Monday, 14 April 2008

Mata sa Bintana (ikalawang silip)

Para sa unang sulyap ng sanaysay na ito, paki-sundan lang ang kabitang ito: http://me-blogkoto.blogspot.com/2008/03/mata-sa-bintana.html

Dumaan sa bahay si Kuya Erik kagabi. Dapat mamumundok kami ng gabing iyon. Hindi nga lang kami natuloy dahil sa sama ng panahon – alanganing uulan, alanganing magsa-sandstorm. Mahirap sumugod ng hindi mo sigurado ang panahon – minsan kasi traydor ang panahon.

Naratnan nya ako sa bahay na namamalantsa. Noong isang gabi pa ako namamalantsa, kaso nga sa tuwing nakikita ko ang aking higaan ay lagi akong hinihimatay at umaga na ulit ako nagigising.

May dala syang sayote, galing pa ng Baguio. Dala raw ni Ka Rolie, taga bundok rin. Ako naman, dahil sa inaasahan ko na rin ang kanyang pagdalaw ay naghanda na rin ng ilang piraso ng hipon. Pangulam na ‘yon. Gisadong sayote at hipon.

Sa madaling salita, naluto ang gisadong hipon sa sayote at kami ay kumain. Makakain, hindi ko na muna hinugasan ang aming pinagkainan. Crowded pa kasi sa common room, mamya nalang siguro.

Lumabas kami ng compound.

Pumunta kami kina Genaro, tatambay.

Walang wentang tumambay kina Genaro, lahat kasi ay abalang-abala sa panonood ng pelikula ni Judy Ann. Lahat ng mata ay nakatutok sa telebisyon. Aliw na aliw sa tambalan ni Wowie at Juday. Kaya doon nalang sa bahay ni Bert kami tatambay.

Sa bahay ni Bert…. naroon ang mga mahiwagang mata sa bintana.

Tahimik ang paligid. Walang traffic. Parang ghost-town ang kahabaan ng Madinah Road, puede kang maglaro ng tumbang-preso. May mga sasakyan naman, ngunit mangilan-ngilan lang. Parang may mali! Hindi dapat ganito ang paligid sa ganitong oras, alas-syete y medya. Nangyayari lamang ang mga ganitong pangitain one hour after breaking the fast tuwing holy month of Ramadan. Kapansin-pansin din na kahit na nga iilan lang ang mga sasakyan sa kalsada ay punuan naman ang mga coffee shop.

Ramadan na ba?

Teka mali talaga, hindi pa Ramadan. Ika anim na araw pa lamang ng Rabi Thani sa Arabic calendar.

06 Rabi Thani 1429, katumbas ng 13 Abril 2008

Anong meron?

Alamin natin.

Dumaan nga kami ng isang coffee shop, magkape lang at si Kuya Erik para maninigil.

Crowded ang coffee shop. Mausok. Kasi may naninigarilyo, at may nag-shi-shi-sha. Ano ang shi-sha. Sa pagkakaalam ko, ito ‘yong healthier version ng yosi, kasi sa halip na tobacco ang sinisinghot dito, fruit aroma ang sinisinghot. Pwedeng ubas, mansanas, strawberry, durian. Sabi ni Tufs, eto raw ang tinatawag na “Smoke on the Water”.

Lahat ng mga mata sa coffee shop ay nakatitig rin sa telibisyon. Titig na titig. Seryoso. Hanggang dito ba naman sa coffee shop si Juday at si Wowie pa rin ang pinapanood?

Diretso si Kuya Erik sa counter, ako naman sa main reception lang ng coffee shop, sinilip ang pinapanood.

Aaaahh…’yon naman pala eh. Football ang pinapanood nila.

Kaya naman pala parang ghost town ang Madinah Road, may laban ang Etihad ng Jeddah at Al Hilal ng Riyadh para sa Crowned Prince Cup.

Mukhang maganda ang laban. Panay-panay ang sigaw ng commentator sa TV. Kahit wala akong naiintindihan sa mga comments nya, pero sa mukha ng mga manood eh alam mo na talaga namang matindi ang labanan.

Eeeeyyywwwwaaaa!!!! (yesssssss)

Walllaiii.. mabruk!!! (really…. great!!!)


0 – 0 ang score.

Hindi ko na tinapos ang laro. As if intresado ako.. he he he.

Pagbalik ni Kuya Erik, may dala na syang kape. Deretso na kami sa bahay ni Bert.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Excited na parang takot.

Eto na, nasa harap na kami ng bahay ni Bert. Kinakatok na ni Kuya Erik ang pintuan nya.

Bumukas ang pintuan.

Hindi si Bert ang nagbukas, ‘yong kasama nya sa bahay.

Katok ulit si Kuya Erik, this time sa silid na ni Bert. Isang katok…. Dalawa… tatlo… apat.. at nagbukas ang pinto. Namamalantsa rin pala si Bert.

Pagpasok naming ng silid, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Me: Bert, pagamit naman ng CR o. (kahit hindi naman ako naiihi, iba ang pakay ko sa loob ng CR)

Bert: Sige lang. (sabay ngiti na parang alam nya ang talagang pakay ko sa loob ng CR nila)


Diretso agad ako ng CR.

Pagpasok ng CR, dahan-dahan kong isinara ang pinto.

Naroon pa rin ang bintana. Parang nakabukas ito.

Hindi ko lang matandaan kung talaga bang nakabukas ito. O may sadyang nagbukas ng bintana.

Sinuri ko ang bintana. Pero wala na ang mga mata sa likod nito. Bigla tuloy akong naihi.

So ihi….

Habang umiihi, nakatitig ang aking mga mata sa bintana. Naghihintay sa mga mata. Naghihintay na muli itong dumungaw.

Sampung Segundo… wala.

Labing-limang Segundo… wala pa rin.

Dalawampung Segundo… wala talaga.

Tatlumpong Segundo… wala na talaga.

Hindi ko tuloy namalayan na tapos na rin pala akong umihi at hawak ko pa rin si mini-me.

Flush.

Wala.. walang mata sa bintana.

Hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko ba talagang asahan na sisilip sya sa tuwing ako ay iihi sa CR na ‘to? Hindi naman siguro. Intresado lang akong malaman kung kanino ang mga pares ng matang iyon.

Hanggang sa aking paglabas ng CR, ay nagpahabol tingin pa ako sa bintana. Umaasa pa rin na baka muling sumilip ang mga matang iyon…pero wala.. bigo ako.

Maraming mga bagay-bagay tuloy ang naglaro sa aking isipan.

Baka umalis na sya?

Baka naman kung ano na ang nangyari sa kanya?

Baka naman natatakot sya, na sa muli nyang pagsilip ay makilala ko na sya?

Baka natatakot din sya na harapin ko sya?

At ako, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya, na baka naman kasi hindi nya nagustuhan ang kanyang nakita noong huling pagsilip nya. he he he…

Haaayy.. lalo tuloy dumami ang aking mga tanong. Lalong dumami ang mga tanong na kailangang sagutin.

Akala ko, sa entring ito ay matatapos na ang sanaysay na ito – pero hindi pa pala.

Hindi ko pa kilala kung kanino ang mga matang ‘yon.

Pumasok na ako ng silid ni Bert. Nagpapalitan pa rin sila ni Kuya Erik ng idea sa ipapatayo nitong munting bahay sa kanyang lupa sa Palawan.

Sa gitna ng kanilang usapan tungkol sa sukat na lupa, anong klaseng bubong ang dapat gamitin, anong materyales ang gagamitin sa flooring, biglang segwey si Bert.

Bert: Ano nandoon ba sya?

Me: (ngayon alam ko na talaga na alam ni Bert ang sinadya ko sa kanilang CR) Wala eh.

Bert: Alam ko kung kanino ang mga matang ‘yon. Kilala ko ang may-ari ng mga pares ng matang ‘yon.

Me: (nakatunganga lang…) talaga..

Bert: Lagi rin syang nakasilip doon tuwing gumagamit ako ng CR. Umihi. Maligo. Um-mebs. Lagi ‘yong nandoon. Nakatitig. Nakasulyap. Saksi sa lahat ng nangyayari sa loob ng CR.

Me: (wala lang akong imik… hinayaan ko lang magkwento si Bert..)

Bert: Gusto mo syang makilala?

Bago pa ako nakasagot, eh pinutol na ni Kuya Erik ang aming usapan.

Kuya Erik: O, tayo na, umuwi na tayo…alas-dyes na! O pa’no Bert, salamat sa tambay… bukas nalang ulit.

Bert: Sige lang.

At bago ako tuluyang lumabas ng silid palihim kung kinausap si Bert.

Me: Gusto ko syang makilala.

Bert: Umuwi ka na… makikilala mo rin sya.

Me: Paki-usap Bert, sino sya!!??

Bert: Sige, bukas nalang… gabi na.. umuwi ka na.

Me: Bukas ha….


Umuwi na ako, baon pa rin ang sadamakmak na katanungan.

SINO SYA!!!

Ngayong umaga sa isang pahayagan.



Kaya pala tahimik ang Jeddah kagabi.

Itutuloy…


Sunday, 13 April 2008

Ulat Panahon ni Kuya Kim, Mike E. at Peter P.


Eto na naman at feeling Kuya Kim A. ulit ako... para sa ulat ng panahon dito sa Jeddah.

Interesting kasi ang lagay ng panahon ngayon sa dakong ito ng mundo. Gaya nga ng mga nauna kong entry, lagi na laang makulimlim, parang laging uulan. Malamig ang simoy ng hangin, eh obsyut na obsyut naman na malayo pa ang Pasko. Minsan naman eh saksakan ng banas!

Sa pangkaraniwang panahon, o halimbawa na laang noong isang taon, ganitong buwan sa lugar na ito, eh pagka-init-init na. Wala nang kung ano-anong kaartihan noon ang Inang Kalikasan, basta mainit nalang. Nakakapaso ang mga bakal na babad sa araw.

Pero ngayon taon nga, eh medyo nag-iinarte ang panahon. Kasi nasa ika-apat na buwan na tayo ng kasalukuyang taon, eh wala pa ring kongkretong lagay ang panahon.

Pero ang maganda lang, kahapon, ika labing dalawa ng Abril taong dalawang libo at walo, sa ganap na ika dalawan ng umaga ay bumuhos na ang ulan dito sa Jeddah. Sa wakas, natuloy rin. Kahapon pa 'yon, opo kahapon pa umulan, huli lang ang entry.

Hindi ko na rin nga namalayang umulan eh, kasi alas-dos ba naman, sa mga oras na 'yon pihadong tulog na tulog na ako noon. Kaya umaga ko na lang nalaman na umulan, dahil na rin baha sa ilang bahagi ng compound. At base na rin sa dami ng nagkalat na sanawan sa paligid ng compound kinaumagahan, eh masasabi kong may kalakasan ang pag-iyak ng langit noong madaling araw.

Kahapon 'yon, kasi ngayong umaga naman, eh balik sa dati... wala na namang wenta ang panahon. Hindi mo alam kung uulan, iinit, magsa-sandstorm.. o ewan, tanging panahon lang ang nakakaalam.

Yon ang ulat ng panahon.... eto po si Kuya Kim... at para sa dagdag kaalaman, narito ang si Ginoong Peter Pasion:

Peter, pasok!!!!

Peter: Mike ikaw ba yan, tantanan mo na ako?! Kuya Kim?? Kuya!!!


To my friends who enjoy a glass of wine. and those who don't. As Ben Franklin said: In wine there is wisdom, in beer there is freedom, in water there is bacteria. In a number of carefully controlled trials, scientists have demonstrated that if we drink 1 liter of water each day, at the end of the year we would have absorbed more than 1 kilo of Escherichia coli, (E. coli) - bacteria found in feces. In other words, we are consuming 1 kilo of poop. However, we do NOT run that risk when drinking wine & beer (or tequila, rum, whiskey or other liquor) because alcohol has to go through a purification process of boiling, filtering and/or fermenting.

Remember: Water = Poop, Wine = Health

Therefore, it's better to drink wine and talk stupid, than to drink water and be full of shit .There is no need to thank me for this valuable information: I'm doing it as a public service.


Salamat sa inyong pagsubaybay... Kami po ang Patrol ng Pilipino, Nagbabalita sa Inyo Bente Kwatro Oras, Dahil di Natutulog ang Balita sa Sama-sama nating pagiging, Saksi!!!

Friday, 11 April 2008

Bigas ni Ya-um

Bigas!!!

Bigas!!!

Kanin!!!

Kanin!!!


Ulam!!! hep.. hindi kasama ang ulam... he he he. Sensya na, na kerid awey lang.

May krisis daw ng bigas sa lupain ni Juan Dela Cruz? May krisis nga kaya?

Bakit nga ba ang hilig-hilig ni Juan Dela Cruz sa bigas o sinaing na bigas - kanin?

Agahan: Kanin

Tanghalian: Kanin ulit

Meryenda: Bahaw

Hapunan: Kanin pa rin

Anak ng kanin o!!!

Hindi kompleto ang hapag kainan ni Juan kung walang nakahayin na kanin. Kahit pa siguro gaano kasarap at maka-tulo laway ang ulam, kung wala ring kanin... wala ring wenta. Kasi nga parang ang kanin ang puso ng ating hapag kainan. O kanin nga ba ang puso?

Siguro nga, kasi parang lahat yata ng pang-ulam ni Juan ay dapat kanin ang kapareha. Talaga namang napakasarap kumain ni Juan kung may kanin. Lalo na kung Sinandomeng ang bigas.. lalo na kung galing ng Mindoro ang bigas... he he he. Tapos isasaing mo na may nakaibabaw na pandan.... ay sya.. sigurado taob ang palayok ni Juan. Lalo na kung makain ng naka-kamay. Tapos nakataas ang isang paa sa silya, ay sigung-sigu eh.. kasarap..tapos nasa dahon lang saging makain, ay sya hinding-hindi mo mapipigilan... kahit pa tuyo at kamatis o bagoong ang ulam. Tapos 'yong bagoong pinigaan ng gata, ay sya naman sigurado talaga... taob.

Sabi nga sa Probe noong nakaraang lingo, mahalaga nga raw talaga ang Bigas o Kanin sa mga Pilipino. Noong unang panahon nga raw, ang pagkakaroon ng kanin sa hapag ay maaaring maging simbolo ng estado mo sa lipunan. Karaniwang makikita ang nakahaying kanin noon sa dulang ng mga maharlika.

Eh paano nga raw ‘yan, may krisis daw sa bigas ang Pilipinas. Wala na tayong bigas!!!! Wala na rin tayong kanin!!!

Maaari bang palitan ang kanin sa dulang ni Juan? Sabi ng mga dalubhasa sa usapang nutrisyon at pagkain, maraming puwedeng ipanghalili sa bigas o kanin sakaling magkaubusan na nga ng bigas sa Pinas

Puwede ang kamote.

Puwede ang mais.

Puwede ang kalabasa.

Puwede ang patatas.

Puwede ang tinapay.

Puwede ang kamoteng kahoy.

Puwede ang saging.

Ang daming pagpipilian ‘no ? Eto ang sigurado, sa mga nabanggit na pagpipilian maari talagang makakain ang isang Pinoy ng tatlong beses sa isang araw. Lahat naman talaga ito ay maaaring kainin ni Juan, pero ang pinaka-importanteng tanong ay eto: BAGAY KAYA ITO SA ULAM NI JUAN??

Halimbawa napili natin ang patatas.. so ginawa nating mash-potato…sosyal!!!

Nakahanda na ang mesa.

Inihain na ang mash-potato. Wow… sosi talaga.

At inihain na ang ulam….

Ta-dah!!!

Umuusok-usok pa… diningding at ginataang tulingan! Ang sarap!

He he he….matapos magdasal bago kumain… eto na ang unang subo…eeewww…

Mash-potato at diningding! Ha!

Parang baduy!

Eh mash-potato at ginataang tulingan…. Ngi, hindi pa rin bagay..

Eh pa’no kaya kung palitan nalang natin ang ulam.

Eto pa ang listahan ng ulam ni Juan, na maaari nating i-partner sa ating very sosi na mash-potato.

-       Adobong manok / baboy

-       Bagoong gisado

-       Ginataang alimango

-       Sinigang na baboy, hipon

-       Sinigang na kaduli sa miso

-       Tapang usa

-       Diningding

-       Pakbet

-       Bulanglang

-       Tinola

-       Sarsyado

 Hhaayyy… marami pang puwedeng idagdag… pero andon pa rin ang tanong, masarap kaya ang mga ulam na ito kung walang kanin?

Para sa akin, isang malaking : HINDI

Ang kanin ay kanin. Hindi yata ako magsasawa kumain ng kanin.

Pero may krisis nga bas a bigas?

Hindi naman siguro. Kasi sa amin sa Mindoro, parang wala naman. Kasi kung mag-saing ang lola ko, kasahog pa nga si Cow eh, ‘yong aso ko. Siguro sa Manila lang ang krisis. Hindi naman sa nagyayabang.. pero eto ang sigurado ko…

WALANG KRISIS NG BIGAS SA MINDORO !!!

At masarap ang Sinandomeng ng Mindoro.. try nyo lang… he he he… tikim-tikim.

Sige na nga, kain muna ako…

Kanin at ….. mash-potato… ha ha ha.. pustahan, kahit si Juan Dela Cruz ay nangingibang bayan, sigurado kumakain pa rin yan ng kanin. Anong sinabi ng hamburger, pizza, shawarma, at sandwich... KANIN PA RIN!!!

Kain tayo.

Thursday, 10 April 2008

Lahing Mangyan

Alam nyo ba ang kantang ito? Sikat na sikat ito noong mga taong kasalukuyang umuusbong ang mga banda sa Pinas. Kung hindi nyo alam ang kantang 'to, alam ko..

Parami na nang parami
Mga Mangyan sa Em-Ee

Mangyan sa Em-Ee
Mangyan sa Em-Ee


Bakit naman ako napunta dito? Kasi ngayong umaga lang tumawag sa akin si Kuya Noel, eto certified mangyan din. Eh kuya ko eh, so kamag-anak ko 'to. Kapatid ng tatay ko si Tito Lito, ang Tatay ni Kuya Noel... sa madaling salita, mag-pinsan kami. Pamilyang mangyan!

Dumarami na ang mangyan sa ME. Noong bagong dating ako dito, sa sampung OFW na nakaka-usap ko, wala kang makaka-usap na mangyan. Marami ang taga Pampanga. Marami ring Bisaya. Marami ring taga-Batangas o Cavite. Pero walang taga-Mindoro!

Nakakalungkot noon, kasi diba iba ang feeling noong may kakiskisang buntot ka, na kababaryo mo. Opo, kakiskisang buntot.. kasi lagi nalang nilang sinasabi na meron daw buntot kaming mga mangyan.

Ang Pampanga may Pampanga's Best Tocino and Longanisa.

Ang Batangas may Kapeng Barako.

Ang mga Bisaya may Danggit o Batchoy.

ANG MANGYAN MAY BUNTOT! MERON BA?

Bakit sinabi ng mga taga Pampanga ang sekreto nila kung bakit pagkasarap-sarap ng mga tocino at longganisa nila? Hindi!

Sinabi ba ng mga taga Batangas ang sekreto ng kanilang pagkatapang-tapang na Kapeng Barako? Hindi!

Ayaw ko nalang magsalita. Lihim ng aming lahi 'yon. Kung gusto nyo talagang malaman... tikman nyo kami... he he he..

Hindi ko lang alam kung bakit ba naman ang buntot namin ang pinagdidiskitahan ng mga tao.

Alam nyo ba na meron kaming sariling salita? Meron kaming sariling alpabeto? Meron ba kayo noon? Kape at Tocino lang pala kayo eh... he he he.. hindi naman ako naghahanap ng away ha... Pero totoo 'yon mga kabayan, nasakop man tayo ng mga banyaga subalit hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ng ilang mangyan sa Mindoro ang sarili naming alpabeto. Hindi ito ang alpabetong Pilipinong galing sa Amerika. Orihinal na Pilipino 'to.

Sa kasalukuyan, sa sampung OFW na makaka-usap mo, kahit naman papaano ay may .5 na Mangyan kang makakahuntahan. Dumarami na nga ang mangyan dito.

Noon sabi ko kasi mayaman ang Mindoro kaya hindi nakukuhang mangibang-bansa ng ilan sa aking mga ka-tribo. E bakit ngayon nangingibang-bansa na ang mga mangyan?

Naghihirap na ba ang mga Mangyan?

HINDI!!!

Likas lang sa aming mga mangyan ang maglagalag. Mag-explore ga. Humanap bagong bundok. Mangaso ng tamaraw at baboy-ramo.

'Yon lang...at para sa dagdag kaalaman bumisita sa mga sumusunod na kabitan:

http://www.mangyan.net
http://www.mangyan.org/

MABUHAY ANG LAHING MANGYAN!!!

Tuesday, 8 April 2008

Kelan Uulan?

Sa aking pagpulso kahapon ng hapon, sabi ko baka umulan ngayong araw na ito. May orasyon pa nga eh.

Mukhang nagkatotoo naman ang aking pagpulso, ‘yon nga wala pang ilang minuto.

Ngayong tanghali, eh umulan dito. Pagtutuwid, hindi pala umulan, umambaon lang. Hindi naman kasi kalakasan ang ulan. ‘Yon bang bago pa pumatak ang susunod na patak eh tuyo na ‘yong unang patak. Tapos ang haring araw ay talaga namang ayaw magpatalo sa mga makukulit ulap. Kahit anong gawin ng mga ulap na itago ang haring araw ay nagpupumilit pa rin itong sumilip at patunayan na sya talaga ang siga ng kalawakan. Sa bandang huli, wala ring nagawa ang makukulit na ulap. Ang Haring Araw pa rin ang nagwagi.

Muli na namang sumikat at namaso ng balat ang haring araw.

Hindi ko maintindihan ang padali ng panahon ngayon dito.

Maulap.

Maalikabok.

Mahangin.

Mabanas.

At ito ang karagdagan, parang gustong umulan na hindi naman matuloy-tuloy.

Papilit ba.

Ang tagal namang umulan….