Tuesday, 7 October 2008

Salamat Ma'am, Salamat Sir

Pambansang Araw ng mga Guro ngayon, ayon ‘yan sa Umagang Kay Ganda, kanina. National Teachers’ Day, kaya naman HAPPY TEACHERS' DAY MA'AM, SIR! Araw ng mga dakilang guro na naging ikalawang magulang na nating lahat…nating mga mag-aaral.

Saludo ako at taas pa ang dalawang kamay (kahit paa pa) sa mga guro. Tunay nga na hindi natin matatawaran ang kadakilaan at ang pagpupunyagi ng ating mga guro na maiahon tayo sa kumunoy ng kamangmangan.

Merong mababit na guro. Merong mga gurong madaling kagiliwan ng kanyang mga mag-aaral. Meron naman kasing mga mababait at masisipag ring mag-aral na mag-aaral.

Syempre meron din namang medyo di kabaitang guro – tawag natin sa kanila noon eh mga “TERROR”. Sila ‘yong mga gurong di ka magdadalawang isip na mag-aral pagpasok ng silid aralan.

Sa post ko na’to eh binibigyang pugay ko ang lahat ng mga guro sa buong Pilipinas at sa lahat ng aking mga naging guro.

Kinder: Si Ma’am Ferrer
Bukod kay nanay yolly (nanay ko), eh si Ma’am Ferrer na ang nakagisnan kong guro. Si ma’am ang nagpakilala sa akin sa mga letra, sa mga bilang, maging sa iba’t-ibang hugis at kulay. Kay Ma’am Ferrer ako unang humawak ng lapis, though sa bahay eh puro guhit ng lapis ‘yong aparador namin. Sa loob rin ng silid aralan ni Ma’am Ferrer ako unang bumilang ng isa hanggang sampu ng walang shortcut. Si ma’am rin ang nagturo sa akin ng ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ, kaya naman noong araw na ituro nya yan sa akin eh naging parorito ko na tuloy ang alphabet soup, kahit na lumamig ang sabaw, basta mabuo ko lang ang ABC ko.

Kinder din ako ng una kung makasalubong ang aklat na ABAKADA. ‘Yong librong merong dilaw na pabalat; na ang nasa pabalat eh ang larawan ng isang ina katabi ang kanyang anak na lalaki at ito ay tinuturuan nyang magbasa. Feeling ko that time si Rizal at ang kanyang ina ‘yon, though hanggang ngayon eh di pa rin ako sigurado kung sino nga ba ang nasa pabalat ng ABAKADA.

ABAKADA ang una kong libro, una kung coloring book. At kahit naman papaano eh nasa loob ng linya ang kulay ko sa mga kulay berdeng aso. Kulay pulang mangga. Kulay dilaw na bao. Kulay asul na bebe.

Natapos ako ng kinder at aking napag-isip-isip na ABNKKBSNPLAKO!

Grade 1: Si Ma’am Caguete
Gaya ni Ma’am Ferrer, si Ma’am Caguete ang tipo ng guro na kagigiliwan mo. ‘Yon bang tipong magpapakabait ka talaga. Hindi dahil sa matapang o terror, basta mahihiya ka lang gumawa ng kawalanghiyaan noon (6 year old – walanghiya na ‘no), rephrase, mahihiya kang mangulit ng mangulit noon.

Dito ay mas lalo pa akong nahasang bumasa. As in BUMASA ha. Kasi di ko lang alam kung ano ang nasa isip ko noon kasi sa tuwing pababasahin kami ng sabay-sabay, aba kailangan talagang sigaw na ako, ata malakas na malakas.

B E B E

B A O

A S O

ANG BATA AY MATABA.

Si Ma’am Caguete ang bumuhay at luminang sa aking talento sa pagtula at pagsayaw. Opo, basta folk dance noon sigurado lagi akong kasali. Nag-umpisa lang sa isang naglalangis na bao dance, hanggang sa nasundan ng careñosa. Pistang bayan man o pista ng barangay sigurado tutula ako. (feeling makata.. xx xx xx)

Sa silid aralan rin ni Ma’am Caguete ko nakilala sila Cinderella, Snow White, ang Pangit na Bebe at si Pedro at ang mga Daga. Lagi kong dasal noon na sana hapon na, kasi 3 ng hapon eh mag-uumpisa ng mag-kwento si ma’am.

Eto ata ang baitang na magastos ako sa lapis.

Grade II: Ma’am Tria
Si Ma’am Tria mabait rin, pero strikto. Simpleng terror. Kung ayaw mong ma-kurit sa singit, magbait ka. Kung noong Grade 1 eh puro malalakas na basa, konting sulat at kwento-kwento, kay Ma’am Tria ako nagkakalyo sa daliri kakasulat.

Take note, ‘di na lapis ang hawak ko, ballpen na!!! Astig, feeling Grade 2 na talaga ako. Sabi-sabi noon na sa Grade 3 raw eh hindi na puwedeng “printed” ang sulat, kaya dito sa Grade 2 palang eh hinahasa nang magkabit-kabit. Kaya naman parang kinahig talaga ng manok ang aking papel at kwaderno.

Grade III: Ma’am Magparangalan
Kay ma’am Magparangalan ako unang nakahawak ng libro namin Science and Technology. Kulay berde. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yon, kasi ito ang librong naging dahilan ng aking kapahamakan at matinding truma noong Grade 3.

Nawala ba naman ang itong si libro, aba at ako ang napagbintangang nang-umit. Hindi ko alam kung bakit ako ang napagbintangan, pero ako talaga ang tinuturo ni ma’am, kaya naman ipinatawag ang tatay ko. Galit na galit si tatay nun, anak mo ba naman ang pagbintangang magnanakaw, diba… at the end, ala rin, nakita rin ang libro na mula sa kawalan ay basta na lang nakita sa ibabaw ng mesa.

Grade IV: Ma’am Guarin
Si Ma’am Guarin ata ang pinaka-mabait kong naging teacher. Basta mabait lang. Sa silid aralan ni ma’am ako unang gumawa ng mga kung ano-anong sulatin. Kasi meron kaming isang kwaderno para sa Sulating Pansanay, isa para sa Sulating Pamwakas. Di ko nga alam kong binabasa ba talaga ni ma’am ‘yong mga isinusulat namin eh. Basta isang beses ata sa isang linggo kaming nagsusulat, lalo na kung bagong balik galing sa bakasyon ng Pasko, sigurado ang titulo ng isusulat eh “ANG AKING PASKO”. Meron nga pala itong counterpart sa English, ‘yong Formal at Informal Theme.

Sa klase rin ni Ma’am Guarin ko na-appreciate kahit papaano ang Sibika at Kultura. Nalaman ko kung anong Region ba kami sa Pilipinas; na ang Manila pala ay kasama sa NCR o National Capital Region, diba…xx xx xx.

Grade V: Ma’am Arellano
Sa Grade V, marami na kaming teacher, kasi isang Subject, isang teacher na. Pero sa lahat eh si Ma’am Arellano ang paborito ko, kasi sya ang class adviser namin. Ang di ko makakalimutang project sa kanya eh ang koleksyon namin ko ng mga tula, mga bugtong, mga salawikaing Pilipino, kwenttong bayan, at mga joke. Si ma’am rin ang may pinaka-masarap na eys-kendi noon.

Grade V pa rin, si Ma’am Malacapo, teacher namin sa Sibika at Kasaysayan. Kung si Ma’am Arellano eh sa eys-kendi, si ma’am naman ang tirador ng Pom-poms. Na-addict rin ako sa Pom-poms noon, di natatapos ang klase kung ng hindi ako nakakadalawang Pompoms (PhP .50 isa).

Si Ma’am Morillo naman ang Science teacher ko noon, sa klase nya mas maintindihan ko ang photosynthesis, ang water cycle, at me Science Camp na rin kami this time. Me camping na rin sa Boy Scout at si Ma’am Morillo rin ang adviser. Laging may camping noon, pero sa gayak lang ako kasama, kasi that time well medyo hirap sa buhay, kaya alang perang pang-camping.

Si Ma’am Rosario, naman HELE (Home Economics & Livelihood Education) namin, natuto akong gumawa ng guava jelly, at magsulsi ng damit.

Si Mr. Hernandez naman sa Gardening namin, eto siguro ang pinaka-masaya sa lahat ng klase, maliban sa PE. Kasi dito gardening, pero laro laro lang sa pagtatanim. Kahit anong itanim, petchay, mustasa, at balatong.

Sa Art naman si Mr. Silla. Kay sir mas na-appreciate ko ang ART, mas naliwanagan ako sa color wheel, kala ko kasi basta nalang makulay na gulong lang ‘to. Mas naintindihan ko rin ang tamang pagtitimpla ng kulay, tamang diin ng lapis sa papel, paggamit ng watercolour, paggamit ng pastel at paggawa ng collage.



Sa Mathematics si Sir Guarin, isa rin sa mabait kong guro. Di ko nga alam kung paano ko naipasa ang math, pero dahil sa bait ni sir at sobra maunawain, eh ayon naipasa ko. Asawa sya ni Ma'am Guarin.




Grade VI: Si Ma’am Ferrer (ulit) at si Ma’am Gawat
Bumalik ulit si Ma’am Ferrer, kaso di na nya natapos ang buong taon. Kasi this time malalaki na rin kami, at di lang makukulit kundi matitigas na rin ang ulo. Hindi ata kami nakayanan ni Ma’am Ferrer, kaya ang pumalit sa kanya bilang aming class adviser si Ma’am Gawat. Mabait naman si ma’am kasi bata pa, medyo di pa madaling mapundi sa kaingayan namin. Pero ok naman.. xx xx xx

Elementary Teacher palang ‘to, ‘yong high school at college, sa sunod na post nalang ulit.

Sa lahat ng mga guro…

SIR / MA’AM MARAMING SALAMAT PO!

11 comments:

escape said...

buti naman at may nadaanan kang mabait na math teacher. hehehe... astig post. galing din ng title.

para sa mga matitinong guro, ipatuloy nyo ang inyong marangal na trabaho dahil bahagi kayo ng paghanda ng mga estudyante sa kanilang pangarap.

Anonymous said...

ay naku.... tandang tanda ko ang mga titsers ko kasi mula kinder hanggang paggraduate ko ng high school araw araw ko silang nakikita. pero di bale... bahagi rin sila sa pagmold ng pagkatao ko.. happy teacher's day kahit late man ito.

Anonymous said...

ang di malilimutang pompoms ni mam malacapo...di mo binganggit na hindi tuloy ang everyday quiz kapag every day ubos ang pompoms...tas pag wala ng pera ang mga pupils eh ipapa utang na lang ang pompoms...

Nebz said...

Very much grateful din ako sa mga naging guro ko noong elementary and high school. And I must admit, lahat ng naging pangarap ko sa buhay ay nabuo while I was in grade and high schools.

Salamat sa post mo. It made me remember my old teachers.

PoPoY said...

namiss ko ang mga titser ko.

naalala ko si Mrs. Galicia ang titser at adviser na pinaglaban na dapat ako talaga ang First Honor nung grade 2 ako. :)

Saludo ako sa mga titser!

offtopic:

Me, may chapter 3 na yung epiko ko. daan ka na lang sa site ko ha.hehehe

Dakilang Islander said...

naalala mo pa lahat ng mga titser mo nung bata pa...galeng ahh

Anonymous said...

oist marvin, bakit antagal mo walng post ha? bisibisihan ka din ba tulad ko? ahehe

Nebz said...

Oo nga. parang me pinagtataguan k yata ah...binabalikan ko ung blog mo pero walang bagong post.

Rio said...

tao po....kuya mangyan....tao po....
bakit wala pa din po kayong bagong post??? balik na po kayo....

Abou said...

lahat ng titser ko nung elementary me mga raket, madame itinitinda sa estudyante

Admin said...

Wow! Reminiscing the past....

Naks! Ako kasi masyado nang marami... Medyo tinatamad na akong alalahanin e... Pero for sure na makita ko naman mga naging teachers ko, nandun pa rin 'yung paggalang at paghanga.