Tuesday, 26 August 2008

Ang Huling Birit ni YXX

This shouldn’t be the one that I’m supposed to be posting today. Since yesterday, I already had a draft of the supposed to be the one for posting today but a more interesting one popped-up last night, interesting enough to consider the latter to the previously scheduled (which I’m not yet done proof-reading – diba naman men me ganoong effect na ako ngayon).



Some words on this post may not be suitable for very young reader, likewise some words between the quotation marks may need further explanation from an adult, PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED.

Sa pagpapatuloy...

Last night Rike, Aregon, Treb, Slev and I hanged out over a box of pizza and some cola. Kwentuhan, kumustahan, at marami pang kwentuhan. What caught my attention was this “videoke” story of Aregon. A videoke showdown that terminates and sent Mr. YXX back to the Philippines.

Just a background. Mr. YXX is an orphan, living alone with his siblings. He is the family’s bread winner, and in search for a “greener pasture”, he’s here in Jeddah. He’s working on a big hypermarket here, don’t know exactly what his job is.

Anyways, Mr. YXX loves to “sing”, don’t know if he also “sings” in the Philippines, but here it seems that “singing” will make him a superstar, or not.

Change gear…

Ayon sa kwento ni Aregon1, di ko nalang rin nalinaw kong ito ba ay noong isang araw pa, o noong makalawa o noong isang linggo pa, basta sa kasalukuyan ay na-sesante na si G. YXX dahil nga sa kanyang masuyo at banayad2 na “pag-awit”.

Sa trabaho, maayos naman si G. YXX, bibong-bibo nga eh. Sya ‘yong huwarang manggagawa, ang patuloy na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo, pinatutunayan ang galing ng mga Pilipino. Sya ‘yong sa unang tingin eh ‘di mo kakikitaan ng hilig sa “pag-kanta”.

Di gaya ng sa ‘Pinas, ang mga shopping centre dito eh bukas ng 9:00 hanggang 13:00 lang, at sarado sa pagitan ng 13:01 hanggang 15:59, at muling magbubukas ng 16:00 (pagkatapos ng “pang-hapong panalangin”), bukas na ito hanggang mga 02:00 na ulit ng madaling araw (magsasara pa ulit pala sa mga bandang 18:00 at 20:30 para sa “pang-gabing panalagin” o salah).

Mag-iika-sampu na siguro ng gabi, nasa trabaho pa rin si G. YXX, abalang-abala, naghahanda na kasi ang halos lahat ng mga shopping centre dito para sa pagpasok ng Holy Month of Ramadan.

Habang abalang-abala nga sa trabaho, hindi naman nakalampas sa kanyang mga paningin ang pagpasok sa loob ng hypermarket ng isang Arabong, sabihin nalang nating mahilig ring maki-jamming sa “videoke”.

Si Arab-oke, lakad dito, lakad doon, parang wala namang bibilhin. Siguro stroll-stroll lang, nagpapalamig.

Si G. YXX, trabaho dito, sulyap doon, trabaho doon, sulyap dito… pasulyap-sulyap at pilit sinisipat si Arab-oke.

Sidebar: “Videoke” or “Karaoke”, came from Japanese word “kara” means “empty” + “oke” shortening of õkesutora or orchestra.

Ilang minuto pa nga ang nakaraan ay nagtama mga mata ni G. YXX at Arab-oke. Malagkit na titigan. May kislap, may awit. Kapwa nila mga mata’y nangungusap, may sinabi, may ibinubulong4….

Mata ni G. YXX: Hal thahib al ghina?

(You like to sing?)

Mata ni Arab-oke: Naam, khatir-an.

(Yes, very much.)

Mata ni G. YXX: Ana aidum aheb al ghina, hal yam kinina al ghina maan.

(I like to sing too, we can sing together.)

Mata ni Arab-oke: Hassan-nah!

(That would be good.)

Mata ni G. YXX: Hal anta mustaid?

(Is your magic sing ready?)

Mata ni Arab-oke: Naam, jehis ma-aghani jadidah!

(Yes, i always had it with me, and loaded…. with fresh “hits”.)

Mata ni G. YXX: Jamel, ahader al microphone sauwahi bisout aali.

(That’s nice, i wanna grab that “Magic Sing Mic” and sing out loud!)

Mata ni Arab-oke: Ok, abda!

(Ok, come sing on my “Magic Sing Mic”.)

(sabay kindat, at dako ng tingin sa “videoke booth” na ‘di kalayuan sa kinatatayuan nya)

At tumuloy na nga si Arab-oke sa loob ng "videoke booth"…naghihintay kay G. YXX. Samantalang si G. YXX naman ay tuliro, excited ga, kaya naman kapagdaka’y iniwan ang kanyang trabaho at agad na ring tumalilis sa videoke booth, hinihilot-hilot ang lalamunan… vocalization? Siguro… ‘Di na alintana ang panganib na dulot ng gagawin. Wala syang paki sa sasabihin nila, basta ang alam lang nya sa mga oras na ‘yon, “kakanta ako!”.

Sa loob ng videoke booth, nag-aabang na nga si Arab-oke, nakahanda na ang kanyang fully-loaded-with-fresh-hits-magic-sing-microphone. Kaya naman si G. YXX ay wala nang inaksayang panahon, agad na singungaban ang mikropono at “kumanta”.

Sa labas ng videoke booth, tanging ang mga second voice at adlib lang ni Arab-oke ang maririnig.

Arab-oke: Suraaa…. Yalllaaaa…. Khuwaisss….Oohhhh…surraa 3

Samantalang impit naman ang “pag-awit” ni G. YXX, parang bang humming lang…

G. YXX: Hhhhmmmmm… hhhmmmm…

Arab-oke: igeee.. igeee…


At makalipas ang ilang pasada sa verse 1, verse 2, refrain, chorus, bridge, chorus…natapos na rin ang “jamming”.

Napagod si Arab-oke sa kaa-adlib at second voice… nanlalata… si G. YXX, may ngiti sa labi, at binabalik-balikan pa chorus..

At sabay na lumabas ng “videoke booth” ang dalawa. Sa labas medyo pinagtitinginan sila ng mga tao. Mga titig na may pagdududa sa ginawa nila sa loob ng “videoke booth”. Mga mapang-husgang mata. Mga matang nanlilibak.

Si Arab-oke, lumabas ng hypermarket, parang wala lang…samantalang si G. YXX ay balik sa trabaho ngunit pilit iniiwasan ang mga mapang-husgang mata sa paligid nya.

Kinabukasan, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakarating sa pamunuan ng pamilihan ang nangyaring “videoke jamming”. Dahil nga sa bawal ang ganitong uri ng jamming sa lugar na ito, at sa “mamimili” pa, tanggal sa trabaho si G. YXX.

Nakakalungkot isipin, paano na ang pamilya ni G. YXX, sya pa naman ang tanging tagapagtaguyod ng kanyang pamilya, ang inaasahan. At sa ilang minutong “videoke jamming” lang, lahat ‘yon ay nawala…

Sisante na si G. YXX. Uuwi na sya ng Pinas. Lumabas sya ng silid ng manager dala-dala ang “Termination Paper”… at sa kanyang paglabas, muli ay nasulyapan nya ang “videoke booth”….


Sana si G. YXX na ang huling bibirit dito….

1 Kwentuhan lang ‘to, di ‘to tsismis dahil totoo ‘to at napag-kukuwentuhan lang para na rin sa ating dagdag na kaalaman at maging aral sa atin.



2 Ginamit ang mga panglarawang ito para lang maging “masabaw” ang aking post.


3 Input galing kay Aregon.


4 Ang mga usapan ng mga mata ay kathang isip lang, maging ang Arabic translation ay hindi ginagarintiyahang tama.

9 comments:

Anonymous said...

dahil lang sa mga panghusgang tingin at malisyosong isip at ignoranteng disposisyon sa buhay.... buti sana kung palalamunin nila ang pamilya ni g. yxx. ah ewan! parang uminit ang ulo ko... pasoftdrinks ka para lumamig ulo ko. hehehe!

Dakilang Islander said...

kahit hindi caught in the act sesanti pa rin? hhehe

Rio said...

kawawa naman ang pamilya ni g.yxx..
napatunayan ba tlagang nakipag sing along sya??
sana nlang ay maging leksyon ito sa mga pinoy na nsa ibang bansa..

Anonymous said...

hay! ganun! wawa namn si g.yxx! Sya lang ang inaasahan... Totoo tlagang may ganun dun?..hehehe! Lesson tlaga sa ibang pinoy yan na mag ingat sa pagkilos lalo't wala sila sa sarili nilang bansa...

escape said...

this can really happen and yes it did happen. sana magiging aral ito sa marami.

Anonymous said...

WOW..bagong mukha..galing ng plot ng historya mo.maganda rin ang mga paliwanag, enticing kumbaga..buti na lang sadyang malikot ako mag-isip, nagets ko na kagad.magaling ka ng magsulat. dun naman sa pinoy, e sana nga, matuto sa mga aral sa buhay. Sabi nga sa bible, whatever will be bind on earth would be bound in heaven and whatever loose on earth will be loose in heaven..kumbaga, may mga bagay na kinokondena, kaya dapat wag gumawa ng mali.para di makondena..pero kung di talaga mapigilan, hala, magsige..hehe

Si Me said...

ifm, sabagay sino na nga pala ang magpapakain sa pamilya nya.. pero dapit rin naman sana e kinunsider nya 'yong consequences 'nong act nya, since alam naman nya na bawal talaga 'yon dito... masama sa kalusugan ang softdrinks, OJ nalang OK?

d. islander, uu kahit na nga di caught in the act, kasi ano ba naman ang iisipin ng mga tao kung 'yong dalawang lalake eh nagkulong ng ilang minuto sa loob ng toilet tas lumabas na kapwa masaya... siguro ng karoon lang ng sharing ng mga happy stories kaya masaya.. he he he..

Si Me said...

rio, well kawawa sa kawawa, pero 'yong nga di na rin naman kasi sila na-consider ni g. yxx eh.. sana nga lang maging aral 'to sa lahat..

anonymous, maraming salamat sa pag-comments mo..like it or not, oo totoong may mga nangyayaring ganyan dito, nakakalungkot isipin...'yon na nga lang siguro, dapat mag-ingat nalang sa pagkilos esp. wala sa sariling bansa...

dong, oo nangyayari nga 'to...masisi ba natin si g. yxx? sana nga nalang eh si g. yxx na ang huli...

mangyang tagapagligtas, maraming salamat sa comments, 'yong pagiging malikot ba ng isip eh inate yan?? he he he.... huli ba agad..tama 'yong bible verse..siguro respeto lang sa host country, kasi merong mga bagay na sa pinganggalingan natin eh katanggap-tanggap subalit sa daratnan nating bagong bansa eh hindi, tsaka di naman siguro lahat ng kinokondena eh mali, siguro hindi lang maintidihan...

Nebz said...

Dapat kasi sing and dancing e...

Elibs ako sa post mo. Pagkalipas ng ikalawang pasada saka ko nasabing...ahhh...un pala un.

Okay sa symbolism a.