Noong nakaraang Biyernes, 08-08-08 raw. Sa hindi malamang kadahilanan, ito raw ay suwerte sa iba, sa iba naman eh malas. Bakit daw,kasi nga naman tatlong otso, at minsan lang sa loob ng isang daang taon ito dumating. Nagtatagal lamang sa loob ng bente-kwatro oras. Pati nga mga buntis eh apektado ng 08-08-08 pandemonium na ‘to. Meron pa ngang nanggagalaiti sa panghihinayang kasi naman si baby lumabas agad eh limang minuto pa bago mag 08-08-08, mga bata talaga makukulit.
At hindi lang mga buntis ang apektado, pati ang mga magsing-irog na gustong patunayan sa madla at sa kapirasong papel ang kanilang pag-iibigan, kaya naman bumaha ng kasalan. Kabi-kabila ang kasalan. Maging ang mga lokal na munisipyo ay nag-abala talaga para sa “mass-wedding” para sa mga nagsasamang hindi pa kasal.
Ito di ko kumpirmado, haka-haka ko lang ‘to, kasi pati nga ata nga pagbubukas ng Olimpiyada ay apektado ng 08-08-08 na ‘to. Hindi lang basta opisyal na nagbukas ang Olimpiyada sa Tsina noong Biyernes, kundi eh itinaon talaga ito sa ganap na ika walo at walo ng gabi. Diba puro otso.
Sa ganitong sestema, malamang noong nakaraang taon eh medyo ganito rin ang naging senaryo ng sumapit ang ika-pitong araw ng Hulyo taong 2007, at siguradong namang maraming nabahala at pihadong minalas noong ika-anim na araw ng Hunyo 2006, kasi nga diba sa hindi pa rin maipaliwanag na kadahilanan eh lagi na lamang may nakakabit na sumpa as numerong 666. At isa pa uling siguro, ewan lang kung bumaha ng sardinas (ka sarap!) noong ika-limang araw ng Mayo taong 2005.
Meron nga bang swerte at malas? Ewan lang din, but i’m not a big fan of this. Tao mismo ang gumuguhit ng sarili nyang kapalaran. Kung swerte man o malas, eh nasa kanya na ‘yon, nasa kanya ga ‘yong timon ng buhay nya…
4 comments:
maganda ang iyong paglalahad kaya lang parang me kulang..para sa akin ang lathalain mong ito ay medyo kulang ng sustansya, pero sa kabuuan, maganda naman..ganito ang isa sa mga kumento ko bilang mambabasa na iyong blog..hehehe..sa kapapanood ng PDA, nakakhawa ang mga kumento ng mga hurado.TFC fanatic nako ngayon, pero kapuso pa rin...
raymer, pede naman magpaliwanag ang manunulat 'no? he hehe.. uu nga feeling ko rin kulang sa sustansya, kasi tinamad na ako tumipa eh, aksyeli, prologue lang dapat yan nung entry ko tungkol sa nasagasaang pusa, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, eh dyan na nauwi.. kaya naging otso-otso-otso... hayaan mo gagamit na ako ng iodized salt para dagdag sustansya.. he he he.., kapamilya ka na!!!
naniniwala ako sa luck kasi parati akong nagsasabi ng good luck pero hindi naman ako ganun ka superstitious para maniwala sa mga ganun ganun....
"Tao mismo ang gumuguhit ng sarili nyang kapalaran. Kung swerte man o malas, eh nasa kanya na ‘yon"
tama ka dyan kuya...tao at hindi ang petsa ang magsasabi o gagawa ng kanyang kapalaran....=)
Post a Comment