Sa labing-walong beses na paglahok ng bansang Pilipinas sa Olimpyada, eh kapansin-pansin pa rin ang pagiging mailap ng medalyang ginto sa ating mga atleta.
Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi na ng siyam na medalya, ngunit walang ginto - tanging pilak at tanso. Ang dalawang medalyang pilak ay pawang sa larangan ng Boxing (noong 1964 at 1996); samantala nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong medalya sa Olimpyada noong 1928 sa Amsterdam sa larangan Swimming (Teofilo Yldefonzo) at tanso pa rin.
Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay nakapag-uwi ng dalawang medalya (tanso) para sa "athletics", lima sa "boxing" (dalawang pilak at tatlong tanso), at dalawa naman sa "swimming" (tanso).
Ngayong gabi ay muling makikipagtunggali ang ating pambato sa boxing, si Harry Tanamor.
Mga kabayan, patuloy nating suporthan ang ating mga kababayan sa olimpyada. Manood tayo mamaya ha. Elimination palang ata 'to, but still dito ang umpisa para maka-pasok sya sa quarterfinals at makapag-uwi ng medalya sa finals, na sana naman eh ginto na. Though malaki ang kumpyansa nating makasungkit ng medalya sa boxing, pero nakakalungkot na tanging si Harry lamang ang ating kalahok. Ganoonpaman, dasal nalang tayo na sana eh makapasok si Harry sa finals.
Mabuhay ka Harry, yakang-yaka mo yan, 'kaw pa... GO TEAM PHILIPPINES!!!!
2 comments:
go philippines..sana nga ay magkamit na tayo ng gintong medalya...
di ako ganun umaasa sa ganyan kasi tanggap ko na, na di ganun kaunlad ang pilipinas para sapat na mapaghandaan ng isang atleta ang hamon ng palakasan..pero siguro darating din ang panahong iyon..mas magiging mataas ang aking kumpiyansa kung ang mga events na sasalihan ng mga pinoy ay pabilisan sa pagtipa at pagpapadala ng sms ng mabilisan..sana isali nila yun sa olimpiyada..patok sigurado mga pinoy
Post a Comment