Tuesday, 9 September 2008

Coffee in the Dark

Medyo late na ‘to, pero huli man, eh ihahabol ko pa rin.

Ramadan na pala. Siyam na araw na rin ang nakararaan mula ng masilayan ang bagong buwan. Sagrado ang buwan na ito sa ating mga kapatid na Muslim. At gaya nga ng naratnan ko na dito, ang buwan ng Ramadan ay ang isang buong buwan ng pag-aayuno.

Sidebar: The Holy month of Ramadan is the ninth month on the Islamic Lunar Calendar. During Ramadan, Muslims fast from dawn to dusk. The fasting starts at Faj’r (Morning Prayer), just as before the sun rises, as its rays lingers on the horizon, brushing the murky sky with the hint of oranges and amber shades. This is a whole day fasting ‘till it breaks at Magreeb (Evening Prayer), as the sun sets. Magreeb prayer starts when the sun is completely set, leaving the indigo canvas with amber and scarlet hue. Ramadan is particularly sacred for our Muslim brothers, because it was believed that the holy Qur’an was first revealed to Prophet Mohammed on this month.1

In Saudi Arabia, where the Mecca can be found, the heart of the Islam, Muslims are strictly obliged to fast, as it is included on the five pillars of Islamic Faith. For non-Muslims, we’re coerced not to take our food or water on public places where it can be seen by the fasting crowd.



RAMADAN MUBARRAK!!!

Change gear.



Ramadan na nga, though buwan ito ng pag-aayuno, di mo maika-kaila na festive na festive ang buong paligid. Maraming mga tindahan at establisyemento ang nagdagdag pa ng dati na nila maraming ilaw para lalong lumiwanag ang paligid, para gang Pasko. Halos lahat rin ay nag-dagdag ng karagdagang oras ng trabaho sa gabi, dahil nga sa umaga ay halos lahat rin ay sarado sila. Kaya kung dati eh tulog na mga tao ng ala-onse, ngayon pangkaraniwan ng tanawin ang rush-hour ng alas-tres ng madaling araw - bumper to bumper pa rin ang traffic at gising na gising pa rin ang lahat.

Dahil nga Ramadan, eto walang kainan, fasting din kami. Fasting din ako. Di man ako Muslim, subalit hindi rin ako makakain dito sa opisina ko kasi makikita nila ako. Pero syempre meron pa rin akong baong biscuit.

Ang baon kong biscuit ay ‘di nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko, di tulad noong mga nakaraan buwan, bagkus nadoon sya sa ilalim ng lamesa ko.

Para makakain lang, kailangan ko pang maghulog ng lapis o ballpen o kung ano mang maaaring ihulog para lang may dahilan akong yumuko sa ilalim ng lamesa ko, at alam nyo na ‘yon. Bukod sa kailangan kung pulutin ‘yong ihihulog ko, eh ang totoo eh dahilan lang ‘yon para dumukot ako ng biscuit at kumain. Kaya hindi magandang idea na kausapin ako matapos akong manggaling sa ilalim ng mesa ko.. kasi puno ang bibig, at kailangang hindi halatang ngumunguya… na sa totoo lang, mahirap ah..

Eh paano naman ang tubig?? Kung noong mga normal na buwan eh sabi ko nga bottomless ang kape ko, ngayon you can see the bottom, alang laman! Kung ‘yong tubig nga bawal, kape pa kaya. Naka-bakasyon rin ang tea-boy namin.. so alang taga-timpla ng kape at tsaa.

Kung dati, tuwing Ramadan, ang susi ng kitchen ay kasama ng tea-boy namin kung mag-bakasyon, ngayong taon, kahit naman papaano eh napaki-usapan namin si Jibran na iiwan ang susi.

Ang magadang balita, nakakapag-kape na ako, ‘yon nga lang sa dilim. ‘Di ako makapag-bukas ng ilaw dahil makikita sa labas na me tao sa kitchen, which is an odd scene during Ramadan. Lagi lang rin akong patago kung pumasok sa kitchen. Kailangan pang tumingin sa kaliwa at kanan na parang tatawid sa kalsada…para siguradong walang makakakita.

Sa kitchen, malinis ang lahat. Itinago kasi ni Jibran ‘yong stove at ‘yong initan ng tubig, pati ‘yong garapon ng kape at asukal ay nakatago rin.

Buti nalang iniwanan ‘yong water dispenser, na ngayon eh pinapatos ko na ‘yong “Hot Water”. Kailangan ko na ring magdala ng sarili kong kape. Isa pang buti nalang, na-uso ‘tong 3-in-1 coffee na ‘to, kaya solve!



















Sige ha.. kape muna ako.. sssssshhhh..



My references on this post:
1 Microsoft Student with Encarta Premium 2008 & Input from Tufs
2 staceycake.blogspot.com/2008_09_01_archive.html for the Moon & Mosque pic.

3 comments:

Anonymous said...

pati pala liquid kailangan patago ha.

escape said...

hehehe... may mga sikreto pa pala dyan.

Anonymous said...

mas maunlad na dito sa UAE kasi alam na ng mga muslim na katrabaho mo na di ka nila kaisa sa ngalan ng penitensya ng pag-aayuno.pero nung naandyan pa ako sa KSA, maayos naman.kumakain nga kami minsan, kaharap pa yung mga kasama namin sa trabaho..pasaway baga..pero mas "festive" diyan sa KSA kesa dito kasi marami ang nagbibigay ng pagkain diyan pagramadan..