Wednesday, 30 April 2008

Bagong Bayani

Ang tawag sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) o ang dating OCW (Overseas Contract Workers) eh mga Bagong Bayani.

Bagong Bayani

Mga bayaning siyang tumutulong upang kahit naman papaano’y makagulapay ang ating Inang Bayan sa kahirapan. Sabi nga sa mga surbey-surbey ang mga ipinapadalang mga dolyares nalang ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat ang nagsasalba sa ekonomiya ng Pilipinas.

At bukas, a uno na naman ng Mayo… Araw na naman ng mga Dakilang Manggagawa.

Kaya naman ngayon palang, binabati ko na kayong lahat na mga manggagawang Pilipino.


Mabuhay kayo!

Ok, tapos na ang batian.

Eto na talaga ang entry ko, he he he.

Kadalasan kasi tuwing mga ganitong araw puro pagsasaya at panay ang pagkilala natin sa galing ng mga manggagawang lokal o itong mga nasa ibayong dagat. Kung minsan ay nakakalimutan nating banggitin ang hirap na dinaranas ng mga manggagawang ito.

At dahil kill-joy ako, he he he.. or party-spoiler, himayin natin ang masimuot na mundo ng pangingibang-bansa habang nagdiriwang ang bansa sa Araw ng Paggawa at nagra-rally sa Mendiola ang KMU.

Pangarap: Pag-sinabi kasing mag-aabroad ka para bang solve na lahat ang problema mo sa iiwanang bansa. Laging naroon ang pangarap syempre na maiahon sa kahirap ang mga pamilyang iiwan. Excited na lisanin ang bansa upang umpisahan nang lakaran ang pangarap, subalit sa likod ng matatamis na ngiti at bungingisan ay naroon pa rin ang kalungkutan sa mga mata. Pamamanglaw sa iiwan.

Sa asawa.

Sa anak.

Sa mga magulang.

Sa mga kapatid.

Sa mga kaibigan.

Eh kaya nga ang tawag sa kanila ay Buhay na Bayani eh, kasi handa nilang tiisin ang kalungkutang mawalay sa mga mahal sa buhay mabigyan lamang ng maayos na kabuhayan ang pamilya.

Mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak, kapatid.

Makapagpatayo ng sariling bahay sa sariling lupa.

Magkaroon ng kahit na maliit na kabuhayan.

Mga pangarap na baon pag-lipad sa ibang bansa. Pangarap na lalakaran at tutuparin. At lilipad ang eroplano sa saliw ng awitin ni Gary V. – “Babalik ka rin”.

Talaga, babalik ako…pramis!

Pangarap na Nauwi sa Bangungot: Noong mga naunang dekada, kung saan ay kasagsagan na pangingibang bansa ng ating mga kababayan, hindi lahat ay pinalad na matupad ang kanilang pangarap.

Ang napaka-gandang pangarap ay nauwi sa nakamamamatay na bangungot.

Ang masakit pa nito eh mismong si Juan dela Cruz ang nang-o-onse sa kanyang kapwa. Maka-raket lang, ‘di bale nang magutom ang kapwa.

Marami akong kakilala na hindi rin pinalad sa kanilang pangarap na makapaghanapbuhay sa ibang bansa. Mga aplay na na-peke. Nariyan ang nagsasanla ng ekta-ektaryang taniman may maipang-placement lang sa recruiter. Kung wala mang lupa, eh manghihiram na lang ng titulo ng lupa para lamang may maisanla. Sa lugar nga namin eh, umabot na sa puntong tumatanggap na nang mga buhay na kalabaw o baka ang mga sanglaan.

Tapos sa bandang huli, lahat ng ito ay mauuwi sa wala.

Sa mga napapanood nga sa telebisyon eh, ‘yon bang obyus na obyus na ang pangga-gago ng mga hinayupak na illegal recruiter na ‘to, pero bakit may patuloy pa rin silang naloloko. At sa halip na sa eroplano papalipad sa minimithing pangarap ay sa presinto nauuwi ang lahat upang magsampa ng asulto sa mga gagong illegal recruiter.

Ang sarap sigurong pumatay ng mga illegal recruiter!

Siguro nga masyado lang tayong madaling magtiwala sa mga taong nasa paligid natin lalo na kung ang pangarap nating umangat sa buhay ang pinag-uusapan. ‘Yon bang kapit sa patalim na sinasabi.

Siguro nga swerte-swerte lang rin. Pero hindi ako naniniwala sa swerte eh, siguro mas magandang term kung “kaloob”. Kung baga, hindi kaloob ni Bathala na mapunta ka sa lugar na pinapangarap, malay mo meron palang mas magandang lugar na nakalaan para sa’yo, diba? Masyado lang kasi tayong mga taong mainipan…

Biglang Liko: Ito ‘yong mga natuloy. Nakalipad palabas ng bansa upang maghanapbuhay, dala ang pangarap na umasenso naman kahit papaano. Nag-iwan ng pangako sa mga naiwanang mahal sa buhay ng kaginhawahan.

Ito ang pangkaraniwang nangyayari dito sa Saudi. Sa Saudi nalang ang aking halimbawa, kasi nasa Saudi ako, ewan ko lang sa ibang mga bansa.

Hindi ko rin masabi na para lamang sa mga lalaki, para rin sa kababaihan.

Bakit biglang lumiko ? Kasi dahil raw sa “kalungkutan” eh may nangyayaring ganito. Dito hindi lang lalaki ang gumagawa. Maging mga kababaihan. Nakakalungkot isiping nakakalimutan agad sa sandaling panahon ang pangakong iniwan sa bansan pinagmulan para maibsan ang “kalungkutan”.

Ang iba naman hindi dahil sa kalungkutan. Upang may makapitan. Masandalan. May makasama. Partikular ang ganito sa mga kababaihan.

Pero hindi rin natin sila masisisi o mahuhusgahan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dahilan sa ating mga kinikilos. Kalimitan kasi sila ‘yong mga minaltrato ng amo, mga hindi pinapa-sweldo, mga naaabuso, mga takas, mga walang kaukulang papeles.

At dahil nga ang mga kabayan ay hindi natin matiis, eh nariyan naman tayo upang sumaklolo (‘wag ka nang umasa sa ating konsulada, wala ka ring mapapala sa kanila – ibinabalik pa nila sa mga mapangmaltratong amo ang mga kababayan nating tumatakas. The lesson of the story, paglabas mo ng Pilipinas – you’re on your own, ang konsulada ay para lamang sa mga paliga, singing contest, fashion show, at kung ano-ano pang sosyalan.); ang mali nga lang sa pagsaklolo ng ilan nating mga kababayan eh ‘yong pang-aabuso rin.

On very rare cases (?), meron rin namang mga pagkakataong – “GAMITAN” lang. Kailangang kita, kailangan mo ako. May pugad ka, may ibon ako. So ano pang hinihintay natin??

Let’s doh it!!!

Nasisirang Pamilya: Eto ang nakakalungkot. ‘Yon bang kaya ka nangibang bansa ay para ayusin ang nasimulang pamilya, pero kung minsan, eh nauuwi pa ito sa pagkawasak ng pamilya.


Dahil na rin marahil sa "kalungkutan" nga at "pamamanglaw", kaya naisipan nalang na gumawa ng bagong pamilya, total naman malayo sa original na pamilya eh. Ang katwiran pa "dito lang naman 'to eh, pag-uwi sa Pilipinas wala na.".. diba, dito nga lang naman eh.

Hanggang sa umaabot pa sa mga puntong talagang mas ok na ang bagong pamilya, nakakalimutan na ang original na pamilya, ang pamilyang naging dahilan kung bakit sya ay nangibang-bansa.

Meron ring mga katwirang parang ok naman ay parang 'di ok, pero wala akong karapatang humusga... katawirang "hindi ko naman napapabayaan ang pamilya ko sa Pilipinas eh.."

So parang ok lang na baliin ang sinumpaan sa Pilipinas as long as hindi naman napapabayaan or as long as hindi naman pumapalya sa padala...

Nasirang Pamilya: Eto na 'yon.. nasira na nga ang pamilya. Ang pamilyang pilit na binuo, pinilit pagbikisin ng isang pangarap. Pangarap na makaahon sa kahirapan. Pero ang pangarap ring 'yon pala ang wawasak sa pamilyang pilit na binubuo.

Dito maraming ganito.

Meron pa nga tayong mga kababayan na nagco-convert into other religion kasi sa iba allowed na mag-asawa more than one.

Meron namang kinakalimutan nalang talaga ang naiwan sa Pilipinas at nagsisimulang bumuo ng bagong pamilya.

Meron namang patuloy lang sa pagtanggi.

Hindi lang dito sa ibang bansa kung minsan nag-uumpisa ang pagkasira, kung minsan sa mga naiwan rin sa Pilipinas. Mga naiwanang may sariling ring "kalungkutan" at "pamamanglaw". Mga naiwang meron ring sariling rason at katwiran sa kanilang mga ginawa. May sariling paliwanag, may sariling pagtanggi.

Hindi ko alam kung paano wawakasan ang sanaysay na ito....

Maligayang Araw ng Paggawa!!!

Monday, 28 April 2008

HIGANTE

Kilala mo ba si Hagrid?

Kung hindi mo sya kilala, eh kailangan mong magbasa ng libro... he he he..

Joke lang.

Kung hindi mo sya kilala, siguro naman kilala mo si Goliath?

Kung hindi mo pa rin sya kilala, siguro wala ka lang time para magbasa.

Eh si Bonnel Balingit o si Benjie Paras, kilala mo?

Kung hindi pa rin, siguro NBA ang pinapanood mo... 'yon nga lang ako naman ang walang kamuang-muang sa NBA, maliban nalang kay Michael Jordan.

Oki, kung di mo pa rin kilala 'to, aahh.... siguro naman narinig mo na ang Guinness World Record.


At kung alam mo ang Guinness, siguro naman sa mga sandaling ito ay alam mo si Leonid Stadnyx? Diba s'ya 'yong pinaka matangkad na nabubuhay na tao ngayon sa buong mundo. May taas na walong talampakan at mahigit limang pulgada.

Dagdag kaalaman: Ayon sa Guinness, meron daw tumor sa Pituitary Gland itong si Pareng Leonid. Kaya naman walang humpay sa paglalabas ang kanyang Pituitary Gland ng sangkap na pampalaki. Kaya nga ayan, sya ay lumaki.

Ngayon, kung hindi mo pa rin kilala ang mga nabanggit na tao sa itaas, aba'y wag namang ganoon... magbasa-basa naman paminsan-minsan.. he he he..

Suma-total.. lahat ay mga higante. Mga may lahing kapre. Siguro alam mo na kung saan pupunta ang usapang ito. Kung hindi pa, ako alam ko na, basa ka lang..

Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ako ng isang liham galing kay Mustafa, kasama ko dito sa trabaho - tungkol sa mga higante. Ang haba ng ano ko 'no... ng intro ko.. sa higante lang din naman pala mauuwi.

Hindi ko nalang matandaan, pero noon atang highschool ay napag-aralan namin na noong mga unang panahon ay meron talagang mga higante. Hindi ko nga matandaan kong napatunay ba ito. Ang natatandaan ko lang ay ang argumentong maaaring hindi ito totoo dahil sa dinami-dami ng mga butong nahuhukay ng mga sayantipiko, eh wala namang nahuhukay na buto ng isang higante. Ang alam ko lang may daynasor, may mga higanteng elepante, at mga naglalakihang buto ng balyena, pero higanteng tao.. wala.

Dati 'yon, hanggang noong isang linggo nga'ng matanggap ko ang liham na ito galing kay Mustafa... Kalakip nito ang isang larawan... larawang maaaring bumura sa manipis na guhit ng katotohanan at guni-guni..

"Recently gas exploration is going in the desert of south east region of Saudi Arabia.

This desert region is called Empty Quarter means in Arabic "Rab-Ul-Khaalee"; this body has been found by ARAMCO exploration team.

Which proves that what Allah said in Quran that before, the peope of AAAD nation, and HOOOD nation. They were so tall, wide, and very powerful that they were able to pull out big tress just with the one hand.

But what happen after when they become cruel and anti of Allah, Allah sub han o Taala destroyed them.

Saudi military took over this whole area. And no body is allowed to go in this area except Saudi ARAMCO personnels.

Saudi governmnet kept it very sectet but some military helicopters took pictures from air.

Pass this On... "

Sabagay maging sa bibliya rin ay nabanggit ang tungkol sa mga higanteng ito. Kung nagbabasa ka ng bibliya, nabanggit ito sa aklat ng Genesis 6:4.

"There were giants in the earth in those days...."

Sa aklat ng Bilang 13:33 "And there we saw the giants, the sons of Anak, which come of the giants..."

Sa aklat ng Deuteronomyo 2:11 "Which also were accounted giants, as the Anakims..."


Maging sa ikalawang aklat ni Samuel 21:22 "These four were born to the giant in Gath...."

Ikaw na lang ang bahala kung totoo man ito o hindi, totoong kuha o pinoto-shop na ang larawan... 'kaw na ang bahala.. basta ang pakiramdam ko ngayon, parang ang liit-liit ko..

Thursday, 24 April 2008

Ang Sundo

Kagabi dapat nasa dentista ako. Diba nga tinutubuan ako ng ipin, so pa-check ko sana kung ano na ang nangyari sa kanyang pagtubo, kasi nitong mga nakaraan araw ay hindi ko na nararamdamang sumasakit ang aking gilagid…kasi nga umepal ang aking bato…

‘Yon dapat, kaso dinaanan ako ni Kuya Erik sa compound para sunduin sa airport si Nick.

Sakay ng Singapore Air si Nick, at dati na akong suki ng Singapore Air so alam ko mga 7pm dating ng Jeddah, kaso ang advised ni Anthony kay Kuya Erik eh, 9pm… e’di 9pm sunduin..

Kaso habang nag-iikot-ikot pa kami ng Jeddah, nag-text na si Nick sa mobile ni Kuya Erik.

Aryv n me.

Ano raw? Kasi hindi naman ako sanay bumasa ng mga text messages, noong una kung tingin akala ko nagpapakilala lang.

Para bang: My name is Aryv.

‘Yon pala text ‘yon for : Arrive na me / Dumating na ako.

So text back ako, kasi si Kuya Erik ang nagmamaneho…eh hindi nga ako sanay mag-text kaya, kompleto with all the comas, periods, apostrophes, and spaces.

Sige, maghintay ka lang dyan. Dito pa kami sa Sarawat. Hintay ka lang dyan, papunta na kami dyan.

Diba…. Kung text siguro.. ganito ata to..

K w8 u nlng.d2 p me Srwt.U w8 me on d wy.

Ewan ko, basta mahirap basahin..

Pagdating naming ng King Abdulaziz International Airport, dito sa Jeddah.. wala pa si Nick..

Nasa loob pa pala sya ng arrival, w8 pa nya ‘yong mga bagahe nya. So, kami w8 lang din sa labas.

Habang hinihintay si Nick.. eto ang mga nasagap ko..

Kabayan 1: Where are you now?!! (medyo galit si kabayan, halatang matagal na syang naghihintay sa labas ng airport… at naka-amerika si kabayan ah.. complete with coat and tie)

Hindi ko lang maulinigan kung sino ang kausap nya o kung anong lahi ang kausap nya..

Kabayan 1: I’m already here!!! Where are you?! (galit na talaga)

Pause ng ilang sandali para pakinggan ang kausap sa kabilang linya..

Kabayan 1: Where ??? You’re outside the gate ? I’m also outside the gate??? Which gate?? There’s a lot of gate here…

(as in sumisigaw na si kabayan, na ‘yong ibang mga nagdaraang pasahero pinagtitinginan na sya)

Kabayan 1: You see me? Ok come now!

(nagpangita na siguro..)

Lipat ako ng puwesto.. eto naman ang dalawa pa nating kabayan…kasama ang sundo nila.. mister siguro noong isa.. Alam mo naman tayong mga Pinoy, mahilig sa pasalubong, kaya alam mo na… maraming bagahe si kabayan..

Nakapatas sa isang trolley ang dalawang malaking box, dagdag pa ang isang medium size maleta.. ‘Yong isang maleta naman ay bitbit noong isa pang kabayan na kasama nila.

Take note. Hindi sila ang nagtutulak ng trolley, meron silang inupahang Bangali para magtulak noon.. Syempre, na-miss ni mister si misis, kaya ang sweet-sweet nila..

Eh biglang naningil ang Bangali.

Bangali: Eshirin! (SR 20.00)

Mister: La… ashara, bas. (no… SR10.00 only)

Bangali: Eshirin! (SR 20.00)

Mukhang matigas talaga ang Bangali…

Mister: Ok, but you push to parking?

Bangali: Ok.

Ano raw??? Ahhh, itutulak daw ang trolley hanggang sa parking area kung saan nakaparada ang sasakyan ni mister.

Di lampas na sila.

Hintay ko pa rin si Nick… si Kuya Erik naman hindi ko mahagilap.. pumasok ata sa loob.

Hintay hintay lang ako sa labas…

Hanggang sa natanaw ko na si Kuya Erik at si Nick, sariwang-sariwa galing Pilipinas.. he he he.

‘Di punta na kami sa sasakyan namin sa parking area, habang nire-remind ni Kuya Erik si Nick sa padala nyang sayote.

Kuya Erik: Dalawang kilo ‘yan ha.

Nick: Oo, sakto nga eh, anim na piraso… muntik pa akong ma-over baggage.

Eto na… hulaan nyo kung sino ang nadaan ko along parking area???

E’di si Mister at si Misis plus ‘yong isa pang kabayan. Wala na ‘yong Bangali.

May kausap sa telepono si mister sa tapat ng sasakyan nila, si misis naman at si kabayan nasa gilid ng kotse nagwewentuhan.

Hindi naman sa tsimoso ako, sabihin nalang natin na medyo mabagal akong maglakad and i can’t help myself to overheard what they’re chatting… he he he

Misis: Hirap ng buhay sa atin… mainit na rin.

Kabayan 2: Ano pa nga. Idaan mo nalang ako sa amin ha.. doon mo nalang ako ibaba, bukas nalang ulit tayo magkwentuhan.

Misis: Sige.

Kabayan 2: Buti hindi kayo nabuko?

Misis: Hindi naman… maingat kami. Kita mo nga o, tawag agad misis nya…

Ano raw ulit???? Ahhh, hindi pala ito ang tunay na asawa.. in short kabit, kerida, or the other.

Kabayan 2: Ikaw talaga…. Pagnabuko kayo, hi hi hi… (mukhang kilig na kilig)

Misis: Sobra ka… kung hindi ko lang kailangan ng makakapitan dito eh..

Tapos na si mister sa telepono.

Mister : Si kumander… (naka-ngisi, sabay akbay sa kerida, este sa misis dito sa Jeddah) tayo.. miss na kita..

Medyo napa-bilis na ang lakad ko… naiwan na ako ni Kuya Erik at Nick.

Hhhhaayyy.. si kabayan nga naman…

Ironic ‘no, bakit ‘yong mga may asawa dito sa Jeddah ang dali-daling makakuha ng mga magmamahal sa kanila, samantalang ‘yong mga binata parang ang hirap-hirap…

Siguro, mas makapal lang ang mukha at mas matindi ang pangangailangan at pangugulila ng mga may asawa na, kesa sa mga binata… he he he.

‘Yon lang… kabayan, ingat lang… sana hindi nga magkabukuhan…

Laging tatandaan, mas mahalaga ang pamilyang iniwanan sa Pilipinas kesa sa ilang segundong libog at init ng katawan...

Wednesday, 23 April 2008

Vote for Tubbataha Reef

Magandang araw mga blogistang Pinoy!!!

Kagabi napanood ko sa The Correspondents ng TFC (kapamilya po ako) ang tungkol sa New Seven Wonders of the World.

Nabanggit doon na sa dinami-dami ng mga entry galing sa iba't-ibang bansa ng buong mundo ay meron din syempre pambato ang lahing kayumanggi.

1. Ang Tubbataha Reef ng Palawan
2. Ang Underground River ng Palawan
3. Ang Chololate Hills ng Bohol
4. Ang Mayon Volcano ng Albay

Sa apat na nabanggit, ang Tubbataha Reef ng Palawan ang nananatili sa unang sampu ng mga kalahok na bansa.

Base sa pinaka-huling pagtataya, mula sa pang-siyam noong mga nakaraang araw, ang Tubbataha Reef ng Palawan ngayon ay nasa ika-pitong posisyon na.

Ang pagpili ay base sa botohan sa ngayon sa internet.

Kaya nga naririto po ako, upang ipamanhikan sa inyong aking mga kababayan na iboto po natin ang sariling atin.

Para sa pag-boto, pumunta lamang sa http://www.new7wonders.com

Suportahan po natin ang sariling atin. Kabayan boto na!!!

Update:

Sa mga oras na ito, wala na sa listahan ng mga nominado ang Chocolate Hills ng Bohol at ang Mayon Volcano ng Albay.

Tanging ang Tubbataha Reef at ang Underground River nalang ang nananatiling kasama sa mga nominadong pagpipilian para sa rehiyon ng Asya.

Tuesday, 22 April 2008

Pilipinas Kong Mahal

Ang essay na ito ay forward lamang ni Francis, Pinoy rin, dating kasama sa site, at ngayon ay nasa Panama. Sa panghuling bahagi ng forward ay may paki-usap na ibahagi ang sanaysay na ito sa lahat ng Pilipino.

MY SHORT ESSAY ABOUT THE PHILIPPINES

Jaeyoun Kim

Filipinos always complain about the corruption in the Philippines.

Do you really think the corruption is the problem of the Philippines ?
I do not think so.

I strongly believe that the problem is the lack of love for the Philippines.
Let me first talk about my country, Korea. It might help you understand my point.

After the Korean War, South Korea was one of the poorest countries in the world. Koreans had to start from scratch because entire country was destroyed after the Korean War, and we had nonatural resources.

Koreans used to talk about the Philippines, for Filipinos were very rich in Asia . We envy Filipinos. Koreans really wanted to be well off like Filipinos. Many Koreans died of famine.


My father & brother also died because of famine. Korean government was very corrupt and is still very corrupt beyond your imagination, but Korea was able to develop dramatically because Koreans really did their best for the common good with their heart burning with patriotism.

Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism. 40 years ago, President Park took over the government to reform Korea. He tried to borrow money from other countries, but it was not possible to get a loan and attract a foreign investment because the economic situation of South Korea was so bad. Korea had only three factories.

So, President Park sent many mine workers and nurses to Germany so that they could send money to Korea to build a factory. They had to go through horrible experience. In 1964, President Park visited Germany to borrow money. Hundred of Koreans in Germany came to the airport to welcome him and cried there as they saw the resident Park .

They asked to him, "President, when can we be well off?"

That was the only question everyone asked to him. President Park cried with them and promised them that Korea would be well off if everyone works hard for Korea , and the President of Germany got the strong impression on them and lent money to Korea . So, President Park was able to build many factories in Korea. He always asked Koreans to love their country from their heart.

Many Korean scientists and engineers in the USA came back to Korea to help developing country because they wanted their country to be well off. Though they received very small salary, they did their best for Korea . They always hoped that their children would live in well off country. My parents always brought me to the places where poor and physically handicapped people live. They wanted me to understand their life and help them.

I also worked for Catholic Church when I was in the army. The only thing I learned from Catholic Church was that we have to love our neighborhood. And, I have loved my neighborhood.

Have you cried for the Philippines?

I have cried for my country several times. I also cried for the Philippines because of so many poor people. I have been to the New Bilibid prison.. What made me sad in the prison were the prisoners who do not have any love for their country. They go to mass and work for Church. They pray everyday. However, they do not love the Philippines . Italked to two prisoners at the maximum-security compound, and both of them said that they would leave the Philippines right after they are released from the prison. They said that they would start a new life in other countries and never come back to the Philippines .

Many Koreans have a great love for Korea so that we were able to share our wealth with our neighborhood. The owners of factory and company were distributed their profit to their employees fairly so that employees could buy what they needed and saved money for the future and their children.

When I was in Korea , I had a very strong faith and wanted to be a priest. However, when I came to the Philippines , I completely lost my faith. I was very confused when I saw many unbelievable situations in the Philippines . Street kids always make me sad, and I see them everyday.

The Philippines is the only Catholic country in Asia , but there are too many poor people here. People go to church every Sunday to pray, but nothing has been changed. My parents came to the Philippines last week and saw this situation. They told me that Korea was much poorer than the present Philippines when they were young. They are so sorry that there are so many beggars and street kids.

When we went to Pasanjan, I forced my parents to take a boat because it would fun. However, they were not happy after taking a boat. They said that they would not take the boat again because they were sympathized the boatmen, for the boatmen were very poor and had a small frame. Most of people just took a boat and enjoyed it. But, my parents did not enjoy it because of love for them.

My mother who has been working for Catholic Church since I was very young told me that if we just go to mass without changing ourselves, we are not Catholic indeed. Faith should come with action. She added that I have to love Filipinos and do good things for them because all of us are same and have received a great love from God. I want Filipinos to love their neighborhood and country as much as they love God so that the Philippines will be well off.

I am sure that love is the keyword, which Filipinos should remember. We cannot change the sinful structure at once. It should start from person. Love must start in everybody, in a small scale and have to grow. A lot of things happen if we open up to love. Let's put away our prejudices and look at our worries with our new eyes. I discover that every person is worthy to be loved. Trust in love, because it makes changes possible.

Love changes you and me. It changes people, contexts and relationships. It changes the world. Please love your neighborhood and country.

Jesus Christ said that whatever we do to others we do to Him. In the Philippines , there is God for people who are abused and abandoned. There is God who is crying for love. If you have a child, teach them how to love the Philippines . Teach them why they have to love their neighborhood and country.. You already know that God also will be very happy if you love others.

That's all I really want to ask you Filipinos.

At dyan nagtapos ang essay na ‘to.

Noong pabalik nga ako galing sa bakasyon noong isang taon, baon ko sa eroplano ang libro ni Bob Ong.

Meron syang tanong doon, at gusto ko ring itanong sa’yo.

Kung ipapanganak ka muli, gusto mo bang muli kang ipanganak na Pilipino?

Araw mo 'to - Inang Kalikasan

It's Earth Day today!!!


Happy B-Earth Day Mother Earth!!!


Araw ng ating Inang Kalikasan... 'Nay maraming salamat sa patuloy mong pagkupkop sa amin.



Salamat sa patuloy mong pag-unawa... sa aming tao, kahit sa halos lahat ng pagkakataon ay nagiging pasaway kami s'yo.


Na mga sarili lang namin ang aming iniisip. Basta mabuhay lang kami, nakakalimutan ka na namin. Ang aming ina na patuloy ang pag-aaruga at pagkupkop sa amin.


Inang patuloy na nagsisilbi at nagtataguyod sa kanyang mga anak...


'Nay, nakakahiya mang sabihin, eh patuloy namin kayong nalalapastangan... kasi nga ang nasa isip lang namin ay 'yong basta mabuhay lang kami.. hindi na namin iniisip ang iyong kapakanan...


Minsan nagagalit rin kayo... nagpaparamdam.... ibinabalik sa amin ang dulot ng aming pag-abuso at kapabayaan. Nakalulungkot isiping sa mga pagkakataong ito ay doon lamang namin nararamdaman na meron pala kaming Inang Kalikasan na sa amin ay kumukupkop at gumagabay...


Sana 'Nay, hindi pa huli ang lahat... bagaman, sandamukal na pahirap na ang aming ibinigay sa'yo, sana makabawi kami sa 'yo.


Sa aming INANG KALIKASAN.... MALIGAYANG ARAW..


AT MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT!!!

Monday, 21 April 2008

Material Procurement

20 after na at eto naka-tunganga pa rin, wala pa rin akong entry para sa araw na ito. Iba ng takbo ng umaga ko ngayon. Pag-upo sa upuan ko, on ang computer… login sa network, at siguro alam mo ang susunod… Outlook.

Simula ng dumating ako dito sa headoffice naming, bukod sa kape na panggising sa inaantok kong kamalayan, ay nariyan ang Outlook. Nakakahiya mang banggitin, pero babanggitin ko pa rin, as if marami naman talagang sumusulat sa akin or maraming work related e-mails akong natatanggap sa maghapon kaya naman bukas agad ang Outlook sa umaga.

Hindi.

Bukod kasi sa timecard na pina-punch ko, eh may outlook-attendance-checking pa.

Opo… tama ‘yon.

Tuwing umaga kasi ay may roll-call… kailangan makasigaw ka agad ng “PRESENT!” o kaya nama’y “NARITO PO!”.

Bagong policy ng opisina.. hindi ah… Pakana ito ni Lyzius. Araw-araw merong roll-call. Kaya tuwing umaga sigurado merong Attendance sa aking inbox. Araw-araw ‘yon ha, maliban sa araw ng Biyernes, kasi nga alam nyo naman dito sa Gitnang Silangan, Biyernes ang araw ng pangingilin ng mga tao. Pinaka Linggo ng Pinas.

Noong nakaraang Sabado, gaya ng inaasahan ko – meron dapat Attendance sa aking inbox, pero bigo ako.

WALA

Hanap… hanap… hanap… wala ngang Attendance, pero may bagong subject.

MATERIAL APPRAISAL

Trabaho ‘to ah.. pero galing kay Lyzius… mabuksan nga..

Aaahhh…kaya pala nagbago ang subject, kasi medyo nagkakainitan na kina Lyzius. Medyo nagkakahigpitan na sa mga incoming at outgoing emails, kaya naka-camouflage ang subject line…diba bibong bata talaga ‘tong si Lyzius.

Kaya naman hanggang kahapon eh naka-camouflage pa rin ang aming subject line for attendance checking.

MATERIAL PROCUREMENT

Kahit ang mga nilalaman ay “Usapang bisnes talaga”…

Subject: Material Procurement

Dear Sir,

Follow up on the procurement of materials to be used for curing the concrete blocked on the passageway…

Best Regards,

Lyzius



Subject: RE: Material Procurement

Dear Sir / Madam,

Please be informed that your assessment on the Blogsphere is not approved. Our “company” is always looking forward for the well-being of our employee when send on site for work execution and personal protective materials are being provided with them. We’re still quoting other supplier for this matter, and we’ll back to you as soon as we get other supplier’s assessment on the case.

For your information.

Present!

Best Regards,

me


Subject: RE: Material Procurement

Dear Sir,

I regret to inform you that I sent the wrong quotation for the Blogosphere inc. Maybe the PPE that was used during the execution of the work on site was already worn out or over used

Best Regards,

Lyzius



Subject: RE: Material Procurement


Dear Sir / Madame,

Just for information, the PPE being used at work is of prime quality, and free from any defects. Our safety engineers are already on that.

Furthermore, our company is willing to give voluntary services for the “execution” of these Pahiraps sa OFWs. Seems to me that they are using over-the-standard-thickness of insulation materials…

15%?? I rather pay 500 bucks for my freight in.

Best Regards,

Me


Usapang trabahong-trabaho diba… pero ang palitan ng liham na ‘yan ay tungkol sa blog entry ko kahapon na Nang Maningil ang Bato at Weekend Reloaded at sa blog entry ni Lyzius na Pakyu Kayong Nagpapahirap sa mga OFW.


At dahil na rin sa kalintikan ng mga taga-IT dept. na ito…. wala na kaming attendance checking…

Basta present ako today ha….

Sunday, 20 April 2008

Baked Corned Beef Ala Me

"Necessity...the mother of invention." Plato

Tama 'tong pilosopiya na ito ni Plato... sa pangangailangan nga nagmumula ang isang inbensyon.


"Laziness...a relative of invention." sabi ko.


Hindi ako kumakain sa gabi. Hindi dahil sa subaybay ko ang aking timbang, o kaya naman ay wala akong makain, kundi dahil na rin sa katamaran. Tamad akong magluto. Kasi naman isa lang ako sa bahay... at tuwing nagluluto ako, ang niluto ko ay nagtatagal ng isang linggo, kung minsan ay tinutubuan na ng bulak na itim... nasasayang lang ang pagkain. Para maiwasan ito, at tipid na rin, hindi nalang ako kumakain ng hapunan. Bale ang kain ko lang eh agahan (pinaka-importante sa lahat) at tanghalian.. solve na ako non.

Eh eto na nga kagabi, naisipan ko lang magluto. Kasi medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagluto, at 'yong bigas ko ay babahayan na naman ng mga insekto eh hindi ko pa naluluto... so nagluto nga ako kagabi.

Nagsaing ng bigas..

Habang nasasaing, nag-iisip na ako ng iuulam..

Meron pa akong Country Foods' beef-longgonisa sa ref, kaso prito na naman???

Makalat..

At parang may bombilyang biglang nag "ting!".... corned beef!

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng gisadong corned beef sa patatas..

May corned beef naman ako, so patatas nalang.. kaya punta muna ako sa pinaka-malapit na baqala (tindahan) para bumili ng patatas..

Nang makabili na ng patatas... nagumpisa na akong maghanda...

Naghiwa ng bawang... naghiwa ng sibuyas (onion rings talaga...), binalatan at naghiwa na rin ng patatas, inihanda ko na rin ang kawali... in-on ang stove...

Nang biglang!!!

Hhaayy.. tinamad ako..

Kaso, medyo nagdadalawang isip pa ako kung igigisa ko pa ba ang corned beef, hanggang sa isang luto ang aking naisip, hindi dala ng pangangailangang kundi dala na rin ng katamaran.

Hindi ko lang alam kong dati nang ginagawa ito, pero sa akin ngayon ko pang ito ginawa...

tadah!!!!


Baked Corned Beef ala Me!

Ingredients:

1 Medium Size Onion (cut into rings)
6 Gloves of Garlic (minced)
2 Medim Size Potato (cut into small cubes)
2 Tbspn. Unsalted Butter
1 Can Corned Beef (preferably Argentina or 'yong Made in the Philippines...kasi hindi durog na durog ang karne)


Have this stuff ready too

Microwave Oven (the one with convection)
Microwave-Safe Glass Container

The How to:

Saute the garlic on butter, 'till it turned golden brown, then set aside.

On the microwave-safe glass container, put the cubbed potato first (dont put all), then on the second layer spread the corned beef (not all), on the third layer put the sauteed garlic together with some onion rings. Then put again the potato, then the corned beef, then the garlic, and the onion rings. On the top have a dash of red sweet pepper.

Set the microwave to microwave-convection mode, programmed it to "baked potato"..(how? see your microwave manual for more instructions).. set the time for 10 minutes...

Good for 1 to 2 Serving

Walllah!! now you have your Baked Corned Beef.

Subukan nyo, sobra sarap... halos nangalahati 'yong tatlong gatang na bigas na isinaing ko...

Bon Appetite!!!

Nang Maningil ang Bato

Arrrraaaayyyyyy!!!!

Ito ang mga unang katagang nabanggit ko ngayong umaga sa aking pagbangon mula sa higaan.


Masakit!!! Sobra...


Tinamaan ata ang bato ko. Sobra sakit talaga. Siguro inabot ako ng mahigit sampung minuto bago ako tuluyang nakatayo sa aking kama. Sobra sakit ng ibabang bahagi ng aking likod, sa medyo itaas na bahagi ng may puwitan.


Hindi ko alam kung napagod lang sa pagtulog sa magdamag. Ok naman ang higaan ko, kaya imposibling sa posisyon ko sa pagtulog ang dahilan kung bakit nananakit ang aking likod. At tsaka kung dahil sa kama ito, hindi naman siguro ang lower part lang ng likod ko ang masakit, pati siguro ang buong gulugod ko...


Sa bato 'to eh, alam ko. Kasi naranasan ko na rin ang ganitong sakit mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Back then naman may dahilan talaga para sumakit ang aking bato kasi nga ang hilig-hilig kong magpigil ng pag-ihi.


Para bang ang sarap-sarap ng feeling kung iihi ka ng malapit ng sumabog ang pantog mo.... 'yong ganoong feeling.. he he he... joke lang. Kasi kaya naman sobra ang pagpipigil ko sa pag-ihi noon, kasi nga bago palang kami nagmo-mobilize sa site, so bago palang rin itinatayo ang mga opisina at porta-cabin. Kasi nga bago palang, so wala pang mga CR noon.


Ang pasok ko sa site ay 6:30 ng umaga hanggang 12:30 ng tanghali. At sa anim na oras na 'yan hindi ako umiihi, kahit na ihing ihi na ako... kasi nga walang CR. Hindi ko lang alam kung bakit ba naman saksakan ang kaartihan ko sa pag-ihi, basta hindi lang ako nasanay na basta nalang tumatalikod sa pader o poste para lang mairaos ang pag-ihi. So, tiis-tiis ko lang ang ihiin ko hanggang 12:30, kasi that time susunduin na kami ng service para sa kumain, so sa mess hall - may CR, doon palang ako makaka-ihi.. hhhaaayyy.. sarap ng pakiramdam.


The same scenario ulit pagbalik ng site from 1:30 hanggang 5:30 ng hapon.


Kaya nga hindi nagtagal, mga dalawang linggo sigurong ganoon ang drama ko sa pag-ihi ay naningil na ang aking bato. Sumakit. Gaya ng nararamdaman ko ngayon... sobrang sakit.


Pero ngayon naman hindi naman ako nagpipigil sa pag-ihi eh. Hindi nga lang ako nag-iiinom ng tubig, kasi kung marami akong iniinom na tubig, ihi ako ng ihi... at kung laging naiihi, eh panay ang bisita ko sa banyo. Eh ayoko pa naman ng ihi ng ihi, kasi abala sa trabaho, lalo na kung santambak ang trabaho...


Kaya eto siguro, naniningil na naman. Kulang ata ako sa tubig.. .kulang sa ihi.


Hindi ako makagalaw ng maayos.. masakit talaga.. kahit tumawa ng todo... kailangang ngiti lang... hindi puedeng bumungisngis.. kasi masakit...


Sandali... ihi muna ako.

Saturday, 19 April 2008

Weekend Reloaded

Kahit wala namang humihingi na ibalik ang post na ito, gusto ko lang i-post... bawal umangal...

Haayy.. Sabado na naman, kaya eto.. hindi gaya sa Pilipinas na ang Sabado ay talaga namang pinakahihintay na araw ng mga estudyante o kaya mga empleyado, sa Jeddah, ang Sabado ang panibagong umpisa ng isang linggo - kaya eto may pasok.



Kung ang gimick mo ay buong maghapon ng Friday, applicable sa 'yo ang TGIF (Thank's God, It's Friday - or in a roughly arabic translation: Al Hamdulillah, Allum Diumma). Sapagkat ang Friday ang walang pasok at Thursday ang weekend. Kaya naman saktong sakto ang araw ng Biyernes sa lahat ng not-so-feel-good-gimick at feel-good-gimick. As usual, kung gimick days, sigurado sandamak-mak na naman ang sasakyan sa kalsada, nakakamatay na naman ang traffic!!! Totoo 'yon, pramis kahit na sobra ang lapad ng mga kalsada dito pero nagkukulang pa rin sa sobrang dami ng sasakyan, tapos sabay-sabay pang maglalabasan sa lungga.


THE NOT-SO-FEEL-GOOD GIMICK

Ito siguro 'yong mga pangkaraninwang ginagawa ng mga taong nagtrabho sa loob ng anim na araw, at kung minsan kasama ako doon.

1. Tulog (da best 'to lalo na kung...nasa inyo na 'yon kung ano ang da best sa 'yo, kahit siguro isang buong maghapon akong patulugin, wala tayong magiging usapan.. mahirap nga lang dito eh 'yong masakit kung minsan sa likod, kung nakadapa naman, masakit sa leeg, kung nakatagilid na-iipit naman ang braso)

2. Palengke / Grocery (kasama na dito ang pagpunta sa fish market, karnihan, gulayan, Star Supermarket, Panda, Sarawat, bakala, patingin-tingin sa nga Sale - hindi naman lahat ay nasa grocery o namamalengke tuwing weekend, madalas ang ganitong gimick ilang araw matapos ang sueldo.)

3. Laba (laba, laba, at isa pang laba.. uniporme sa trabaho, pantalon, brief, shorts, sando, panty, bra, polo, kamiseta, medyas, at lahat ng maruruming damit na puede labhan, kasi nga mura naman ang kuryente dito sa Gitnang Silangan, kaya ultimo isang pirasong panyo eh kailangan pang i-washing machine on delicate mode...)

4. Plantsa (kasi nga may nilabhan, natural may platsahin, applicable sa iba ito, sa iba naman hindi. Kasi nga sa pagod na rin sa anim araw na trabaho, at sa sobrang sarap matulog, at kung ang trabaho naman ay hindi nangangailangan ng platsadong damit, eh ok na rin ang basta malabhan lang, pero para sa mga nag-oopisina, 'yong mga bisor, mga muder.. eh kailang mamalantsa.)

5. Telibisyon (Syempre masarap mamahinga kung may telibisyon. Kapamilya man o Kapuso, CNN, Al Jazeera, BBC, MBC 4, MBC 2, or MBC Action man ang meron, ok lang basta may telibisyon, solb na solb sigurado ang weekend. Kasama na rin dito DVDs, pirated man o original, basta ga may piktsur at natunog, ok na rin... pero sana hindi naman pirata, masama ang magnakaw, diba..)

6. Laro-laro (kasama dito ang basketball, tennis, bowling, taekwando, judo at kung ano-ano pang palakasan, pati palakasan ng utot..)

7. Pre-bisita (ito 'yong gulf-session o barekan o inuman noong Huwebes ng gabi + Video-oke, mawawala ba naman ang kantahan sa mga Pinoy)

8. Bisita sa kaibigan (wentuhan lang dito kung minsan puedeng mauwi sa item 6, puede galing ito ng Item 7, nakitulog na rin, kasi hindi na puedeng umuwi bawal kasi ang lasing sa kalsada (bawal kasi talaga ang alak dito) baka mahuli ng pulis, sigurado kalaboso at pauuwiin na ng Pinas)

9. Bisita sa "kaibigan / dyowa" (wentuhan pa rin, tapos lambingan, pero puede at most of the time nauuwi ito sa item 0 (nakakapagod na activity yet ang sarap ulit-ulitin), mga bagay bago ang item 1)


10. Dyim (buhat dito, buhat doon, abs dito, abs doon, papapawis lang.. papalaki ng masel, pang-iwas high-blood at atake sa puso..)

11. Dyaging-dyaging... (takbo dito, takbo doon, good warm-up for item 10)

12. Sisid (scuba-diving) at Pangingisda (outdoor activity na 'to, kasi nga asa baybayin lang nga Red Sea ang Jeddah kaya masarap magdagat. Maraming isda... sarap sumisid...(madalas ring gamitin ang sisid activity na 'to sa item 9 - malaki ka na, alam mo na 'yon))

13. Madyong / Tong-hits / Sabong (alam mo naman si Juan, hindi ata mabubuhay kung wala ang mga ito, hindi naman lahat, para lang sa ilan. Naalala ko tuloy noong may pasugalan pa ako sa kuwarto ko noon, Huwebes at Biyernes talaga ang dakilang araw, kung minsan nga extended pa, hanggang Sabado pa ang madaling araw. May naglalaro nga noon na pagpasok nya ng kuwarto ko o ng aking mini-casino ay punong-puno ng alahas, as in... kasi lahat ng daliri nya sa kamay ay merong singsing, patong-patong rin ang kanyang kadenang ginto sa leeg at halos hindi na nya maitaas ng maayos ang kanyang kamay sa bigat ng pulselas nya. Pero kung minsan, kung tag-malas, umuuwi sya na halos dalawang kilo ang nabawas sa timbang nya. Pero kung tag-buenas naman, mas ok sa akin, kasi malaki magbigay ng tong)

14. Chatting (kasi nga high-tech na ang panahon ngayon, na di tulad noon sa sulat lang at tawag katalo na, ngayon, dagdag ko na rin ang chatting to our love ones.. syempre hindi lang basta chat-chat, may web-cam na rin, and with voice pa... diba high tech na talaga.)


THE FEEL-GOOD GIMICK

Medyo mahirap ipaliwanag, ibang lebel ga... basta ito 'yong mga pinagkakaabalahang you feel closer to your creator, or you just feel good about it - feel mo heaven.

1. Simba / Samba / Gawain / Friday Service / Misal (kahit naman patago ang mga bagay na ito dito sa Saudi at kung mahuli ay siguradong kalaboso, eh kahit naman papaano hindi rin maiaalis sa ating mga Pinoy ang pagiging malapit sa ating dakilang manlilikha - kasama na lahat dito, praise and worship, pangungumpisal, tithes and offerings, pag-aayuno, bible study)

2. Pot-lunch (tanghalian kasalo ang mga kapatid, kapamilya, kapuso... basta salo-salo, may magluluto ng sinigang na ulo ng isda, adobong manok, may magkikilaw.. saan ka pa??!)

3. Dalo sa gawain kasi dumalo si Sister or si Bro (pramis meron talagang ganyan.. marami akong kilalang dumadalo lamang sa "gawain" kasi may mga bagong nars o stiwardes na sister o kaya naman maraming "papables". Naka-attend pa nga ako ng sports-fest kasi may ipapakilala sa akin, attend naman ako, though im not that sport-fest-ee, kasi nga iba pala ang motibo - kasi nga iba ang motibo, matapos ang item 9 sa itaas, wala na.. ayawan na.

4. Family visit / Family Get-together (limited ito sa totoo or the legal family or extended family, basta may papel - patunay na kapamilya nga... kapatid, asawa, kapinsan, nanay, tatay, tiyo, tiya, or else kasama ito sa item 9 ng not-so-feel-good gimick)



5. Kasi nga adik ako sa kape, kaya isasama ko na rin dito ang pagtambay ko sa mga coffe shop. Inom-inom ng kape... hhaayy.. sarap talaga ng kape.


Hindi naman para sa lahat, subalit ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain ng mga Noypi tuwing weekend dito sa Jeddah. Kung hindi man siguro ito ang kalahatan, sa ibang edisyon nalang ang iba.

At yon ang Huwebes at Biyernes, haba ng segwey, he he he... at Sabado na, kaya naman gaya ng dati, eto naman ang aking dakilang maninipa... ang kape.. he he he. Ang kape raw pampagising.. pero kung ala ka na talagang ginagawa sa opisina mo, pustahan - sandali bawal nga pala ang sugal dito.... ok ano nalang.... sige na pustahan nalang for this post's sakes nalang oooo... ok, sigurado kung ala kang ginagawa o pinagkakaabalahan, ang bisa ng kape na pampagising ay magiging pampatulog.. hyper-tulog...

Trabaho muna....sandali tanong lang ako, Ano gimick mo kahapon?

Wednesday, 16 April 2008

Blogistang Mangyan

Blog.
Blogger.
X-link.
Blogroll.
Dashboard.
Feedjit.
Cbox.
Publish.
Tabulas.
Multiply.
Wordpress.
Entry.
RSS Feeds.
ATOM.

Kung alam mo ang mga salitang ito, walang duda - blogger ka. Kundi man blogger, ay isa kang taga-subaybay sa mga blogs. Pero sapat na bang alam mo ang mga nabanggit na salita sa itaas, para tawagin kang isang BLOGGER?

Ano nga ba ang isang blogger?

Ako mismo sa sarili ko, hindi ko pa rin kayang sabihin na isa akong blogger, sapagkat hindi pa malinaw sa akin ang mga angkop na pamantayan upang ang isang tao ay tawaging Blogger o Blogista.

Subukan nga nating busisisin... subok lang.

Unang-una siguro, dapat meron kang website / URL. Ito ang
sariling espasyo ng isang tao sa liko-liko, sala-salabat, at salu-salubong na mundo ng tagni-tagning-sapot (internet).

Dito sa espasyong ito, isusulat o ilalalahad ng isang tao kung ano man ang gusto nyang isulat.

May kwenta o wala. May magbabasa o wala.

Dahil ito nga ay sariling espasyo ng blogista, maaari nyang isulat lahat ng gusto nya. Lahat-lahat.

Totoo. Kasinungalingan.

Pagkilala at parangal. Mapanirang puri at tsismis.

Kuro-kuro. Mga pagpuna at pagbat
ikos.

Pananampalataya. Propesyon.

Usapang pag-ibig. Mga hinaing.

Kalungkutan. Kasiyahan.

At marami pang iba.

Lahat maari isulat. Basta gusto mo, isulat mo.

Ang tanong:
MAY LIMITASYON BA ANG ISANG BLOGISTA SA KANYANG PAGSUSULAT?

Hindi ko kayang sagutin ang tanong na ito. Pero sa ganang-akin la-ang... siguro wala naman talagang nakatakdang pangkalahatang limitasyon, lahat may kalayaan, subalit sa pagsusulat ay maaaring isaalang-alang ng isang blogista ang kanyang kapwa, ang mga magbabasa, o kundi man, ay ang mga taong sa palagay nya ay mahihipo ng kanyang sanaysay. Masasagasaan. Mabusina ga!


Malimit kasi nakakalimutan ng isang blogista, kahit ito ay kanyang personal na espasyo, na bukas na aklat ito para sa lahat.

At
nakatanim lagi ang kaisipang: Malayang pamamahayag. Tama 'yon, malayang pamamahayag. Kalayaang isiwalat ang sigaw ng puso. Subalit, kaakibat ng kalayaang mamahayag, ay ang responsibilidad at respeto sa opinyon ng iba. Kailangan din ang bukas at malawak na pang-unawa sa opinyon / kaisipan ng ibang tao. Bawal ang pikon. Talo ang pikon.


Dito tayo papasok sa ikalawa.

Ang blogista nga mismo ang magtatakda ng limitasyon, kung gustuhin nya, sa kanyang sarili, sa kanyang isusulat. Dito makikita ang moral o ang karakter ng isang blogista, base na rin kung paano isulat ang mga sanaysay. Ang estilo. Sa paggamit ng salita. Sa bawat titik. Bawat tuldok. Bawat panaklong.

Kaangkop nito, ay ang pagsasaalang-alang na rin ng iba pang mga taong kasama upang mabuo ang isang sanaysay o blog entry. Hindi maikakailang, malimit sa pagsulat ng isang blog ay namumulot o sumisipi ang isang manunulat ng mga kataga, talata, pangungusap, o maski na nga ng buong artikulo mula sa iba pang mga manunulat. Mabuti na rin at sa usaping legal, na kilalanin o banggitin ng isang manunulat ang pinagmulan ng mga talata sa kanyang sanaysay kung ito ay hindi rin naman sarili nyang katha.

Ito ang nagpapakita ng paggalang at respeto ng isang manunulat sa kanyang kapwa manunulat. Dagdag kaalaman sa usaping ito: http://www.wipo.int

Pangatlo, sapat na ba ang nakapagsusulat? Sapat na bang nakalilimbag? Sapat na bang may entry lang?

Noong isang buwan, kung saan ay sineryoso ko na ang pagba-blog (diba may ganon pang pa-epek), ipinangako ko sa aking sarili na dapat kahit sa isang araw ay may maisulat ako sa aking pahina. Hindi puwedeng wala akong maisulat.

Doo
n na nga pumapasok ‘yong mga walang kwentang entry. Masabi lang na may entry ako sa araw na ‘yon. Kung minsan ang iba, wala naman talaga akong kaalam-alam, basta makapag-paskil lang.

Minsan nga ay napadaan ako sa pahina ni Mix, doon ko napulot ang aral na
kailangan bang sumulat o mag-iwan ng puna kahit wala ka namang alam sa nakasulat. Masabi nga lang na pumuna ka, o may naisulat ka. Sa totoo lang wala naman talagang masama eh, ‘yon nga lang isaalang-alang rin natin na “alam ko ba ang isinusulat ko?”. Kung hindi ko alam, bakit kailangan kong sumulat? ‘Yon na nga ‘yong tanong, sapat na bang katwiran ang may maisulat lang, kahit wala akong alam? O mas mabuti pang basahin nalang at hindi nalang magsalita kung wala rin lang namang buti ang iiwang puna. Sabihin nalang nating dagdag kaalaman nalang. At sa susunod, kung alam na natin, e’di doon magiwan ng puna o magsulat.

Simple lang:

Kung hindi alam, hindi alam. Kung alam , alam.

Medyo magulo na ‘no? Maski ako, naguguluhan na rin.

Tigil ko na muna dito.


Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa usaping ito. Ang tanging layunin ko lang naman talaga ng umpisahan ko ang entry na ito ay upang ipakita ko ang listahan ng aking mga ka-blog – na kahit naman papaano ay dumarami rin. Kahit naman pala papaano ay may nagbabasa rin at tumatapak sa munting pitak kong ito. May nakikilala. May nagiging kaibigan.

At talaga naman, naka Feedjit na ako.. sabi ni Lyzius, dito raw malalaman kung nilalangaw ang pahina mo… natakot tuloy ako noong una na maglagay nito. Kasi baka nga langawin lang ang aking pahina at sa bandang huli ay ipang-iwang nalang… nakakalungkot naman.

Pero dahil na rin sa natuwa naman ako sa mga bandila ng Feedjit na ‘to, naglagay rin ako. Langawin o ipang-iwang man ang aking pahina ok na rin – kahit papaano may gamit… he he he™

Sa kasalukuyan, sa tingin ko naman ay hindi nilalangaw.

May sadyang bumibisita.

May sumusubaybay.

May dumadalaw.

May napadaan lang.

May naligaw.

May langaw.

May spyware.

Kahit naman papaano, hindi na maituturing na isang pang-iwang ang munti kong pahinang ito.

Ok na sigurong langawin nalang, ‘wag lang ipamunas ng mamasa-masang puwet.

Pasing-tabi na nakain.

Monday, 14 April 2008

Mata sa Bintana (ikalawang silip)

Para sa unang sulyap ng sanaysay na ito, paki-sundan lang ang kabitang ito: http://me-blogkoto.blogspot.com/2008/03/mata-sa-bintana.html

Dumaan sa bahay si Kuya Erik kagabi. Dapat mamumundok kami ng gabing iyon. Hindi nga lang kami natuloy dahil sa sama ng panahon – alanganing uulan, alanganing magsa-sandstorm. Mahirap sumugod ng hindi mo sigurado ang panahon – minsan kasi traydor ang panahon.

Naratnan nya ako sa bahay na namamalantsa. Noong isang gabi pa ako namamalantsa, kaso nga sa tuwing nakikita ko ang aking higaan ay lagi akong hinihimatay at umaga na ulit ako nagigising.

May dala syang sayote, galing pa ng Baguio. Dala raw ni Ka Rolie, taga bundok rin. Ako naman, dahil sa inaasahan ko na rin ang kanyang pagdalaw ay naghanda na rin ng ilang piraso ng hipon. Pangulam na ‘yon. Gisadong sayote at hipon.

Sa madaling salita, naluto ang gisadong hipon sa sayote at kami ay kumain. Makakain, hindi ko na muna hinugasan ang aming pinagkainan. Crowded pa kasi sa common room, mamya nalang siguro.

Lumabas kami ng compound.

Pumunta kami kina Genaro, tatambay.

Walang wentang tumambay kina Genaro, lahat kasi ay abalang-abala sa panonood ng pelikula ni Judy Ann. Lahat ng mata ay nakatutok sa telebisyon. Aliw na aliw sa tambalan ni Wowie at Juday. Kaya doon nalang sa bahay ni Bert kami tatambay.

Sa bahay ni Bert…. naroon ang mga mahiwagang mata sa bintana.

Tahimik ang paligid. Walang traffic. Parang ghost-town ang kahabaan ng Madinah Road, puede kang maglaro ng tumbang-preso. May mga sasakyan naman, ngunit mangilan-ngilan lang. Parang may mali! Hindi dapat ganito ang paligid sa ganitong oras, alas-syete y medya. Nangyayari lamang ang mga ganitong pangitain one hour after breaking the fast tuwing holy month of Ramadan. Kapansin-pansin din na kahit na nga iilan lang ang mga sasakyan sa kalsada ay punuan naman ang mga coffee shop.

Ramadan na ba?

Teka mali talaga, hindi pa Ramadan. Ika anim na araw pa lamang ng Rabi Thani sa Arabic calendar.

06 Rabi Thani 1429, katumbas ng 13 Abril 2008

Anong meron?

Alamin natin.

Dumaan nga kami ng isang coffee shop, magkape lang at si Kuya Erik para maninigil.

Crowded ang coffee shop. Mausok. Kasi may naninigarilyo, at may nag-shi-shi-sha. Ano ang shi-sha. Sa pagkakaalam ko, ito ‘yong healthier version ng yosi, kasi sa halip na tobacco ang sinisinghot dito, fruit aroma ang sinisinghot. Pwedeng ubas, mansanas, strawberry, durian. Sabi ni Tufs, eto raw ang tinatawag na “Smoke on the Water”.

Lahat ng mga mata sa coffee shop ay nakatitig rin sa telibisyon. Titig na titig. Seryoso. Hanggang dito ba naman sa coffee shop si Juday at si Wowie pa rin ang pinapanood?

Diretso si Kuya Erik sa counter, ako naman sa main reception lang ng coffee shop, sinilip ang pinapanood.

Aaaahh…’yon naman pala eh. Football ang pinapanood nila.

Kaya naman pala parang ghost town ang Madinah Road, may laban ang Etihad ng Jeddah at Al Hilal ng Riyadh para sa Crowned Prince Cup.

Mukhang maganda ang laban. Panay-panay ang sigaw ng commentator sa TV. Kahit wala akong naiintindihan sa mga comments nya, pero sa mukha ng mga manood eh alam mo na talaga namang matindi ang labanan.

Eeeeyyywwwwaaaa!!!! (yesssssss)

Walllaiii.. mabruk!!! (really…. great!!!)


0 – 0 ang score.

Hindi ko na tinapos ang laro. As if intresado ako.. he he he.

Pagbalik ni Kuya Erik, may dala na syang kape. Deretso na kami sa bahay ni Bert.

Hindi ko alam ang pakiramdam ko. Excited na parang takot.

Eto na, nasa harap na kami ng bahay ni Bert. Kinakatok na ni Kuya Erik ang pintuan nya.

Bumukas ang pintuan.

Hindi si Bert ang nagbukas, ‘yong kasama nya sa bahay.

Katok ulit si Kuya Erik, this time sa silid na ni Bert. Isang katok…. Dalawa… tatlo… apat.. at nagbukas ang pinto. Namamalantsa rin pala si Bert.

Pagpasok naming ng silid, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Me: Bert, pagamit naman ng CR o. (kahit hindi naman ako naiihi, iba ang pakay ko sa loob ng CR)

Bert: Sige lang. (sabay ngiti na parang alam nya ang talagang pakay ko sa loob ng CR nila)


Diretso agad ako ng CR.

Pagpasok ng CR, dahan-dahan kong isinara ang pinto.

Naroon pa rin ang bintana. Parang nakabukas ito.

Hindi ko lang matandaan kung talaga bang nakabukas ito. O may sadyang nagbukas ng bintana.

Sinuri ko ang bintana. Pero wala na ang mga mata sa likod nito. Bigla tuloy akong naihi.

So ihi….

Habang umiihi, nakatitig ang aking mga mata sa bintana. Naghihintay sa mga mata. Naghihintay na muli itong dumungaw.

Sampung Segundo… wala.

Labing-limang Segundo… wala pa rin.

Dalawampung Segundo… wala talaga.

Tatlumpong Segundo… wala na talaga.

Hindi ko tuloy namalayan na tapos na rin pala akong umihi at hawak ko pa rin si mini-me.

Flush.

Wala.. walang mata sa bintana.

Hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko ba talagang asahan na sisilip sya sa tuwing ako ay iihi sa CR na ‘to? Hindi naman siguro. Intresado lang akong malaman kung kanino ang mga pares ng matang iyon.

Hanggang sa aking paglabas ng CR, ay nagpahabol tingin pa ako sa bintana. Umaasa pa rin na baka muling sumilip ang mga matang iyon…pero wala.. bigo ako.

Maraming mga bagay-bagay tuloy ang naglaro sa aking isipan.

Baka umalis na sya?

Baka naman kung ano na ang nangyari sa kanya?

Baka naman natatakot sya, na sa muli nyang pagsilip ay makilala ko na sya?

Baka natatakot din sya na harapin ko sya?

At ako, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nahihiya, na baka naman kasi hindi nya nagustuhan ang kanyang nakita noong huling pagsilip nya. he he he…

Haaayy.. lalo tuloy dumami ang aking mga tanong. Lalong dumami ang mga tanong na kailangang sagutin.

Akala ko, sa entring ito ay matatapos na ang sanaysay na ito – pero hindi pa pala.

Hindi ko pa kilala kung kanino ang mga matang ‘yon.

Pumasok na ako ng silid ni Bert. Nagpapalitan pa rin sila ni Kuya Erik ng idea sa ipapatayo nitong munting bahay sa kanyang lupa sa Palawan.

Sa gitna ng kanilang usapan tungkol sa sukat na lupa, anong klaseng bubong ang dapat gamitin, anong materyales ang gagamitin sa flooring, biglang segwey si Bert.

Bert: Ano nandoon ba sya?

Me: (ngayon alam ko na talaga na alam ni Bert ang sinadya ko sa kanilang CR) Wala eh.

Bert: Alam ko kung kanino ang mga matang ‘yon. Kilala ko ang may-ari ng mga pares ng matang ‘yon.

Me: (nakatunganga lang…) talaga..

Bert: Lagi rin syang nakasilip doon tuwing gumagamit ako ng CR. Umihi. Maligo. Um-mebs. Lagi ‘yong nandoon. Nakatitig. Nakasulyap. Saksi sa lahat ng nangyayari sa loob ng CR.

Me: (wala lang akong imik… hinayaan ko lang magkwento si Bert..)

Bert: Gusto mo syang makilala?

Bago pa ako nakasagot, eh pinutol na ni Kuya Erik ang aming usapan.

Kuya Erik: O, tayo na, umuwi na tayo…alas-dyes na! O pa’no Bert, salamat sa tambay… bukas nalang ulit.

Bert: Sige lang.

At bago ako tuluyang lumabas ng silid palihim kung kinausap si Bert.

Me: Gusto ko syang makilala.

Bert: Umuwi ka na… makikilala mo rin sya.

Me: Paki-usap Bert, sino sya!!??

Bert: Sige, bukas nalang… gabi na.. umuwi ka na.

Me: Bukas ha….


Umuwi na ako, baon pa rin ang sadamakmak na katanungan.

SINO SYA!!!

Ngayong umaga sa isang pahayagan.



Kaya pala tahimik ang Jeddah kagabi.

Itutuloy…