Sunday, 15 June 2008

Jabee Jeddah

Abala pa rin at santambak pa rin ang trabaho. Naisingit ko lang 'to. Ang update ng Jabee, Jeddah.

Dahil noong nakaraang Biyernes, pagkagaling sa trabaho (overtime - dapat wala akong pasok ng Biyernes pero kinailangan), nagpunta kami ng mga kaputol ko sa JIM (Jeddah International Market) o mas kilala bilang Sarawat.

Sa JIM bubuksang muli ang Jollibee. Lahat nga ng Pinoy dito eh sobra-sa-over na sabik-na-sabik na sa muling pagbubukas ng Jollibee dito sa Jeddah. Astig talaga ang Pinoy.
Bigo na naman ang mangyan... takam na takam na sa bawat kagat ng Masayang Manok.
Bad news, kasi sarado pa rin ang Jollibee. At ayon sa isang mapagkakatiwalang source:

"...sa June 21 na talaga ang bukas nyan kabayan. Dumating na rin kasi 'yong 5 pang mga crews galing pa ng Pinas. Andyan na rin 'yong mga gamit nyan - kompleto na 'yan sa loob, bubuksan na lang."

So, sa mga kababayang "Batang-Jabee" ng Jeddah o kahit batang-Mcdo ka pa, mark your calendar: JUNE 21 2008, SABADO magbubukas ang Jollibee, Jeddah.

Napapakanta tuloy ako...

"Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee!"

At dahil sa galing nasa Sarawat na rin naman ako, eh pumunta na rin ako ng grocery. Punta ulit ako ng gulayan.

Muli ay nagulat ako sa presyo ng mga Pilipino veggies and fruits dito.

Ang Saging na Saba: SR 21.95 per kilo


Ang Manga: SR 32.95 per kilo


Eto ang nakakagulat. Ang Pinatuyong Kamyas: SR 48.95 per kilo


Ang Sayote: SF 24.95 per kilo

Ang palitan ng Piso kontra Riyal: SR 1.00 = PhP 11.94

4 comments:

escape said...

hahaha... sarado pa rin. mahal nga pala talaga ng gulay at prutas dyan.

ang tanong. ano ang mura dyan?

Dakilang Islander said...

hahah...sabik na sabik! konting tulog nalang at mag i'm lovin it at finger lickin good na kayo dyan...teka mcdo at kfc pala yun..hehh

Si Me said...

dong, uu sarado pa...wala magawa ang mangyan kundi maghintay...mura naman ang mga prutas at gulay dito, ang medyo may kamalan lang eh 'yong mga prutas na imported from the philippines.

mura ang gasolina dito, SR 0.40 lang.

D. islander, di naman sabik na sabik, slight lang he he he..

Anonymous said...

wag mong ikagulat yung presyo ng tuyong kalamyas. yan kasi ang most important ingredient sa pinangat na talagang mahal na mahal ng bawat batangueno.
happy father's day nga pala and happy chicken joy day na rin.