Kahit tambak ang trabaho at di na magkanda-ugaga sa kung paano pagkakasayahin ang oras, eh eto at nakasingit pa, adik eh..
Tag sa akin 'to ni Bosing Madbong, galing kay Lawstude 'yong isa at 'yong isa naman eh galing sa Dakilang Islander. Eh ang mangyan walang pinapalampas, kaya eto, nagpag-tagged at mang-ta-tag rin.
From Lawstude to Madbong:
The Rules:
1. Link to your tagger and post these rules on your blog.
2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.
3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.
4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.
1. Marvin Francisc, ‘yan sana ang gusto kong pangalan, eh noong ako ay ipinanganak mukhang hindi pa uso ang dalawahang pangalan, kaya nauwi ang nanay at tatay ko sa Marvin. Babin kung ako ay tawagin ng aking mga kapamilya o Kuya Babin sa aking mga kapatid. Avin ang tawag sa akin ng paborito kong dentista. Murvs naman ang tawag sa’kin ng barkada. Nang magkoleheyo, naging Luis, dahil sa declamation ko noong first year ako na napuno ako ng ketchup bilang props, bakit Luis? Dahil sa patalastas noon ng kechup with a punch line, “Ketchup please, Luis…”. Pagdating ko ng Jeddah, ang pangalan ko sa Personnel Dept. namin Marfin, medyo nahihirapan raw silang i-pronounce ang Marvin. Nang maglaon, naging “ME” o “AKO”, lahat ng files and folders ko ‘yan ang pangalan. Sa mga kasamahan ko dito sa Jeddah, simpleng 'Vin lang, ok na. Sa mga unang buwan sa blogsphere, kilala rin ako sa “ME”, at ng medyo nagtagal, naging “Mangyan”, taga Mindoro po ako.
2. Ipinanganak ang Mangyan dalawang daan at pitong araw matapos ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-walumpot’isang taon nitong kalayaan sa mga Kastila. Malamig noon at dahil sa Aplaya kami nakatira kaya naman isinilang akong puro kaliskis. Literal na kaliskis ‘yan ha.. namana ko raw sa lola ko. Kaya tuwing tag-lamig eh parang balat ng melon ang aking balat kahit na sabi ng nanay ko eh sa pakwan daw ako pinaglihi.
3. Wala kang aasahan sa akin pagdating sa Math, noong high school eh nagkaroon ako ng markang 74 at kulay pula yan sa aking card. Hindi naman sa galit ako o kaaway ko ang Math, kasi sa ayaw at sa gusto ko eh parte ng buhay ng isang tao ang mga numero o ang Math, sabihin nalang nating hindi kami gasinong close ng Math kumpara sa closeness namin ng Art and Literature.
4. Noong high school tuwing nanonood ako ng English films, sa totoo lang wala akong naiintindihan, ako ‘yong nakikitawa lang kung tumatawa ‘yong kasama kong manood o kaya eh tipong Mr. Bean ‘yong panonoorin ko na kahit di nagsasalita eh nakakatawa. Sa pagdaan ang panahon eh kinailangan ding kahit naman papaano eh matuto ng English, kaya ayon natuto naman. Hindi na ako nakikitawa ngayon, ako na ang pasimuno, kung minsan kahit di nakakatawa sa iba eh tumatawa ako.. natatawa ako eh.
5. Mahilig akong makipag-usap sa sarili ko at sa tagal ng panahong pag-uusap namin, masasabi kong kapwa kami good conversationalist (sigurado ka ba dyan???), sya ‘yan ha, di ako. Sabi noon sa amin baka raw na “mamatanda” o “na-uusog” ako. Sabi naman sa Maynila baka naman may lumuwag na turnilyo, sabi naman sa Oprah “healthy” raw ang pakikipag-usap sa sarili, di naman ito ‘yong in public places ha, tapos bigla nalang kayong magkakaroon ng isang mainitang argumento ng sarili mo, kahit siguro ako “mag-iisip na may sayad na ‘to”.
6. Ngayon na lang twenties ako nagkahilig sa mga gadgets and computer stuff na ‘to. Sa computer stuff, kailangan eh, part ng trabaho ko. Sa mga gadgets kaya ngayon na lang, kasi noong mga unang panahon eh wala pa akong kakayahang bumili nito (alangan namang ipa-pasan ko pa sa pamilya ko ang aking luho), kaya di puedeng mahilig ako dito. Ngayon, kasi kait naman papaano eh may trabaho at kumikita, kaya nakakapagluho na rin ng konte. Ilang buwan palang ako sa “blogsphere”, pero adik na rin.
7. Hindi ko makain ang isang pagkain kung hindi ko aamuyin. Lahat inaamoy ko. Alam kong masarap ang pagkain sa amoy palang (so far di pa naman ako pumapaltos). Isang pagkain lang ang mabangong-mabango sa akin, pero ‘di ko kayang kainin: ang Durian. Takot ako sa lumipad na ipis.
From Dakilang Islander to Madbong:
Here’s the rule:Join us on this flight. Let all the bloggers around the globe come together in unity by blog linking. All you have to do is add your name to the list. Don’t forget to specify the country where you are from and of course, link your name to your respective blog. If you have two or more blogs, add and link them all. Then invite 8 or more bloggers to do the same.
Okay, here we go:
Julia from Philippines, Catherine from Malaysia, Shi from USA, Mitch from Philippines
Hailey from Philippines, Sexymom from USA, Liza from Philippines, Sasha from Philippines, Thess from Netherlands, Marie from Philippines, Mind Bubbles from USA, Evi from Canada, Christine - Marikit from AU, Christine - Strawberrygurl from AU, Mel’s Untamed World from PH, Mel’s Uncensored Life from Philippines, Vanity Kit from USA, Something Purple from USA, Em’s Detour from USA, Sassy Finds from Philippines, My Charmed Life from Philippines,Mommyhood and Me from Philippines, Changing Lanes from Philippines, Pit Stop from Philippines,Shopaholic Ties The Knot from Philippines, The Wifey Diaries from Philippines, Counting Stars with Zahara from Philippines, Paradigm and Random Thoughts from USA, Hail & Farewell, Behind the Mask from Philippines, Redlan’s Web of Arts from Philippines, Sreisaat Adventures in Cambodia, J-B-L-O-G-G-E-D in Maldives, Dakilang Islander from Bermuda w/ luv, Aotearoa Tales from New Zealand, Blog ng Mangyan galing sa malangis na Saudi Arabia,
At dahil sa na-tagged lang naman ako dito, syempre man-ta-tag rin ako. Eto ang mga kaswela ko.
1. Doc Rio
2. Popoy
3. Mix
4. Dong
5. Nakitana
6. Visaviz
7. Vicki
8 comments:
nakatag pala ako.. hehehe! pareho tayo. bobo rin ako sa math pero sa awa ng Diyos di naman ako bumagsak.
Mahilig akong makipag-usap sa sarili ko at sa tagal ng panahong pag-uusap namin, masasabi kong kapwa kami good conversationalist>>>
ayos to ah! kasi baka ikaw yung tintukoy sa "beautiful mind".
tama nga naman siguro si oprah.
pare, ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko muna magagawa ang tag na ito (pero gagawin ko ito pramis) Busy kasi ako kaya hindi muna ako nagba-blog, tapos, ang next post ko ay ika-100th post ko na kaya nagiisip ako ng isang magandang ilalagay sa 100th spot. hehe!
salamat sa paggawa parekoy, alam ko na ngayon kung bakit 'ME' ang gamit mo :)
ifm, uu ni-tagged po kita. di pala tayo puedeng seatmate kung may test sa math.. he he he..
dong, siguro nga tama si Lady O, kasi kahit papaano eh nakakagaan ng pakiramdam 'yong mga ganoong padale.. beautiful mind, russel crow ba 'to? mukhang kailangan kong panoorin to..
mix, alang problema bosing, take your time...excited na tuloy ako sa sentinaryo ng blogpost mo... he he he..
mb, walang anuman...'yon na 'yon kaya me..
nagpaparamdam..geehh...pagbalik ko...gagawin ko yan....matgal n ding tag sa akin yan e...heheh=)
tagal kong nawala dito....salamat sa pag gawa ng tag
Uy na extra pa ko dito. salamat ha. take care.
Post a Comment