"If you do not lift them up,they will pull you down."
W.E.B. Du Bois
(1868-1936)
Usapang alimango.
Paborito ko ang alimango; aba sino ba naman ang makakatanggi sa matabang babaeng alimango na naninilaw-nilaw ang alige. Kahit pa ginataan, inihaw, sinigang, o kahit anong luto pa ‘yan, basta alimango, wala na tayong pag-uusapan.
Alimango raw ang tawag sa mga uri nito sa tabang, at alimasag naman sa alat. Sa amin sa Mindoro me tinatawag rin kaming “kuray”, ito ‘yong jumbo alimango. Kumbaga sa tao, maselan ‘to – puro muscles. Dahil nga maselan at talaga namang naglalakihan ang mga kuray na ito na karaniwang nahuhuli sa mga mapuputik na bahagi ng palaisdaan (kung minsan sa mga kanal rin), ang kapal din ng mga balat nito. Di tulad sa ibang uri ng alimango o alimasag na maaring kagatin na lang ang sipit eh mabibiyak na, sa kuray magdadalawang isip kang kagatin – kasi makapal nga at matigas ang balat nito. Kung matibay talaga ang ipin mo eh di mabibiyak mo ang balat nya sa kagatan lang, pero kung isang beses ka lang nagsisipilyo sa isang araw at medyo nagkukulang ka sa calcium, eh mabibiyak pa rin naman, ‘yon nga lang hindi ang sipit, kundi ang ngipin mo.
Lahat naman siguro ay nakakita na ng alimango o alimasag kahit minsan sa kanyang tanang buhay. Bukod sa dalawa nitong sipit na masakit maka-ipit na ginagamit nya bilang proteksyon eh meron pa rin ‘tong apat pang mga paa / galamay magkabilaan (na masarap sipsipin kung ubos na laman, aligi at sipit) – sampu lahat ang kanyang mga paa / galamay.
Sidebar: Crab is common name for any of a group of crustaceans characterized by a reduced abdomen and an enlarged and broadened anterior portion of the body. Although most common as bottom dwellers in the sea, crabs also occur in fresh water, and some venture onto land. Crabs are divided into two groups: true crabs (about 4500 species – kasama na siguro dito ang mga kalagukoy at talangka) and hermit crabs (“umang” ito kung tawagin namin sa Mindoro) and their allies (about 1400 species).
Scientific classification: Crabs belong to the order Decapoda, subphylum Crustacea, phylum Arthropoda. True crabs make up the infraorder Brachyura. Hermit crabs and their allies make up the infraorder Anomura. Fiddler crabs belong to the genus Uca, sand crabs to the genera Emerita and Blepharipoda, and hermit crabs to the genus Pagurus.
Maliban sa masarap nitong alige at yaman ng laman nito sa protina, kilala rin ang alimango sa kanilang kakaibang mga katangian – gaya na lang ng pagtakbo at paglakad nila ng pahalang. Subalit sa sarap at sa iba pang magagandang katangian ng isang alimango / alimasag, nariyan pa rin ‘yong pangit nilang ugali – paghihilahan pababa.
Crab Mentality.
Familiar siguro tayo sa mga katagang ito. Kasi malimit natin itong naririnig at kung minsan nga eh nagkakaroon ng kaganapan sa ating mga buhay.
Asa grade school pa lang ako eh narinig ko nang itinuro sa amin ang “Crab Mentality” na ‘yan, at hindi sa Science Class namin, kundi sa Sibika at Kultura. Sabi ni Ma’am Tria nun, likas daw sa nating mga Pilipino ang ganitong kaisipan – “Isip Talangka”. Oi, hindi ito ‘yong mga “utak talangkang” ginagamit sa mga usapan sa barberya na ang ibig sabihin eh “walang utak”.
E ano nga ba ‘to? Ang “Crab Mentality” o ang “Kaisipang Alimango” ay isang paghahambing sa ugali ng mga alimangong nasa isang buslo at nag-uunahang kumawala. Sa loob ng buslo ay kapansin-pansin ang pag-hihilahan ng mga alimango sa kapwa nila alimango. Kaisipang sa halip na naroon ang pagtutulungan para kumawala eh mas ninanais pa ng bawat isa na hilahin pababa ang sa buslo ay pilit na kumakawala. Ito ‘yong ugaling..hhhmmm.. di naman eksaktong “Ganid” o “Makasarili”… siguro sa pagitan ng dalawang ‘yon.
Akalain mong meron din pala ‘tong paliwanag sa Wikipedia.
Sidebar: Crab mentality describes a way of thinking best described by the phrase "if I can't have it, neither can you." The metaphor refers to a pot of crabs in which one tries to escape over the side, but is relentlessly pulled down by the others in the pot.
This term is broadly associated with short-sighted, non-constructive thinking rather than a unified, long-term, constructive mentality. It is also often used colloquially in reference to individuals or communities attempting to "escape" a so-called "underprivileged life", but kept from doing so by others of the same community or nation attempting to ride upon their coat-tails or those who simply resent their success.
It describes a selfish and desperate lust to pull other people down, denigrating them rather than letting them get ahead or pursue their dreams. It is an unwillingness to allow someone to get out of dire or bad life situations, often being foiled by friends and family members who keep sucking them back in. This trait can strike at several levels of life, like in office environments, particularly on promotion. It is a reflection of the famous saying “we all like to see our friends get ahead, but not too far ahead.”
Napunta dito ang panulat ko dahil sa aking napanood sa Balitang Middle East ng The Filipino Channel kagabi.
Isang kababayan sa Riyadh ang sinet-up ng kapwa nya Pilipino sa hindi pa malamang motibo. Si kabayan eh bagong salta pa lang sa Riyadh, ilang buwan pa nga lang ata sya sa trabaho. Na kung tutuusin eh nangangailangan pa ng patnubay lalo na sa kapwa nya Pilipino, subalit mali pala ang Pilipinong nakatagpo nya – ito ‘yong tipo ng Pilipinong maaari mong ipagkailang Pilipino ng maluwag sa puso mo.
Ano ang kwento ?
Ang pobreng kabayan tawagin nalang nating Juan (as usual) ay dumating ng Riyadh para magtrabaho. Dala marahil ang pangarap na sa wakas “sa aking munting kapamaraan ay mai-aahon ko sa kahirapan ang aking pamilyang iniwan sa Pilipinas”. Ayon sa kanyang mga kasama sa trabaho at sa bahay, matino naman si Juan, maayos at masigasig sa trabaho.
Ilang linggo pa nga ang lumipas eh dumating na ang Alimangaong Pinoy. Hindi ko lang naintindihan sa balita kagabi kung kaibigan ba ni Juan ang Alimangong Pinoy, dahil sa hindi pa rin maipaliwanag na kadahilanan eh binigyan umano ni Alimangong Pinoy si Juan ng isang SIN Card, este SIM Card pala.
Anong meron sa mahiwagang SIM Card?
Ang mahiwang SIM Card ay meron palang mga mahiwagang “caller”. Mga tawag at “caller” na nagdala kay Juan ngayon sa malalamig na selda ng Riyadh.
Nabanggit at ayon na rin sa pagkakaalam ng mga kasama sa bahay ni Juan, eh meron nga raw tumatawag na mga “katutubo” sa SIM na ‘yon na ibinigay ng Alimangong Pinoy. Mga tawag na nangangailangan ng mahiwang serbisyo. Serbisyong malinaw pa sa sikat ng araw na ipinagbabawal sa lugar na ito – ang pagmamasahe ng lalake sa kapwa nya lalake, maliban na lamang na lisensyado at propesyonal ang gagawa nito.
Sa isa ngang entrapment operation na isinagawa ng kapulisan ng Riyadh kasama ang isang Mutawa o Punong Ministro ng Islam, ay nahuli si Juan na nakikipagtalamitam sa isa umanong “parokyano”.
Wala mang matibay na ibidensya o hindi man nahuli sa akto si Juan, subalit ayon na rin sa mga dumakip na pulis at mutawa sa kanya ay “sapat na ang pakikipag-usap” nya sa parokyano sa kabilang linya. Ni hindi na nga nabanggit kung marunong nga ba talagang magmasahe si Juan kung saka-sakali mang totoo nga ang ibinibintang sa kanya.
Ilang buwan na ring nakakulong sa Riyadh si Juan, samantalang ang Alimangong Pinoy ay hindi na rin makita o mapangalanan man lang.
Nakakalungkot isiping merong mga ganitong klaseng Pilipino. Pilipinong wala man lang pagmamalasakit sa kanyang kapwa Pilipino.
Sa bandang huli, napaisip tuloy ako : “Pilipino nga kaya si Alimangong Pinoy ?”, kung ito man ang alimangong igagata, di bale na lang…magdi-dildil na lang ako ng asin.
Kung meron pang ibang mga Juan dyan, aba magdalawang isip muna tayo bago tayo magtiwala sa ibang tao, kahit na nga kababayan natin ito. Sabi nga “walang manloloko kung walang magpapaloko” ‘wag nating bigyan ng pagkakataon ang ibang pang Alimangong Pinoy na lokohin tayo at masakit eh ipagkanulo pa tayo.
At sa mga Alimangong Pinoy, mahiya ka naman…kapal ng balat mo ‘teng….siguro kuray ka ‘no?
My references, thank you :
1. Microsoft Student with Encarta Premium 2008 for my Crab Sidebars & Quotation
2. Balitang Middle East ng The Filipino Channel
3. http://www.wikipedia.com for my Crab Mentality Sidebars
4. http://www.thebiographychannel.co.uk for Behind Bars Image
5. http://www.ccgov.org for Crab on Basket Image
6. http://www.bluestargroup.co.uk for Caller Image
7. http://www.reef.crc.org.au for Crab Image