Monday, 23 June 2008

The Platform Fine Dining

Eto ang Platform Fine Dining, dito ko lang 'to nakita sa Saudi Arabia, ewan ko lang sa iba pang mga Arab Countries.

Kung tayong mga Pinoy eh sarap na sarap kumain ng naka-taas ang mga paa, eh siguro kultura na rin nila dito ang kumain ng medyo nakahilig at may katabing unan. So pinakikilala ang Arabic Style / Culture of Fine Dining.

Sa mga resto bukod sa normal na mesa at upuan kung saan kakain ang mga parokyano, eh meron ring parang isang mahabang platform, not to entertain the diners but for the other diners who prefer to dine there. Yup, kainan rin.

Fully carpeted, complete with throw pillow, but on this case you cannot throw, because you cannot throw something or play while eating.

So pagpasok ng resto, 'yong gusto sa platform eh huhubarin ang panyapak at aakyat sa platform. Doon nakalupagi at relax na relax na iiinat ang mga paa. Doon nya hihintayin ang kanyang pagkain.

Ang mga tagapagsilbi naman ay maglalatag ng manipis na plastic sa harapan ng kakain, para nga naman di gasinong makalat.


At pagkalatag, at handa na ang lahat, ilalatag na rin ang i-order na pagkain.


Kainan na!!! Habang medyo na kahiga o naka-inclined ang katawan sa mga throw-pillows..

11 comments:

Lyzius said...

leeg ni marlon yan noh..bakit di yellow gold ang suot nasa saudi na eh

Si Me said...

uu leeg nya yan, kailangan kasing may magpanggap na pinipichuran, para di na patago-tagong parang spy camera ang kuha...

wala pang pambili ng ginto, pilak lang 'yan. sobra mahal na ng gold dito, nung dating ako dito SR 35.00 lang (natatawaran pa hanggang SR 32.00) pero ngayon SR 80.00 na per gram, wala nang alisan sa tayo 'yon...

escape said...

ayos yan. menos gastos sa lamesa ang may ari ng restaurant. hehehe....

Si Me said...

'dong, medyo magastos rin, kasi kailangan mo pang palagyan ng carpet 'yong platform, tas kailangan rin ng mga throw-pillows at 'yong plastic na panapin sa sahig, para nga naman di gasinong makalat...

Dakilang Islander said...

may mga arabic theme na bar dun sa dubai na ganyan ang setting..tapos sabay mag sisha...

PoPoY said...

me, prang ang hirap naman kumain ng nakahiga? ndi ka kaya mabulunan nun? tsaka pano pag natambak yung may sabaw na pagkain naku ang messy nun. hihihi.

Admin said...

Nice naman... Hehe :)

Parang ang hirap naman kumain ng ganyan!

Anonymous said...

hinding hindi ako kakain katabi ang unan. baka makatulog ako habang ngumunguya.

sana sa jabi jeddah may ganyan din. he hehe

Si Me said...

d. islander, uu nga, katabi lang ng resto na 'to 'yong shisha-han...dispossble ba 'yong pipes na ginagamit sa shisha?

'poy, kasi sanay tayo ng may lamesa at bangko kung kumain, kaya syempre medyo mahirap sa'tin, pero sa kanila kering-keri na nila 'yan...pa'no ang sabay?? di naman sila gasinong mahilig sa mga sinabawan na pagkain, kung meron man, sa malukong na rin ilalagay at pagsinabawan ang kanin, dun na makalat.. he he he..

richard, sobra hirap talaga, na-try ko na once, namitig lang ang paa ko at parang sumakit lang ang tyan ko...kaya di na ako umulit..

kdr, required ang unan, kasi 'yon nga ang isa sa mga panghatak ang customer eh - unan while you dine, at posible talagang makatulog ka pagkatapos kumain.. di naman ganito sa jabee, pero ano ba malay natin... baka sa mga darating na panahon...

Admin said...

Masarap sigurong magshisha... Hehe! Matry nga!

Anonymous said...

syempre medyo maunlad nako ngayon at medyo ibang lugar na aking kinakainan..yung bang pagpasok mo e pagbubuksan ka na ng pinto at inaasikaso ka ng mga daratnan mo nun.nung naandyan pa nga ako sa saudi, pakiramdam ko pagpumapasok ako sa mga ganyan e di ka pansin ng mga naninilbihan..ala sila paki sa mga parukyano nila.