Ang mangyan ay nagbalik.... (may tono 'yan ha....) at muli kang nasilayan.... hhhhmmmm...
Matapos nga ang humigit kumulang na dalawang linggong pananamlay ng aking karera sa balintataw ng mundo ng mga blogista, eh narito na nga akong muli. Nagbabalik..
Sa loob ng mga panahong iyon ay talaga namang alumpihit na ako dahil sa ni hindi man lang ako makasilip sa aking pahina, maging sa pahina ng iba kong mga kaswela.
Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano ko uumpisahan ang sanaysay na 'to.
Siguro, bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng mga kaswela ko sa patuloy nilang pagbisita sa aking pahina kahit ako ay wala. Maraming salamat po. At syempre maraming salamat rin at kahit papaano pala'y nangulila rin kayo sa aking pansamantalang paglisan.
Oki, eto na 'to.
Bilang umpisa, kaninang umaga, kasi nga medyo napasarap ang tulog ko (bumawi kasi naman halos dalawang linggo na rin akong kung matulog eh ala-una na) eh medyo atrasado na ang aking gising. Di na tuloy ako nakapag-agahan.
Matapos magpasalamat sa aking manlilikha, sipilyo, ligo, bihis (background sa TV si G. Abner Mercado ng The Correspondents - tungkol ata sa lumubog na barko ang topik), at handa na.
Naalala ko nga pala meron pa akong mangga sa ref ko, kaya naisip ko na 'yon nalang ang agahan ko.
Manggang Pilipinas 'to ha. Padala ng nanay ko galing pa nang Pinas, kaya naman ang bango-bango ng loob ng ref ko.
At inagahan ko nga ang mangga. Asa labas na ako ng bahay ha. Pangos-pangos ko lang 'yong mangga, hanggang sa sasakyan papasok ng opisina eh pangos-pangos ko pa rin si mangga. Ka-sarap eh!
At dahil nga siguro eh labis na nangulila ang aking dila sa lasa ng manggang Pinoy kaya naman buto na eh ayaw ko pang tantanan.
Sa bandang huli eh napag-isip-isip ko na itanim ang buto.
Kaya eto, matapos pangusin ang buto eh nakabalot na ngayon at mamya pag-uwi eh maitanim.
Maghintay nalang siguro ako ng mga ilang taon bago ko mapakinabangan ang magiging bunga ng butong 'to..
Pahabol lang: Tutal naman napag-usapan na lang rin naman ang mga amoy-amoy, interesting ang amoy ng Hinog na Manggang Pinas mixed with the scent of Polo Black. Smells weird though, but interesting.... smells like...aaah... don't know how to put it on a GP rating...ok, say smells like a "human fluid"..
11 comments:
gusto ko na rin ng mangga!!! waaah!!! bakit kaya every time may nagpopost ng tungkol sa pagkain eh bigla akong ginugutom?
pag namunga na yang tanim mo marvs pahingi ha!..mukhang matamis e..=)
ifm, tag-mangga na ba dyan? buti pa nga dyan eh laging may mangga, dito tinitipid ko 'tong 3 mangga ko... at talagang matamis talaga ang manggang pinoy..
rio, uu ba, ilang kaing ba? he he he, pero after 5 years pa ata 'yon... at ng-EB na kayo?...kaingit naman..
kawawa naman yung buto ng mangga, meron ngang kwento riyan na subra sa gusto ng buto ng mangga pag pang-os paglabas pwede nang ipandikit sa apoy kasi said ang katas, he he he, walang pinatawad talaga
di na naman tayo mga bata para di gamitin ang pagkakakilanlang amoy "SPERMEATIC?",para kahit papano GP and dating.tungkol nga diyan sa mangga, kahit nga napakamahal e sulit naman dahil sa kakaibang tamis.Dumaan din kasi ako nung isang araw sa tindahang Filipino sa Dubai at ang isang piraso nga ay nagkakahalaga ng 7 Dirham.Bumili ako tatlo at ayon, talagang sulit!
ang tagal ng pahinga ah kala nasobrahan ka lang sa jollibee dyan..ehheh
ngayon ko lang nalaman ganun pala ang amoy ng mangga..hehhh
visavis, eh wala eh, sabik sa mangga, he he he...katagal na gang hindi nakain ng mangga.
raymer, akalain mo 'yon at complete with scientific name pa.. he he he...mura ata ng mangga dyan, dito eh SR 29 ang kilo..
d. islander, di pa nga nasosobrahan sa jabee, eh sobra na sa pila.. he he he... ewan ko siguro medyo wierd lang yong sense of smell ko, actually 'yong amoy ng mangga mixed with the scent of polo black... he he he..
wala ka pang almusal ah. tapos mangga na? ang tibay ng tiyan ni master. hehehe.. at buti na lang may buto ang mangga kundi talagang wala ng natira. hehehe...
sayang wala akong polo sport na pabango, natry ko sana para malaman ang amoy na tinutukoy mo. ano kaya yun. ???
manggang pinas ang da best! yihaa! buti't nakabalik ka na sa buhay blogero.
paborito ko yung mga galing guimaras!
human fluid? ihi kaya?
.
kdr, tibay ba ng tiyan.. he he he.. sanayan lang siguro...ano kaya 'yong amoy, pag may polo black ka nalang, tas try mo, malalaman mo rin kung anong amoy...
abou, ano kaya 'yon??? hhhmm.... ihi? thicker please... he he he..
Post a Comment