Pagkatapos ng trabaho, kahit na binalaan pa ako ng aking mga impormante na punuan ang Jollibee at daig pa nga raw ang may pila ng lotto o ng NFA rice.
Pero alam mo naman ang Mangyan, hindi nagpaawat kaya diretso pa rin ng Sarawat (Jeddah Internation Market).
Sa labas pa lang ng Sarawat ay bulong-bulungan na ang pagbubukas ng Jollibee. Halos lahat ng mga Pilipino ay kakaiba ang ngiti (para bang proud-na-proud) at sa bawat kumustahan o simpleng batian ng "Kumusta kabayan?", eh 'di mawawala ang bagong karugtong, "Jollibee kayo?"
Nang makapasok na nga ang mangyan, aba'y parang fiesta eh! Ka-dami ng tao.
Kadaming Pilipino, Pilipina, lalo na ang mga tsikiting na Pilipino at Pilipina.
Totoo nga ang paalaala sa aking ni Kuya Erik, ang dami ngang tao. Punuan. Siksikan.
At ang dami ring maniniyot. Siyot dito, siyot doon. Pichure-pichure.
Bata, matanda, nagkakagulo kay Jollibee. Di na magkanda-ugaga si Jollibee kung sino ang uunahin.
Alas-syete pa lang, umugong na ang balitang "Ubos na ang Chicken Joy!", pero kahit may balita pang ganoon eh tambak pa rin ang tao, sobra sa over pa rin sa haba ang pila.
Lalo pang nagkagulo at di magmaliw ang kasiyahan ng mga bata,at kahit 'yong mga pakiramdam ay bata, ng dumating ang mascot ni Jollibee.
Kumakaway-kaway. Panay ang posing.
Pumutok rin ang bali-balitang dumating raw si Aga! UU, si AGA nasa Jeddah! Eh asan si Aga?? Wala naman ah.... Si Aga raw ang nasa loob ng mascot... kaya lalong dinumog si Jabee...
Sa bandang huli, di pala totoo... si Bentong pala ang mascot.. he he he.
Sa counter, sobrang haba pa rin nga pila. Di na nga ako nakalapit sa mismong counter sa sobrang haba at dami ng tao.
May mga maagang dumating, na syempre eh naka-una na. Di na nag-dine-in, take-out na lang, kasi nga saan ka naman pupuwesto para kumain.
Sa bandang huli eh nagpasya nalang ako na di na lang muna ako ngayon kakain. Sa mga susunod na araw na lang. Pag-medyo humupa na ang tensiong dulot ng pagdating ni Jollibee.
Di na ako nakakain, sa sunod na mga araw na nga lang siguro.
Kaya nauwi ang hapunan namin sa Shawli, Pilipino-Turo-turo style food, ilang metro lang ang layo sa Jollibee.
Sa kainan sa Shawli, kapansin-pansin na 'yong mga walang tiyagang pumila sa Jollibee eh dito nalang rin bumagsak.
Ewan ko lang kung parte nga ba ito ng kulturang Pilipino? 'yong ugaling sa halip na ipagmalaki ang sariling atin, eh nakukuha pa itong hamakin.
"wooo.. sa umpisa lang naman 'yan malakas, kasi bago, pero di 'yan magtatagal, hihina rin yan... ha ha ha!"
O kaya eto:
"Para namang ngayon lang nakakita ng Jollibee ang mga taong 'to eh??" mga feeling denial na ni 'di man lang sila na-excite at nagkaroon na ulit ng Jollibee dito sa Jeddah.
Kainis, gusto ko tuloy buhusan ng sabaw eh, kaso sayang 'yong sabaw, masarap pa naman.
Matapos makakain ang mangyan, balik Jollibee ulit. Papahuli ba naman ako, syempre pa-pichure rin ako....
Ngayon ko lang napagtanto na close pala kami ni Jabee...
9 comments:
ka-dami nga ng tao! hahaha! pare pasensya na, hindi ko sinasadya pero iba ang naisip ko noong sinabi mo na "maniniyot" hahahaha! masarap ba ang jolibee? kasi diba sabi nila, yung sa US daw na Jolibee eh hindi masarap. Agree rin ako sa sinabing may mga pinoy na magbibigay lang ng komento eh negatibo pa, yan yung mga tao na kaya hindi umaasenso ay dahil puro negative ang naiisip. Bakit nga kaya sila ganun? dapat nga masaya sila dahil may Jolibee na malapit sa kanila. Ingat mangyan! mainit din ba sa jeddah? hehe! Sandstorm kami dito sa dubai ngayon... hehe!
putangnang yan at nagulat ako sa huling pichur,ahahahaha...talagang me picture..mangyan na mangyan sa jollibee eh...ahihihi...di ko alam kung me jollibee dito...
naks.mabango ba si jolibee? hihihi
Nice naman... Hehe :)
Jabeee!
hahahh ayaw mo ring paawat sa picture kay jollibee ah!! grabi ha talagang dinumog ang jabee nto dyan..oh sige na pajollibe ka na sa amin..heheh kahit gravy lang sa akin
mix, 'kaw ha kalikutan rin ang isip pagdating sa mga ganun ha... he he he...uu nga may mga nega-pinoy, ganoonpaman, konti lang naman sila eh...mauubos rin yan, lolz.. sobra init ngayon dito sa jeddah, taas pa ng humidity kaya grabe banas. normal na temp lang dito ang 40deg... 'yong sandstorm galing dito yan, tapos na kami kaya kayo naman.. he he he
lyzius, talaga mangyan na mangyan eh.. hindi nga ako nakapagpapichure kay jabee sa pinas eh, kaya dito na lang bumawi..
'poy, di ko naamoy eh... pero sa sobrang saya ko at giliw na giliw eh di ko na naintindi ang amoy sa paligid ko, pagbalik ko dun, maaamoy ko rin yan.. he he he
lionheart, sandugo batang jabee ka rin ba?? sa'tin sa Calapan lang may jabee eh..
d. islander, uu nga di na talaga ako nagpaawat, wala na ngang hiya-hiya eh.. basta makapagpapichure lang...
sa wakas at abot-kamay mo na rin, sandugo, ang sarap ng "Masayang Manok." enjoy your meal, sir!
teka, si Aga ba kamo? ayun at nasa last picture pala eh. hehehe...
eh ayan naman pala si aga sa last pichure. hehehe... astig! sino nga ba naman ang hindi magiging excited eh HAPPY meal kaya ang ibinebenta!
kakatuwa ang mga kababayan natin. laking pinas! laking pinoy! laking jabee!
favorite ko dyan ang spicy hot chicken. meron ba dyan?
huwaw!!! at talagang strike a pose ang drama ng lolo ko....hehehe...kiss mo ako kay jabi ha!
Post a Comment