Sunday, 13 July 2008

Mafi Shoukol

Sa aking pagpasok araw-araw, bukod sa kabi-kabilang hukayan, at syempre kung may naghuhukay ng kalsada eh meron ring masakit-sa-tumbong na traffic jam, kapansin-pansin rin ang dami ng mga tao sa gilid ng kalsada. Hindi ko lang masabi kung may mga pinagkaka-abalahan, o kaya naman eh nag-aagahan, o simpleng tambay.

Tambay? Walang piho.. kasi nasa Saudi eh. Ang mga tao pumupunta ng Saudi para magtrabaho, pwede rin sigurong tumambay…but doesn’t make sense… ganoonpaman, eh gusto nilang tumambay eh, ano magagawa ko.

Karamihan o karaniwan mong makikitang nakatambay (“tambay” na lang muna ang gagamitan kong salita) sa mga gilid-gilid ng kalsada ng Jeddah, Bawadi District – Siteen Road, kung saan madalas akong dumadaan patungong trabaho, eh mga Pana (Indiano – ang “Pana” ay hango sa Indian Pana kakana-kana!), mga Pako (Pakistan national), Baladiya (don’t want to be a bigot here, pero ‘yon talaga ang tawag sa mga Bangali (native of Bangladesh) dito, kasi usually janitorial jobs o baladiya type ang trabaho ng mga Bangali dito), kaya doon hinango ang palayaw nila. Meron ding mga Itim o kung tawagin dito eh Takruni; galing ng Africa, Utopia to be exact, pero meron ding itim na galing ng Sudan.

Ang Tanong: Ano ang ginagawa nila umagang-umaga sa gilid ng kalsada?

Ang Sagot: Sila raw ‘yong mga “Pick-up Boys”.

Opo, Pick-up Boys. Sila ‘yong mga nationals o ‘yong mga Expats sa Saudi na walang permanenteng trabaho.

‘Yong iba nga mga wala pang papel, kaya naman suki na ng mga Jawazat (mga pulis na nanghuhuli ng mga expat na walang kaukulang dokumento) ang ilan sa kanila.

Bakit Pick-up Boys?

Kasi, tuwing umaga ang gawain lang nila ay mag-abang sa tabing kalsada. Mag-abang ng mga taong pi-pick-up sa kanila para sa arawang trabaho.

Take note, ‘di lang sa umaga ‘to. Nag-aabang sila hanggang gabi, doon lang sa tabing kalsada.

Nakakalungkot. Buti na nga lang kahit naman papaano eh wala pa akong nakikitang mga Pilipinong Pick-up Boys dito, Pick-up Girls lang (sa ibang entry na lang siguro ‘yon). ‘Yon ang pagkakaalam ko ha, kasi sabi rin nila may ilang Pilipino rin ang nakatambay ngayon sa ilalim ng mga tulay dito, mga Pilipinong tumakas sa kanilang mga amo.

Sapalaran lang talaga ang pag-aabroad. Sabi nga ng ilan eh “Swertehan lang”.

6 comments:

Anonymous said...

antagal ko nang nababasa yang mga terms na yan tulad ng Pana at Pako. ngayon ko lang nainitindihan. informative!
kamusta na ang iyong paglulunggati sa Masayang Manok?:)
Godbless!

escape said...

talaga? may ganun palang trabaho na basta lang pupunta ka doon at kung may magpipick up swerte at kung wala uwi.

ganyan pala dyan.

Anonymous said...

sana nga walang pick up boys and girls na pinoy dun at forever ng wala... ganyan talaga... naisip ko na rin yan na swertehan talaga kaya siguro kelangan magpray talaga parati

Rio said...

nyay! nakakatakot naman dyan kuya!
napapaisip tuloy tlga ako kung mag aabroad p ako..

Anonymous said...

marvs, "shogul" ang pagbigkas ng g ay parang q, sa pagkakaalam ko.lam mo naman pinagkaabalahan ko yang salita nila nung naandyan pako.yang pagdami na alang trabaho ay index daw yan ng pag-unlad.dahil sa pagusbong ng teknolohiya, maraming trabaho noon na ginagamitan ng lakas pantao na sa ngayon ay makina na ang gumagawa

Si Me said...

bro utoy, now you know.. he he he... wala pa ring piho sa Masayang Manok, medyo konti na pila ngayon, ngalang ako naman ang walang panahon, medyo matrabaho kasi sa paligid-ligid.

dong, opo 'yan ang reyalidad ng pag-sa-saudi, may mapalad at may sawi.

ifm, opo kailangan talaga ang maraming panalangin, kasi at the end wala ka na talagang ibang makakapitan kung si Kristo diba...walang Pinay Pick-up? 'yan ang di ko kayang sagutin ng walang gatol...nakakalungkot.

rio, sabi ko nga pakikipagsapalaran ang pag-a-abroad eh, lalo na dito sa saudi, pero kung sa ibang bansa naman siguro, siguro ok naman... pero kung 'yong kikitain mo sa abroad eh kikitain mo naman dyan sa Pinas, e'di dyan ka nalang, kasama mo pa mga mahal mo sa buhay, diba..

raymer, ganoon ba.. salamat, sound like naman eh.. he he he... tama ka dun, 'yon nga siguro ang batayang antas ng makabagong pag-unlad ng isang bansa...ang laman ay napapalitan ng bakal.. tipid sila sa health care..