Thursday, 21 August 2008

Ahas

Takot ka ba sa ahas?

Bakit ka takot?

Ako? Oo takot ako sa ahas.

Literally. Figuratively.

Di ko lang alam kung bakit ako takot. Basta ang alam ko lang, eh takot ako. Kasi nga ‘yong hitsura pa lang eh weird na. At di gaya ng ibang hayop na kung hahawakan mo eh mainit, ang ahas malamig – diba nakakatakot.

 

Di lang ‘yon, though sabi ni Ma’am Magsino, teacher ko sa Biology, na ginatungan pa ni Kuya Kim, na taliwas sa likas na kaisipan ng tao sa mga ahas na ‘to, eh hindi lahat eh makamandag. Ganon??!!

Oo, raw. Meron din daw mga ahas na wala namang kamandag, kumbaga eh panakot lang. Pero sa pangkalahatan, lahat sila eh makamandag at nakakatakot.

Buti ba sana kung tutuklawin ka lang, eh lilingkisin ka pa…

Kaya nakakatakot.

Tuso nga raw ang ahas. Aba akalain mo bang pati ba naman si Eba’t Adan eh patusin.

Figuratively, hindi rin maganda ang parating ng ahas. Offensive ngang tawagin mong ahas ang isang tao. Basta iba ang dating. Pangit sa pandinig. Naka-ugat na kasi sa pangalang “AHAS” ang pagiging tuso at mapanlinlang – hindi mapagkakatiwalaan.

Diba nga malimit nating marinig ang mga linyang “AHAS ka!” sa mga pagkakataong nakakaroon ng sulutan.

Medyo masalimoot ang mga ganyang sitwasyon, parang nakaka-stress pag-usapan. Di pa ako handa pag-usapan ang “AHASAN”, siguro sa mga susunod na panahon na lang. Instead of taking it figurative, eh let’s talk “AHAS” literally nalang, oki.

Pero, sa takot man tao o hindi sa mga “AHAS” na ‘to, eh hindi puwedeng mawala sila. Lagi lang silang nandyan. Kahalubilo ng mga taong takot sa ahas. Naka-abang ng matutuklaw, ng malilingkis.

Naalala ko lang noong minsan, ‘yong katulong a.k.a. kasambahay noong kapitbahay namin eh nagsisigaw. E’di lahat naglabasan. Basta bigla na lang nagkagulo. Syempre, dahil likas ang pagiging “curious” ko (fancy way of saying na tsismoso ako.. he he he) sa mga bagay-bagay sa paligid, eh naki-tingin na rin ako.

Noong una kaya pala nag-iingay si Inday kasi hindi gumagana ‘yong washing machine nila, eh tambak pa namana ang labahin, siguradong masasabon ni misis kung hindi matatapos. Kasi nga desperado si Inday na matapos ang kanyang labahin sa araw na ‘yon kaya naman nagsiyasat sya kung bakit hindi gumagana ang washahing machine, samantalang maayos naman ito noong huli nyang laba. Nang hindi malaman ang gagawin, tinawagan si Kaloy.

Inday: Hiloow? Luy, musta man?

Kaloy: Oki lang, gi mingaw ka na ko?

Inday: Ay dili man uy! (pero kinikilig ha). Iniwi,  Tabangi ko nga maayo akong washing machine.

Kaloy: Oki. Munganha ko, basta mag-andam ka og merienda ha.

Inday: Uu ba.

Side bar: Though wala pang matibay na ibidins, bali-balita na rin pala sa buong Duhat Street ang namumuong pag-iibigan sa pagitan ni Inday at Kaloy.

Padating ni Kaloy sa bahay, medyo nagkatitigan pa sila ni Inday, tas tiningnan na kung ako ang sira ng washing machine.

Tingin dito, tingin doon.

Kaloy: Ay sus ‘Day! Kay naay kobra sa sulud!!!

Inday : Eeeeeeeee !!!!

Doon na nagkagulo ang mga naki-usyoso. Medyo nabulabog ang buong Duhat Street. Meron palang sawa sa ilalim ng washing machine ni Inday. As in malaking sawa, kaya pala hindi gumana ang washing machine.

Dumating ang Barangay at kinuha ang sawa, di ko lang alam kung saan ito dinala pagkatapos, basta ang alam ko lang noong araw na iyon e nakumpirma ng buong Duhat Street ang matamis na pagtitinginan at ang pag-iibigang namamagitan kina Inday at Kaloy.

Sa awa naman ni Bathala eh wala namang natuklaw o nalingkis ang sawang ito.

Balik memory lanes ulit, tungkol sa mga nalingkis at “nilulun” ng sawa.

Ilang taon na rin ang nakararaan, andito na rin ata ako noon sa Saudi. Basta nabalita lang ‘yon sa TV Patrol, then na-i-feature pa ito ni Kabayan sa Magandang Gabi Bayan.

Sa isang tribo ng Mangyan sa Mindoro isang mangyan ang bigla nalang nawala. Syempre nawawala, natural hahanapin. Noong una eh hindi pa gasinong nag-aalala ang pamilya ng nawawalang mangyan, kasi nga naman baka nga bumaba lang sa kapatagan.

Subalit ilang araw na ang nakalipas eh wala pa ring mangyan na nagbabalik, at doon ay nag-alala na ang kanyang pamilya. Kaya naman ang buong tribo ang naging abala sa paghahanap ng nawawalang ka-tribo.

Hanggan sa dako pa roon, eh isang malaking sawa ang kanilang nakita. Busog na busog ito at dahil sa labis na kabusugan eh dahan-dahan lang ang kanyang pag-gapang. Bundat na bundat ang tiyan nito, para bang lumunok ng isang malaking bagay. Hindi na sana nila papansinin ang sawa, ngunit ang bundat na tiyan nito ang nakatawag ng atensyon sa kanila. Mukhang tao ang nasa loob ng tiyan ng sawa.

Kaya naman hindi na nag-atubili ang buong tribo at kanilang pinatay ang sawa at biniyak ang tiyan nito.

At doon nagimbal sila sa kanilang namalas. Ang nawawalang mangyan ay nakita na. Patay sa loob ng tiyan ng ahas!

Ilang buwan rin naging usap-usapan ang kwentong ito, hindi lang sa kabundukan at mga karatig tribo, kundi pati na rin sa kapatagan, eh nakarating nga kay Kabayan eh.

‘Yon ang mga nakakatakot na kwentong ahas…pero meron rin namang mga nakaka-addict na ahas.

‘Kaw ba nilalaro mo ba ahas mo?

Objection! Leading!

Oki, re-phrase ko tanong ko.

Naglalaro ka ba ng AHAS?

Ako naging addict rin ako sa paglalaro ng ahas. ‘Yon bang Snake sa mga Nokia mobile phones. Aminin mo na, naging addict ka rin. he he he

Naalala ko ulit, noong bago palang sa balana ang mga mobile phones. Malakas sa mercado noon ang Nokia at bukod sa “ASTIG KA” kung Nokia ang mobile mo, eh isa rin sa mga bentahe ng Nokia eh ‘yong Snake. Tsaka ewan ko ba that time, medyo dyahe kung ang mobile phone mo eh Alcatel na kulay orange ang backlight.

Wala akong mobile phone noon, kasi walang pambili. Makapaglaro lang ako nang Snake, eh nanghiram pa ako kay Guiller na mobile. Mga alas-tres ng hapon ko hiniram ‘yong Nokia 3310 nya, laro na agad ako. Magdamag siguro akong naglaro. Sa hindi ko na matandaan kadahilanan eh namatay ‘yong mobile.

So re-start. Eh nagtanong ngayon ng PIN.

Try ko ang 1 2 3 4 , mali.

Try ko 1 2 3 4 5 6 mali pa rin.

Try ko birthday ni Guiller 2 0 0 2 7 8, wala pa rin.

Medyo inis na ako, kaya lagay ng lagay nalang ako ng numbers. Eh ‘yon pala may limit ‘yon, tas nanghingi na sa akin ng PUK.

Anak ng PUK o!!!

Hanggang sa tinigilan ko na rin. Kasi baka masira ko pa.

Kinabukasan eh, naibalik ko naman kay Guiller ‘yong mobile asking for PUK. Na sa totoo lang that time ni wala man lang akong ka-idea-idea kung ano ba ‘tong PIN o PUK na ‘to, mangyan talaga, sensya na.

Ok naman, di naman nagalit si Guiller.

Ngayon, eto na. Kaya nauwi sa kwentong ahas ang post ko today, kasi nga na-missed ko na ‘yong snake sa Nokia. Dahil sa Sony Ericsson convert ako, matagal na rin akong walang Nokia. Kaya eto nang masumpong ng Nokia, eh kahit mamanhid na ang aking mga daliri sa kalalaro ng Snake, ok lang…and also, just want to brag my best score so far.. he he he..

 

‘Kaw, anong highest score mo sa Snake?

11 comments:

Anonymous said...

habang ahas nun a.kaya nga gustong baguhin ni kuya kim ang ating pananaw sa ahas e.kaya kahit na takot ako, iniisip ko na lang na sila rin ay nilikha ng Poon para mapanatiling balanse ang ating kalikasan.kakampi sila ng mga magsasaka.usapusapan nga sa tribo natin yung kwento ni kabayang mangyan.ako rin nagpalit na ng brand, mahal ko na rin G2000 ko, pero iba pa rin talaga Nokia..

Anonymous said...

hahahhaha! yan pala ang epekto ng nalipat ng opisina! in fairness, ang galing!

takot at nandidiri rin ako sa ahas... as in eeeewwww!!! (sige mangyan, imagine mo akong nagsisigaw ng EEEEWWWW!!!) kadiri kaya ang mga ahas at mga taong ahas...

matanong nga kita mangyan. di ba si kabayan ay isang mangyan din?

Anonymous said...

naku, ambaba ko sa sankae kasi pag bumibilis na, i panic. ehehehe.

i babysat a baby python once for a labmate. it was sooo cool. i felt like galema. the icky thing was, ball (the snake-hindi inventive and mga hapon magpangalan) ate rats and my labmate gave me a sackful of frozen mice i was supposed to microwave. eeeew.

PoPoY said...

i wanna brag my best score in Nokia's Snake, 1980 yeah! using my tita's 3310. medyo wala nang ibidinsya ba dong, kaya ayan na lang. bsta ndi ako nagsisinungaling hehehe :)

ay dong naintriga man ako ki inday at kaloy. biroen mo eh nagkainlaban man sila no? di ko gid maikspleyn ba kung pano napasok ang giatay na pagibig nila sa kwintong ahas mo. hahaha. takte nagbisaya ako. pero hindi ako bisaya hahaha.

ang pangit nung huling tanong mo me.

pero isa lang ang alam ko, hilig ng kababaihan ang brown na ahas. minsan puti gusto nila hahahaha. bahala ka kung anong iniisip mong ahas basta ako malinis ang isip ko wlang kamalimalisya hahaha :)

sya nga pala, yung pinsan ko may alagang ahas, ang laki na nya, nakakatakot nga ang itsura. nahuli lang yun sa bahay ng lola ko. dahil malamig at medyo magubat pa sa lugar namin mukhang nasarapan nga ang mga ahas mamahay dun. maganda din kasi naubos na yung mga pesteng daga.

nabalitaan ko din yung mangyan na nilulon ng ahas. ang lupet nung ahas na yun.

meron din yung anaconda sa central america, nilunok yung isang buwaya, sa sobrang laki nung buwaya sumabog at namatay din yung anaconda hehehe. tanga nung ahas :p

Abou said...

ha ha ha di ko na matandaan ang highest score ko sa snake ha ha malaro nga yan uli

Lyzius said...

shet ahas...isa akong ahas..nanglilingkis..wahaha

Si Me said...

raymer, wowowieee... G2000, astig ka na talaga, di na halatang malakas ka sa tuba.. he he he...

ifm, partida pa yan ha, nasa ilalim ng table 'yong phone habang na-e-snake....opo mangyan din si kabayan, gaya ko me buntot.

caryn, maraming salamat sa pagdaan at pagbasa, frozen mice to microwave?? super yuckiedoodles na talaga yan, ini-imagine ko lang ano kaya amoy ng microwaved mice?

poy, 1980?? parang naghahamon ka ah?? ang haba ng 'nong snake na 'yan..

girls' snake colour preference?? hhmm..syet wala ako mai-comment.. he he he

uu nga, medyo me kabobohan 'yong anaconda na 'yon...buwaya ba naman??

abu, o diba nakaka-miss din ang Snake...wanna brag about your score? he he he

lyzius, nanglilingkis lang? makamandag pa.. he he he
ay gusto ko ng mga ganyang ahas, nanunuklaw at nanglilingkis rin, pero wag naman 'yong pumapatay.

escape said...

hahaha... pambihira. pagkahabahaba man ng prusisyon sa ahas ng cellphone din ang punta.

hehehe... nalimutan ko na ang highest score ko dun.

Admin said...

Haqha!


Basta ako...Kahit ano pang ahas iyan, ayoko sa ahas talaga... Kakaiba kasi ang ahas... unpredictable lagi... hagi na senswal na ahas... iyan! Ahas pa rin iyan!

Si Me said...

dong, kasing-haba ng Snake... kaya ayon nauwi rin ang lahat sa Snake.. he he he.

richard, uu nga, mapa-anong klaseng ahas man yan, unpredictable talaga... di mo alam kung kelan ka lilingkisin o tutuklawin...

Rio said...

pumatok tlga yang snake na yan ng nokia..yan din ang gawain ko dati pampalipas oras..
pero mas gusto kong laruin yung snake and ladder na board game...=)