Medyo ilang araw na rin akong walang post, at ilang araw na ring absent sa klase.
Ilang araw na akong nawawala sa balintataw na mundo ng blog. 'Di ko lang alam kung meron bang naghahanap sa akin.
Ganoonpaman, gusto ko lang pong linawin na HINDI PO KASAMA ANG MANGYAN SA LUMUBOG NA MV PRINCESS OF THE STAR.
At nabanggit na rin naman ang lumubog na MV Princess of the Star, ako po ay lubos na nakikiramay sa lahat ng mga naulila ng lumubog na barko. Kasama po kayo sa aking mga panalangin.
Nawawala po ang mangyan dahil sa dami ng trabaho at dami ng mga hinahabol na submittals, documentations, at kung ano-ano pa. Kaya eto, bisi..
Some Jollibee update:
Nawawala po ang mangyan dahil sa dami ng trabaho at dami ng mga hinahabol na submittals, documentations, at kung ano-ano pa. Kaya eto, bisi..
Some Jollibee update:
Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa loob ng Jollibee Jeddah. Nakapasok lang, hindi pa naka-kain. Medyo maliit lang ang lugar, at talaga namang sandamukal ang tao at pagkahaba-haba ng pila.
Hindi ito pila ng NFA rice o ng lotto, pila ito ng mga kabayang gusto muling makaniigang dila ang Masayang Manok ni Jabee.
Hanggang sa loob, eh siksikan... ilang linggo na ring bukas 'tong Jollibee, pero hindi pa rin magmaliw ang kasabikan ng ating mga kabayan.
Meron na ring spaghetti at palabok!!!
At syempre mawawala ba naman ang Beef Burger with TLC??
Sa sunod nalang 'yong iba...
16 comments:
wow mukhang blockbuster ang jollibee nyo dyan ah! magpatayo ka na rin kaya ng jabee mo jan..heh
mas mabilis pa yata kung magpapa-DHL ka na lang ng Masayang Manok.
God bless!
wow!!!! bilib ako... grabe ang pila! siguro kung ako andyan, next month na lang ako kakain. wala akong pasensya sa pila. hihi! i'm back!!!!
oo nga. kakamiss ang mga post. blockbuster pala talaga ang jabeeh dyan.
dapat siguro 24hours yan.
ano ba yan! parang hindi na healthy ang pila sa loob ng jabee.. ang init init na siguro dyan.
at take note! haba ng mga pasensya ng mga tao pumila makakainin lang ng chicken joy! assstig.. TATAK PINOY TALAGA, ang saya saya!
naku,ok lang yan...
meron na din pla jobee dyan...pinoy na pinoy...
padalahan na lang kita ng masyang manok para di ka na pumila at mkblik ka na sa blog sphere...hehehe
wow!
grabe..ganyan kahaba pila?
lupet talaga ni jollibee,
hilig mag world tour.
bloghopping here...
wahahahhah. infairness talaga yang si jollibee...ibang klase ang karisma
medyo late na 'to, pero walang makakapigil...
d. islander, uu nga super-blockbuster talaga, kung pede lang akong magpatayo ng jabee dito, kaso di ganoon kadali ang mag-negosyo dito, sa ngayon prinsipe ang may-ari ng jabee, kaya mas astig.
bro. utoy, nakupo, ay ilang linggo na ang nakakaraan eh ka haba pa rin ng pila, mukhang mas mabilis pa nga by DHL..
ifm, syempre naman sobra na-miss si jabee eh, kaya walang paki sa haba ng pila..
dong, talaga patok-na-patok si jabee dito, kaso noong opening lang lumabas si jabee, visit visa lang ata, rebulto lang ang iniwanan... he he he
pipita, so far ok lang naman ang pila, syempre nga na-miss si jabee eh, 'yong init walang problema, di naman nagtitipid ang mga mall dito sa kuryente kaya lamig pa rin... ang medyo nakakalungkot lang eh 'yong ang tagal mo sa pila, tapos nagkaubusan na ng chicken joy...hu hu hu.. pero kasi nga adik-kay-jabee kaya pila nalang ulit bukas...
e. nars, sige na nga babalik na ako... he he he...sobra busy lang talaga... pero ngayon kahit papaano eh nakaka-silip-blog na rin..
enday, uu nga hilig nyan ni jabee sa world tour, kaso pa-ulot talaga eh, kasi ilang oras lang balik pinas na agad...
chuvaness, salamat sa pagdaan.. tambay na rin, libre naman, at baka kung wala ng pila sa jabee eh me libreng chicken joy na rin.. he he he...
parang hindi rin ata ako masisiyahan pagganyan ang sitwasyon. naalala ko sa recto nun, di talaga ako kumakain sa jollibee lalo na pagtanghali kasi uubusin nya ang gintong oras..sa pila
raymer, musta ga??!! katagal rin eh bago napadaan ulit... okey lang ang pila, basta ba makatikim ulit ng masayang manok.. he he he..
eto, maayos naman..medyo nawalan ng kunting panahon na madalaw ang iyong mga pahina,.napapanood ko nga sa kwentong disyerto nung biyernes.akoy may pasok din ngay-on, panghapon.hanngang alas-onse ang pasok ko
wah. nagutom ako!
homesick na ang mga pinoy jan. :)
raymer, kala mo lang ga'y ikaw alang ang nawawalan ng panahon, ako rin nga'y ngayon nalang uli nabalik sa pahinang ito, san-tambak ga ang trabaho...
ganoonpaman, maraming salamat sa pagdaan at ingat dyan!
mnel, salamat sa pagdaan at pagtambay na rin, ... nakakagutom talaga... di lang home-sick kay jabee ang mga kabayan natin dito, sabik na sabik.. ako nga eh ilang araw na sa pila....kaso bigo pa rin...
salamat ulit sa pagdaan.... daan rin ako sa pahina mo, kala mo 'kaw lang ha... he he he...
Post a Comment