Monday, 6 October 2008

mIxPiX

Halo-halong snap-shots galing sa telepono ko nitong holiday.

Katatapos lang ng Ramadan, and they celebrated Eid here last 30th of September to marked the end of the holy month of Ramadan. Kaya nga diba dyan sa’tin sa Pinas eh declared holiday ng pangulo ang 1st of October to join with our brother Muslims the celebration of Eid Ul Fitr.

Eid Mubarrak!!! Happy Eid!!!


Usually, kung Eid dito eh maraming fireworks display, meron din konting fire crackers. Putukan, not in a sense na gaya dyan sa Pinas na nakaugalian na natin tuwing magpapalit ng taon. Dito, to celebrate the Eid, usually me mga fountains, lusis, kwisit, me konting paputok rin, tipong mga pambatang paputok o watusi type. Pero ngayong taon, kapansin-pansinng wala gasinong fireworks display sa kalangitan. Besperas na ng Eid, 23:16, eh so far eto lang ang nakunan ko. 1 week before Eid nabasa ko rin nga sa isang pahayagan dito na medyo wala munang putukan ngayong taon, di ko lang alam kung anong meron bakit wala.



At natural, kung Eid, eh katakot-takot ang Sale! Parang gang palanyag. Kabi-kabila nalang eh SALE. Pangkaraniwan na ito dito. Kulang na nga lang eh ipamigay ang tinda, maubos lang. Eto 70% off lang, pramis kagabi nakakita pa ako ng 90% off, di ko na nga lang nakunan ng picture at baka makalaboso pa ako. ‘Yong nasa side kapatid ko, kailangan ko talaga syang pa-pwestuhin dyan kung kukuha ako ng picture para me alibi ako na sya ang kinukunan ko ng picture.

Meron din namang, halos araw-araw nalang eh Last Day Sale na, o Finale Sale na. At dahil bagsak presyo din a problema kung teshert, shert, bantelon jeans, o jakeat jeans ang mabili, basta SALE.

Sa loob ng shopping centre ‘yan, kung dyan sa loob eh maraming SALE, asahan mong mas marami pa sa labas. Sa labas, bangketa o sa gitna ang kalsada, pag-sapit ng gabi, sigurado merong SALE. Forever sale dito. Kasi dito puede makipag-baratan, puede makipag-tawaran.

Nagkalat ang puedeng bilhin. Me nagtitinda ng pekeng pusa, na umiilaw ang mata.


Me nagtitinda ng pagkain, tsit-tserya, at kung ano-ano pa.

Bata, matanda, lahat may bitbit. Lahat may bibilhin.

Mga relong per kilo, na unang bigay eh SR 35.00, pero puedeng tawaran hanggang SR 15.00, o kung barat talaga, kuha pa ng SR 10.00.

Di gaya ng dati, medyo maluwag ata sa mga panahong ito, kasi kapansin-pansin ang mga babaeng nagtintinda sa kalsada, na dati eh para sa mga lalaki lang. Syempre, naka-abaya o naka-talukbong.


Sa gitna ng kalsada, kalimitang kung ano-ano ang tinda, sa gilid naman – sa mga puwesto eh ang mga Money Changer at mga bilihan ng ginto at pilak at kung ano-ano pang mga bato at alahas. Kagabi, SR 110.00 per gramo ng ginto, mahal.



Nakakapagod rin mag-ikot-ikot. Kaya sa bandang huli, bago ako umuwi ng bahay, eh bili muna ako ng pandesal. Ang kaisa-isang tindahan ng pandesal sa Balad, dito sa Jeddah. Kaya asahan na ang haba ng pila.

5 comments:

Rio said...

Eid Mubarrak Happy Eid..
huli na ata ang bati ko para sa mga kapatid natin na muslim...=)

kakatuwa naman ang sale dyan...
per kilo ang mga relo?? ilan kayang relo ang mabibili dun??

at wow! may pandesal din pala dyan..ayos na ayos yan pagtapos ng nakakapagod na pamimili.=)

Anonymous said...

sale din pala jan sa inyo. papabili sana ako ng teshert at jakeat ahehehe

Anonymous said...

eh yung boy bawang nakasale din ba dyan? hehe!

madjik said...

oy asan sa corniche yang teshert, bantelon jeans, at jakeat? nang mapuntahan at magba balad ako mamaya hehe.

Anonymous said...

wow, mura nga! para palang pasko kapagkatapos ng ramadan. sale ang teshert at bantalon.ΓΌ namiss ko ang blog na ito! kamusta na ang jollibee dyan?