Thursday, 25 September 2008

Puyat ka na naman


I love to sleep, aba sino ba naman ang ayaw matulog.

Hhhmm.. siguro ‘yong mga bata, kasi ‘nong bata pa ako nagkaka-paluan pa kami ng nanay ko para lang ako matulog sa hapon maka-pananghalian, para raw madaling lumaki. Pero ngayon, pinapalo na ako ng nanay ko hindi para matulog kundi para gumising, aba hapon na ey tulog pa?...

Ewan ko ba naman kung bakit kung bata ka pa, eh para bang napakasarap maglaro sa hapon, ‘yong bang kasikatan ng araw. Ang sarap maglaro sa parang, maghabulan, tumbang preso, patentero, basta masarap maglaro sa ilalim ng araw ng mga panahong ‘yon. At ako naman bilang bata, pakiramdam ko eh bilanggo ako ng aking nanay tuwing hapon, kasi nga compulsory ang pagtulog noon.

Pero kasi nga likas na makukulit at pasaway ang mga bata, eh nakaka-gawa pa rin ng paraan para makatakas. Ang masakit nga lamang eh kung mahuli kang tumatakas, sigurado umaatikabong paluan na naman, di pa kasama na kurot sa singit.

Hindi ko lang alam ha, sa mga magulang, of all the places naman, BAKIT SA SINGIT PA???

Sabi ko nga kanina, eh nung mga bata pa noon tayo, pero ngayon “lumaki” na (salamat sa sapilitang pagpapatulog sa hapon), eh magbabayad ako on reasonable price para lang makatulog sa hapon.

Base sa mga pag-aaral, habang nagkaka-edad ang isang tao, eh nababawasan na rin ang karampatang tulog na kinakailangan ng kanyang katawan. Kung dati, sa kabataan eh kulang ang 10 oras na tulog sa magdamag, ngayon sa mga medyo nagkaka-edad, eh sapat na 7 hanggang 8 oras na tulog. ‘Yong nagkaka-edad, di naman ito ‘yong matanda na ha…say someone going north.

Maliban dito, eh marami na ring pinagkakaabalahan ang isang taong tumatanda, kaya kung minsan eh nakakalimutan na ring matulog. Mahilig na ring mag-puyat.

Kahit na sabihing I’m self proclaimed tulog-addict, eh kung minsan eh di ko pa rin maiwasan ang pagpupuyat. Ewan ko ba kung bakit, eh bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagpupuyat??

Una, napupuyat ako kung may nadaanan akong magandang palabas sa TV. Malikot ako sa remote control, pindut dito – pindut doon. Channel surfing – kung may masumpungan akong magandang palabas, e’di doon ako, kung wala naman I just set the TV on 30 minutes sleep timer.
‘Di ko lang naman kasi alam kung bakit kailangang dis-oras na ng gabi dapat ipalabas ‘yong mga magagandang panoorin, pede naman siguro ng mas maagang time slot eh. Kaya naman ang mga manonood very limited ang choices (1) abangan talaga, swerte lang kung me replay sa mas maagang oras, or (2) kung medyo “able”, eh i-record nalang then panoorin kahit anong oras.

Ikalawa, napupuyat ako kung may tinatapos akong basahin. Kahit anong babasahin. Komiks, libro, magazine, basa lang ng basa hanggang sa umiyak na ng kusa ang aking mga mata. Puede pala ‘yon, ‘yong iiyak ka ng walang emosyon. Na kung minsan eh sayang naman ‘yong luha, kaya lalagyan ko na lang ng emosyon.

Ano ba naman ang pinagbabasa ko?? pocket books… xx xx xx, katatapos ko lang ng Venetian Betrayal ni Steve Berry, and I recommend that book to those who like a fast-pace fact-fiction-brewed type. ‘Yong tipong all the history is there with all the dates and yet ‘di boring unlike the History Class before, and to those who want to know more about Alexander the Great, what’s the latest with the HIV and what the heck is this biological warfare.

Pangatlo, napupuyat ako once na nag-umpisa na akong maglinis. Ewan ko ba, kung bakit ba kailangang sa gabi ako maglinis ng bahay. And once na nag-umpisa na akong maglinis, I can’t be stop. Kahit minsan hindi na sa akin ‘yong spot na lilinisin ko, but still nagi-guilty or nabo-bother ako na di linisin, so to satisfy myself, e ‘di lilinisin ko na rin. Kasi lalo lang akong di makakatulog kung meron akong di natapos, baka mapanaginipan ko pa.

Dito sa compound we have our own room, but we have the common kitchen. And kitchen is my favorite place to clean. Don’t know if I’m sick or what, though we have cleaner here, pero di ako masaya sa linis nya; kaya naman kahit late at night eh pinagpupuyatan ko pa ring linisin ‘yong kusina. Ang sarap lang kasi ng pakiramdam kung nakikita kong malinis ‘yong paligid. And that makes me sleep.

I don’t know if this is weird, pero di ako makatulog kung meron pa akong dapat hugasan o tapusin. Gusto ko bago ako matulog lahat ng baso, kutsara, tinidor, plato, mangkok eh nahugasan at napunasan nang lahat at nasa lalagyan na. ‘Yong pitsel me tubig, ‘yong lalagyan ng yelo, me laman, ang takure me tubig na rin, para sa umaga eh iinitin na lang.

Dapat rin bago ako matulog, naka-handa na rin ‘yong damit na susuotin ko kinabukasan. Polo, undershirt, pants, underwear, pati medyas, kung minsan nga eh nagkakaroon pa ako ng dress-rehearsal bago ako matulog, xx xx xx, weird no?

At matapos ang lahat ng mga ‘yan… sigurado makakatulog na ako… that would be 2 o’clock in the morning, Wowowie na ulit ang palabas sa TFC.. xx xx xx.

Kaw, bakit ka napupuyat?

4 comments:

Abou said...

ako? napupuyat ako kapag hindi ako inaantok. ganun lang. ano mang pilit ko kasing matulog kung hindi naman ako inaantok e wala ding silbi.

*grin*

escape said...

at least nagpupuyat ka sa ganyan at hindi sa mga bisyong drugs at red light district.

Dakilang Islander said...

ang sarap mo pala maging kahousemate...linis lang ng linis...hehehh

Anonymous said...

medyo kakaiba siguro ako sa ngayong estado ng buhay..hindi ako nakikisabay sa indayog ng tawag ng mapanuksong karangyaang dala ng makabagong sibilisasyon.pag pangumaga ang pasok ko..7am.alas otso at kalahati pa lang ng gabi ay sinisikap ko ng mahiga, kasi 530am sundo ng transport namin.iba pa rin kasi ang may 8 oras kang matulog..masigla ka sa trabaho.Early to bed, early to rise.good for our health.