Saturday, 2 August 2008

Tinamaan ng Ano!!!


"Kung minsan sa pag-aano mo, eh madalas na parang bang ano ‘yong ano. Kaya naman sa halip na ano ‘yong gagawin mo, eh nauuwi nalang ang lahat sa ano. Tapos may mga ano pa, diba? Para tuloy naano ka na. ‘Yon bang pakiramdam na ano, tapos sa paligid mo parang ano; kaya kung minsan nakaka-ano na rin eh.. Ano ba ‘yon!!! "

Kung nakaintindihan tayo sa ano, este sa nakasulat sa itaas, sigurado isa ka rin sa mga Batang Ano.

Ewan ko lang, pero karaniwan nang naririnig ang mga ganitong linya sa usapang Pinoy. Hindi ko lang sigurado kung sa mga Pinoy nga lang ba merong ganitong “ANO” sa pakikitalamitam. Na hindi naman sa pag-aano, he he he.. pero hindi nga, ‘di ko lubos maisip kong paano sila nagkakaintindihan. Code ba ‘to? O simpleng katamaran lang na bigkasin ‘yong ano… ‘yong buong salita.

Sa site, me kasama ako doon na ang hilig um-ano, gumamit ng ano. ‘Yong sample sa itaas sigurado maiintidihan nya ‘yan. Minsan nga naitanong ko sa kanya kung bakit laging may “ANO” sa usapan.

Mangyan: Anong meron sa ano?

Mr. Ano: Understood na naman ‘yon. Basta ang mahalaga eh nagkaka-intindihan kayo!

Mangyan: Hindi ka naman galit nya?

Mr. Ano: Hindi naman, ang ano lang kasi sa’yo eh, pati ba naman ‘yong ano ko eh pagdi-diskitahan mo pa!

Mangyan: Ano raw? ‘Yan ka na naman puro ka naman ano! Sa totoo lang wala akong naintindihan kundi puro “ANO” lang.

Siguro nga tama naman ‘yong paliwanag nya na kung kakilala mo ‘yong kausap mo, o kaya naman eh regular na kaututang dila kayo eh pamihadong magkaka-intindihan din kayo. Sabi nga eh ‘yon bang buka pa lang nga bibig mo kahit walang sound eh alam na agad ‘nong kausap mo kung ano ang pinag-uusapan nyo.

Isa pa siguro, kasi dalawa lang kayong nagkakaintindihan, eh mas iwas tsismis, kasi sigurado ‘yong mga tsimosa / tsimoso sa paligid nyo eh maguguluhan. Parang syang Da Vinci Code, astig…

Mangyan: (medyo nangungulit na), ano ba ‘yan, tinatamad ka lang banggitin ‘yong buong salita, kaya bilang panghalip eh gagamitan mo ng “ANO”?

Mr. Ano: Ang kulit mo naman eh! Understood na ‘yon!!!

Mangyan: (makulit talaga) eh paano nga kung hindi pa understood, ha paano ‘yon?

Mr. Ano: E’di sabay turo, o kaya naman eh ano nalang.

Mangyan: Anak ka ng ANO o!!!

Mr. Ano: ‘Di uulitin nalang..

Mangyan: Ibig sabihin uulitin mo nalang ‘yong buong pangungusap at papalitan mo ‘yon “ANO” ng tamang salita?

Mr. Ano: Ganoon na nga para magkaintindihan.

Ano raw??? Eh bakit ba naman kasi kailangang gamitan ng “ANO” na kung sa bandang huli naman pala eh puede naman palang ayusin.

‘Di ko lang alam kung natakot sa’kin si Mr. Ano, kasi sa tuwing kausap nya ako eh medyo nabawasan na ‘yong mga “ANO“ nya.

Sabi nga, ”sa hinaba-haba man daw ng ano, eh sa ano rin ang tuloy”, kaya naman sa tuwing kausap ko ngayon si Mr. Ano... ala na ring ano, di ko alam kung kung sa akin lang, kasi sigurado sisitahin ko na naman ’yong “ANO“ nya.

Pede naman pala eh... pero sabi ko nga, baka naman mala-Da Vinci Code ’to.

O ano na? Sige na ano na ako, bago pa ako ma-ano dito.

9 comments:

Rio said...

huwat?????????

Anonymous said...

paulit..ano nga yun?

escape said...

hahahaha.... dami ngang ganyan! si doc napa huwat????? tuloy.

Anonymous said...

ano ba to?

Anonymous said...

wala atang naka gets ah.

Si Me said...

rio, ano raw???

raymer, isa pang ano???

dong, uu nga dami talaga ng mga ano... he he he, ng mga ganyan, ang hilig-hilig sa ano.

ifm, uu nga ano ga ire?? tungkol ga sa "ano" ito..ano lang.

kdr, he he he, mukha nga, puro kasi ano 'yong ano eh..

Abou said...

he he ikaw talaga

Dakilang Islander said...

laging nag aano rin ako pag di pagnaubusan ako ng tagalog pag di ko alam ang term...at least valid excuse..heheh

Admin said...

Ano raw???!!!

Haha! Bakit ba ano ng ano mo?

Haha! Bakit ba ang gulo ng post mo?


TRANSLATION iyan...


Ano ulit?