ang blog na ito ay mula sa panulat ng isang mangyan galing ng oriental mindoro
Wednesday, 30 April 2008
Bagong Bayani
Bagong Bayani
Mga bayaning siyang tumutulong upang kahit naman papaano’y makagulapay ang ating Inang Bayan sa kahirapan. Sabi nga sa mga surbey-surbey ang mga ipinapadalang mga dolyares nalang ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat ang nagsasalba sa ekonomiya ng Pilipinas.
At bukas, a uno na naman ng Mayo… Araw na naman ng mga Dakilang Manggagawa.
Kaya naman ngayon palang, binabati ko na kayong lahat na mga manggagawang Pilipino.
Mabuhay kayo!
Ok, tapos na ang batian.
Eto na talaga ang entry ko, he he he.
Kadalasan kasi tuwing mga ganitong araw puro pagsasaya at panay ang pagkilala natin sa galing ng mga manggagawang lokal o itong mga nasa ibayong dagat. Kung minsan ay nakakalimutan nating banggitin ang hirap na dinaranas ng mga manggagawang ito.
At dahil kill-joy ako, he he he.. or party-spoiler, himayin natin ang masimuot na mundo ng pangingibang-bansa habang nagdiriwang ang bansa sa Araw ng Paggawa at nagra-rally sa Mendiola ang KMU.
Pangarap: Pag-sinabi kasing mag-aabroad ka para bang solve na lahat ang problema mo sa iiwanang bansa. Laging naroon ang pangarap syempre na maiahon sa kahirap ang mga pamilyang iiwan. Excited na lisanin ang bansa upang umpisahan nang lakaran ang pangarap, subalit sa likod ng matatamis na ngiti at bungingisan ay naroon pa rin ang kalungkutan sa mga mata. Pamamanglaw sa iiwan.
Sa asawa.
Sa anak.
Sa mga magulang.
Sa mga kapatid.
Sa mga kaibigan.
Eh kaya nga ang tawag sa kanila ay Buhay na Bayani eh, kasi handa nilang tiisin ang kalungkutang mawalay sa mga mahal sa buhay mabigyan lamang ng maayos na kabuhayan ang pamilya.
Mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak, kapatid.
Makapagpatayo ng sariling bahay sa sariling lupa.
Magkaroon ng kahit na maliit na kabuhayan.
Mga pangarap na baon pag-lipad sa ibang bansa. Pangarap na lalakaran at tutuparin. At lilipad ang eroplano sa saliw ng awitin ni Gary V. – “Babalik ka rin”.
“Talaga, babalik ako…pramis!”
Pangarap na Nauwi sa Bangungot: Noong mga naunang dekada, kung saan ay kasagsagan na pangingibang bansa ng ating mga kababayan, hindi lahat ay pinalad na matupad ang kanilang pangarap.
Ang napaka-gandang pangarap ay nauwi sa nakamamamatay na bangungot.
Ang masakit pa nito eh mismong si Juan dela Cruz ang nang-o-onse sa kanyang kapwa. Maka-raket lang, ‘di bale nang magutom ang kapwa.
Marami akong kakilala na hindi rin pinalad sa kanilang pangarap na makapaghanapbuhay sa ibang bansa. Mga aplay na na-peke. Nariyan ang nagsasanla ng ekta-ektaryang taniman may maipang-placement lang sa recruiter. Kung wala mang lupa, eh manghihiram na lang ng titulo ng lupa para lamang may maisanla. Sa lugar nga namin eh, umabot na sa puntong tumatanggap na nang mga buhay na kalabaw o baka ang mga sanglaan.
Tapos sa bandang huli, lahat ng ito ay mauuwi sa wala.
Sa mga napapanood nga sa telebisyon eh, ‘yon bang obyus na obyus na ang pangga-gago ng mga hinayupak na illegal recruiter na ‘to, pero bakit may patuloy pa rin silang naloloko. At sa halip na sa eroplano papalipad sa minimithing pangarap ay sa presinto nauuwi ang lahat upang magsampa ng asulto sa mga gagong illegal recruiter.
Ang sarap sigurong pumatay ng mga illegal recruiter!
Siguro nga masyado lang tayong madaling magtiwala sa mga taong nasa paligid natin lalo na kung ang pangarap nating umangat sa buhay ang pinag-uusapan. ‘Yon bang kapit sa patalim na sinasabi.
Siguro nga swerte-swerte lang rin. Pero hindi ako naniniwala sa swerte eh, siguro mas magandang term kung “kaloob”. Kung baga, hindi kaloob ni Bathala na mapunta ka sa lugar na pinapangarap, malay mo meron palang mas magandang lugar na nakalaan para sa’yo, diba? Masyado lang kasi tayong mga taong mainipan…
Biglang Liko: Ito ‘yong mga natuloy. Nakalipad palabas ng bansa upang maghanapbuhay, dala ang pangarap na umasenso naman kahit papaano. Nag-iwan ng pangako sa mga naiwanang mahal sa buhay ng kaginhawahan.
Ito ang pangkaraniwang nangyayari dito sa Saudi. Sa Saudi nalang ang aking halimbawa, kasi nasa Saudi ako, ewan ko lang sa ibang mga bansa.
Hindi ko rin masabi na para lamang sa mga lalaki, para rin sa kababaihan.
Bakit biglang lumiko ? Kasi dahil raw sa “kalungkutan” eh may nangyayaring ganito. Dito hindi lang lalaki ang gumagawa. Maging mga kababaihan. Nakakalungkot isiping nakakalimutan agad sa sandaling panahon ang pangakong iniwan sa bansan pinagmulan para maibsan ang “kalungkutan”.
Ang iba naman hindi dahil sa kalungkutan. Upang may makapitan. Masandalan. May makasama. Partikular ang ganito sa mga kababaihan.
Pero hindi rin natin sila masisisi o mahuhusgahan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dahilan sa ating mga kinikilos. Kalimitan kasi sila ‘yong mga minaltrato ng amo, mga hindi pinapa-sweldo, mga naaabuso, mga takas, mga walang kaukulang papeles.
At dahil nga ang mga kabayan ay hindi natin matiis, eh nariyan naman tayo upang sumaklolo (‘wag ka nang umasa sa ating konsulada, wala ka ring mapapala sa kanila – ibinabalik pa nila sa mga mapangmaltratong amo ang mga kababayan nating tumatakas. The lesson of the story, paglabas mo ng Pilipinas – you’re on your own, ang konsulada ay para lamang sa mga paliga, singing contest, fashion show, at kung ano-ano pang sosyalan.); ang mali nga lang sa pagsaklolo ng ilan nating mga kababayan eh ‘yong pang-aabuso rin.
On very rare cases (?), meron rin namang mga pagkakataong – “GAMITAN” lang. Kailangang kita, kailangan mo ako. May pugad ka, may ibon ako. So ano pang hinihintay natin??
“Let’s doh it!!!”
Nasisirang Pamilya: Eto ang nakakalungkot. ‘Yon bang kaya ka nangibang bansa ay para ayusin ang nasimulang pamilya, pero kung minsan, eh nauuwi pa ito sa pagkawasak ng pamilya.
Dahil na rin marahil sa "kalungkutan" nga at "pamamanglaw", kaya naisipan nalang na gumawa ng bagong pamilya, total naman malayo sa original na pamilya eh. Ang katwiran pa "dito lang naman 'to eh, pag-uwi sa Pilipinas wala na.".. diba, dito nga lang naman eh.
Hanggang sa umaabot pa sa mga puntong talagang mas ok na ang bagong pamilya, nakakalimutan na ang original na pamilya, ang pamilyang naging dahilan kung bakit sya ay nangibang-bansa.
Meron ring mga katwirang parang ok naman ay parang 'di ok, pero wala akong karapatang humusga... katawirang "hindi ko naman napapabayaan ang pamilya ko sa Pilipinas eh.."
So parang ok lang na baliin ang sinumpaan sa Pilipinas as long as hindi naman napapabayaan or as long as hindi naman pumapalya sa padala...
Nasirang Pamilya: Eto na 'yon.. nasira na nga ang pamilya. Ang pamilyang pilit na binuo, pinilit pagbikisin ng isang pangarap. Pangarap na makaahon sa kahirapan. Pero ang pangarap ring 'yon pala ang wawasak sa pamilyang pilit na binubuo.
Dito maraming ganito.
Meron pa nga tayong mga kababayan na nagco-convert into other religion kasi sa iba allowed na mag-asawa more than one.
Meron namang kinakalimutan nalang talaga ang naiwan sa Pilipinas at nagsisimulang bumuo ng bagong pamilya.
Meron namang patuloy lang sa pagtanggi.
Hindi lang dito sa ibang bansa kung minsan nag-uumpisa ang pagkasira, kung minsan sa mga naiwan rin sa Pilipinas. Mga naiwanang may sariling ring "kalungkutan" at "pamamanglaw". Mga naiwang meron ring sariling rason at katwiran sa kanilang mga ginawa. May sariling paliwanag, may sariling pagtanggi.
Hindi ko alam kung paano wawakasan ang sanaysay na ito....
Maligayang Araw ng Paggawa!!!
Monday, 28 April 2008
HIGANTE
Thursday, 24 April 2008
Ang Sundo
‘Yon dapat, kaso dinaanan ako ni Kuya Erik sa compound para sunduin sa airport si Nick.
Sakay ng Singapore Air si Nick, at dati na akong suki ng Singapore Air so alam ko mga 7pm dating ng Jeddah, kaso ang advised ni Anthony kay Kuya Erik eh, 9pm… e’di 9pm sunduin..
Kaso habang nag-iikot-ikot pa kami ng Jeddah, nag-text na si Nick sa mobile ni Kuya Erik.
Aryv n me.
Ano raw? Kasi hindi naman ako sanay bumasa ng mga text messages, noong una kung tingin akala ko nagpapakilala lang.
Para bang: My name is Aryv.
‘Yon pala text ‘yon for : Arrive na me / Dumating na ako.
So text back ako, kasi si Kuya Erik ang nagmamaneho…eh hindi nga ako sanay mag-text kaya, kompleto with all the comas, periods, apostrophes, and spaces.
Sige, maghintay ka lang dyan. Dito pa kami sa Sarawat. Hintay ka lang dyan, papunta na kami dyan.
Diba…. Kung text siguro.. ganito ata to..
K w8 u nlng.d2 p me Srwt.U w8 me on d wy.
Ewan ko, basta mahirap basahin..
Pagdating naming ng King Abdulaziz International Airport, dito sa Jeddah.. wala pa si Nick..
Nasa loob pa pala sya ng arrival, w8 pa nya ‘yong mga bagahe nya. So, kami w8 lang din sa labas.
Habang hinihintay si Nick.. eto ang mga nasagap ko..
Kabayan 1: Where are you now?!! (medyo galit si kabayan, halatang matagal na syang naghihintay sa labas ng airport… at naka-amerika si kabayan ah.. complete with coat and tie)
Hindi ko lang maulinigan kung sino ang kausap nya o kung anong lahi ang kausap nya..
Kabayan 1: I’m already here!!! Where are you?! (galit na talaga)
Pause ng ilang sandali para pakinggan ang kausap sa kabilang linya..
Kabayan 1: Where ??? You’re outside the gate ? I’m also outside the gate??? Which gate?? There’s a lot of gate here…
(as in sumisigaw na si kabayan, na ‘yong ibang mga nagdaraang pasahero pinagtitinginan na sya)
Kabayan 1: You see me? Ok come now!
(nagpangita na siguro..)
Lipat ako ng puwesto.. eto naman ang dalawa pa nating kabayan…kasama ang sundo nila.. mister siguro noong isa.. Alam mo naman tayong mga Pinoy, mahilig sa pasalubong, kaya alam mo na… maraming bagahe si kabayan..
Nakapatas sa isang trolley ang dalawang malaking box, dagdag pa ang isang medium size maleta.. ‘Yong isang maleta naman ay bitbit noong isa pang kabayan na kasama nila.
Take note. Hindi sila ang nagtutulak ng trolley, meron silang inupahang Bangali para magtulak noon.. Syempre, na-miss ni mister si misis, kaya ang sweet-sweet nila..
Eh biglang naningil ang Bangali.
Bangali: Eshirin! (SR 20.00)
Mister: La… ashara, bas. (no… SR10.00 only)
Bangali: Eshirin! (SR 20.00)
Mukhang matigas talaga ang Bangali…
Mister: Ok, but you push to parking?
Bangali: Ok.
Ano raw??? Ahhh, itutulak daw ang trolley hanggang sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ni mister.
Di lampas na sila.
Hintay ko pa rin si Nick… si Kuya Erik naman hindi ko mahagilap.. pumasok ata sa loob.
Hintay hintay lang ako sa labas…
Hanggang sa natanaw ko na si Kuya Erik at si Nick, sariwang-sariwa galing Pilipinas.. he he he.
‘Di punta na kami sa sasakyan namin sa parking area, habang nire-remind ni Kuya Erik si Nick sa padala nyang sayote.
Kuya Erik: Dalawang kilo ‘yan ha.
Nick: Oo, sakto nga eh, anim na piraso… muntik pa akong ma-over baggage.
Eto na… hulaan nyo kung sino ang nadaan ko along parking area???
E’di si Mister at si Misis plus ‘yong isa pang kabayan. Wala na ‘yong Bangali.
May kausap sa telepono si mister sa tapat ng sasakyan nila, si misis naman at si kabayan nasa gilid ng kotse nagwewentuhan.
Hindi naman sa tsimoso ako, sabihin nalang natin na medyo mabagal akong maglakad and i can’t help myself to overheard what they’re chatting… he he he
Misis: Hirap ng buhay sa atin… mainit na rin.
Kabayan 2: Ano pa nga. Idaan mo nalang ako sa amin ha.. doon mo nalang ako ibaba, bukas nalang ulit tayo magkwentuhan.
Misis: Sige.
Kabayan 2: Buti hindi kayo nabuko?
Misis: Hindi naman… maingat kami. Kita mo nga o, tawag agad misis nya…
Ano raw ulit???? Ahhh, hindi pala ito ang tunay na asawa.. in short kabit, kerida, or the other.
Kabayan 2: Ikaw talaga…. Pagnabuko kayo, hi hi hi… (mukhang kilig na kilig)
Misis: Sobra ka… kung hindi ko lang kailangan ng makakapitan dito eh..
Tapos na si mister sa telepono.
Mister : Si kumander… (naka-ngisi, sabay akbay sa kerida, este sa misis dito sa Jeddah) tayo.. miss na kita..
Medyo napa-bilis na ang lakad ko… naiwan na ako ni Kuya Erik at Nick.
Hhhhaayyy.. si kabayan nga naman…
Ironic ‘no, bakit ‘yong mga may asawa dito sa Jeddah ang dali-daling makakuha ng mga magmamahal sa kanila, samantalang ‘yong mga binata parang ang hirap-hirap…
Siguro, mas makapal lang ang mukha at mas matindi ang pangangailangan at pangugulila ng mga may asawa na, kesa sa mga binata… he he he.
‘Yon lang… kabayan, ingat lang… sana hindi nga magkabukuhan…
Laging tatandaan, mas mahalaga ang pamilyang iniwanan sa Pilipinas kesa sa ilang segundong libog at init ng katawan...
Wednesday, 23 April 2008
Vote for Tubbataha Reef
Kagabi napanood ko sa The Correspondents ng TFC (kapamilya po ako) ang tungkol sa New Seven Wonders of the World.
Nabanggit doon na sa dinami-dami ng mga entry galing sa iba't-ibang bansa ng buong mundo ay meron din syempre pambato ang lahing kayumanggi.
1. Ang Tubbataha Reef ng Palawan
2. Ang Underground River ng Palawan
3. Ang Chololate Hills ng Bohol
4. Ang Mayon Volcano ng Albay
Sa apat na nabanggit, ang Tubbataha Reef ng Palawan ang nananatili sa unang sampu ng mga kalahok na bansa.
Base sa pinaka-huling pagtataya, mula sa pang-siyam noong mga nakaraang araw, ang Tubbataha Reef ng Palawan ngayon ay nasa ika-pitong posisyon na.
Ang pagpili ay base sa botohan sa ngayon sa internet.
Kaya nga naririto po ako, upang ipamanhikan sa inyong aking mga kababayan na iboto po natin ang sariling atin.
Para sa pag-boto, pumunta lamang sa http://www.new7wonders.com
Suportahan po natin ang sariling atin. Kabayan boto na!!!
Tuesday, 22 April 2008
Pilipinas Kong Mahal
MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES
Jaeyoun Kim
Filipinos always complain about the corruption in the Philippines.
Do you really think the corruption is the problem of the Philippines ?
I do not think so.
I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.
Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point.
After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had nonatural resources.
Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia . We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine.
My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.
Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism. 40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible to get a loan and attract a foreign investment because the economic situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories.
So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the resident Park .
They asked to him, "President, when can we be well off?"
That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea , and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea . So, President Park was able to build many factories in Korea. He always asked Koreans to love their country from their heart.
Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off. Though they received very small salary, they did their best for Korea . They always hoped that their children would live in well off country. My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them.
I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And, I have loved my neighborhood.
Have you cried for the Philippines?
I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison.. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines . Italked to two prisoners at the maximum-security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines .
Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their children.
When I was in Korea , I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines , I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines . Street kids always make me sad, and I see them everyday.
The Philippines is the only Catholic country in Asia , but there are too many poor people here. People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there are so many beggars and street kids.
When we went to Pasanjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But, my parents did not enjoy it because of love for them.
My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are same and have received a great love from God. I want Filipinos to love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off.
I am sure that love is the keyword, which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody, in a small scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let's put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible.
Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world. Please love your neighborhood and country.
Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines , there is God for people who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines . Teach them why they have to love their neighborhood and country.. You already know that God also will be very happy if you love others.
That's all I really want to ask you Filipinos.
At dyan nagtapos ang essay na ‘to.
Noong pabalik nga ako galing sa bakasyon noong isang taon, baon ko sa eroplano ang libro ni Bob Ong.
Meron syang tanong doon, at gusto ko ring itanong sa’yo.
Kung ipapanganak ka muli, gusto mo bang muli kang ipanganak na Pilipino?
Araw mo 'to - Inang Kalikasan
Monday, 21 April 2008
Material Procurement
Simula ng dumating ako dito sa headoffice naming, bukod sa kape na panggising sa inaantok kong kamalayan, ay nariyan ang Outlook. Nakakahiya mang banggitin, pero babanggitin ko pa rin, as if marami naman talagang sumusulat sa akin or maraming work related e-mails akong natatanggap sa maghapon kaya naman bukas agad ang Outlook sa umaga.
Hindi.
Bukod kasi sa timecard na pina-punch ko, eh may outlook-attendance-checking pa.
Opo… tama ‘yon.
Tuwing umaga kasi ay may roll-call… kailangan makasigaw ka agad ng “PRESENT!” o kaya nama’y “NARITO PO!”.
Bagong policy ng opisina.. hindi ah… Pakana ito ni Lyzius. Araw-araw merong roll-call. Kaya tuwing umaga sigurado merong Attendance sa aking inbox. Araw-araw ‘yon ha, maliban sa araw ng Biyernes, kasi nga alam nyo naman dito sa Gitnang Silangan, Biyernes ang araw ng pangingilin ng mga tao. Pinaka Linggo ng Pinas.
Noong nakaraang Sabado, gaya ng inaasahan ko – meron dapat Attendance sa aking inbox, pero bigo ako.
WALA
Hanap… hanap… hanap… wala ngang Attendance, pero may bagong subject.
MATERIAL APPRAISAL
Trabaho ‘to ah.. pero galing kay Lyzius… mabuksan nga..
Aaahhh…kaya pala nagbago ang subject, kasi medyo nagkakainitan na kina Lyzius. Medyo nagkakahigpitan na sa mga incoming at outgoing emails, kaya naka-camouflage ang subject line…diba bibong bata talaga ‘tong si Lyzius.
Kaya naman hanggang kahapon eh naka-camouflage pa rin ang aming subject line for attendance checking.
MATERIAL PROCUREMENT
Kahit ang mga nilalaman ay “Usapang bisnes talaga”…
Subject: Material Procurement
Dear Sir,
Follow up on the procurement of materials to be used for curing the concrete blocked on the passageway…
Best Regards,
Lyzius
Dear Sir / Madam,
Please be informed that your assessment on the Blogsphere is not approved. Our “company” is always looking forward for the well-being of our employee when send on site for work execution and personal protective materials are being provided with them. We’re still quoting other supplier for this matter, and we’ll back to you as soon as we get other supplier’s assessment on the case.
For your information.
Present!
Best Regards,
me
Dear Sir,
I regret to inform you that I sent the wrong quotation for the Blogosphere inc. Maybe the PPE that was used during the execution of the work on site was already worn out or over used
Best Regards,
Lyzius
Just for information, the PPE being used at work is of prime quality, and free from any defects. Our safety engineers are already on that.
Furthermore, our company is willing to give voluntary services for the “execution” of these Pahiraps sa OFWs. Seems to me that they are using over-the-standard-thickness of insulation materials…
15%?? I rather pay 500 bucks for my freight in.
Best Regards,
Me
Usapang trabahong-trabaho diba… pero ang palitan ng liham na ‘yan ay tungkol sa blog entry ko kahapon na Nang Maningil ang Bato at Weekend Reloaded at sa blog entry ni Lyzius na Pakyu Kayong Nagpapahirap sa mga OFW.
At dahil na rin sa kalintikan ng mga taga-IT dept. na ito…. wala na kaming attendance checking…
Basta present ako today ha….
Sunday, 20 April 2008
Baked Corned Beef Ala Me
Nang Maningil ang Bato
Saturday, 19 April 2008
Weekend Reloaded
Haayy.. Sabado na naman, kaya eto.. hindi gaya sa Pilipinas na ang Sabado ay talaga namang pinakahihintay na araw ng mga estudyante o kaya mga empleyado, sa Jeddah, ang Sabado ang panibagong umpisa ng isang linggo - kaya eto may pasok.
Kung ang gimick mo ay buong maghapon ng Friday, applicable sa 'yo ang TGIF (Thank's God, It's Friday - or in a roughly arabic translation: Al Hamdulillah, Allum Diumma). Sapagkat ang Friday ang walang pasok at Thursday ang weekend. Kaya naman saktong sakto ang araw ng Biyernes sa lahat ng not-so-feel-good-gimick at feel-good-gimick. As usual, kung gimick days, sigurado sandamak-mak na naman ang sasakyan sa kalsada, nakakamatay na naman ang traffic!!! Totoo 'yon, pramis kahit na sobra ang lapad ng mga kalsada dito pero nagkukulang pa rin sa sobrang dami ng sasakyan, tapos sabay-sabay pang maglalabasan sa lungga.
THE NOT-SO-FEEL-GOOD GIMICK
Ito siguro 'yong mga pangkaraninwang ginagawa ng mga taong nagtrabho sa loob ng anim na araw, at kung minsan kasama ako doon.
1. Tulog (da best 'to lalo na kung...nasa inyo na 'yon kung ano ang da best sa 'yo, kahit siguro isang buong maghapon akong patulugin, wala tayong magiging usapan.. mahirap nga lang dito eh 'yong masakit kung minsan sa likod, kung nakadapa naman, masakit sa leeg, kung nakatagilid na-iipit naman ang braso)
2. Palengke / Grocery (kasama na dito ang pagpunta sa fish market, karnihan, gulayan, Star Supermarket, Panda, Sarawat, bakala, patingin-tingin sa nga Sale - hindi naman lahat ay nasa grocery o namamalengke tuwing weekend, madalas ang ganitong gimick ilang araw matapos ang sueldo.)3. Laba (laba, laba, at isa pang laba.. uniporme sa trabaho, pantalon, brief, shorts, sando, panty, bra, polo, kamiseta, medyas, at lahat ng maruruming damit na puede labhan, kasi nga mura naman ang kuryente dito sa Gitnang Silangan, kaya ultimo isang pirasong panyo eh kailangan pang i-washing machine on delicate mode...)
4. Plantsa (kasi nga may nilabhan, natural may platsahin, applicable sa iba ito, sa iba naman hindi. Kasi nga sa pagod na rin sa anim araw na trabaho, at sa sobrang sarap matulog, at kung ang trabaho naman ay hindi nangangailangan ng platsadong damit, eh ok na rin ang basta malabhan lang, pero para sa mga nag-oopisina, 'yong mga bisor, mga muder.. eh kailang mamalantsa.)
5. Telibisyon (Syempre masarap mamahinga kung may telibisyon. Kapamilya man o Kapuso, CNN, Al Jazeera, BBC, MBC 4, MBC 2, or MBC Action man ang meron, ok lang basta may telibisyon, solb na solb sigurado ang weekend. Kasama na rin dito DVDs, pirated man o original, basta ga may piktsur at natunog, ok na rin... pero sana hindi naman pirata, masama ang magnakaw, diba..)
6. Laro-laro (kasama dito ang basketball, tennis, bowling, taekwando, judo at kung ano-ano pang palakasan, pati palakasan ng utot..)
7. Pre-bisita (ito 'yong gulf-session o barekan o inuman noong Huwebes ng gabi + Video-oke, mawawala ba naman ang kantahan sa mga Pinoy)
8. Bisita sa kaibigan (wentuhan lang dito kung minsan puedeng mauwi sa item 6, puede galing ito ng Item 7, nakitulog na rin, kasi hindi na puedeng umuwi bawal kasi ang lasing sa kalsada (bawal kasi talaga ang alak dito) baka mahuli ng pulis, sigurado kalaboso at pauuwiin na ng Pinas)
9. Bisita sa "kaibigan / dyowa" (wentuhan pa rin, tapos lambingan, pero puede at most of the time nauuwi ito sa item 0 (nakakapagod na activity yet ang sarap ulit-ulitin), mga bagay bago ang item 1)
10. Dyim (buhat dito, buhat doon, abs dito, abs doon, papapawis lang.. papalaki ng masel, pang-iwas high-blood at atake sa puso..)
11. Dyaging-dyaging... (takbo dito, takbo doon, good warm-up for item 10)
12. Sisid (scuba-diving) at Pangingisda (outdoor activity na 'to, kasi nga asa baybayin lang nga Red Sea ang Jeddah kaya masarap magdagat. Maraming isda... sarap sumisid...(madalas ring gamitin ang sisid activity na 'to sa item 9 - malaki ka na, alam mo na 'yon))
13. Madyong / Tong-hits / Sabong (alam mo naman si Juan, hindi ata mabubuhay kung wala ang mga ito, hindi naman lahat, para lang sa ilan. Naalala ko tuloy noong may pasugalan pa ako sa kuwarto ko noon, Huwebes at Biyernes talaga ang dakilang araw, kung minsan nga extended pa, hanggang Sabado pa ang madaling araw. May naglalaro nga noon na pagpasok nya ng kuwarto ko o ng aking mini-casino ay punong-puno ng alahas, as in... kasi lahat ng daliri nya sa kamay ay merong singsing, patong-patong rin ang kanyang kadenang ginto sa leeg at halos hindi na nya maitaas ng maayos ang kanyang kamay sa bigat ng pulselas nya. Pero kung minsan, kung tag-malas, umuuwi sya na halos dalawang kilo ang nabawas sa timbang nya. Pero kung tag-buenas naman, mas ok sa akin, kasi malaki magbigay ng tong)
14. Chatting (kasi nga high-tech na ang panahon ngayon, na di tulad noon sa sulat lang at tawag katalo na, ngayon, dagdag ko na rin ang chatting to our love ones.. syempre hindi lang basta chat-chat, may web-cam na rin, and with voice pa... diba high tech na talaga.)
THE FEEL-GOOD GIMICK
Medyo mahirap ipaliwanag, ibang lebel ga... basta ito 'yong mga pinagkakaabalahang you feel closer to your creator, or you just feel good about it - feel mo heaven.
1. Simba / Samba / Gawain / Friday Service / Misal (kahit naman patago ang mga bagay na ito dito sa Saudi at kung mahuli ay siguradong kalaboso, eh kahit naman papaano hindi rin maiaalis sa ating mga Pinoy ang pagiging malapit sa ating dakilang manlilikha - kasama na lahat dito, praise and worship, pangungumpisal, tithes and offerings, pag-aayuno, bible study)
3. Dalo sa gawain kasi dumalo si Sister or si Bro (pramis meron talagang ganyan.. marami akong kilalang dumadalo lamang sa "gawain" kasi may mga bagong nars o stiwardes na sister o kaya naman maraming "papables". Naka-attend pa nga ako ng sports-fest kasi may ipapakilala sa akin, attend naman ako, though im not that sport-fest-ee, kasi nga iba pala ang motibo - kasi nga iba ang motibo, matapos ang item 9 sa itaas, wala na.. ayawan na.
4. Family visit / Family Get-together (limited ito sa totoo or the legal family or extended family, basta may papel - patunay na kapamilya nga... kapatid, asawa, kapinsan, nanay, tatay, tiyo, tiya, or else kasama ito sa item 9 ng not-so-feel-good gimick)
5. Kasi nga adik ako sa kape, kaya isasama ko na rin dito ang pagtambay ko sa mga coffe shop. Inom-inom ng kape... hhaayy.. sarap talaga ng kape.
Hindi naman para sa lahat, subalit ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain ng mga Noypi tuwing weekend dito sa Jeddah. Kung hindi man siguro ito ang kalahatan, sa ibang edisyon nalang ang iba.
At yon ang Huwebes at Biyernes, haba ng segwey, he he he... at Sabado na, kaya naman gaya ng dati, eto naman ang aking dakilang maninipa... ang kape.. he he he. Ang kape raw pampagising.. pero kung ala ka na talagang ginagawa sa opisina mo, pustahan - sandali bawal nga pala ang sugal dito.... ok ano nalang.... sige na pustahan nalang for this post's sakes nalang oooo... ok, sigurado kung ala kang ginagawa o pinagkakaabalahan, ang bisa ng kape na pampagising ay magiging pampatulog.. hyper-tulog...
Trabaho muna....sandali tanong lang ako, Ano gimick mo kahapon?
Wednesday, 16 April 2008
Blogistang Mangyan
X-link.
Blogroll.
Dashboard.
Feedjit.
Cbox.
Publish.
Tabulas.
Multiply.
Wordpress.
Entry.
RSS Feeds.
ATOM.
Ano nga ba ang isang blogger?
Ako mismo sa sarili ko, hindi ko pa rin kayang sabihin na isa akong blogger, sapagkat hindi pa malinaw sa akin ang mga angkop na pamantayan upang ang isang tao ay tawaging Blogger o Blogista.
Unang-una siguro, dapat meron kang website / URL. Ito ang sariling espasyo ng isang tao sa liko-liko, sala-salabat, at salu-salubong na mundo ng tagni-tagning-sapot (internet).
May kwenta o wala. May magbabasa o wala.
Dahil ito nga ay sariling espasyo ng blogista, maaari nyang isulat lahat ng gusto nya. Lahat-lahat.
Totoo. Kasinungalingan.
Pagkilala at parangal. Mapanirang puri at tsismis.
Kuro-kuro. Mga pagpuna at pagbatikos.
Usapang pag-ibig. Mga hinaing.
Kalungkutan. Kasiyahan.
At marami pang iba.
Ang tanong:
MAY LIMITASYON BA ANG ISANG BLOGISTA SA KANYANG PAGSUSULAT?
Hindi ko kayang sagutin ang tanong na ito. Pero sa ganang-akin la-ang... siguro wala naman talagang nakatakdang pangkalahatang limitasyon, lahat may kalayaan, subalit sa pagsusulat ay maaaring isaalang-alang ng isang blogista ang kanyang kapwa, ang mga magbabasa, o kundi man, ay ang mga taong sa palagay nya ay mahihipo ng kanyang sanaysay. Masasagasaan. Mabusina ga!
Malimit kasi nakakalimutan ng isang blogista, kahit ito ay kanyang personal na espasyo, na bukas na aklat ito para sa lahat.
At nakatanim lagi ang kaisipang: Malayang pamamahayag. Tama 'yon, malayang pamamahayag. Kalayaang isiwalat ang sigaw ng puso. Subalit, kaakibat ng kalayaang mamahayag, ay ang responsibilidad at respeto sa opinyon ng iba. Kailangan din ang bukas at malawak na pang-unawa sa opinyon / kaisipan ng ibang tao. Bawal ang pikon. Talo ang pikon.
Ang blogista nga mismo ang magtatakda ng limitasyon, kung gustuhin nya, sa kanyang sarili, sa kanyang isusulat. Dito makikita ang moral o ang karakter ng isang blogista, base na rin kung paano isulat ang mga sanaysay. Ang estilo. Sa paggamit ng salita. Sa bawat titik. Bawat tuldok. Bawat panaklong.
Pangatlo, sapat na ba ang nakapagsusulat? Sapat na bang nakalilimbag? Sapat na bang may entry lang?
Doon na nga pumapasok ‘yong mga walang kwentang entry. Masabi lang na may entry ako sa araw na ‘yon. Kung minsan ang iba, wala naman talaga akong kaalam-alam, basta makapag-paskil lang.
Minsan nga ay napadaan ako sa pahina ni Mix, doon ko napulot ang aral na kailangan bang sumulat o mag-iwan ng puna kahit wala ka namang alam sa nakasulat. Masabi nga lang na pumuna ka, o may naisulat ka. Sa totoo lang wala naman talagang masama eh, ‘yon nga lang isaalang-alang rin natin na “alam ko ba ang isinusulat ko?”. Kung hindi ko alam, bakit kailangan kong sumulat? ‘Yon na nga ‘yong tanong, sapat na bang katwiran ang may maisulat lang, kahit wala akong alam? O mas mabuti pang basahin nalang at hindi nalang magsalita kung wala rin lang namang buti ang iiwang puna. Sabihin nalang nating dagdag kaalaman nalang. At sa susunod, kung alam na natin, e’di doon magiwan ng puna o magsulat.
Kung hindi alam, hindi alam. Kung alam , alam.
Medyo magulo na ‘no? Maski ako, naguguluhan na rin.
Tigil ko na muna dito.
Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa usaping ito. Ang tanging layunin ko lang naman talaga ng umpisahan ko ang entry na ito ay upang ipakita ko ang listahan ng aking mga ka-blog – na kahit naman papaano ay dumarami rin. Kahit naman pala papaano ay may nagbabasa rin at tumatapak sa munting pitak kong ito. May nakikilala. May nagiging kaibigan.
Pero dahil na rin sa natuwa naman ako sa mga bandila ng Feedjit na ‘to, naglagay rin ako. Langawin o ipang-iwang man ang aking pahina ok na rin – kahit papaano may gamit… he he he™
Sa kasalukuyan, sa tingin ko naman ay hindi nilalangaw.
May sadyang bumibisita.
May sumusubaybay.
May dumadalaw.
May napadaan lang.
May naligaw.
May langaw.
May spyware.
Kahit naman papaano, hindi na maituturing na isang pang-iwang ang munti kong pahinang ito.
Ok na sigurong langawin nalang, ‘wag lang ipamunas ng mamasa-masang puwet.
Pasing-tabi na nakain.