Saturday, 19 July 2008

Sampaguita Walad

Sa pagpapatuloy ng aking seryeng Manlalaro sa Kalsada, ipinakikilala si Sampaguita Walad.


Kung akala nyo eh sa mga kalsada lang ng Maynila merong mga nagtitinda ng Sampaguita, mali ka dun… kasi maging dito sa Jeddah eh meron na ring mangilan-ngilang mga kabataang lalakeng nagtitinda ng Sampaguita.

Bakit lalake?

Kasi hindi babae.. he he he… Sabi ko nga sa mga nakaraang post ko, eh ang Saudi ang mundo ng kalalakihan. Ang mga babae dito eh nasa bahay lang.

Or siguro, kung magtitinda man ng tinuhog na sampaguita ang isang babae dito, eh dapat kasama nya ang kanyang asawa, o kapatid na lalaki, o ang kanyang ama, o kahit sinong lalaki na kanyang kapamilya.

Kasi nga bawal lumabas ang mga babae dito ng nag-iisa, dapat kasama nya ang kanyang asawa, o sinuman sa kanyang pamilya. Para na nga rin siguro sa kadahilanang pangsiguridad kaya hindi na rin pinalalabas ng bahay mag-isa ang mga babae, kung ‘yong mga lalaki nga dito eh na-gagahasa pa eh, ano pa kaya ‘yong mga babae.

Balik kay Sampaguita Walad, hindi ko lang alam kung anong lahi nya. Pero sa hilatsa ng mukha eh parang Pana o Pako ito.

Sa totoo lang humahanga ako sa kanila. Nagpupumilit kumita sa legal na kapamaraanan. Di rin alintana ang init ng araw, at pag-sinabing mainit dito, eh mainit talaga!

Sa pagkaka-alam ko eh, 3 sampu ang tuhog ng sampaguita dito.

Saan nanggagaling ang sampaguita ? ‘Yan ang tanong na hindi ko pa alam ang sagot.

10 comments:

Anonymous said...

uy, ako pala unang dumalaw..yan ba yung jasmine? marami ring lugar sa KSA ang nagtatanim nyan. Sa yaman nila, nakakapagpatayo sila ng mga green houses para sa mga pananim. Saka yung hilagang bahagi ng bansa e malamig dun so naparaming uri ng pananim ang makikita dun mula sa gulay, bulaklak at iba pa.

Dakilang Islander said...

hahah umabot din pala ang sampaguita dyan...baka sa pinas sila nakakuha ng idea..heheh

Anonymous said...

Greetings Pinoy!

I'm 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
Hoping to know you better and that we'll have a happy blogging relationship!
If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we'll add you then :)

ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

Salamat po!
We'll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

Anonymous said...

bumibili ka rin ba? baka yung idea of trading nyan galing nga dito.... tapos binago ng konti ang iban objectives to suit the culture kaya puro lalake lang ang nagbebenta. hehehe!

Si Me said...

raymer, uu ikaw ang nauna.. at dahil ikaw ang nauna, may isang tuhog na sampaguita ka.. he he he...

d. islander, ewan lang kung Pinoy o nanggaling sa pinas ang idea ng may pakana nito... hinihintay ko na lang 'yong paglabas ng nagtitinda ng nilagang mani o mais..

pinoy teens, musta ga? exchange link lang pala eh, uu ba..

ifm, di pa ako nakakabili, pero minsan nga makabili.. siguro the same 'yong idea, medyo naiba lang ang concept ng marketing..

Rio said...

bakit parang mas madami ang sampaguitang tuhog dyan kesa d2 sa Pinas.. d2 kasi e halos lubid na nakikita mo at bilang nalang ang sampaguitang nakatuhog..
mabango din ba yung sampaguita nila tulad ng sampaguita natin?

escape said...

meron din palang ganyan dyan. hay! kala ko sa mga third world countries lang.

sana nga malalaman mo na kung saan nangaling ang sampaguita.

PoPoY said...

me, ndi ba iniimport yan galing ng vietnam or ng pinas? hihihi :D

mahirap na din cguro ang buhay jan, kahit papaano :D

Admin said...

Nice naman... Nakakatuwa!\


Ang sampaguita pala ay nakakarating pa diyan?

Anonymous said...

aba oo nga ano. may street vendor ng sampaguita rin pala diyan.