Wednesday, 18 June 2008

The Yellow Rice

Gaya nang aking nabanggit ko sa aking nakaraang entry, "Nang Dahil Sa Kanin", eh hindi ko na nagawang kunan ng larawan ang nalutong kanin. Dahil nga sa naggalit na sa akin ang may-ari ng restaurant.

Nakapasok ba ang mangyan sa kitchen? 'Di naman, ang setup kasi dito ng mga kainang kung dyan sa Pinas eh 'yong turo-turo type, eh halos magkatabi lang ang kitchen at ang mismong dining area. At pag sinabing area, puedeng kumain ng nakaupo sa silya (gaya ng ating nakagawian) o ang sumalampak o medyo mahiga sa sa isang elevated dining floor kung saan ilalatag ang 'yong pagkain. Na-try ko na minsan ang kumain ng nakasalampak o ‘yong medyo nakahiga, mahirap pala, ang kung minsan eh inaabot ako ng antok….sarap pa namang matulog pagkatapos kumain.

At dahil sa isang pambihirang pagkakataon (diba may mga ganon pang epek), nakunan ko rin ng larawan ang kanin.

'Pano?

'Di bumili ako ng take-out na kanin, tapos kinunan ko ng larawan sa bahay ko... he he he (diba mas safe 'to).


Medyo kaluad lang tingnan ang kaning 'to, pero pramis masarap 'to. Medyo maang-hang, pero ok pa rin. Para ba syang aros-valenciana, eto nga lang 'yong spicy type o 'yong maraming samya. Kung ano-anong dahon, balat ng kahoy, at mga dinurog na bagay-bagay para sumarap. Kain tayo!

10 comments:

Lyzius said...

talagang dapat si marlon lagi ang model?

escape said...

parang ang sarap nga! hirap namang kumain ng nakahiga.

Anonymous said...

hindi ba pwedeng matulog dun sa kama. nasubukan mo na diba? humiga... pero yung matulog? ok ba diyan un. hehehe.

safe nga ang pag-pikchoor sa kanin sa bahay.. kala ko pumunta ka pang CR para mapikchooran. hahaha.

PoPoY said...

yaks parang nakakadiri ang dilaw na kanin tas ang haba pa ng strands ng kanin parang maggots hihihi.

[offtopic]

ang cute ni lyzius oh? hihihihi

Dakilang Islander said...

i've seen this kind of rice in dubai too pero never kong natikman....sino yang model mo ikaw ba yan?

Si Me said...

lyzius, welcome back...kung pink parang si ms. piggy.. he hehe..

feeling modelo kasi, syempre bago kaya hilig pa pic..

dong, uu nga hirap talaga kumain ng nakahiga o kahit na 'yong nakasalampak, naiipit 'yong tiyan, pero sa mga natives dito 'yon yong kultura nila sa pagkain.

superpaurong, so far di pa naman ako nakatulog, though may time na talagang pagkatapos kumain eh aantukin ka, sa mga natives kasi nga 'yon ang kultura nila dito so hindi naman tulog, idlip lang..

'poy, super-yucky-doodles.. lolz. pero sa tingin lang o sa una lang naman, kasi masarap naman kahit papaano. nung una di rin ako kumakain nito, but nung nakatikim at nasarapan, eh binabalik-balikan..mas masarap 'to kung merong giniling na spinach tapos saw-saw sa yougart (sounds wierd, pero pramis sobra sarap)

d. islander, dapat tikim mo - "masarap ya-an".. lolz.. 'yon model eh 'yong kakambal ko....

Lyzius said...

sabihin mo kay marlon magpapicture ng nakataas ang isang paa sa malaking gulong ng crane o bulldozer para alam na nasa saudi sya

Anonymous said...

wahahahha! naisahan din ang may ari. hahahah!

P I P I T A said...

masarap ba yan talaga? parang kadirs yung color. pero anyway, gusto ko din yan try. kaya pag uwi mo dito, lutuan mo kami nyan! diba alam mo na naman paano yan lutuin?

Anonymous said...

kapatid, java rice yata yan o "star rice" (kanin na may star margarine) o kaya yung valenciana ng mga ilonggo. kaya lang, bakit may balat ng kahoy?