Gaano nga ba kaimportante ang edukasyon?
Para sa isang Pinoy importante talaga ang edukasyon. Diga nga, lagi na la-ang nating naririnig sa ating mga magulang na “wala man silang maipamana sa kanilang mga anak, eh sapat na ang edukasyon”. Dagdagan mo pa ng “’to lang ang pamanang hindi nila mananakaw sa ‘yo..”.
Kaya naman, ganoon na lang rin naman ang pagsusumikap na ating mga magulang, sabi nga “igagapang at igagapang” at gagawin ang lahat mapagtapos lang at mabigyan ng magandang edukasyon ang kanyang mga anak.
Sa ibang mga nasyon o sa ibang mga lahing nakakahalubilo ko dito sa trabaho, mahalaga rin, ‘yon nga lang masasabi ko lang na hindi ganoon kataaas tulad ng pagpapahalagang ibinibigay nating mga Pilipino.
Tulad nalang noong teaboy namin sa site, na para sa kanya mas importante ang maglingkod sa mosque at mag-aral ng Quran ang kanyang anak kesa magpakadalubhasa sa iba pang kurso.

Lalo na ‘yong anak nyang babae, kontento na syang marunong itong sumulat at bumasa, kasi nga raw sa bandang huli naman eh magkaka-asawa rin ito at sa kultura nila, ang lalaki ang maghahanap ng ika-bubuhay ng pamilya samantalang ang babae naman ay nasa bahay lamang upang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang mga anak at ng kanyang asawa. Sexist? Uu, pero ‘yan ang kanilang kultura.
Dito sa parteng ito nang mundo kung saan ako naroroon, di ko masabi kung gaano sila nagpapahalaga sa edukasyon. Pero base sa obserbasyon ko sa ilang mga paaralan sa paligid ng aming opisina at sa mga estudyante na rin, para bang wala lang sa kanila ang pag-aaral. Para bang masabi lang na pumasok sa paaralan. Ewan lang kung nararapat kung gamitin ang salitang “pa-petik-petik”, pero parang ganoon na nga. Siguro patunay na rin kung bakit kailangan nila ang mga Pilipino sa kanilang Industriya ng Paggawa. Sabagay mayaman naman sila…
Masasabi kong kaya ko siguro naisulat ang sanaysay na ito ay dahil sa batang ito, Afghani. Noong nakaraang linggo, makapananghaliaan, ay naabutan ko ang batang ito na nagpupumilit magbasa.
At hindi lang nagbabasa, meron rin syang maliit na piraso ng papel kung saan ay may isinusulat sya, di ko lang alam kung ano.
Diba parang “eh ano naman kung nagbabasa at nagsusulat”. Uu nga ‘no.
Pero ang nakatawag sa aking atensyon ay hindi ang pagbabasa nya kundi kung saan sya nababasa.

Sa gilid ito ng tindahan, katabi ng resto na kinainan ko. Anak sya ng isa sa mga taga-pagsilbi sa resto. Hindi lang ‘yon, noong araw na ‘yon karaniwan nang agwat ng temperatura ang 42ºC.
Habang kinukunan ko ng larawang ang batang ‘to, napa-isip tuloy ako.
Mapalad pa pala ako, kasi noong nag-aaral akong bumasa nasa loob ako ng paaralan, mareklamo pa ako kasi medyo mainit sa silid, wala man lang bintilador.…
6 comments:
tama nga... sabi nga ng friend ko na sudanese na dyan sa middle east lumaki, parang alam na raw ng mga tao dyan na mayaman sila at kayang kaya na ng gobyerno nila sagutin ang lahat ng pangangailangan nila. sya na rin nagsabi na rich but ignorant daw ang karamihan dyan...
kahit mayaman pa, i think tama lang na mag aral pa rin.. nakakatuwa kaya mag aral...
ifm, totoo 'yon kahit hirap sa buhay at kahit walang baon sobra sarap pa ring pumasok sa eskwelahan at mag-aral...
rich but ignorant, tama sya dun, marami sila noon dito, kaya nga nadito kami eh.. he he he..
wag na! kung mayaman ka na bakit kailangan pa mag-aral. kaya nga nag-aaral diba para yumaman? eh mayaman ka na eh, eh di wag na mag-aral...
shet ang loser ko. ha haha!
naalala ko tuloy ang sermon palagi ng nanang at tatang ko....mag aral kayong mabuti at magsumikap yan lang ang tangi naming maipamamana sa inyo na hindi mananakaw ng ibang tao..=)
at kahit ata na yumaman ako balang araw(hindi naman masamang mangapar db?lols), hindi ko pa ding hahayang maging mangmang ang aking magiging anak...=)
ika nga nila...iba na ang may pinag aralan=)
di ba iba na ngayon pananaw ng mga tao sa Pinas. hindi na nababatay sa edukasyon ngayon ang pagunlad kundi sa hitsura na. pag maganda o gwapo pwedeng magartista, pagpangit e pwede pa rin kasi me extra naman. kaya nasa sinapupunana pa lang ang mga sanggol ay tinuturuan na itong sumayaw at kumanta para paglumaki ay maging artista.
kdr, may point din, kaya nga nagaaral para yumaman, eh pano nga naman kung mayaman na? siguro naman kailangan pa ring mag-aral, pero hindi na para yumaman, kundi para matoto at kahit papaano eh may laman 'yong utak..he he he
rio, totoo 'yon iba ang may pinag-aralan, sabi nga - angat ka sa iba..
raymer, well pede rin... 'yong ipong pang bahay ni kuya ang dating o kaya pag PDA or Pinoy Idol.. he he he..importante lang talaga ang edukasyon. ang mga singer at mananayaw kailangang alam ang lyrics ng kanilang kakantahin at sasayawin, pa'no nalang kung hindi marunong bumasa?
Post a Comment