Monday, 14 July 2008

Tambyolo ng Buhangin

Kahapon ko pa sana post 'to. Eh hindi nangyari, kaya ngayon nalang. Galing ako ng site project namin kahapon. Shoaiba Steam Power Plant.
Ipapasa ko lang Method Statement ko para sa aming Summer Performance Test.

Ano raw?

Summer Performance Test for HVAC equipment. Blah...blah...blah... sa totoo lang natapos ko 'yong hinihinging Method Statement nd consultant for this performance test nang wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba ang gagawin nila..

Di lang to sa summer ha, base doon sa ipinasa kong Method Statement, meron pa rin Winter Performance Test, sometime between December or January next year.

Sa anumang kapamaraanan (anyways), nagpunta ako ng site kahapon, para makipagkita sa mga konsultant ng project namin para nga matuldukan na 'tong performance testing na 'to. Na sabi ko nga eh wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba 'tong pag-uusapan namin. Mabuti nalang at Pilipino 'yong consultant, si Sir Bayani, at kahit naman papaano eh umaalalay sa akin doon sa meeting.

Sa awa naman ng Diyos eh natapos rin 'yong meeting na may napagkasunduan kami.

Kaya ngayong umaga, naihanda ko na ang final draft ng aming HVAC Summer Performance Test, incorporating all the remarks and comments of consultants. Hintay ko nalang 'yong bosing ko to sign for the submittal letter.

Kahapon, sa aking muling pagdalaw sa site, ibang-iba na ang site. Konti na ang mga tao, at halos wala na rin 'yong mga opisina. Nagpaalala tuloy sa aking na mahigit limang buwan na pala akong nakatambay ngayon dito sa headoffice namin.

Nakaka-miss din 'yong site. 'Yong working environment, malayong-malayo sa buhay dito sa opisina. Ok naman dito sa opis, malamig nga eh, 'yon nga lang parang iba kung nasa site ka. Though mainit at talagang disyerto ang nasa paligid eh iba 'yong working condition o siguro 'yong working etiquette ng mga tao.

Just info lang. Sa site kasi, kahit parang nasa United Nations ka, dahil sa dami ng iba't-ibang lahing nakakahalubilo mo eh, purely professional ang trabaho, as in trabaho.

Dito sa opis, mabibilang mo kung ilang lahi merong nagtatrabaho, and yet very unprofessional at the way na nag-tatrabaho sila eh may halong politika. Like 'yong Pana at Pako (ang alam ko eh mortal na magkaaway ang dalawang 'to). Though 'di ka naman kasali sa away nila, apektado pa rin trabaho mo...kaya ayon..


Anyways, na miss ko rin pala sa site 'yong araw-araw nalang na sandstorm. As is bumabagyo ng buhangin ang paligid.

At kahapon nga sa aking pagdalaw muli sa site, eh di naman ako nabigo, kasi pag-uwi namin eh inabot kami ng sandstorm sa kalasada.

Hirap tuloy magmaneho. Kailangan dahan dahan. Kasi halos di na maaninag 'yong kasalubong o kasunod mo.

Ang takbo lang namin siguro eh mga labing walong milya lang kada oras. Iwas aksidente na rin. Kasi sobra kapal ng buhangin.

Kaya naman 'yong dating isa at kalahating oras na byahe namin mula Jeddah hanggang site, eh inabot na mahigit tatlong oras.


At kawawa naman 'yong sasakyan namin, kasi sigurado sira ang pintura. Kasi nga napalaban sa sandstorm. Para kang nasa tambyolo ng buhangin. Ang kapal ang buhangin, samahan mo pa ng alikabok. Kinailangan pa tuloy punasan ng grasa 'yong hood ng sasakyan para kahit naman papaano eh di masira 'yong pintura.

Pero doon lang 'yon sa gitna ng disyerto, kasi pagdating naman namin ng Jeddah eh parang wala lang. Kaming dalawa lang noong kasama ko ang puno ng buhangin.

6 comments:

Rio said...

ok siguro kung may cae wash businees dyan? patok siguro yun tuwing may sandstorm..madami ang magpapalinis ng sasakyan..=)

Rio said...

car*

escape said...

proud kami sa yo mangyan. yan ang certified pinoy! masipag at proud magtrabaho bilang pinoy.

buti na lang at walng nangyari sa inyo ng dinaanan kayo ng sandstorm.

Dakilang Islander said...

yun talaga kinatakutan ko dati pag may sandstorm habang bumibyahe..masyadong dilikado

Si Me said...

doc, opo mabentang-mabenta dito ang mga car-wash, yon ngalang dito naman eh walang kaso kung malinis o madungis ang sasakyan...dito nga lang ako nakakita ng mercedez na taxi eh.. diba astig.

dong, maraming salamat naman...nangyari?? meron na namang konti, nakasagasa kami ng kamelyo, kaya ayon muntik na akong makipagpalitan ng mukha sa kamel, 'yong wento post ko minsan...

d. islander, uu nga nakakatakot talaga kung sandstorm, kasi wala kang makita...kaya kung di lang rin naman importante at may sandstorm mas mabuti pang sa bahay nalang...

Anonymous said...

ala nyan dito sa uae.kasi halos skyscraper na ang mga gusali sa siyudad dito, idagdag mo pa na kukunti lang ang lupang nasasakupan kaya kunti lang din ang disyerto..hindi katulad sa KSA na talagang may mga bahagi pa ng bansa na talagang magkabilang kalye ay disyerto