? I mean, can I just write whatever that comes to my mind? Like I said on my previous post, we’re in a world which is living and has been survived for ages by the laws governing its occupants; so having said that, there must be some decorum or at least a “Bloggers’ Etiquette” or some kind of “Bloggers’ Protocol” (imbento ko lang ‘to), like a manner to be observed when a blogger blogs.

1. Consider What You’re Gonna Write. Writing is fun, when a writer starts to write, it’s like an endless marathon where there is no finish line, literally “ihe lang ang pahinga” at “tungga ng kape”. The idea simply flows, but of course, with that over pouring of thoughts, a writer should ask him/herself first, “Do I really need to write this?” or “Why am I writing this?”. The space might be the writers’, and yet the space will be available to the public. That’s why after writing the blog there’s this “Publish” button at the end, it will be published and it meant to be read. People will read it – and mind you they won’t just read, like it or not they will scrutinize and criticize it; might find it’s content interesting, boring, acceptable or absurd. So from there, at least on writing, don’t be selfish, consider too the ones going to read, would it be beneficial to them? or what would they get? Does the content of the article will affect something on life of the reader? Will it promote common good or common evil (meron ba nun?). If it’ll ruin someone’s reputation or someone’s life or if it’s just bragged someone’s stupidity under the sun for nothing…think again, know your motive on writing. That’s tricky, because I might brag about other people’s fault so as for the others not to follow…siguro on a nice way. Simply, be considerate.

2. Truth, the whole truth and nothing but the truth. Simply put, NO LIES. This I guess centers on the “non-fiction” writing, cause if it is a fiction, syempre di totoo, katha-katha lang, at kung minsan eh kailangan talagang umimbento ng kasinungalingan para lang maging masabaw at malasa ang kwento. Kumbaga sa sago at gulaman, kung mas matingkad ang food coloring – mas mabenta sa mga bata. What about the non-fiction type? Well if it is a story of the writer, or someone else’s, write only the truth, kung me mga palabok man, make sure that the reader will clearly identify the facts from fiction; if it is for general information, make sure that the facts stated are relatively true, which will lead us to number 3.

3. Acknowledged the Source. This one I guess is an etiquette every writer should have. Maybe not all the time, but sometimes we “quote” something from other people on writing or just to add substance to our post, with that it will do no harm to acknowledge them, appreciate them. Iwas plagiarism pa. Pasasalamat ga. Kung ‘yong mga artista nga sa awards night eh me listahan ng mga pasasalamat, diba ok rin ‘yong pasalamatan natin ‘yong ating mga sources. Give credit to the references you used on writing that article, kahit galing pa ‘yan sa Tiktik. Or if we interviewed someone or asked for other peoples opinion regarding the subject, at least give a nod to them who contributed something to make that article done. At aminin na natin, claiming something that is not ours, aside from the “not-so-good-feeling” it’ll give, eh it will also engrave a big capital letter “L” on our forehead.

4. Cross-link. With Mr. Google around, making a research work nowadays is, well… more of a skill on “typing” the right word, to get the right “hits”. he he he. With that, like the number 3, it will be also fun to cross-linked those site that we found interesting and say, beneficial to our reader. If I am the reader, it will be easily for me to verify or to explore more on the subject if the sources come handy with the post. Diba, click-click lang.

5. English o Tagalog o Bisaya o Ilocano? Maybe on writing a blog, there is no such rules limiting the blogger what medium to use. On my blogging career (at may karir pa talaga akong nalalaman), I read / encounter a lot of blogs that even crisscrossing from one medium to another, and yet it works. Even the street slangs, and the new lingos works fine. And the grammar?? Hhmm.. I don’t know if that’s really an issue on writing a blog, well of course using right grammar on your writing is encourage, but it doesn’t really hinders or stop the blogger there.. just write, write, write. Though, the subject don’t recognize the verb, and some idioms doesn’t compliment the thought, pero ok pa rin, sulat lang ng sulat. One tip siguro, use the medium where you can express yourself more, and where you’re comfortable of using.

6. This one is more on the “comments” part. Syempre, since the post is open to the public, and on the bottom on your post there’s a lil button there labeled “Comments”, then comments are expected. Well for the “commentators” or to those that will leave comments, be nice naman. Comment more on the content of the post, rather than on how the post has been done (like peeking on grammars, wrong spellings, etc.). For criticism, be nice ulit on telling the writer what is it, or if it will offend the writer, I guess comments box is not the right place, e-mail the writer. And make a comment if you really have something to comment on the post, hindi naman ‘yong basta nalang makapag-comment, may masabi lang ba, wag namang ganun. At isa pa, Comment Box, a.k.a. Instant Chat Room, I don’t know if there’s separate rule for this, but I find these most of the time on the blogs I visited, at naaaliw naman ako.. he he he.

Disclaimer: ‘Yon lang. Oi, gawa-gawa ko lang ‘to ha, if you’re a blogger, those stuff above does not necessarily mean that you have to follow, sabi ko nga gawa-gawa lang ‘yan.

Saturday, 30 August 2008

The Babel Tooth

Have you been to a babel lately?

Have you been to Babel?

Have you seen Babel?

Sidebar: On English lexicon, the word “babel” has been defined as “a confused noise; a scene or place of noisy confusion”. So a flea market or a Divisoria-type of market can be considered as a “babel”. On the bible, well we all know that tower on the plains of Shinar. And for the movie-buffs, it’s the 2006 flicks of Brad Pitt, Kate Blanchett, and of course who can forget Rinko Kikuchi (the Japanese deaf chick)!




Before we build ourselves our own Babel of thought-bricks, let see first what really is this “Babel”? I was on grade school when I first heard Babel. It was on our Religion class with Madam Fely (Lyzius’ mom) that also introduces us to Jonah who has been swallowed by the big fish, to Samson and the deceitful Delilah (told you, man are simply man… and women seems to take advantage of that weakness), and of course the tale of the Great Flood, complete with soundtrack…

Bumuhos ang ulan at bumaha
Bumuhos ang ulan at bumaha
Noe! Noe! Pasakay naman!
Ang sabi ni Noe, “Hindi puede!”
Ang arko’y sarado na…

Ulan, ulan, umaalon-alon
Ulan, ulan, umaalon-alon
Ang arko’y palutang-lutang


Balik sa Babel.

Back on those days, it was really easy to communicate with other people. People can sit and talk about plans, have a healthy discussions or simply debates on the issues that affect the whole community. People from the east, west, southern and northern hemisphere can meet at the middle and just talk. On those days, the term “language barrier” is not yet part of the lexicon. Humanity back then speaks of the same tongue. Though its not mention what language they are speaking on those days, but it was clear that they have one language. “Now, the whole world had one language and a common speech.” (Genesis 11:1)

Babel was a name of the tower built by Noah’s descendants on the plain of Shinar in Babylon, an ancient city, known to us now as Iraq. The Tower of Babel was constructed so as to reach and maybe touch the heavens, to quote “Come, let us build ourselves a city, with a tower that reaches to the heavens, so that we may make a name for ourselves and not be scattered over the face of the whole earth.” (Genesis 11:3).

Unfortunately, it seems that that idea is not as too pleasing to their creator, “If as one people speaking the same language they have begun to do this, then nothing they plan to do will be impossible to them. Come, let us go down and confuse their language so they will not understand each other.” And from that moment, Tagalog, Visaya, Ilocano, Mekeni, Panggalatok, Waray, French, Japanese, Chinese, Arabic, Urdo, Hindi, Latin, German, Greek, Aramaic, English, Spanish, Italian and I can go on for hours and hours for the list of the world languages.

Sidebar: There are at least than 6,800 languages (and counting, still) unevenly distributed around the globe, not to mention those languages that has been long considered “dead”. Out of that 6,800 there are no less than 50 languages that are commonly used in our modern world.

So I guess it’s quite logical and biblical, that by nature, human beings are not created to understand each other at ease, each should exert an effort to understand each other. Just wondering, how easily would it be to achieve the so called “World Peace”, if we’re speaking on the same tongue; like it or not, same language is the common denominator for a two person to understand and unite peacefully.

Napunta sa babel ang usapang ito dahil sa pagkikita namin ng bago kong dentista. Nasa bakasyon ‘yong dati kong dentista, so no choice ako, kundi maglipat, magkatapat lang naman ang clinic nila eh.

Medyo, optimistic ako sa dentista ko bago ko pa sya ma-meet, kasi babae, though di ko pa alam kung anong nationality, ang sigurado ko lang eh hindi Pilipino. ‘Yong kasing Egyptian dentist ko before eh lalaki, at medyo walang paki-alam kung maihi ka sa pantalon sa sobrang sakit. Para bang kung lalake dapat mataas ‘yong tolerance mo sa sakit. So this time, babae ‘to, so syempre kahit naman siguro papaano eh me dental serive ‘to with TLC, hindi tomato, lettuce, and cheese, kundi tender, love, and care service.



Pagpasok ko ng clinic, mukhang ok naman. Naka-head scarf si doktora.

Doctora: Shismo? (name?)


Me: Mangyan

Hanap nya ‘yong file ko, tapos itinuro na nya ‘yong upuan, at sa mga turuang ‘yon nag-umpisa ang pasthan naming senyasan at tanguan lang. Sana nga pede sanang i-drawing nalang para magkaintindihan kami.

Ilang saglit pa nga eh nag-umpisa na ang kanyang “drilling” work. Sabi nya lang para pangangahin ako eh, “Aahhh”, sabay tingin sa loob ng bibig ko. May sinasabi sya, siguro Arabic ‘yon pero di ko maintindihan. Buti nalang at pumasok ‘yong Pilipinong dental assistant nya.

Dental Assistant: Kabayan, ano ba raw ang gagawin sa ipin mo?


Me: Ano pa eh ‘di ‘yong sira? Isa lang naman ang obsyut na obsyut na may sira eh, e’di ‘yon.

Buti nalang talaga at dumating si kabayan, kasi baka maulit na naman ‘yong nangyari noong huling punta ko ng dentista; akalain mo ba namang sa halip na ‘yong sirang ipen ang i-root canal nya eh ‘yong katabing ipen ang trinabaho. Kaya pala during the process eh sinasabi nyan buti raw hindi pa sumasakit (natural kasi maayos pa ‘yong ipen na dini-drill nya). After the procedure, doon ko nalang nalaman na nandoon pa rin ‘yong sirang ipen, at ‘yong katabing ipen na na-root canal. Haaayy…

Balik ulit kay doctora.

So, nag-umpisa nang ang drilling. Si kabayan nilagay lang sa bibig ko ‘yong tubong sumisip-sip ng tubig tas umalis na rin, so kami nalang ulit ni doctora ang naiwan. Siguro tumagal ng mga lima hanggang pitong minuto ‘yong pag-di-drill nya sa ipen ko. Medyo nanibago ako, kasi on the process of drilling di nya man lang ako pina mumug ng tubig, whereas sa ibang dentista naman eh halos maya-maya ang mumug.

At nang pamumugin na nya ako, itinuro nya lang ‘yong katabing lavatory, tingin naman ako, ahhh.. doon ko na lang ulit naintindihan na kailangan ko na palang mag-mumug.

Pasok ulit si kabayan, naghahalo ng simentong itatapal sa ipen ko. Ilang saglit pa nga at pinalitadahan na ang ipen ko, at sa bandang huli eh meron na naman syang sini-senyas sa akin.

Me: (ano?)

Ahhh.. kagat daw pala.

Ilang minuto pa ang lumipas, natapos rin sa wakas..

Hanggang sa lumabas ako ng hospital eh kagat-kagat ko pa rin ‘yong bulak. Wala naman kasing sinenyas na tanggalin ko na eh, eh masunurin ako.. he he he..

Hhhaaayy… kung iisa nga lang siguro ang wika ng mga tao eh di sana naging maiga-igaya ang aking karanasan sa mga dentista dito. Madali sana kaming nagkakaintindihan.

Ganoonpaman, eh kailangan nga raw ng extra effort para magkaintindihan.